You are on page 1of 2

Pangalan: _________________________________________________

Filipino Quarter 4 Week 2-3


Ang debate ay isang masining na pagtatalo sa paraang paligsahan o tagisan ng dalawang koponan na
magkasalungat ang panig hinggil sa isang isyu o paksa. Dito, ibinibigay ng magkatunggaling koponan ang kanilang
katwiran, opinyon at katibayan ukol sa paksa.
Proposisyon naman ang tawag sa paksang pagtatalunan o pag dedebatihan ng dalawang koponan. Pahayag
ito na layuning patunayan ng bawat koponan kung anuman ang kanilang panig.
Narito ang mga dapat tandaan sa paghahanda ng isang debate:
 Pangagalap ng datos- kailangan ang mga katibayan ukol sa paksang pagtatalunan anuman ang panig
sangayon o hindi sang-ayon ang koponan. Gagamitin ito sa pagmamatuwid o pangangatwiran kaya
nararapat lamang na mula ang mga datos sa mga mapagkakatiwalaan at napapanahong sanggunian.
 Balangkas- Ito ang paghahanay at pagsusunod-sunod ng mga katuwiran. Binubuo ito ng panimula,
katawan at wakas.
 Panimula- sa bahaging ito ipinapahayag ang paksa, kahalagahan ng paksa sa kasalukuyan, mga
kailangan sa pagbibigay ng katuturan ng talakay at pagpapahayag ng isyu.
 Katawan- binubuo ng mga tatlo o apat lamang na isyu. Ang bawat isyu naman ay binubuo ng
katuwiran at mga patunay na magpapatibay at makapagpapatotoo sa pinapanigan.
 Wakas- Ito ang buod ng isyung binigyan ng patunay
Kayarian ng Pangungusap
May tatlong anyo o kayarian ng pangungusap: payak, tambalan at hugnayang pangungusap.
1. Payak na pangungusap – ito ay nagtataglay ng isang diwa o kaisipan
Narito ang mga anyo o kayarian ng payak na pangungusap
1. Payak na simuno at payak na panaguri.
Halimbawa : Ang Bulkang Mayon ay tanyag dahil sa halos perpektong hugis- apa nito.
Simuno Panaguri
2. Tambalang simuno at payak na panaguri
Halimbawa : Ang Bulkang Mayon at Bulkang Taal ay dinarayo ng mga dayuhang turista.
Tambalang Simuno Payak na Panaguri
3. Payak na simuno at tambalang panaguri
Halimbawa : Ang Laguna de Bay ay ang pinakamalaking lawa sa Pilipinas at pangalawa sa
Payak na Simuno Tambalang Panaguri
pinakamalaking panloob nasariwang tubig na lawa sa Timog- silangang Asya.
4. Tambalang simuno at tambalang panaguri
Halimbawa : Si Sheena at si Jed ay magpinsan at magkaklase.
Tambalang Simuno Tambalang Panaguri
2. Tambalang Pangungusap – ito ay nagtataglay ng dalawang buong payak na pangungusap na pinagsama ng
pangatnig, tulad ng at, o, ni, ngunit, subalit, samantala, at iba pang kauri nito.
Halimbawa : Alagaan natin ang kapaligiran at lagi nating panatilihin ang kalinisan nito.
3. Hugnayang pangungusap - binubuo ng sugnay na nakapag-iisa at sugnay na di-nakapag-iisa.
Sugnay na nakapag-iisa ay nagtataglay ng buong diwa o kaisipan. Tinatawag din itong punong sugnay.
Sugnay na di-nakapag-iisa ay mayroon ding paksa at panag-uri ngunit hindi ito nagtataglay ng buong diwa o
kaisipan. Tinatawag din itong katulong na sugnay. Kailangang isama ito sa sugnay na nakapag-iisa upang maging buo.
Ano ang dokumentaryo?

Ang dokumentaryo ay nagbibigay impormasyon tungkol sa katotohanan, sitwasyon at reyalidad sa lipunan,


sa buhay ng isang tao o sa isang lugar. Ang layunin nito ay upang mapamulat o matuto ang tao sa tunay na sitwasyon
o pangyayari sa isang tao o lugar. Karaniwang nakatuon ito sa kahirapan at korapsyon, problema sa edukasyon at iba
pang suliraning panlipunan.

Dokumentaryong pampelikula- ay mayroong pangunahing layunin na magbigay-impormasyon, manghikayat,


magpamulat ng mga kaisipan at magpabago ng lipunan. Sa mas malawak nitong pakahulugan, ito ay isang
ekspresyong biswal na nagtatangkang makita ang realidad at katotohanan. Maaaring ibang tao o mga tao ang
gumaganap sa paglalahad ng kwento.

Dokumentaryong pantelebisyon- mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong


proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan. Ang
aktwal na tao at lugar ang ipinakikita, kasabay ang pakikipanayam sa mga ito.

Dokumentaryong pampelikula at dokumentaryong pantelebisyon- ay parehong naglalayon na imulat ang kaisipan


ng tao totoong sitwasyon o mga pangyayari sa lipunan.

Pagkakaiba ng Dokumentaryong Pampelikula at Dokumentaryong Pantelebisyon

Ano ang chat?

Ang chat ay maikling pag-uusap o pakikipag-usap sa isang palakaibigan at impormal na paraan. Tumutukoy
sa proseso ng pakikipag-usap, pakikipag-ugnay o pagpapalitan ng mga mensahe sa Internet. Nagsasangkot ito ng
dalawa o higit pang mga indibidwal na nakikipag-usap sa pamamagitan ng isang serbisyo o software na pinagana ng
chat.
Ang chat ay maaaring maihatid sa pamamagitan ng teksto, pasalita, audio, visual o audio-visual (A/V) na
komunikasyon sa pamamagitan ng Internet.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Lagyan ng tsek (√) kung
tama ang pahayag at ekis (x) naman kung hindi.
______________1. Ang dokumentaryong pampelikula ay mas mahaba kaysa sa dokumentaryong pantelebisyon.
_____________ 2. Ang dokumentaryong pampelikula at pantelebisyon ay parehong maaaring ipalabas sa isang
sinehan.
_____________ 3. Mas maraming matututuhan sa dokumentaryong pantelebisyon kaysa sa dokumentaryong
pampelikula.
_____________ 4. Ang dokumentaryong pantelebisyon ay mas mahaba kaysa sa dokumentaryong pampelikula.
_____________ 5. Mas malaki ang nagagastos sa paggawa ng dokumentaryong pantelebisyon kaysa sa
dokumentaryong pampelikula

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2. Gumawa ng 5 pangungusap na nagpapakita ng paggamit sa ibat- ibang kayarian ng
pangungusap.

You might also like