You are on page 1of 5

Learning Area Filipino Grade Level Ikaanim

W5 Quarter Ikatlo Date

I. LESSON TITLE Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t Ibang SItwasyon


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng
COMPETENCIES (MELCs) pangungusap.F6WG-Iva-j-13
III. CONTENT/CORE CONTENT Nagagamit sa usapan ang mga uri ng pangungusap sa iba’t ibang
sitwasyon:
o Natutukoy ang iba’t ibang uri ng pangungusap;
o Nakabubuo ng mga uri ng pangungusap sa iba’t ibang sitwasyon;
o Naisasabuhay ang pagamit ng mga uri ng pangungusap sa maayos
at epektibong pakikipagtalastasan.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning
Time Frame
Activities
A. Introduction 30 minuto Sa araling ito ay mapapalawak ang iyong kaalaman sa paggamit ng
Panimula mga uri ng pangungusap sa usapan at sa iba’t ibang sitwasyon. Inaasahan
ding malinang ang iba’t ibang kasanayang pangwika upang
magamit sa epektibong pakikipagtalastasan.

Basahin nang madamdamin ang bawat pangungusap sa tulong ng


mga bantas.
1. Inay, ito po ang regalo ko sa inyo.
2. Inay, ito po ba ang regalo ko sa inyo?
3. Inay! Ang ganda-ganda po ng regalo ko sa inyo!
4. Inay, pakitago po ang regalo ko sa inyo.

May pagkakaiba ba ang apat na pangungusap? Ano


ang napansin mo sa iyong tinig at intonasyon nang binasa mo ang
mga pangungusap?

Bago natin pag-aralan ang mga iba’t ibang uri ng


pangungusap, alamin muna natin ang kahulugan ng salitang
pangungusap.
Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salita na
nagpapahayag ng buong kaisipan.

Sa pakikipag-usap sa ating kapwa o sa mga kasama sa


bahay, gumagamit tayo ng mga iba’t ibang uri ng pangungusap
upang maipahayag o ipabatid ang ating iniisip o nadarama.

Pag-aralan natin ngayon ang iba’t ibang uri ng pangungusap ayon


sa gamit.

1. Paturol o pasalaysay – Ito1 ay uri ng pangungusap na


nagsasaad ng isang pahayag. Nagtatapos ito sa bantas na
tuldok (.).
Halimbawa: Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang
nakahahawang sakit mula sa karaniwang sipon hanggang
sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory
Syndrome (MERS) at Severe Acute Respiratory Syndrome
(SARS).

2. Patanong – Ito ay uri ng pangungusap na nagtatanong.


Nagtatapos ito sa bantas na tandang pananong (?).
Halimbawa: Ano ang magagawa mo upang maiwasan ang
pagkalat ng coronavirus?

3. Pautos o Pakiusap – Ito ay uri ng pangungusap na


nagpapagawa o nakikiusap na gawain ang isang bagay.
Nagtatapos ito sa bantas na tuldok (.). Kapag pakiusap ang
pangungusap, maaari itong magtapos sa tandang
pananong.
Halimbawa: Huwag mong gaanong nipisan ang aking
buhok. Pwede ka bang kumain ng masustansiyang
pagkain?

4. Padamdam – Ito ay uri ng pangungusap na nagpapahayag


ng matinding damdamin tulad ng tuwa, galit, poot at sakit.
Nagtatapos ito sa bantas na tandang padamdam (!).
Halimbawa: Naku! Tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19
dahil sa kawalan ng displina ng mga tao.

B. Development 30 minuto Alamin natin ngayon kung may alam ka na tungkol sa paggamit ng
Pagpapaunlad mga uri ng pangungusap sa iba’t ibang sitwasyon. Tingan mo nga kung
kaya mong sagutan ang pagsasanay sa ibaba.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin kung ang sumusunod na


pangungusap ay pasalaysay, patanong, pautos o padamdam. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.
1. Ang lupang nakatabon sa lugar sa hukay ay kanyang hinawan.
2. Inaninag niyang mabuti ang kabuuan nito.
3. Ha! Napakaraming metal na bola rito.
4. Ano ang ginagawa ng mga bolang ito sa loob ng templong ito?
5. Pag-aralan mo pa ang ilang mga bagay na may kinalaman
sa lugar na iyon.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Bigyan puna ang larawan. Bumuo ng


pangungusap gamit iba’t ibang pangungusap ukol dito. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.
Paturol/Pasalaysay
1.
2.
Patanong
3.
Pautos/Pakiusap
4. ________________________________________
Padamdam
5.________________________________________
Marahil alam mo na ang iba’t ibang uri ng pangungusap. Upang
higit na maunawaan at magamit ang mga ito sa pang-araw-araw
na pakikipagtalastasan sagutin natin ang karagdagang pagsasanay
sa Alab Filipino 6 p. 165-166.
C. Engagement 30 minuto Palalimin pa natin ang iyong kaalaman tungkol sa paggamit ng mga
Pakikipagpalihan uri ng pangungusap sa iba’t ibang sitwasyon. Sagutin ang mga
pagsasanay na inilaan upang lubos na maunawaan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sumulat ng sariling pangungusap
batay sa ibinigay na impormasyon at hinihinging anyo na nasa
panaklong. Gawin ito sa inyong sagutang papel.
1. Pakiabot mo nga ang aking kuwaderno at itatala ko ang
mga mahahalagang detalye na ibinigay ng ating guro.
(Pasalaysay)
2. Nabusog ang mga bata sa libreng unlimited lugaw na
hinaluan ng bitamina. (Padamdam)
3. Nagbigay ng libreng gupit sa mga bata ang barangay.
(Pautos)
4. Naghandog ng masusustansiyang pagkain ang pamunuan
ng lungsod para sa mga bata. (Patanong)
5. Isinagawa ang Clean and Green Program upang
mapanatiling malinis ang kapaligiran. (Pasalaysay)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gumawa ng usapan kung paano


maiiwasan ang nakakahawang sakit dulot ng coronavirus. Gumamit ng
iba’t ibang uri ng pangungusap. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Krayterya 5 4 3 2 1
Walang Mahusa Mahusay- Katamtama Kailangang
kapantay ang y husay ng Husay Paunlarin
kahusayan
Nilalaman May mataas Angkop Bahagyang Nauugnay Walang
na at angkop at ang kaugnayan
kaangkupan at nauugn nauugnay ang nilalaman ang
pagkakaugnay ay ang nilalaman ng ng naging nilalaman
ang nilalaman nilalam naging pagtalakay ng naging
ng naging an ang pagtalakay. ngunit may pagtalakay.
pagtalakay. naging kakulangan
pagtala g lalim at
kay. lawak.
Presentasy Organisado Maayos Hindi gaanong Hindi Hindi
on at sinuring ang maayos ang gaanong maunawa
mabuti ang pagkak nailahad ng maunawa a n ang
pagkakasunod alahad usapan. Hindi a n ang nilalaman
- sunod ng ng mga gaanong nilalaman ng usapan.
mga ideya o detalye naunawaan ng usapan.
kaisipan. . ang
nilalaman.
Gamit ng May mataas Wasto at Bahagyang Maayos ang Hindi wasto
Wika na antas tumpak wasto at tumpak pagkakabu ang
ng kawastuhan ang pagkakabuo ng o sa mga uri pagkakabu
at katumpakan pagkak mga uri ng ng o ng mga uri
sa pagkakabuo
pangungus ng
ng mga uri ng abuo pangungusap ap na pangungus
pangungusap na ng mga na ginamit. ginamit. ap na
uri ng ginamit.
ginamit. Wasto
pangun
rin ang gusap
pagbabanatas na
at iba pang ginamit.
sangkap
panggramatika.

Batay sa mga pagsasanay na iyong isinagawa, ano-ano ang


mga uri ng pangungusap? Paano natin ito ginagamit sa pang-araw-
araw na buhay?
D. Assimilation 15 minuto Sa puntong ito, ating sukatin ang iyong natutunan sa paggamit ng
Paglalapat mga uri ng pangungusap sa iba’t ibang sitwasyon. Maaari nang
sagutan ang pagsasanay sa ibaba.
Paano ninyo nabuo ang iba’t ibang pangungusap o
sitwasyon mula sa mga binigay na pangungusap? Ano-anong mga
pangungusap ang ginamit sa pagpapahayag ng naiisip at
nadarama ng mga nag-uusap?
Punan ang patlang. Gawin ito sa inyong sagutang papel.
Sa ating pakikipag-usap sa ating kapwa o sa mga kasama sa
bahay, gumagamit tayo ng mga uri ng mga pangungusap; ,
,
at upang maipahayag o ipabatid ang ating
o . Sa paggamit ng mga iba’t ibang uri ng pangungusap
malilinang at mapapalawak natin ang ating kasanayang pangwika
sa epektibong pakikipagtalastasan.
V. ASSESSMENT 10 minuto Pagyamanin pa natin ang iyong kaalaman at kasanayan tungkol sa
(Learning Activity paggamit ng mga uri ng pangungusap sa iba’t ibang sitwasyon. Sagutin
Sheets for Enrichment, ang pagsasanay. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Remediation or
Assessment to be given A. Sagutin ang Learning Activity Sheets (LAS) na ipinadala ng guro.
on Weeks 3 and 6)
B. Dahil sa patuloy na pag-init ng mundo, iba’t ibang trahedya ang
nangyayari tulad ng matinding pagbaha at landslide dulot ng
malalakas na bagyo. Magbahagi ng isang pangyayaring
nasaksihan o naranasan. Gumamit ng iba’t ibang uri ng
pangungusap. Isulat ito sa iyong sagutang papel. Pagkatapos,
basahin ang isinulat sa iyong kasama sa bahay.

Krayterya 5-4 3 2 1
Mahusay Magaling Katamtamn Kailangan
g Galing pang
paunlarin
Nilalaman Maymataas na May ilang Maraming Hindi nasunod
antas ng kamalian sa kamalian sa ng pangkat
kawastuhan sa paggamit ng paggamit ng ang
paggamit ng uri uri ng uri ng kahingiang uri
ng paningin paningin ang paningin ang ng paningin
ang nabuong nabuong nabuong ang
talakaranasan. talakaranasan talakaranasan nabuong
talakaranasan
.
Presentasyo May mataas na Masigla, Malikhaing Hindi
n antas ng sigla, masigasig at nailahad ang kakikitaan ng
sigasig at malikhaing nabuong sigla, sigasig
pagiging nailahad talakaranasan at pagiging
malikhain sa nabuong . malikhain ang
paglalahad talakaranasan paglalahad
ng . ng nabuong
nabuong talakaranasan
talakaranasan. .
Gamit ng May mataas na Wasto at Maayos ang Hindi wasto
Wika antas tumpak ang pagkakabuo ang
ng kawastuhan pagkakabuo sa mga uri ng pagkakabuo
at katumpakan ng mga uri ng pangungusap ng mga uri ng
sa pagkakabuo pangungusap na ginamit pangungusap
ng mga uri ng na ginamit sa talakaranasan na ginamit
pangungusap talakaranasan . talakaranasan
na ginamit sa . .
talakaranasan.
Wasto rin ang
pagbabanatas
at iba pang
sangkap
panggramatika.

Paano mo naiuugnay ang iyong sariling karanasan sa iyong


nababasa? Bakit mahalagang gamitin ang sariling karanasan upang
higit na maunawaan at mapalawak ang aralin? Sa susunod na aralin
ay tutuklasin natin ang paraan at kahalagahan ng pagtukoy sa mga
ito.
5 minuto Magsulat sa iyong kwaderno ng iyong nararamdaman o realisasyon
VI. REFLECTION gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na
Nabatid ko na
Naisasagawa ko na

Prepared by: DIANA JOY P. PAMA Checked by: MARIBETH C. RIETA


EPS-Filipino

You might also like