You are on page 1of 18

MGA PAGBABAGO SA

EKONOMIYA,
TRANPORTASYON AT
KOMUNIKASYON.
MGA IMPLUWENSYA NG KABUHAYAN

1. Kalakalan
2. Pananalapi
3. Agrikultura
4. Mga Industriya
5. Paggawa Ng Barko
6. Pagmimina
MGA IMPLUWENSYA NG KABUHAYAN
KALAKALAN
 Bago pa man dumating ang espanyol ang mga katutubo ay nakikipagkalakalan
na sa iba't ibang bansa tulad ng: China Hapon India Borneo Malacca ( Malaysia)
Siam (Thailand) At Cambodia.
 Pinagbawalan nila ang mga katutubo na direktang makipagkalakalan sa mga
dayuhan ang mga kalakal na dala ng dayuhan ay pinababa sa mga araba. mula
rito ay ipinagbibili sa mga Tsino p sa kapanalig na mga katutubo.
 Naging karaniwan ang madayang timbangan na ginagamit ng mga
mangangalakal.
 1825- ipinatupad ang paggamit ng timbangan sa anumang uri ng bilihin upang
protektahan ang mga Pilipino at lahat ng mga mangangalakal ay inatasang
gumamit ng timbangan na nakatala sa listahan ng pamahalaang kolonyal
MGA IMPLUWENSYA NG KABUHAYAN
PANANALAPI-
Mga salaping nagmula sa Mehiko
 peso -salaping pilak na gawa sa mehiko
 Maququina- malapad na salaping pilak Na doble sa halaga ng peso
 Barilla o barya- unang salaping metal na gawa sa tanso
 Dos Mundos O Columnario- baryang pilak na hugis bilog
Marso 19 1861- itinatag ang LA CASA DE LA MONEDA DE MANILA- gusaling gawaan
ng salapi sa Maynila.
 peseta - ang limang piraso ay katumbas ng piso
 alfonsino- salaping pilak na may imahe ni Haring Alfonso XIII ng Espanya
 Peso Fuertes- kauna-unahang salaping papel na inimbento sa Pilipinas noong 1852
sa El banco Español Filipino de Isabel II
MGA IMPLUWENSYA NG KABUHAYAN
AGRIKULTURA
1. Pagpapadala ng mga halaman mula sa mehiko upang itanim mo sa lupaing sakahan ang pilipinas:
 mais
 patatas
 kamote
 Papaya
 at pinya
Dahil sa sapilitang pagtatanim ng mga naturang halaman napabayaan ang
pagtatanim ng palay na naging sanhi ng pagbaba ng ani mula rito. Upang
magkaroon ng sapat na suplay ng bigas sa kolonya nagpasya ang pamahalaang
kolonyal na umangkat ng mga ng bigas sa vietnam, thailand at myanmar
simula 1850
MGA IMPLUWENSYA NG KABUHAYAN
MGA INDUSTRIYA
MGA IMPLUWENSYA NG KABUHAYAN

PAGGAWA NG BARKO
 Nagpatayo ang pamahalaang kolonyal ng mga
paggawa ng barko sa cavite marinduque mindoro at
camarines
 Ang kahoy sa paggawa ng barko ay kadalasang
nanggagaling sa mga kagubatang malapit sa naturang
pagawaan
 Ang mga pako at iba pang kagamitang metal ay
inaangkat sa tsina at hapon samantalang mga lubid ay
nagmula naman sa mehiko
MGA IMPLUWENSYA NG KABUHAYAN
PAGMIMINA
 Ang likas na yamang mineral ay kinontrol ng mga espanyol
 ang minahan sa bicol laguna at mountain province
 Dahil sa laki na salapi nakukuha ng pamahalaan hinikayat pa nito
ang mga mamamayang espanyol na magbukas pa ng iba pang minahan sa
iba pang kapuluan
 Nagkaroon ng minahan ng bakal sa Boso Boso Sa Laguna, Anggat At
Baliwag Sa Bulacan
 Nagkaroon ng minahan ng ginto sa surigao
 Granite sa angono rizal
 Marmol sa montalban rizal bataan at romblon
PAGBABAGO SA SISTEMA NG
TRANSPORTASYON
1. Pagpapagawa ng mga tulay at kalye-
 Tuwing tag-ulan ay maputik at tag-araw ay maalikabok ang mga naturang daanan kung kaya't mahirap
ang paglalakbay
 Kung kaya't sinimulan ng mga espanyol ang paglalagay ng mga bato sa mga daanan nilagyan ng mga arko
ang mga daan ng papasok at palabas sa mga lalawigan at bayan.
 Taong 1832 ay nagsagawa ng pag-aaral ang pamahalaang kolonyal upang magsagawa ng ruta patungo sa
mga lalawigan ng luzon

 Ang naturang pag-aaral ay tinawag na GUIA FORASTEROS o guide for strangers at inilathala noong 1834.
nakasaad sa aklat na ito ang ruta at mga anyong tubig na posibleng magamit na mga sasakyang pandagat
sa luzon ang naturang aklat ay ginamit ng pamahalaang kolonyal sa pagtatayo ng pantalan sa pangasinan
at ng mga tulay lansangan at gusali sa pampanga at sa albay.
PAGBABAGO SA SISTEMA NG
TRANSPORTASYON
PAGGAMIT NG SASAKYAN
 Paggamit ng karwahe at karomata bilang transportasyon ay
nagpabilis sa paglalakbay ng mga tao.
 Karomata- tulad ng kalesa na may dalawang gulong at hinihila ng
kabayo transportasyon na ginagamit ng mga karaniwang tao sa
mga pueblo at siyudad.
 Karwahe- tinatawag ding victoria na may 4 na gulong at hinihila
naman ang dalawang kabayo ang sinasakyan ng mga taong
kabilang sa mataas na antas ng lipunan at katutubong principalia.
PAGBABAGO SA SISTEMA NG
TRANSPORTASYON
PAGGAMIT NG SASAKYAN
Compania de los tranvias de Filipinas(1885)- Itinatag ni Jacobo
Zobel De Zangroniz at Adolfo Bayo - layuning mapabilis ang
transportasyon sa loob at labas ng Maynila.
TRANVIA(trambiya) – tren na hinihila ng kabayo ay mayroon na
patungong Intramuros Malate, Sampaloc at Tondo
TRANVIA de VAPOR- pinaandar ng singaw o vafor ay may ruta mula
Malabon at Binondo
PAGGAMIT NG ELEKTRISIDAD
 Inilawan ang mga kalsada na malapit sa tahanan ng mayayamang
Europeo At Pilipino gamit ang langis ng niyog. Tumagal ito hanggang
sa ika19 na siglo .
 1880- unti-unting nabago dahil sa paggamit ng petrolyo at
ipinagbawal ang paggamit ng kingke sa mga bahay na yari sa nipa
upang maiwasan ang sunog.
 Kingke- ay isang uri ng lampara na ipinangalan sa pranses na si
Antoine Quinquet.
 1893- itinatag ang Electricista De Manila na mula noon ay nag suplay
ng kuryente sa intramuros at mga karatig po tanging may kaya
lamang ang nagpalagay na linya ng elektrisidad dahil may
kamahalan ang singil sa kuryente
PAGBABAGO SA SISTEMA NG
KOMUNIKASYON
 Ang pagpapadala ng liham ay karaniwang paraan sa paghahatid ng mensahe
noong panahon ng espanyol sa pilipinas
 Mas bumilis ito na magkaroon ng bapor kung kaya't ang pagpapadala ng liham ay
iniabot na lamang ng dalawa hanggang limang araw.
 Ma lalong bumilis ang pagpapadala ng mensahe ng naimbento ang telegrama
noong 1872.
 Unang nagpadala ng mensahe sa telegrama mula maynila patungong cavite sa
loob ng ilang minuto lamang mula sa kapuluan.
 1880- nagsimula sa kapuluan ng paglalagay ng kable ng telegrapo na
nagpapadala at tumatanggap ng mensahe sa pamamagitan ng tunog na may
katumbas na letra o telegrama.
 1890- nagkaroon na rin ng linya ng telepono sa maynila .
Quiz
1. Anong taon nagkaroon ng linya ng telepono sa maynila ?
2. Ito ay isang uri ng lampara na ipinangalan sa pranses na si Antoine
Quinquet.
3-4. Dalawang uri ng sasakyang tren na nagpabilis ng trasportasyon sa
maynila.
5. Ito ay Tawag sa kauna-unahang salaping papel na inimbento sa Pilipinas.
6-13.Apat na uri ng salaping nagmula sa Mehiko.(ipaliwanag Bawat isa)
14. taon kung kailan ipinatupad ang paggamit ng timbangan sa anumang uri
ng bilihin upang protektahan ang mga Pilipino at lahat ng mga
mangangalakal.
15.Anong uri ng mineral ang itinayongminahan ng mga Espanyol sa Angono
Rizal?

You might also like