You are on page 1of 26

ANG

KONSEPTO
NG
PAGLABAG
SA
KARAPATAN
NG TAO
Sinabi ng batikang pilosopong Pranses na si
Jean-Jacques Rousseau na, “Ipinanganak na
malaya ang tao, ngunit siya’y alipin saan man
pumunta”. Ibig sabihin, ang tao ay may
malayang pag-iisip at pagkilos mula sa
kapanganakan, ngunit nagsimistulang alipin
dahil sa mga paglabag sa kaniyang mga
Karapatan. Ang makasarili, hindi makatarungan
at hindi pantay na pagtrato ng ibang tao sa
kanilang kapwa sa ilalim ng batas ay
nagdudulot ng mapang-aliping kamalayan sa
isang taong malaya.
Paano nawawala at naisawawalang
bahala ang pagkakapantay-pantay
ng bawat indibidwal o pangkatan ng
mga tao sa ilalim ng batas sa isang
lipunan?
Nawawala ang pagkakapantay-pantay ng lahat
ng tao kapag nasusupil, ipnagkakait o nilalabag
ang kanilang mga karapatan. Hindi nakabubuti
para sa tao ang mawalan ng karapatan,
sapagkat ang pagkakaroon ng karapatan ay
likas sa kaniyang pagiging tao. Kung
mawawalan ang tao ng likas sana niyang taglay
tulad ng karaptan, ang pagkawala nito dahil sa
paglabag ay magdudulot ng masamang epekto.
Sa harap ng sari-saring batas na nangangalaga
sa karapatang pantao tulad ng Pandaigdigang
Deklarasyon ng Karapatang Pantao at ang
kalipunan ng mga Karapatang Pantao sa
Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ng
1987, nakakalungkot malaman na mayroon pa
ring mga paglabag sa karapatang pantao ang
nagaganap sa pamayanan, bansa at sa
daigdig.
MGA SANHI NG PAGLABAG SA
KARAPATANG TAO
Mayroong tatlong sanhi na maaaring
makapagpaliwanag sa mga paglabag sa mga
karapatang pantao. Ating alamin kung bakit
nagiging sanhi ang bawat isa.
1. Ideolohiya
  May mga paniniwalang nais isulong ng isang
pangkat ng lipunan upang idikta sa iba pang pangkat
ang nararapat na pagpapatakbo sa buhay ng tao rito.
Ang tawag dito ay ideolohiya. Ang ideolohiya ay
ang iba-ibang pananaw ng tao na humuhubog sa mga
damdamin at pangarap ng tao tungo sa hinahangad
nitong kaayusan ng kaniyang buhay.
Halimbawa:
Kung ang isang estado ay may ideolohiyang
isulong ang sariling paghahari sa iba pang
estado tulad ng Nazismo, ito ay paglabag sa
karapatang panlahat ng tao sa Kalayaan at sa
pagkamamamayan. Ang ideolohiyang
panrelihiyon ay isa rin sa mga pangunahing
sanhi ng paglabag sa karaptang pantao. Dito
nag-uugat ang sapilitang pagpapatupad ng
isang relihiyon sa pangkalahatan sa
pamamagitan ng dahas, pananakot at
pananakit. Ang terorismo ay umusbong sa
radikal na ideolohiya sa pananampalataya.
2. Kalakaran sa Kultura
  Sa isang lipunan, may kinikilalang kalakaran o
kaayusan na naaayon sa pamumuhay ng bawat tao.
Nguit maaari itong makita bilang mapanupil sa
kaayusan ng ibang tao sa loob ng lipunan.
Halimbawa:
May lipunang kumikilala lamang sa
kahalagahan ng mga kalalakihan na maaaring
magkaroon ng panunupil sa Karapatan ng mga
kababaihan. Bukod dito, maibibigay din nating
halimbawa ang paglabag sa Karapatan ng mga
pangkat etnikong bahagi ng pagkakabuo ng
ating kasaysayan na sanhi ng maling
kalakaran. Dahil sa paghahangad at kasakiman
ng ilan sa pag-aari ng mga lupain ng mga
pangkat etniko, ipinagtabuyan nila ang mga
minoryang pangkat sa ngalan ng
modernisasyon.
3. Kaisipang Pang-ekonomiya
  Dahil sa pagiging maramot ng iilang grupo ng
tao sa mga likas na yaman, nagkakaroon naman ng
panunupil sa karapatan sa masaganang pamumuhay
ng ibang taong nangangailangan nito. Makikita ito sa
kalakaran ng ekonomiya at sa konsepto ng
kakapusan ng mga likas na yaman.
Halimabawa:
Ang paggawa ng isang tao ay lubos na
mahalaga sa isang pambansang ekonomiya,
ngunit ang hindi pagbibigay ng karampatang
sahod ayon sa ginawang trabaho ng isang
manggagawa ay lumalabag din sa Karapatan
niyang mamuhay nang masagana. Isa pang
halimbawa ay ang pang-aalipin na sanhi ng
kaisipang pang-ekonomiya. Dahil patuloy sa
pagyabong ang ekonomiya, maraming mga
pag-aari ng kompanya amg gumagamit ng
sapilitang paggawa upang maisakatuparan ang
kanilang mga balakin tungo sa kaunlaran.
Sinasamantala nila ang kahinaan ng iba upang
magtagumpay sa negosyo.
MGA EPEKTO NG PAGLABAG SA
KARAPATAN NG TAO
Malaki ang epekto sa pamayanan, bansa, at sa
daigdig ang paglabag sa mga karapatang
pantao tulad ng mga sumusunod:
1. Kahirapan
  Dahil sa panlalamang ng iisang pangkat ng tao
sa larangan ng ekonomiya, nagkakaroon ng paglabag
sa karapatang pantao. Ang isang bunga nito ay
kahirapan. Ang kawalan ng sapat na ikabubuhay ang
pangunanahing larawan ng kahirapan. Nagkakaroon
ng hindi pantay na pagbibigay ng pangangailangan
ng bawat tao at nagkukulang ang karamihan nito.
2. Kaguluhan at Karahasan
  Nagiging bunga ng mga pagkakaiba sa
ideolohiya at sa kalakaran ng lipunan ang kaguluhan
at karahasan tuwing ito ay isinusulong at idinidikta
ng isang pangkat ng lipunan sa iba pang pangkat.
Isang halimbawa nito ay ang terorismo. Ito ay ang
paggamit ng pananakot at dahas upang isulong ang
nais na kaayusan ng isang pangkat ng lipunan.
3. Kawalan ng Moralidad
  Nawawalan ng pamantayan para sa
kabutihan ng lahat kapag may paglabag sa
karapatang pantao. Hindi nakikita ang
mabuti sa masama o ang tama sa mali at
nawawalan na ng galang para sa mga
mahahalagang elemento ng lipunan, lalo na
sa pamilya, tao o grupong lumalabag sa mga
karapatan ng iba.
Anu-ano ang mga
halimbawa ng
Paglabag sa mga
Karapatang Pantao?
Maraming anyo at halimbawa ng
paglabag sa mga karapatang pantao
ang araw-araw na nagaganap sa halos
lahat ng bahagi ng mundo. Nadidinig,
napag-aalaman at napapanood pa natin
ang mga paglabag na ito. Ating
tatalakayin ngayon ang tatlo sa mga
pinakamaraming halimbawa ng mga
paglabag sa karapatang pantao. At
unawain natin ang mga taong naging
biktima ng mga ganitong paglabag. Pag-
isipan din natin kung paano nating
matutulungan ang mga biktima sa mga
halimbawang tatalakayin.
Pagpapaliwan
ag

Karapatan
Kaganapan
g Pantao
1. Maraming Estadistika
Modernon biktima sa ng
g Pang- sapilitang Modernong
aalipin paggawa. Pang-aalipin
Ayon sa sa Pilipinas
International Mula 261,
Labor 000 na
Organization katao (2015)
(ILO), isang hanggang
organisasyong 401, 000
nagtatanggol (2016) o
sa karapatan 0.40% ng
ng mga populasyon
manggagawa, ng bansa ay
ang nakaranas
modernong ng pang-
pang-aalipin ay aalipin.
ang paggamit
Mga anyo
ng dahas at
ng pang-
pananakot
aalipin:
upang
pagtrabahuin Sapilitang
ang isang tao paggawa
para sa (Forced
kabuhayang labor)-
hindi niya pinili ispesipiko
o ginusto at ng mga
walang manggagaw
anumang a sa labas
naibibigay na bansa.
sapat na Pagsusunda
kabayaran lo para sa
para sa mga
kaniyang rebeldeng
paggawa. pangkat
Ang (Child
modernong soldiers)-
pang-aalipin ay ispesipiko
nakapagdudul para sa mga
ot ng kabataan.
matinding Prostistusiyo
kahirapan sa n-ispesi piko
maraming
taong kabilang para sa mga
sa kalakarang kababaihan.
ito. Nilalabag
din nito ang
karapatan ng
isang tao na
magkaroon ng
mabuting
kabuhayan,
gayundin ang
ilang
karapatang
sibil tulad ng
pagbuo ng
pamilya,
pamamahinga
at iba pang
may
kaugnayan sa
pangangailang
an sa lipunan.
Sa Pilipinas,
mahigpit na
ipinagbabawal
ang pang-
aalipin sa bisa
ng Batas
Republika
Bilang 9208 o
Anti-Trafficking
of Persons Act
at ng Batas
Republika
Bilang 9231 o
ang Special
Protection of
Children
Against Child
Abuse,
Exploitation,
and
Discrimination
Act.
2.Kaharas Ayon sa mga Mga Kaso
an Laban ulat, iba-iba ng
sa mga ang dahilan ng Karahasan
Pangkat karahasan Laban sa
Minorya laban sa mga Mga Lumad
minoryang sa
pangkat. Ang Mindanao
iba ay Panahon:
tumutukoy sa Agosto
kawalan ng hanngang
kapayapaan sa Setyembre
pagitan ng 2015
pamahalaan at
Mahigit
ng mga
dalawang
rebeldeng
libong
pangkat, at
Lumad ang
ang iba naman
umalis sa
ay sa
kanilang
kaisipang
mga
pangkabuhaya tahanan
n dulot ng dahil sa
kinalalagyan karahasang
ng kanilang dulot ng
lupain na labanan sa
napaliligiran ng pagitan ng
mga minahan. mga
Lubos na rebeldeng
nakakasama pangkat at
ang ganitong militar.
uri ng Siyam na
karahasan lumad ang
laban sa mga napatay,
minoryang hindi pa rin
pangkat na matukoy
nagdudulot ng kung sino
pagkawala ng ang may
kanilang sala.
tahanan at Inaresto ng
kabuhayan, mahigit
labis na
pagkagutom at
pagkauhaw,
kawalan ng
kapayapan,
kahirapan at
pagkawalay sa
pamilya, ang labinglimang
mga ito ay katao nang
nagdudulot ng walang
matinding anumang
paglabag sa pahintulot ng
karapatan ng korte dahil
mga pangkat hinihinalang
minorya. kabilang sila
Ipinagtatanggol sa rebeldeng
ng pangkat.
Konstitusyon
ang karapatan
ng mga
pangkat
minorya sa bisa
ng Artikulo II,
Seksiyon 22 at
ng Batas
Republika
Bilang 8371 o
ang Indigenous
People’s Right
Act of 1997.
3. Ang terorismo Ang Islamic
Terorismo ay tahasang State (IS)
paghasik ng Bilang
lagim sa mga Teroristang
pamayanan sa Pangkat
loob ng bansa Panahon
upang mula noong
maiparating 2014:
ang hangarin Teroristang pangkat ng Al-
ng isang Qaeda na bumomba sa Worl

pangkat para d Trade Center Twin Towers


sa lungsod ng New York City
sa pansariling sa Amerika noong

kapakanan. Setyembre 01, 2001 na


ikinamatay ng mahigit sa
May iba-ibang 3,000 na katao.

paraang Naniniwala
ginagamit ang silang sugo
mga teroristang sila ng diyos
pangkat tulad na may
ng layuning
pambobomba, bumuo ng
pamamaril, maraming
pagdukot sa teritoryong
mga tao upang Islamiko.
gawing Umatake
hostage. ang mga
Ang terorismo terorista ng
ay nagdudulot 143 beses
ng kaguluhan sa 29 na
at kawalan ng bansa,
kaayusan at kabilang dito
kapayapaan. ang
Maaaring
maganap ito
saang panig ng
daigdig.
Ang patuloy na
karahasan sa
Iraq at Syria
dahil sa pag-
usbong ng ISIS
(Islamic State
of Iraq and Pilipinas.
Syria). Sa
kasalukuyan
ang mga ISIS
ay patuloy na
naghahasik ng
pangamba at
krimen sa iba’t
ibang bahagi
ng daigdig.
PAGTUGON SA
MGA PAGLABAG SA
KARAPATANG
PANTAO
Sa paglala ng mga kaso ng paglabag sa
karapatang pantao, mahalagang
mapaigting ang pangangalaga at
pagwawakas nito upang makamit ang
ganap na kapayapaan at pag-unlad sa
lipunan. Ang ilang paraan ng pagtugon
sa mga p
1. Pangangalaga sa mga Karapatang
Pantao
  Mahalaga ang edukasyon sa patuloy na
pangangalaga sa mga karapatang pantao sa
pamayanan, bansa at sa daigdig. Ayon sa
Human Rights Resource Center (HRRC),
“ang tahasang pagsusuri, pagpaplano at
pagbibigay karampatang ebalwasyon at
follow-up” sa pagbabahagi ng kaalaman at
pag-unawa sa karapatan ng mga tao sa isang
pamayanan. Narito ang ilang paraan upang
mapangalagaan ang mga karapatang pantao
sa pamamagitan ng edukasyon ayon sa
HRRC:
 a. Pag-aalam sa nilalaman ng
Konstitusyon ng 1987 at sa Pandaigdigang
Deklarasyon ng Karapatang Pantao dahil ito
ang batayan sa lahat ng karapatan.
 b. Pagsasagawa ng seminar at workshop
tungkol sa mga naging paglabag sa
karapatang pantao.
 c. Pagsulat sa mga pahayagan tungkol sa
mga magagandang epekto ng kaalaman at
kamalayan sa mga sariling karapatang
pantao.
 d. Paglabag na ito sa karapatang pantao
ay sa pamamagitan ng pagtatanggol at
pagtulong upang malutas ang mga naturang
kaso ng paglabag.
2. Paglutas sa mga Kaso ng Karapatang
Pantao
  Ang lahat ng mamamayan ay may
kakayahang makatulong sa paglutas ng mga
kasong paglabag sa mga karapatang pantao
sa sariling pamayanan. Ngunit ito ay
kailangang dumaan sa isang legal na proseso
na mahalagang susundin upang maiparating
sa kinauukulan ang mga naturang kaso at
makapagbigay ng karampatang solusyon.
3. Mga Sumbungan ng Paglabag sa
Karapatang Pantao
  Bawat lugar sa Pilipinas ay may mga
himpilan na maaaring puntahan upang
magsumbong o makakuha ng tulong upang
mapangalagaan at maipagtanggol ang
karapatang pantao.
 a. Barangay Human Rights Action Center
(BHRAC) - makikita ito sa lahat ng
barangay sa Pilipinas. Ito itinataguyod sa
pangunguna ng DILG at CHR.
 b. Commission on Human Rights (CHR)
– bukas ito sa bawat pagdinig sa anumang
kaso ng paglabag sa karapatan ng mga
mamamayan.
 c. Civil Service Commission -sumbungan
para sa anumang reklamo sa anumang
trabaho ng mga opisyal o empleyado ng
pamahalaan na siya ring lumalabag sa
karapatan ng mga mamamayan sa sapat,
mabilis at akmang serbisyong panlipunan sa
lahat ng tanggapan ng pamahalaan.
PAGNINILAYAN:
Bilang isang mag-aaral, ano ang
maaari mong gawin upang maiwan
ang mga kaganapang may
kaugnayan sa paglabag ng
karapatang pantao?
Ayon kay Barbara Lewis sa kanyang
aklat na “The Kid’s Guide to Social
Action”, may isang prosesong maaaring
gawin ang mga mag-aaral upang
makatulong sa paglutas ng kaso ng
paglabag sa karapatang pantao. Ito ay
binubuo ng sumusunod na hakbang:
  Pumili ng isang kasong ng paglabag na
malapit sa pamayanan at bumuo ng isang
proyekto tungkol dito.
  Magsaliksik tungkol sa kasong ito.
  Subuking makapag-isip ng mga
solusyon.
  Kumuha ng grupong susuporta sa
proyekto upang malutas ang kaso.
  Alamin kung sino ang maaaring
kumalaban sa proyekto.
  Ipahayag o ipaalam sa publiko
  Lumikom ng pondo para makatulong sa
mga biktima nito kung kakayanin
  Isagawa ang mga plano.
  Suriin ang mga nagawa.
  Kung patuloy ang pagkabigo, huwag
sumuko.
Kung ating sasaliksikan, hindi kailaman
nagiging hadlang ang pagiging bahagi
ng kabataan ang pagiging mulat sa
lipunan. Ang mga naibigay ni Barbara
Lewis na mga pamamaraan bagama’t
simple lamang ang mga ito maaari
nitong matulugan ang ating suliraning
may kaugnayan sa pagpapamahalaga
sa ating mga Karapatan bilang mga
mamamayang Pilipino.
PAGLALAHAT:
Ang pag-aaral sa Paglabag sa
Karapatang Pantao sa konteksto ng
mga pangyayaring ating nararanasan
ngayon sa ating bansa ay malaking
tulong upang maging isang mabuting
mamamayan. Sa araling ito, iyong
natutunan ang tatlong sanhi ng
paglabag sa karapatang pantao:
ideolohiya, kalakaran at kultura at
paniniwalang pang-ekonomiya. Tatlo rin
ang maaaring maging epekto ng
paglabag sa karapatang pantao:
kahirapan, kaguluhan at karahasan at
kawalan ng moralidad. Maaari ring
magsama-sama ang mga epekto na ito
sa isang lipunan. Upang makatugon sa
mga paglabag sa mga karapatang
pantao, kinakailangang pangalagaan
ang mga karapatan sa pamamagitan ng
edukasyon tungkol sa karapatang
pantao at ipagtanggol ang mga
karapatan sa pamamagitan ng
pagpaparating sa kinauukulan ng mga
naturang kaso upang mabigyan ito ng
karampatang solusyon.
Binabati kita sapagkat iyo ng natapos
ang ating pangalawang paksa sa
ikatlong markahan. Upang malaman
ang iyong kaunlaran sa paksang ito,
humanda sa isang aktibidad na siyang
magpapatibay pa sa iyong kaalaman.
Pagpalain ka!

You might also like