You are on page 1of 34

Panitikan Hinggil

sa
Kahirapan

Bb. Mary Grace C. Villarosa, LPT


MGA SANGKAP NG
KAHIRAPAN

Ang Limang Malalaki


ni Phil Bartle, PhD
isinalin ni Dionisio R. Vitan III
Kahirapan
Ang kahirapan ay tumutukoy
sa kalagayan o katayuan ng
isang tao na walang isang
halaga ng mga pag-aaring
materyal o salapi.
Kawalang-Kaalaman
• Ang kawalan ng kaalaman ay
nangangahulugan ng kakapusan sa
impormasyon o kahibalo. Iba ito sa
pagiging bobo na ang ibig sabihin ay
kakapusan ng talino. Iba rin ito sa pagiging
tanga o hangal na kakapusan naman sa
karanasan. Madalas kasi na ang tatlong
ito ay napapagpalit-palit at madalas
inaakala ng mga tao na iisa lamang ang
kahulugan nila.
• Mahalaga na malaman at maintindihan
kung anong impormasyon ang hindi
napaloob. Maraming nagpla-plano at
matatalinong mga tao ang naniniwala na
kung nais mong tulungan ang isang
pamayanan na lumakas, ito ay nakasalalay
sa edukasyon. Ngunit ang edukasyon ay
maraming mga mukha at bagay
• Itinutuon ang pag-aaral sa mga kaalaman
sa kung papaano magkakaroon ng
kakayanan na lalo pang lumakas ang isang
pamayanan.
Sakit
• Kapag ang isang pamayanan ay may mataas na
antas ng pagkakasakit, mas madalas ang
pagliban sa trabaho, mas mababa ang
produksiyon, at mas maliit na kita ang
nagagawa. Maliban sa mga bagay na hatid ng
mga sakit, tulad ng paghihirap, kawalan ng
saya, at kamatayan, ito rin ay isang malaking
sangkap sa paghihirap na nadarama ng isang
pamayanan. Ang pagiging malusog ay hindi
lamang nakatutulong sa isang tao upang
mamuhay ng maayos. Ito rin nakakaragdag sa
pag-alis ng kahirapan sa isang pamayanan.
Kawalang-Pagpapahalaga
Ang kawalang-pagpapahalaga ay nangyayari sa tao
kapag nawalan na sila ng pakialam, o kung pakiramdam nila
ay wala silang kapangyarihan upang mabago ang mga
bagay sa paligid nila, na itama ang isang kamalian o
pagkakamali, o kaya ay gawing mas mainam ang ayos ng
kanilang pamumuhay.
Minsan, ang mga tao ay nakararamdam na hindi nila
makakamit ang isang bagay. Madalas rin na nakararamdam
sila ng selos o inggit sa mga kamag-anak o tao sa
pamayanan na nagsisikap na makamit ang mga bagay na
hindi nila masubukang kamtin. Pagkatapos ay pinipilit nilang
ibagsak ang taong nagsisikap upang maging katulad nilang
naghihirap rin. Ang pagiging walang pakialam ay
nagbubunga ng kawalan ng pagpapahalaga.
Kawalang-Pagpapahalaga
• "Tanggapin kung ano ang nandiyan, dahil itinakda
na ng Diyos ang iyong kapalaran."Ngunit ang
ganyang paniniwala ay maaaring maabuso o
gamitin sa mali. Tama lamang na maniwala na
ang Diyos ang nagtakda ng iyong kapalaran,
kung ating tatanggapin na ang Diyos ay maaaring
magpasya na kailangang iahon natin ang ating
sarili sa kahirapan sa pamamagitan ng
pagsisikap."Manalangin sa Diyos, ngunit patuloy
pa ring sumagwan patungo sa katihan," isang
kasabihan ng mga Ruso, na nagpapakita na tayo
ay nasa mga kamay ng Diyos, ngunit mayroon rin
tayong pananagutan sa ating mga sarili.
Hindi Mapagkakatiwalaan
• Higit pa sa usaping moral ang naganap kapag ang
mga dapat magamit na mga bagay para sa serbisyo
o pasilidad ng isang pamayanan ay napunta lamang
sa bulsa ng mga taong nasa kapangyarihan. Sa
mga serye ng pagsasanay na ito, hindi natin
binibigyan ng husga kung ito ba ay tama o mali. Atin
lamang ipinupunto na ito ay isa sa mga malaking
dahilan ng kahirapan. Kawalan ng tiwala sa mga
taong dapat ay binibigyan ng tiwala, mga taong nasa
poder at kapangyarihan. Ang halaga na ninakaw sa
masa, na siyang nakuha at tinatamasa ng taong
kumuha, ay malayo kaysa sa pagliit ng kayamanan
na siyang dapat na nakalaan para sa masa.
Pagiging Palaasa
Ito ay nagiging bunga ng pagtanggap ng limos o
awa. Kung minsan, ang pagtanggap ng limos ay hindi
masama, kung ito ay nagaganap para sa panandaliang
pagsagip ng buhay. Ang halimbawa ay kung makalipas
ang isang sakuna o kalamidad. Ngunit kung ang
pagtanggap ng limos ay gaganapin sa mahabang
panahon, ito ay maaaring makasama ng tuluyan sa
tumatanggap, at lalo lamang nagpapalaganap ng
kahirapan.
Isang ugali, o paniniwala na ang kung ang isang
tao ay napakahirap at walang kakayanan at hindi niya
kayang tulungan ang kanyang sarili ay kailangang
umasa na lamang siya sa tulong mula sa ibang tao.
Pangkatang
Gawain
• Tukuyin ang Limang
Malalaki na inilahad sa
bidyo.
• Sa pamamagitan ng isang
dula-dulaan ay bigyan ito ng
solusyon.
PARALEGAL
AT
MARALITA
Sanaysay ni Gregorio V.
Bituin Jr.
Libu-libong mga maralita ang pinalalayas na lamang
na parang hayop sa mga pampubliko at mga pribadong lupa,
sa mga lupang tatayuan ng proyekto ng gobyerno, tulad ng
imprastruktura, tulad ng kalsada, tulay, at iba pa. Winawasak
ang kanilang mga tahanan dahil nakatirik sa mga delikadong
lugar, tulad ng estero, tabing-ilog, riles, at bangketa.
Sa ganitong kadahilanan, tama lamang na malaman
ng maralita ang ilang mga batas na may kaugnayan sa kanila
at sa lipunang ginagalawan upang kanilang maipagtanggol
ang kanilang karapatang mabuhay ng maayos at marangal,
karapatang magsalita at magpahayag, karapatang magkaroon
ng disenteng paninirahan, karapatang magkaroon ng sapat na
trabaho, karapatang ituring na tao at hindi basura, at iba pang
karapatang nasusulat sa Universal Declaration of Human
Rights (1948), International Covenant on Civil and Political
Rights (1966), International Covenant on Economic, Social
and Cultural Rights (1966), Konstitusyon ng Pilipinas (1987),
at iba pa.
Ang paralegal ay ang pag-
alam at paggamit ng sinumang
hindi abogado ng mga batas na
umiiral sa layuning ipagtanggol
o idepensa ang sinuman sa
ngalan ng hustisyang
panlipunan.
Mga maaaring isampang kaso pagkatapos ng
sapilitang pagdemolis.
a. Kasong kriminal – maaaring sampahan ng kasong
kriminal ang mga nagdemolis kung lumabag ang mga
ito sa batas-kriminal, tulad ng damage to property,
theft, robbery, grave threats, grave coercion, atbp,
kung saan maaaring mabilanggo ang mga nagdemolis
at magbayad ng multa
b. Kasong sibil – maaari ding pagbayarin ng
damages, tulad ng disturbance fee at moral damages,
ang mga nagdemolis dahil sa perwisyong kanilang
naidulot.
c. Kasong administratibo – maaari ding kasuhan ang
mga nagdemolis ng kasong administratibo, tulad ng
reprimand o warning, suspension, at dismissal.
3. KOMPREHENSIBONG
LARAWAN NG KAHIRAPAN NA
DAPAT UGATIN
ni Ka Pedring Fadrigon
Nalathala sa kolum ni Ka Pedring
Fadrigon, pambansang pangulo ng
Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang
Lungsod (KPML), at nalathala sa
pahayagang Taliba ng Maralita, ang opisyal
na publikasyon ng KPML, isyu ng Hulyo 1-
15, 2019.
Ito ay tumutukoy sa kung paano
ilarawan ang mga pangunahing dahilan sa
paglala at paglaganap ng KAHIRAPAN.
KOMPREHENSIBONG LARAWAN NG
KAHIRAPAN NA DAPAT UGATIN
ni Ka Pedring Fadrigon
1. Ang kagutuman bunga ng pagbalewala sa
pagpapaunlad ng agrikultura
2. Kakulangan sa maiinom na malinis na tubig
3. Walang abot kayang pabahay ang gobyerno
na matitirahan
4. Kawalan ng trabaho o hanapbuhay
5. Kakulangan sa batayang serbisyo sa
pangangailangan sa kalusugan
KOMPREHENSIBONG LARAWAN NG
KAHIRAPAN NA DAPAT UGATIN
ni Ka Pedring Fadrigon
6. Lumalaki ang bilang ng mga out-of-school
youth
7. Kakulangan sa mga programang may
kaugnayan sa social protection
8. Walang malusog na kapaligiran
9. Displacement at armed conflict at iba pang
anyo ng karahasan
10. Elite rule at di tunay na demokrasyang
pamumuno
4. Gitnang Uring Fantasya At
Materyal Na Kahirapan Sa
Neoliberalismo: Politikal Na
Kritisismo Ng Kulturang Popular
ni Rolando B. Tolentino
Gitnang Uring Fantasya At Materyal Na
Kahirapan Sa Neoliberalismo: Politikal Na
Kritisismo Ng Kulturang Popular
ni Rolando B. Tolentino
Magpapakita ng pag-angat sa
politikal na pagsusuri sa kulturang
popular. Politikal ang pagsusuri dito
dahil sa kulturang popular na
nakakaapektado sa sensibilidad ng
mga tao na kaya nilang abutin ang
malalaking pangarap nila kahit mahirap
sila ngayon.
 Ang kulturang popular ay ang lingguwistiko at
kultural na translasyon ng gitnang uring
fantasya o ang panunutunan ng
pagkamamamayang nakabatay sa markers at
mga muhon ng gitnang uri ng buhay.
 20% -kabilang sa gitnang uri
 80% - kabilang sa mahihirap
1% - kabilang sa kumikita ng lampas-
lampasan sa 99% ng mamamayan
 Ang kondisyon ng posibilidad ng
kapangyarihan ng estado – gobyerno at
malaking negosyo – ay nakapaghari.
 Politikal na Pagsusuri‖ sa kulturang popular.
1. Pagtukoy sa kondisyong sumisikil sa aktuwal na
materyal na kondisyon, pagwaksi sa pagiging
kulang sa materyal na lagay at marka ng gitnang
uri ng panuntunan, at pribatisadong paghahabol sa
panahon na walang sistemikong serbisyo publiko
at pagtulong na mahihita sa estado.
2. Melankolia ng Gitnang Uri - Sa politika, ang
melankolia ay ang sistematisasyon ng pag-aabang
sa nais dumating kahit mas malaki ang posibilidad
na hindi ito makakarating.
3. Materyal na Kahirapan, Gitnang Uring Fantasya -
Ang kaniyang materyal na kahirapan ay
napapalitan ng imahinaryo ng abot tanaw (puwede-
puwede na muna), at abot kamay na gitnang uring
panuntunan ng buhay.
5. MINSAN, SA ISANG
DEMOLISYON
Maikling kwento ni Greg
Bituin Jr.
Ang MINSAN, SA ISANG
DEMOLISYON ay
tumatalakay sa isang
makatotohanang senaryo na
kung saan masasalamin
kung paano nabubuhay ang
mga tao sa ―squatter area‖.
6. ANG MAHIRAP,
LALONG
PINAHIHIRAPAN
Ni Kokoy Gan
Mula sa akda masasalamin
ang kawalan ng pagkakapantay
pantay sa pagitan ng ibat ibang
estado ng ating lipunan.Makikita na
mas nagkakaroon ng mas
magandang opurtunidad at
pagtrato ang mga taong may mas
mataas na estado sa ating lipunan.
7. BACLARAN
tula ni Edelio De los
Santos
BACLARAN
tula ni Edelio De los Santos
• Ang akda ni Edelio De los Santos ay
nagpapahiwatig ng paglalarawan sa
estado ng mga taong lansangan sa may
Baclaran. Ito rin ay nagpapahiwatig
kung paano sila mamuhay sa pang
araw-araw. Inilarawan rin kung paano
sila tingnan ng ibang tao na mistulang
mga basura.
IBA PANG AKDANG
TUMATALAKAY SA KAHIRAPAN
• Kahirapan sa Pilipinas Akda ni Ghie
• Itaboy ang Kahirapan, Hindi ang Mahihirap
Akda ni Gregorio V. Bituin Jr.
• Kahirapan na walang katapusan (Pang-
Masa, Marso 30, 2015. Galing sa
Philstar.com
• Ugat ng “katamaran” sa kasaysayan
• Paano natin ipapaliwanag ang kahirapan sa
Pilipinas? Akda ni Philip Emmanuel Penaflor,
PhD
Mga Akda ni Rogelio L.
Ordonez Patungkol sa
Kahirapan
– Unan
– Natitigan Ko Mukha Ng Pagdurusa
– Di na Ako Makahabi ng Tula
– Lumuluha Tayo‘t Nananaghoy
– Sa Pasigan Ng Kamalayan
– Sa Pagitan Ng Dilim At Liwanag
– Kape Ko‘y Walang Krema Ni Asukal
Thank you
and
Stay Blessed

You might also like