You are on page 1of 9

EL FILIBUSTERISMO: MGA ISYUNG PANLIPUNAN

1. Mga Isyung Panlipunan na Kinahaharap ng mga Mahihirap

A. Mga Isyung Panlipunan

Ang mga isyung panlipunan na kinaharap ng mga mahihirap sa El filibusterismo ay ang


diskriminasyon, `di pagkakapantay-pantay, kahirapan, at kawalan na katarungan.

B. Kabanata kung saan Mapapansin ang mga Isyung Panlipunan

Sa kabanata 1 at 2 ng El Flibusterismo agad nating makikita ang kawalan ng


pagkakapantay-pantay ng mga tao sa lipunan. Sa itaas ng kubyerta ang mayayaman samantalang
ang mga taong mas mababa sa kanila ay nasa ilalim ng kubyerta ng Bapor Tabo.

Nagkaroon din ng pangdidiskrimina laban sa mga mahihirap at bilanggo sa kabanata 1 ng


El Filibusterismo, Sa Ibabaw ng Kubyerta. Mababasa rin dito ang kagustuhan ng mga matataas na
tao na gamitin ang mahihirap at mga bilanggo at patrabahuin sila ng walang bayad o Polo y
Servicio. Mula rito sinasalamin ng kabanata ang kawalang katarungan.

Dagdag dito, ang kawalang katarungang pagpataw ng buwis ng samahan ng mga prayle
kay Kabesang Tales sa kabanata 4 ay nagdulot ng kahirapan sa buong pamilya ng kabesa nag-
udyok kay Huli na minilbihan.

Isa pa, ang kwento ng buhay ni Basilio matapos siyang maulila dahil sa kagagawan ng
mga Prayle na isinalaysay sa kabanata 6 ay nagpapakita sa kahirapan at kawalang katarungan.

C. Isyung Panlipunan na may Kaugnayan sa Hinaharap

Sa balitang inilahad ng ABS-CBN News noong Disyembre 10, 2022 ay nagpapakita ng


hirap ng buhay na dinadanas ng mga Pilipino hanggang kasalukuyan. Sa balita, inilahad na
pumapalaot ang mga mangingisdang Pilipino sa kabila ng banta ng bagyo sapagkat kinakatakot
nilang wala silang makain sa oras na hindi sila magtrabaho. Nagpapakita ang balitang ito ng
kawalang katarungan at napakahirap na kalagayan ng ating mga mangingisdang Pilipino.

Isa pa sa balitang aking nabasa ay mula ulit sa ABS-CBN News. Naglalaman ito ng
impormasyong ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa ay itinampok sa isang
dokumentaryo sa Hong Kong. Dito ay naisalaysay nila ang mga diskriminasyong at kawalang
katarungang kalagayan nila at narararanasan bilang isang manggagawang Pinoy sa Hong Kong.

D. Sariling Pananaw
Magmula pa man noon ay talamak na ang iba`t ibang klase ng diskriminasyong
nagaganap sa lipunan. Isa rito ay ang diskriminasyon laban sa antas o estado ng isang tao sa
lipunan. Parating nakahiwalay ang mayaman at mahirap at ang pinakamadalas na naaagrabyado at
nayayapakan ay ang mga mahihirap. Sa aking palagay, diskriminasyon ang pangunahing ugat at
dahilan kung bakit mayroong kahirapan, kawalan ng pagkakapantay-pantay at kawalan ng
katarungan. Ang pangdidiskrimina ng mga grupo ng tao sa lipunan laban sa iba pang grupo ng tao
sa lipunan ang ugat ng hindi pagkakaisa na nagdudulot ng paghihirap sa bawat isa.

E. Paano ito Masosolusyunan?

Ang diskriminasyon ay nakaukit na sa ating lipunan. Mahirap alisin, mahirap pugsain.


Ngunit, hindi dahil atin ng nakagisnan ang diskriminasyon ay hahayaan nalang natin itong
mamalagi sa lipunang ginagalawan. Sa aking palagay, ang pinakamabisang paraan ng pagpugsa sa
isyung ito ay ang sama-samang pagtutulungan ng mga tao kasama ang pamahalaan na gumagawa
ng mga batas na nagpaparusa sa mga taong nandidiskrimina, nagbibigay pagkakataon at trabaho
sa mga taong naghihirap at pagsusulong muli ng hustisya sa bansa. Sa sama-samang pagtutungan,
mas magiging malakas ang pwersang pipigil sa diskriminasyon na isang sakit sa lipunan na
nagdudulot ng kahirapan sa mamamayan.

2. Mga Isyung Panlipunan na Mapapansin sa mga Makapangyarihan

A. Mga Isyung Panlipunan


Ang mga isyung panlipunan na mapapansin sa mga makapangyarihan sa El filibusterismo ay ang
pang-aabuso sa kapangyarihan, korupsyon, sugal, at paggamit ng pinagbabawal na gamot
B. Kabanata kung saan Mapapansin ang mga Isyung Panlipunan

Sa kabanata 6, Si Kabesang Tales. Dito sa kabanatang ito makikita ang magpang-abuso sa


kapangyarihan at korup na ugali ng mga prayle. Si Kabesang Tales ay sinisingilan ng buwis na
unti-unti tumataas hanggang sa hindi na niya kayanin ang laki ng halagang dapat bayaran. Dito
makikita na ang mga prayle noong panahon ni Rizal ay korup at mapang-abuso sa
kapangyarihang dapat naman nilang gamitin upang mapabuti ang kalagayan ng kanilang mga
nasasakupan.

Dagdag dito, sa kabanata 11, Los Banos mababasa natin ang pagsusugal ng mga matatas
na tao sa lipunan, mga Prayle kasama ng Gobernador-Heneral habang pinag-uusapan ang
Akademya ng Wikang Kastila.

Nabanggit din sa akda ang paggamit ng pinagbabawal na gamot ni Kapitan Tiago. Ang
gamot ding ito ang siyang nagpalubha pang lalo sa kalagayn niya na naging dahilan na kaniyang
kamatayan.

C. Isyung Panlipunan na may Kaugnayan sa Hinaharap


Ayon sa Philstar noong Enero 6, 2023, napawalang bisa ang kaso laban kay Juanito Jose
Remulla III, anak ng Justice secretary, Jesus Cripin Remulla. Ito ay sa kabila ng kaso niyang
pagkakaroon at pamamahagi ng pinagbabawal na gamot. Sinabi sa balita na walang matibay na
ebidensya ang prosecution laban sa anak ng Justice Secretary.

Isa pang baliita ay mula sa ABS-CBN News kung saan nakapaloob ang balitang
nagsasaad na walang nangyaring extra-judicial killiings noong War on Drugs ni dating
Pangulong Duterte. Ito`y sakabila ng pagkamatay ng 6,241 na indibidwal mula sa programang
kanilang ipinatupad.

D. Sariling Pananaw

Mula sa mga balitang aking nasagap, at sa mga pangyayari sa kabanata, masasabi kong
napakadali para sa mga taong may kapangyarihan ang baluktutin ang katotohanan at itago ang
mga kasalanang kanilang ginawa. Napakadali para sa kanila ang maghugas kamay at
magmalinis sapangkat mayroon silang pera at kapangyarihan na siyang susi ng kaginahawaan.
Masasabi kong ang mga taong makapangyarihan ay hindi tunay na mayaman kung ang ginawa
lamang nila ay madaya, magsinungaling at magkunwari. Hindi sila kailaman magiging karespe-
respeto at mamumuhay sila ng walang dangal at puri habang hinahabol sila ng konsensya at
karma.

E. Paano ito Masosolusyunan?

Magsalita ka. Bilang isang oradinaryong tao, ang pinakamalakas na sandatang mayroong
tayo ay ang ating Kalayaan magsalita. Sa oras na tayo`y makakita ng anomalya ay atin itong
pagtuonan ng pansin, alamin ang mga bagay-bagay at impormasyon saka maglahad ng mga
saloobin at magbahagi ng kaalaman sa iba upang mawari rin nila ang mga katiwalian at kasamaan
na ginagawa ng mga taong nasa posisyon. Karapatan natin ang mgasalita, kaya`t laban sa mga
taong may pera at posisyon sa lipunan, ang boses ng bayan ang dapat pakinggan.

3. Mga Isyung Panlipunan na Kinahaharap ng mga Estudyante

A. Mga Isyung Panlipunan

Ang mga isyung panlipunan na mapapansin sa mga makapangyarihan sa El filibusterismo ay


ang pagkakait sa mga estudyante ng edukasyon.

B. Kabanata kung saan Mapapansin ang mga Isyung Panlipunan

Ang Klase sa Pisika, kabanata 13. Sa kabanatang ito ng El Filibusterismo mababasa na ang
mga makabagong instrumento sa pag-aaral ay hindi malayang ipinapagamit sa mga mag-aaral.
Dito pa lamang ay masasalamin na ang pagkakait ng mga Prayle sa mga estudyante ng
edukasyon.
Dagdag dito, simula pa lamang sa kabanata 2, sa Ibaba ng Kubyerta ay napag-usapan na
ang pagpapagawa ng Akademya ng Wikang Kastila. Napag-usapan din ito sa kabanata 7, Si
Simoun; kabanata 11, Los Banos; at kabanata 15, Sa Bahay ng mga Mag-aaral. Ito ay nagpapakita
na ang edukasyon noong panahon ng pananakop ng mga kastila ay hindi binibigay sa mga mag-
aaral. Kinakailangan pa na sila mismo ang gumalaw, at gumawa ng paraan upang madagdagan
ang kanilang mga kaalaman.

C. Isyung Panlipunan na may Kaugnapayan sa Hinaharap

Sa pagkamit ng mga Pilipino ng Kalayaan laban sa mga mananakop, ang


pangunahingpinatuunan ng pansin ay ang pagbibigay ng edukasyon sa bawat tao, higit lalo sa
mga Pilipino upang hindi na maulit ang pangmamaliit at pagpapaikot ng mga mananakop.

Isa sa mga balitang aking nabasa ay ang paggamit ng mga mag-aaral ng sabungan bilang
kanilang silid-aralan. Mula ito sa ABS-CBN noong Setyembre 9, 2022. Ito ay hind isa
kadahilanang pinagkakaitan sila ng edukasyon bagkus ay kadahilanang winasak ng magkasunod
na Bagyong Rolly at Bagyong Ulysses ang kanilang silid-aralan. Sa kasalukuyan, hindi na
hinahadlangan ng pamahalaan ang pagkatuto ng bawat bata sa bansa bagkus, ang sector ng
edukasyon ay pinopondohan upang lumago hindi lamang ng sector, maging ang paglago ng mga
mag-aaral.

D. Sariling Pananaw

Edukasyon ang susi sa pagkamit ng malayang kinabukasan. Mula sa mga pangyayari sa


nobela at mga nararanasan ng sector ng edukasyon sa kasalukuyan, masasabi kong edukasyon at
pagkakaroon ng sapat na kaalaman ang daan upang tayo`y maging malaya. Kalayaan `di lamang
sa kamay ng mga mananakop kundi kalayaan sa kamang-kamangan, sa paghihirap, at
diskriminasyon. Sa oras na malaman natin ang halaga ng edukasyon, sa oras na ating
mapagdesisyunang palaguin ang kaalaman at kunin ang mga oportunidad na ihinahain satin,
atinng magiging sandata ang edukasyon sa kahit anong suliraning iharap sa atin. Ang edukasyon
ang ating kapangyarihan, biyan nating pansin at pagpapahalaga.

E. Paano ito Masosolusyunan?

Pahalagahan mo ang karapatan mo. Magsumikap at maisasakatuparan ng naisin mo. Sa


kasalukuyang panahon, ihinahaain na sa atin edukasyon. Hindi katulad noong panahon ni Dr. Jose
Rizal, ang edukasyon ngayon ang siyang humahanap sa atin at hindi na natin kailangan pang
maghirap at magmakaawa sa mga taong nasa posisyon na bigyang tayo ng oportunidad na
matuto. Kaya`t ang tanging solusyon? Pahalagahan mo. Mag-aral ka hanggang kaya mo ay
magpatuloy ka sa pagkatuto sapagkat ito ang sandata natin laban sa kahit na sino. Hindi kailaman
maaagaw sa atin ang edukasyon at kaalamang ating ng natutunan.

4. Mga Isyung Panlipunan na Kinahaharap ng Bayan

A. Mga Isyung Panlipunan


Ang mga isyung panlipunan na mapapansin sa mga makapangyarihan sa El filibusterismo ay ang
pagtangkilik ng pruduktong gawa ng mga dayuhan at ang paggamit ng wikang banyaga.
B. Kabanata kung saan Mapapansin ang mga Isyung Panlipunan

Sa kabanata 10, Yaman at Paghihirap at kabanata 34, Ang Kasal. Makikita sa dalawang
kabanata ang pagtangkilik ng mga tao sa mga produktong daling sa ibang bansa. Sa kabanata 10,
mababasa ang pagkahumaling ng mga mayayaman sa mga alahas ni Simoun sapagkat ito`y galing
pa sa ibang bansa. Sa kabanata 34 naman ay mababasa ang bagong ayos ng bahay ni Kapitan
Tiago na Pinuno ng mga bagay na galing at gawa sa ibang bansa.

Sa kabanata 7 naman, Si Simoun, mababasang nagtatalo si Basilio at Simoun laban sa


pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Ayaw ni Simuon na maipatayo ang akademya
sapagkat magdudulot ito ng pagkawala ng pagkakakkilanlan ng mga Pilipino at magiging hudyat
ito ng pagsuko at pagpapasailalim ng mga Pilipino sa Pamahalaang Kastila. Giit naman ni Basilio
na ang pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila ang magbibigay daan upang magkaroon ng
karagdagang kaalaman ang mga mag-aaral sa wikang Kastila na siyang tutulong upang
maintindihan nila ang mga batas at panukala.

C. Isyung Panlipunan na may Kaugnayan sa Hinaharap

Ang balita sa Inquirer.net noong February 16, 2022 ay naglalaman ng impormasyong ang
pag-iimport ng mga bigas mula ibang bansa ay nakaaapekto sa mga manggagawang Pilipino. Isa
ang epekto ng pag-aangkat ng bigas ang pagkalugi ng mga magsasakang Pinoy. Ito ay sa
kadahilanang mas pinipili ng mga taong bumili ng inangkat na bigas at hindi nabibigyang pansin
ang kanilang mga ani. Mula rito, makikita nating ang labis na pagtangkilik sa mga produktong
galing ibang bansa ay nakaaapekto sa kalagayan at hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa
Pilipinas.

Dagdag dito, mula sa Esquire magazine, napabalita ang planong pagtanggal ng Filipino
subjects (Filipino and Panitikan) bilang subject sa college curriculum.

D. Sariling Pananaw

Tangkilikin ang sariling atin. Hindi kailan man lalago at uunlad ang ating bansa kung
tayo`y tuluyang tatangkilik ng produktong banyaga at hindi pagtutuunang pansin ang produktong
likha ng kapwa Pilipino. Dagdag dito, hindi magiging makabuluhan ang kalayaan kung nanaisin
din lamang natin na tanggalin ang mga asignaturang Filipino at Panitikan. Mawawalan ng saysay
at halaga ang kultura, tradisyon, kasysayan, at higit sa lahat, pagkakakilanlan ang bandang
Pilipinas sa oras na ating makalimutan ang halaga ng pag-aaral ng sarili nating lengwahe at
panitikan.

E. Paano ito Masosolusyunan?


Palaguin ng pamahalaan ang sector ng industriya at agrikultura. Gumawa ng mga batas
na naglalayong bigyang pansin ang mga produktong Pilipino, bawasan ang mga inaangkat na
produkto, at maglaan ng pondo para sa mga manggagawa.

5. Mga Isyung Panlipunan na Kinahaharap ng mga Naghihimagsik

A. Mga Isyung Panlipunan


Ang mga isyung panlipunan na mapapansin sa mga makapangyarihan sa El filibusterismo
ay ang pagkamit ng kagustuhan sa maling paraan at pagpapalaganap ng fake news o maling
impormasyon.
B. Kabanata kung saan Mapapansin ang mga Isyung Panlipunan

Kabanata 26, Mga Paskin. Sa Kabanata mababasa natin ang pambibintang sa mga mag-
aaral na sila ang nagdikit ng mga Paskin na nanunuligsa, nagbabanta at naghihimagsik laban sa
mga Kastila. Dahil sa pambibintang na ito nagsimula ang paghihirap ng mga mag-aaral gayundin
ang paglikha ng takot sa sistema ng bawat tao lipunan.

Mababasa rin natin sa nobela ang paraan ng paghihiganti ni Simoun at Kabesang tales.
Nais nilang gumamit ng dahas upang makapaghiganti at bigyang hustisya ang walang
katarungang pagpapahirap sa kanila ng mga prayle. Masasalamin sa mga pangyayaring ito ang
kagustuhan nilang makamtan ang hustisya subalit ang baluktot nilang paraan ang siyang
nagpapalabo sa kanilang hangarin.

C. Isyung Panlipunan na may Kaugnayan sa Hinaharap

Ang balitang aking nabasa ay mula sa ABS-CBN noong December 2, 2019 na kung saan
binalaan ng PNP ang mga nagpapakalat ng fake news patungkol sa serye ng kidnapping kung
saan pinagbibili ang lamang loob ng mga biktima. Ito ay sa kadahilanang walang pruweba na
ibinebenta ang laman ng loob ng mga biktima at nagdudulot ito ng takot at pangamba sa mga tao.

D. Sariling Pananaw

Maling impormasyon ang magpapahamak sa mga tao. Mula sa mga pangyayari sa


kabanata at pangyayari sa kasalukuyan, masasabi kong ang hindi pag-iingat sa mga ibinabahaging
balita sa iyong kapwa ay maaaring magdulot ng kaguluhan at kapahamakan sa iba. Ang
pagbabahagi at pang-aakusa ng walang matibay na ebidensya ay magdudulot lamang away at
kaguluhan. Nararapat na bago tayo maglahad ng opinion ukol sa mga usapin, tayo muna`y
magsaliksik at humanap ng ebidensyang magpapatibay sa paratangang natin sa kapwa.

E. Paano ito Masosolusyunan?

Magsaliksik bago ibuka ang bunganga. Ang pinakamabilis na paraan upang kumalat ang
impormasyon ay ang salita-sa-salita. Kaya`t upang maiwasan ang pagkalat ng maling
impormasyon, nararapat na tayo muna ay magsaliksik at maghanap ng mga pruweba sa mga
paratang na ating iaaakusa sa ating kapwa. Mag-isip bago mag-salita upang hind ika
makapahamak ng iyong kapwa.

MGA SANGGUNIAN:

1. ABS-CBN News. (2022, December 10). 'Walang kakainin': Ilang mangingisda pumalaot kahit

may banta ng bagyo. ABS-CBN News. https://news.abs-cbn.com/news/12/10/22/walang-kakainin-

ilang-mangingisda-pumalaot-kahit-may-banta-ng-bagyo

2. Jefferson Mendoza , TFC News Hong Kong. (2023, May 30). Buhay ng piling OFWs, tampok sa

dokumentaryo sa Hong Kong ABS-CBN News.

https://news.abs-cbn.com/overseas/05/30/23/buhay-ng-piling-ofws-tampok-sa-dokumentaryo-sa-

hong-kong

3. Gregorio, X. (2023, January 6). Remulla son walks free after acquittal in P1.3M drug possession

case. Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2023/01/06/2235728/remulla-son-

acquitted-p13m-drug-possession-case

4. Job Manahan, ABS-CBN News. (2022, June 14). Duterte says drug war extrajudicial killings

“not true.” ABS-CBN News. https://news.abs-cbn.com/news/06/14/22/duterte-says-drug-war-

extrajudicial-killings-not-true

5. ABS-CBN News. (2022a, September 9). Mga estudyante ng isang paaralan sa Quezon, sa

sabungan nag-aaral. ABS-CBN News. https://news.abs-cbn.com/news/09/09/22/mga-estudyante-

ng-isang-paaralan-sa-quezon-sa-sabungan-nag-aaral

6. Peña, K. D. (2022, February 16). Imports’ continuing impact on PH farmers: Like dislocating the

kneecaps | Inquirer News. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/1555077/imports-

continuing-impact-on-ph-farmers-like-dislocating-the-kneecaps
7. Limos, M. A. (1970b, January 1). Goodbye, Filipino? National Language Stricken From College

Curriculum. Esquiremag.ph. https://www.esquiremag.ph/politics/filipino-college-curriculum-

a00293-20190527

8. ABS-CBN News. (2019, December 2). PNP nagbabala sa mga nagpapakalat ng 'fake news' ukol

sa serye ng kidnapping. ABS-CBN News.

“MGA ISYUNG PANLIPUNAN SA EL

FILIBUSTERISMO”
Proyekto sa Filipino 10

Ipinasa kay Bb. Marisol Garcia

Ipinasa nina:
Kimberly Guy
Hunyo 13, 2023

You might also like