You are on page 1of 4

LEARNING ACTIVITY SHEETS

Grade 10 – Araling Panlipunan ____


Pangalan: _______________________ Petsa: ___________ Iskor: _____________

Tugon ng Pamahalaan at Mamamayan sa Isyung Pangkasarian

Gawain 1 Obserbasyon Mo! Sabihin Mo!


Panuto: Itala sa mga eyeglasses ang napapansin mong pang-aabuso o karahasan sa mga
babae, lalaki, at LGBTQ sa iyong komunidad. Sagutin ang mga gabay na tanong.

Gabay na mga Tanong:


1. Ano ang implikasyon ng iyong naitalang mga obserbasyon?
______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________
2. May naiisip ka bang ginagawang aksyon ng pamahalaan upang mapigilan ito?
______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, may magagawa ka ba upang mapigilan o wakasan ang mga
karahasan at diskriminasyong ito? Ano ito?
______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
Ikatlong Markahan Linggo:5-6
Target na Kasanayan: Napapahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayan ng
Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon

(Pag-aari ng Gobyerno. Hindi Ipinagbibili)


LEARNING ACTIVITY SHEETS
Grade 10 – Araling Panlipunan ____

Gawain 2 Balita-Suri!
PANUTO: Basahin at suriin ang artikulo sa ibaba at sagutin ang gabay na mga tanong.

Higit 1,400 kaso ng karahasan sa kababaihan, bata habang lockdown naitala: PNP
Michael Joe Delizo, ABS-CBN News Posted at Jun 03, 2020 12:01 PM

MAYNILA - Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng higit 1,400 kaso ng
gender-based violence habang naka-lockdown ang bansa ngayong may banta ng
coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ayon sa datos ng PNP na ipinresenta ng Philippine
Commission on Women sa Kamara, nakapagtala ang pulisya ng 1,425 kaso ng gender-
based violence sa buong bansa. Kabilang dito ang karahasan sa mga kababaihan at bata,
tulad ng pambubugbog na umabot sa 1,184; 122 kaso ng panggagahasa; at 90 kasong acts
of lasciviousness o iba pang uri ng pambabastos.

Pinakamarami ang nai-report na karahasan sa mga babae sa Region 7 o Central


Visayas na umabot sa 407, 122 naman sa Region 6 o Western Visayas, 113 sa Region 4-A
o Calabarzon, 112 sa Region 13 o Caraga, habang 104 naman ang naitala sa Metro Manila.
Hindi pa malinaw kung mas mataas ang kaso ng karahasan sa panahon ng quarantine
period pero nakikita ng PCW na posibleng mas mataas umano ang numero dahil may iba
pang nagpasaklolo sa mga NGO, barangays, Women and Children Protection Units, Social
Welfare and Development Officers, at iba pang services agencies.

Sa PCW lang, pinakarami umano ang nagsumbong sa kanila ng pisikal at mental na


pang-aabuso ng intimate partner, ganoon din sa panggagahasa at iba pang sexual
harrassment. Inaasahan din ng PCW at Commission on Human Rights na tataas pa ang
datos ngayong puwede nang makalabas ng bahay ang mga biktima para makapag-report
matapos maging limitado ang mga serbisyo para tutukan ang responde sa virus nitong mga
nakalipas buwan.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/06/03/20/higit-1400-kaso-ng-karahasan-sa-kababaihan-bata-habang-
lockdown-naitala-pnp

Pamprosesong mga Tanong:

1. Anu-anong kaso ng karahasan ang naitala ng PNP sa kabila ng banta ng coronavirus


disease (COVID-19)?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Anu-anong mga ahensiya ng pamahalaan ang tumutugon sa isyung pangkasarian?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Bakit kaya patuloy ang paglaganap ng karahasan sa ating bansa?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________
Ikatlong Markahan Linggo:5-6
Target na Kasanayan: Napapahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayan ng
Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon

(Pag-aari ng Gobyerno. Hindi Ipinagbibili)


LEARNING ACTIVITY SHEETS
Grade 10 – Araling Panlipunan ____

Gawain 3 Timbangin Mo

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang letra kung:
(A) tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag
(B) tama ang nilalaman ng unang pahayag at mali ang ikalawa
(C) mali ang nilalaman ng unang pahayag at tama ang ikalawa
(D) mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.

___ 1. Ang R.A.9162 Violence Against Women and their Children Act (VAWC) ay para
lamang sa mga babaeng nakaranas ng pang-aabuso sa kanilang asawa o dating
kinakasama.

Hindi kabilang dito ang mga babaeng nakaranas ng pang-aabuso sa kanilang


kinakasama o live-in partner.

___ 2. Ang panghihipo sa maselang parte ng katawan ng among lalaki sa kanyang


kasambahay ay maituturing na sexual harassment.

Ito ay maaaring maparusahan sa ilalim ng Sexual Harassment Act.

___ 3. Ang Anti-Discrimination Bill ay espesyal na batas para lamang sa proteksyon ng mga
LGBT Community.

Nakatuon ang batas na ito sa pagpaparusa sa biktima ng diskriminasyon sa


kasarian, at oryentasyong sekswal.

___ 4. Maaaring maparusahan sa ilalim ng R.A 9208 Anti-trafficking in Persons Act ang
mga taong nanghihikayat sa iba na magbebenta ng kanilang bato o kidney kapalit
ng halaga upang ito ay pagkakitaan.

Saklaw din sa batas na ito ang pagpupuslit ng mga kontrabando at illegal na droga.

___ 5. Ang Magna Carta of Women ay naglalayong alisin ang lahat ng uri ng
Diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-
pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay.

Sinasaklaw nito maging ang pagrepaso/pag-alis sa mga batas na nagpapalala ng


diskriminasyon sa mga kababaihan.

___ 6. Tinatawag na Women in Especially Difficult Circumstances ang mga babaeng


mahihirap gaya ng manggagawa, maralitang taga-lungsod, magsasaka, mangingisda
at kababaihang Moro at katutubo.

Sila ang mga babaeng may kaawa-awang kalagayan sa lipunan.

__________________________________________________________________________________________
Ikatlong Markahan Linggo:5-6
Target na Kasanayan: Napapahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayan ng
Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon

(Pag-aari ng Gobyerno. Hindi Ipinagbibili)


LEARNING ACTIVITY SHEETS
Grade 10 – Araling Panlipunan ____

___ 7. Hindi maaaring parusahan sa VAWC Act ang kinakasama ng isang babae na nang-
abuso sa kanyang legally adopted child.

Ang VAWC Act ay nagbibigay ng proteksyon sa mga anak na, maging ito man ay
lehitimo o hindi.

___ 8. Human trafficking ang tawag sa illegal na pangangalakal ng tao para ipasok sa
prostitusyon, sapilitang paggawa o slavery.

Hindi maituturing na human trafficking kung ang isang foreigner ay magbabayad sa


ina ng babaeng gusto nyang pakasalan kahit na ito ay labag sa kagustuhan ng
kanyang anak.

___ 9. Itinuturing na Women in Especially Difficult Circumstances ang mga babaeng biktima
ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon,
illegal recruitment, human trafficking at mga babaeng nakakulong.

Higit na binibigyan nang nabubukod na pansin ang mga hanay ng kababaihang ito sa
Magna Carta of Women.

___ 10. Wasto ang pahayag na ang karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao,
kagaya ng sinabi ng dating UN Secretary General na si Ban Ki Moon na “LGBT
Rights are Human Rights”.

Nararapat lamang na kahit ano man ang kasarian, katayuan sa buhay, lahing
pinagmulan at paniniwala ay igalang at protektahan ang karapatang pantao.

__________________________________________________________________________________________
Ikatlong Markahan Linggo:5-6
Target na Kasanayan: Napapahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayan ng
Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon

(Pag-aari ng Gobyerno. Hindi Ipinagbibili)

You might also like