You are on page 1of 4

SELF-LEARNING MATERIAL 2

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
IKALAWANG MARKAHAN
EPISODE 2
GRADE 9

Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, paaralan, barangay/
pamayanan/ bansa (EsP9TT-IIa-5.2)

Pagganyak (Motivation)

Ilarawan ang mga pahayag ng imahe sa ibaba. Ano ang iyong mga nakikita? Ano ang
koneksiyon nito sa paglabag ng karapatang pantao?

Pagtatalakay
Mga Paglabag sa Karapatang Pantao
Noong nakaraang araw, kayo ay natuto sa mga karapatan at tungkuling nararapat mong
gawin. Ngayong araw na ito, mas mabuting maging mulat ang iyong isip at puso sa iba’t
ibang anyo ng paglabag sa karaptang pantao. Ilan sa mga paglabag ay ang mga sumusunod:
1. Pagpatay sa sanggol. Ito ay ang pagkitil sa buhay ng bagong silang ng sanggol.
Tulad ng isang babae na taga-Kenosha, Wisconson, sa Amerika, na hatulan ng
sampung taon na pagkakabilanggo sa salang pagpatay sa kanyang bagong silang na
anak. Ipinanganak niya ang sanggol nang buhay ngunit isinilid niya ito sa isang
basurahan sa hindi malamang kadahilanan. Kinasuhan siya ng first-degree intentional
homicide.

2. Pang-aabuso sa bata. Ito ay ang pagmamaltrato sa mga bata pati na ang sapilitang
pagpapagawa sa kanila ng mga krimen. Mayroong mga sindikato na ginagamit ang
mga paslit sa mga gawaing masama tulad ng pagnanakaw, pagtutulak ng druga at
cyber sex.
3. Diskriminasyon at karahasan sa kababaihan.Sa larangan ng showbiz at kahit saang
panig ng daigdig ang kababaihan ang lumalantad at walang takot na nagsasabi na sila
ay biktima ng pisikal at sekswal ng pang-aabuso ng kanilang mga kabiyak. Ito ay
labag sa karapatan ng mga babae.

4. Pagwawalang-bahala sa mga may kapansanan. Ito ay hindi makatwirang pagtrato


sa mga taong may kapansanan. Isa dito ay ang hindi pagbibigay ng kaukulang pansin
sa kanila sa lugar sa loob ng tren o di kaya ang hindi pagtanggap sa kanila sa larangan
ng trabaho.

5. Diskriminasyong Pangkasarian. Hanggang sa kasalukuyan, may mga nangyayari na


ang kasarian ang nagging batayan upang matanggap sa trabaho. Usaping stereotyping
sabi nga sa wikang Ingles kung saan binibigyan o nilalagyan ng ganap na kategorya o
kahulugan ang isang tao o bagay.

6. Pagbebenta o ginagawang kalakal ang tao. Laman ng pahayagan, mga bata at


kababaihan ay ipinagbibili upang maging kasambahay o hindi kaya ilagay sa mga
bahay aliwan o prostitution den.

7. Pagkamkam ng lupa. Ang isyung ito ay madalas nangyayari sa mga probinsiya kung
saan ang lupang alam nila na pamana ng kanilang mga ninuno ay pilit inaangkin ng
mga mamamayang negosyante upng patayuan ng mga nagtataasang gusali.

8. Galit sa ibang lahi. Tulad ng naranasan ni Mahatma Ghandi noong nasa Aprika
nang minsang nakasakay siya sa isang tren. Isang malinaw na lahi ang nagging
pamantayan ng kawani ng tren ng siya ay pinaalis sa kinalalagyan niyang first
accommodation kung saan mayroon naman siyang ticket.

9. Terorismo. Ang Mindanao ay kilala sa pagkakaroon ng mga terorista. Tulad ng


digmaang nangyari sa Marawi. Ito daw ay dulot ng mga teroristang grupo na
kumalaban sa mga sundalo ng pamahalaan. May mga pagsabog na naganap, at
pagbihag sa mga tao at turista ay ilan lamang sa sa tinatawag natin na terorismo.

Ang mga nabanggit na mga paglabag ay inyong matutunghayan sa pang-


araw-araw na balita sa radio, telebisyon, at mga social networking site. Kalunos-
lunos isipin ngunit talagang may mga paglabag na nagaganap sa ating lipunan.
Kung ang bawat isang tao ay maisasapuso ang mga karapatang pantaong kaloob ng
mga Banal na Nilalang, wala sanang masasawi at mamumuhay nang mahirap.

Pagmomodelo:
Panuto: Suriin natin ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa ating pamayanan
at bansa sa kasalukuyan.
a. Pagbebenta o ginagawang kalakal ang tao.
Ito ay kadalasan nating naririnig sa mga pahayagan sa kasalukuyan na kadalasang
nabibiktima ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) o mga Pilipinong
nagtatrabaho sa labas ng bansa. Dahil sa mga illegal recruitment agencies, marami sa
kanila ang benebenta na maging kasambahay na walang karampatang sahod. May
mga biktima rin ng prostitution, at iba pang pagmamaltrato.

b. Galit sa ibang lahi


May mga naririnig tayo sa mga pahayagan at social media na may mga biktima nito
sa ibang bansa., katulad ng mga pangyayaring nagaganap sa bansang Amerika. May
mga Asean citizens na nakaranas ng mga karahasan at pananakit gawa ng mga black
Americans. Sinasabing sila ay galit sa lahi ng mga Asean citizents, dahil sa bansang
Asia nagsimula ang pandemia na nararanasan sa buong panig daigdig sa kasalukuyan.
ACTIVITY FOR SELF-LEARNING MATERIAL 2
IKALAWANG MARKAHAN
EPISODE 2
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Grade 9

Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, paaralan, barangay/
pamayanan/ bansa (EsP9TT-IIa-5.2)

Gawain
Panuto: Suriin ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, paaralan,
barangay/pamayanan/bansa.

You might also like