You are on page 1of 3

6MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10

(Kontemporaryong Isyu)

I. Sa loob ng isang oras, ang mga mag aaral ay inaasahang:


1. Natutukoy ang mga karahasan na kinakaharap ng mga kababaihan;
2. Nakabubuo ng mga paraan upang maipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan
laban sa karahasan;
3. Nakapagsasagawa ng mga paraan upang maipakita ang pagsalungat sa mga karahasan
na kinakaharap ng mga kababaihan.

II. Paksang-aralin
Paksa: Karahasan sa mga Kababaihan
Sanggunian: Department of Education. (2017). Kontemporaryong isyu: Modyul ng
mga magaaral (pp. 283-309).
Department of Education. (2017). Kontemporaryong isyu: Gabay ng mga
guro (pp. 262-291).
Kagamitang Pampagtuturo/Kagamitan Pangmag-aaral: Laptop at Projector/TV

III. Pamamaraan (Procedure)


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagsasa-ayos ng lugar o silid aralam
3. Pagbati
4. Pamantayan sa Klase
5. Pagtala ng Lumiban sa Klase
6. Pagbabalik-aral

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak:
MYSTERY BOX
- Sasagutin ng mga mag-aaral ang aktibidad na “MYSTERY BOX”. May
lalabas na larawan sa mystery box na nauukol sa kababaihan at tutukuyin ng
mga mag-aaral kung ano ang nasa larawan.

2. Gawain (Activities):
KOMIK-SURI
- Magpapakita ang guro ng komiks tungkol sa isyung may kinalaman sa
kababaihan..
- magtatawag ng estudyante upang mag-impersonate ng diyalogo. Pagkatapos
ay sasagutin ang mga inihandang katanungan.

3. Pag-aanalisa (Analysis):

- Mararanasan ng mga estudyante ang isang “VIRTUAL FIELD TRIP”, na


nagpapakita ng iba’t ibang karahasan na tinatamasa ng kababaihan sa iba’t
ibang panig ng mundo.

- Pagtatalakay

4. Abstraksyon (Abstraction):

- -Ipapakilala sa mga estudyante ang GABRIELA bilang isang samahan sa


Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng karahasang nararanasan
ng kababaihan
- “ALL OF US ARE AWARE”- Ang mga mag-aaral ay gagawa ng PHOTO
COLLAGE upang maipakita ang ibat ibang uri karahasan na tinatamasa ng
mga kababaihan.

- Sa pamamagitan ng aktibiting GIRL POWER makapagtatala ang mga


estudyante kung paano mapipigilan ang karahasan sa kababaihan.

5. Paglalapat(Application):

- Magtatanong ang guro kung ano ang mga iba’t ibang uri ng karahasan na
kinakaharap ng mga kababaihan at kung paano nila maipaglalaban ang
kanilang mga karapatan laban sa karahasan.

- “SQUID GAME RED LIGHT, GREEN LIGHT" Sasagutin at tutukuyin ng


mag-aaral ang iba’t ibang pahayag na nkaflash na screen. Itataas nila ang
pulang ilaw kung ang pahayag ay nagpapakita ng karahasan at berdeng ilaw
naman kung ito ay hindi nagpapakita ng anumang karahasan. Maari silang
sumagot pagkatapos ng timer.

IV. Pagtataya:
Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
sa sagutang papel.

1. Si Maria ay dumulog sa awtoridad dahil sa pilitang pakikipagtalik ng kanyang


asawa nang walang pahintulot. Anong karahasan ang ang tinatamasa ni Maria?
a. Honor Killing b. Prostitusyon c. Marital Rape

2. Si Fe ay salat sa pamumuhay ang tanging alam niyang hanapbuhay upang


maitawid ang kanyang pamilya sa kahirapan ay ang pagbibigay ng serbisyong
seksuwal kapwa kalalakihan kapalit ng salapi.Ano ang karahasang kinakaharap
ni Fe?
a. Honor Killing b. Marital Rape c. Prostitusyon

3. Ito ay ang pagpatay sa mga babaeng kasapi na inaakalang nagdala ng kahihiyan


sa pamilya, angkan , o komunidad ay anong uri ng karasahan?
a. Marital Rape b. Honor Killing c. Prostitusyon

4. Dapat alamin ng kababaihan ang kanilang mga karapatan at mga maaring lunas
kung nalapastangan ang kanilang karapatan.
a. Tama b. Mali c. Wala sa nabanggit

5. Ang mga kababihan ay kailangang magsalita at magsumbong sa awtoridad kung


nakakaranas ng karahasan.
a. Tama b. Mali c. Wala sa nabanggit

V. Takdang-aralin:

- Sasagutan ang aktibiting PAKIRAMDAM KO! Kung saan magsusulat ng


repleksyon at magmuni-muni ang mga estudyante tungkol sa mga magiging
implikasyon kung sakaling magpapatuloy ang iba’t ibang uri ng
diskriminasyon/karahasan laban sa mga kababaihan at iba pang sektor ng lipunan
sa daigdig. Gagamitin ang pamantayan sa pagmamarka ng repleksyon sa ibaba
bilang gabay sa paggawa ng repleksyon.
Pamantayan sa Pagmamarka ng Repleksyon

Mahusay Pwede na Nakuhang Iskor


Nilalaman (4.0) (3.0)
Organisasyon (1.0) (0.5)
Kabuuan (5.0) (3.5)

Inihanda ni:

HAYDEE ERIKA MERCADO-ASUNCION, MAT


Teacher Applicant

You might also like