You are on page 1of 9

MGA KONTEMPORARYONG ISYU

10

MGA EPEKTO NG
PAGLABAG SA
KARAPATANG PANTAO

Multidiciplinary (ESP\FILIPINO\SOCIAL STUDIES)

INIHANDA NI: June Asuncion


INIWASTO NI: Mr. Vic Gacula
Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10
Mga Epekto ng Paglabag sa Karapatang Pantao
I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa
kahalagahan karapatang pantao sa pagsusulong ng pagkapantay-pantay at respeto sa
tao bilang kasapi ng pamayanan, bansa, at daigdig.
B. Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagpaplano ng symposium na
tumatalakay sa kaugnayan ng karapatang pantao at pagtugon sa responsibilidad bilang
mamamayan tungo sa pagpapanatili ng isang pamayanan at bansa na kumikilala sa
karapatang pantao.
C. Layuning Pangkaugalian
1. Sa loob ng 20 minuto, naipapaliwanag ng mga mag-aaral ang isang paglabag sa
karapatang pantao sa pamamagitan ng pagsusulat ng isang sanaysay.
2. 95% ng mga mag-aaral ay nakasusunod sa daloy ng talakayan sa papamagitan ng
pagbabasa sa mga nakalakip na impormasyon sa power point presentation.
3. Sa loob ng 30 minuto, ang mga mag-aaral ay makapagtatanghal ng isang halimbawa
ng paglabag sa karapatang pantao sa pamamagitan ng isang dula.

II. Nilalaman
Paksa: Mga Epekto ng Paglabag sa Karapatang Pantao.
a. Tema-Pagpapakatao
b. Sanggunian at pahina- Batayang Aklat: Mga Kontemporaryong Isyu ( Araling
Panlipunan-Aklat para sa Mag-aaral) Pahina 97-100.
c. Kagamitan: Printed Material, Loptop, PPT, at Plaskard

III. Pamamaraan

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain

1.Panalangin

Tayo na’t tumayo para sa isang mataimtim na


panalangin.

Dariell, maaari mo bang pangunahan ang Dariell: Ama Namin, Sumasalangit Ka


ating panalangin. Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo.
Sundin ang utos Mo,
Dito sa lupa, para ng sa langit
Bigyan mo po kami ngayon ng aming
kakainin araw-araw
At patawarin Mo po kami sa aming mga sala,
Para ng pagpapatawad naming
Sa mga nagkakasala sa amin
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya Mo kami sa lahat ng masama,
2.Pagsasaayos ng Silid-Aralan Amen.

Bago kayo umupo, tingnan niyo muna ang


inyong silid kung ito ba’y malinis at kaaya-
aya. Maaaring pulutin ang mga kalat kung
mayroon, at kung wala ay maaari na kayong
umupo.

3.Pagbati

Magandang umaga, klas! Kumusta naman


kayo ngayong araw? Nasa maayos ba kayong
kalagayan?
Magandang umaga rin po, Ginoong Asuncion
Kumustahin niyo naman ang inyong mga Kami po ay nasa maayos na kalagayan.
katabi, at huwag kakalimutang ngumiti dahil
ang pagngiti ay nakadadagdag ng kagandahan
at kagwapuhan.

Mayroon bang lumiban sa klase, Jonathan?

Nagagalak akong malaman na walang Wala po, sir


lumiban sa klase.
4.Pagbabalik-Aral

Bago tayo magsimula sa ating bagong aralin,


maaari niyo bang sabihin kung ano ang ating
huling napag-aralan?

Sige, Christine. Sir, ang ating huling pinag-aralan ay


patungkol sa mga anyo ng paglabag sa
karapatang pantao.
Mahusay!

Ano pa ang karagdagang kaalaman niyo sa


sinabi ni Christine?

Glaiza, mukhang may idadagdag ka.


Napag-aralan din po natin kung bakit labag
ang mga nasabing anyo ng paglabag sa
Napakahusay! Lahat ng inyong mga sinabi ay karapatang pantao.
ating napag-aralan, at kitang-kita na nakinig
kayo ng mabuti sa ating huling pinag-aralan.
Mamaya, makikita natin ang pagkakaugnay
ng nakaraang talakayan sa ating tatalakayin sa
araw na ito.

5.Pagganyak
Bago tayo dumako sa ating talakayan,
mayroon akong hawak na larawan at gusto
kong sabihin niyo kung ano ang inyong
makikita o pagkakaintindi dito.

Handa na ba klas? Handang-handa sir.

Itaas mo lang ang iyong kamay kapag kayo


ay sasagot.

Larawan! Ilarawan!

Ano ang napapansin niyo sa unang larawan?


Sir! (Itinaas ang kamay)

Ano ang iyong sagot, Rose Venus?

Ang mga tao po sa larawan ay naghihirap.

Tama ang iyong isinagot, Florelyn.

Ano naman ang masasabi niyo sa


pangalawang larawan?

Ang makikita po sa pangalawang larawan ay


isang babaeng inaabuso!

Tumpak, Frank.
3. Ano naman kaya ang pangatlong larawan?

Pagpatay po sir!

Magaling!

Lahat kayo ay mahuhusay. Maaaring


palakpakan niyo ang inyong mga sarili. (Pumalakpak ang mga mag-aaral)
5.Paglalahad

Sa inyong pag-unawa, ano kaya ang ating Sa tingin ko po, ang susunod nating pag-
susunod na pag-aaralan batay sa ating aaralan ay tungkol sa Epekto ng Paglabag sa
isinagawang aktibidad? Karapatang Pantao.

Tama! Ang ating susunod na pag-aaralan ay


tungkol sa mga epekto ng paglabag sa
karapatang pantao.

Dumako na tayo sa ating talakayan upang


mas maliwanagan tayo kung ano-ano nga ba
ang mga epekto ng paglabag sa karapatang
pantao.

6.Pagtatalakay

Ano nga ba ang karapatang pantao klas? Mag-aaral: Itinaas ang kamay.

Sige Charity, maari mong ibahagi ang iyong


ideya.
Charity: Magbabahagi ng sariling ideya.
Sige, basahin ang nasa power point
presentation kung akma ba ito sa sinabi ni
Charity. Basahin klas. Mga mag-aaral: Ang karapatang pantao ay
tumutukoy sa mga taglay nating Karapatan sa
payak na dahilang tayo ay mga tao.

Mahusay, klas! Lagi nating tatandaan na


bawat isa ay may karapatan at dapat natin
itong irespeto o igalang.

Gaya ng sinabi natin kanina, may mga epekto


ng paglabag sa karapatang pantao. Una ay
ang kahirapan, ano nga ba ang kahulugan ng
kahirapan? Christian.
Salamat Christian, at para mas maunawaan Christian: Ibabahagi ang pagpapakahulugan
natin, pakibasa ang ang nasa presentasyon. niya sa kahirapan.
Sino ang gusting bumasa? Janine.

Janine: Ang kahirapan ay tumutukoy sa


kalagayan o katayuan ng isang tao na walang
Tama Janine. isang halaga ng mga pag-aaring material o
salapi.
Sa tingin niyo klas, bakit kaya naging epekto
ng paglabag sa karapatang pantao ang
kahirapan? Irah, maari mo bang ibahagi ang
iyong kaisipan tungkol dito?

Irah: Dahil po ang pagpigil at paglimita sa


Magaling Irah. potensiyal ng isang indibidwal upang
makamit ang oportunidad na saklaw naman
Ngayon, base dito sa larawan na ipinakita ko ng karapatan niya ay nagdudulot ng isang
kanina may nakapagsabi na ito ay malaking suliranin, ang kahirapan.
naglalarawan ng pag-aabuso. Sa tingin niyo
klas, ano kaya ang magiging dulot nito sa
taong sangkot sa pang-aabuso? Diana.

Sir, bukod po sa sakit at sugat na dulot ng


tinamong karahasan, maaaring sa isipan o
emosyonal aspekto makikita ang mas
malalalang pinsala na idinulot ng pagkawala
o paglimita sa kanilang karapatan.

Tama Diana, ang pang-aabuso ay


nagkakaroon ng epekto sa aspektong
sikolohikal ng biktima kung kayat lubhang
nakababahala ang ganitong pangyayari.

Sa ating bansa, sino sa inyo ang


makapagbibigay ng halimbawa ng pang-
aabusong nagdudulot ng sikolohikal na mga
sugat sa isang biktima?
Mga mag-aaral: Magbabahagi ng ilang mga
halimbawa.

Salamat klas, isa ring halimbawa nito na


naganap sa ibang bansa ay? Basahin ang
nakalakip sa presentasyon klas.
Mga mag-aaral: Isang halimbawa nito ang
pang-aabuso ng military sa Myanmar sa mga
mamamayan nito. Ayon sa tala ng Burma
Link, isang grupong nagsusulong ng
Karapatan ng mga minorya sa Myanmar ang
naging biktima ng torture ng military ay
nakaranas ng depresyon at hirap sa
pakikihalubilo muli sa lipunan o paghahanap
ng trabaho. Liban sa biktima, mayroon ding
Salamat klas, ibig sabihin nito marami pang sikolohikal na trauma na nadarama ang mga
ibang apektado ang kanilang aspektong pamilya nila.
sikolohikal sa mga pangyayaring ito maliban
sa biktima. Karamihan din sa mga apektado
ay sinisisi ang sarili sapagkat hindi nila
naprotektahan ang mahal sa buhay. Dahil
dito, marami ang nagpapakululong na lamang
sa bisyo upang kalimutan ang depresyon, na
siya namang nagdudulot ng siklo ng
kahirapan sa pamilya.

Sabi niyo kanina, ang nasa larawan ay


nagpapakita ng pagpatay, at ito ay tama. Isa
sa epekto ng paglabag sa karapatang pantao
ay ay ang paglaganap ng krimen. Klas, bakit
naman kaya naging epekto ito ng paglabag sa
karapatang pantao? Janine.

Janine: Dahil po ang paglabag sa karapatang


Magaling! Ibig sabihin, dahil sa paglabag ng pantao ay nagdudulot lamang ng galit sa mga
isang tao sa karapatang pantao ng kanyang biktima, kung kaya ang ilan sa mga ito ay
kapwa ay nagbubunga lamang ng galit na siya pinipiling gumanti na lamang.
naming pinagsisimulang ng paghihigante na
nahahantong sa krimen o pagpatay.

7. Pangkalahatan

Sa tingin ko ay lubos niyo ng naunawaan ang


ating aralin.
Klas, ano ngayon ang inyong masasabi o Mahalaga ang pagtatalaga at pagpapatibay ng
reyalisasyon sa ating tinalakay? ating mga karapatang pantao upang
mapanatiling payapa, makatarungan, at ligtas
ang ating lipunan para sa bawat tao.
Mahusay at naintindihan niyo ang ating aralin
sa araw na ito. (Bigyan ang inyong mga sarili
ng masigabong palakpakan)

Pagtataya
PANUTO: Sumulat ng isang sanaysay na tumatalakay sa isang paglabag sa karapatang
pantaona sa iyong palagay ay nagaganap sa iyong pamayanan, sa bansa, o maging sa
ibang bansa. Talakayin kung bakit ito maituturing bilang paglabag sa karapatang pantao.
Ipinapayo na magsaliksik sa Internet upang makahanap ng mga balita o datos upang
maisulat nang komprehensibo ang tungkol sa isyu. Mamarkahan ang papel batay sa
rubrik sa ibaba.

PAMANTAYAN PUNTOS
Sapat at kompleto ang 10
mga impormasyon
Mahusay ang 5
pagpapaliwanag sa mga
punto
Maliwanag ang tunguhin 5
ng papel
Kabuuang Puntos 20

Takdang Aralin
A. PANUTO: Mahahati ang klase sa dalawang grupo. Gumawa ng script para sa isang
dula na patungkol sa paglabag sa karapatang pantao. Itatanghal niyo ito sa susunod na
pagkikita sa loob ng hindi lalagpas o bababa sa 30 minuto. Ang basehan sa markahan
ay nasa rubrik sa ibaba.

PAMANTAYAN PUNTOS
Nilalaman 20
Pagkamalikhain 15
Kaangkupan sa Paksa 10
Kalinisan 5
Kabuuang Puntos 50

You might also like