You are on page 1of 5

TANGUB CIUTY GLOBAL COLLEGE

Maloro, Tangub City

INSTITUTE OF TEACHER EDUCATION

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9

I. IMPORMASYON
Paksa: Uri ng Tunggalian
Baitang: 9 Nakalaang Oras: 45 minuto
Guro: Jelly Ann R. Montealto
Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
Pangnilalaman pampanitikang ng Kanlurang Asya
:
Pamantayan Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling
sa Pagganap: mga akdang pampanitikang Asyano
Kasanayang Nasusuri ang mga tunggalian (tao vs. tao, at tao vs. sarili) sa kuwento batay sa
Pampagkatuto: napakinggang paguusap ng mga tauhan F9PN-IIId-e-52
Layunin: a. nalalaman ang iba’t ibang uri ng tunggalian
b. naihahambing ang mga uri ng tunggalian
c. nasusuri ang tunggalian nang nabasang maikling kwento
Sanggunian: https://www.slideshare.net/JenitaGuinoomga-panloob-at-panlabas-na-tunggalian
Kagamitan: Kartolina, Powerpoint presentation, Laptop, Speaker, Handouts
Kasanayan:
Kakayahan: Kolaborasyon
Pamamaraan: Pabuod

II. KARANASANG PAMPAGKATUTO


Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Paghahanda

Magandang umaga klas, magsitayo ang lahat (Tumayo ang lahat at nanalangin)
para sa ating pambungad na panalangin pangunahan
mo…
Magandang umaga din po ma’am!
Muli, magandang umaga klas!
Ginagawa ng mga mag-aaral
Bago kayo umupo sa inyong, nais kung ihanay
nyo muna ang mga silya at pulutin ang mga basurang
nasa ilalim ng inyong mga upuan.
Maraming salamat po ma’am!
Maari na kayong umupo.
Opo ma’am!
Kumusta kayo klas? Nakapag agahan na ba
kayo?

Mabuti kung gayon.

a. Balik-aral

Bago tayo dumako sa panibagong talakayan


natin sa araw na ito, alalahanin muna natin ang Tinalakay po natin ma’am ang Pag-iiklino ng mga
tinalakay natin noong nakaraang tagpo. Ano ba ang salita o Pagpapasidhi ng damdamin
tinalakay natin noong nakaraang tagpo?
(Pumapalakpak ang mga mag-aaral)
Tumpak! Bigyan natin sya ng barangay clap.
Gaya ng sinabi nya, kahapon ay masusing
pagtalakay sap ag-iiklino ng mga salita o pagpapasidhi
ng damdamin.

Ano ba ang ibig sabihin ng Pag-iiklino ng salita o Ito ay isang uri ng pagpapahayag ng saloobin o
Pagpapasidhi ng damdamin emosyon sa paraang papataas ang antas o tindi nito.
Nagagamit ito sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng
mga salitang may ugnayang sinonimo

Napakahusay! Bigyan natin sya ng limang bagsak (Pumapalakpak ang mga mag-aaral)

Ang Pag-iiklino ng mga salita o Pagpapasidhi ng


damdamin ay uri ng pagpapahayag ng emosyon sa
paraan na pataas na antas o tindi.

Mabuti at talagang naintindihan niyo ang ating naging


talakayan.

b. Pagganyak

Panuto: panooring maigi ang bidyo at alamin kung sino


ang kaaway ng pangunahing tauhan.

Ipini-play ang bidyo. 2 Minute Video

B. Paglalahad

Ngayo klas ay makinig kayo ng mabuti dahil ang


tatalakayin natin sa araw na ito ay …basahin sa lahat.
Uri ng Tunggalian
Salamat klas.

Ang tatalakayin natin sa araw na ito ay ang iba’t ibang


Uri ng Tunggalian.

a. Paglalahad ng Nilalayon

Nais kung malaman nyo klas na mayroon akong


inihandang mga layunin na kailangang makamit ninyo
sa katapusan ng ating talakayan. Basahin sa lahat.

a. nalalaman ang iba’t ibang uri ng tunggalian


b. naihahambing ang mga uri ng tunggalian
c. nasusuri ang tunggalian nang nabasang
maikling kwento
Maraming salamat klas. Sa katapusan ng ating
talakayan sa araw na ito klas, kailangan nyong
malaman ang iba’t ibang uri ng tunggalian,
maihambing ang mga uri ng tunggalian sa isa’t isa at
nasusuri ang tunggalian nang nabasang maikling
kwento

C. Pagatatalakay

Okay klas, bago tayo dumako sa mga uri ng Uri


ng tunggalian, alamin muna natin ang kung ano ang
Tunggalian.
Ang tunggalian klas ay. Ito ay isang bahagi ng kwento na nagdudulot ng
Basahin sa lahat. problema o hamon sa pangunahing tauhan. Ito ang
nagbibigay-buhay sa kwento, nagbibigay-tensiyon,
at nagpapakita ng pagbabago o pag-unlad ng
pangunahing tauhan sa buong kwento.

Maraming salamat. Ang tunggalian ay isang bahagi ng


kwento na nagdudulot ng problema o hamon sa
pangunahing tauhan. Nagbibigay-buhay sa kwento,
nagbibigay-tensiyon, at nagpapakita ng pagbabago o
pag-unlad ng pangunahing tauhan sa buong kwento.

Ngayon alamin naman natin kung anu-ano ba ang 4 na Tao laban sa tao
uri ng tunggalian. Basahin sa lahat. Tao laban sasarili
Tao laban sa Lipunan
Tao laban sa kalikasan

Maraming salamat klas.


Ang kalaban po ng tao ma’am ay tao rin
Ano ba ang tunggalian na tao laban sa tao?
(Pumapalakpak ang mga mag-aaral)
Magaling! Bigyan natin sya ng let’s go clap.

Gaya ng sinabi niya ang tunggalian na tao laban sa


sarili ay tunggalian o hidwaan ng isa't isa sa pagitan ng
mga tao. Maaring ito ay away, alitan, o hindi
pagkakaintindihan sa loob ng kwento.
Ang kalaban po ng tao ma’am ay kanyang sarili.
Ano naman ang tunggalian ng tao laban sa sarili?
(Pumapalakpak ang mga mag-aaral)
Mahusay! Bigyan natin siya ng barangay clap.

Tama, gaya ng sinabi niya ang tunggalian na tao laban


sa sarili ay ang laban na nagaganap sa isipan o
damdamin ng isang tao. Karaniwang ito ay tungkol sa
personal na conflict o pakikipaglaban sa kanyang
sariling takot, kawalan ng kumpiyansa, o maling
desisyon.

Do’n naman tayo sa tunggalian na tao laban sa


Lipunan? Ang tunggalian na tao laban sa Lipunan ay ang
tunggalian ng isang tao laban sa mas malawak na
Basahin sa lahat. lipunan, sistema, o lipunang kinabibilangan.
Maaring ito ay laban para sa katarungan, kalayaan,
o laban sa anumang uri ng diskriminasyon.

Maraming salamat klas.

Ang tunggalian na tao laban sa Lipunan ay ang Hindi po ma’am.


tunggalian ng tao laban sa lipunan, sistema, o lipunang
kinabibilangan. Maaring ito ay para sa katarungan,
kalayaan, o laban sa anumang uri ng diskriminasyon Opo ma’am.

Naintindihan nyo ba klas?


Ito ay ang laban ng tao sa mga lakas ng kalikasan
Ano naman ang tunggalian na tao laban sa kalikasan? tulad ng bagyo, lindol, o iba pang kalamidad.
Basahin sa lahat. Maaring ito ay isang pagtatangkang malampasan
ang mga natural na panganib o pagkilos na
nagdudulot ng pinsala sa kalikasan.

Maraming salamat! Ang tunggalian na tao laban sa


kalikasan ay ang pakikipaglaban ng tao sa mga lakas
ng kalikasan tulad ng bagyo, lindol, o iba pang
kalamidad. Ang pagtatangkang ng tao na malampasan
ang mga natural na panganib o pagkilos na nagdudulot
ng pinsala sa kalikasan. Naintihan po ma’am. Wala na po kaming
katanungan.
Naintindihan nyo ba ang 4 na Uri ng Tunggalian? Wla
na ba kayong katanungan?

D. Pagahahambing at Paghahalaw

Ok klas, ang tunggalian ng tao sa kanyang kapwa ay


parang bagyo ng hidwaan. Ito ay maaaring mawasak
ang ugnayan tulad ng isang unos. Ito ay kahawig ng
digmaan, kung saan naglalaban ang mga tao para sa
kanilang sariling layunin.

Ang tao laban sa sarili ay parang karamdaman na


nagdudulot ng kaguluhan sa loob nati. Ito ay tila isang
sakit na kumakain sa kanyang sarili. Katulad ito ng
isang masusing paligsahan, kung saan ang sarili ang
kalaban.

Ang tao laban sa Lipunan naman ay digmaan sa ideya


at prinsipyo. Ito ay naglalarawan ng hindi
pagkakasundo ng tao at lipunan.

Samanatalang ang tao laban sa kalikasan ay parang


isang bangkang nagsusumikap malampasan ang
malakas na alon. Gayundin, ito'y tulad ng isang tao na
nagtatangkang sumubok ng puwersa ng malupit na
bagyo, subalit nagtutulungan upang mapanatili ang
kaligtasan.

E. Paglalahat Tao laban sa tao


Tao laban sasarili
Anu-ano nga ulit ang 4 na uri ng taunggalian? Tao laban sa Lipunan
Tao laban sa kalikasan

Tama, magaling at naintindihan niyo talaga ang ating


naging talakayan.
F. Paglalapat

Pangkatang Gawain

Panuto: Sa inyong grupo, alamin kung anong uri ng


tunggalian ang taglay ng ibinigay na mga handouts.
Ipaliwanag niyo kung paano nyo nasabi na taglay nito
ang uri ng tunggalian base sa binasa. Isulat nyo ito sa
isang buong papel

III. EBALWASYON

Panuto: Sa isang kalahating papel, magbigay ng tig-iisang halimbawa sa bawat uri ng tunggalian.

IV. TAKDAN-ARALIN
Panuto: Magsaliksik ng isang maikling kwento sa internet, basahin nyo ito nang maigi. Pagkatapos ay suriin
nyo kung ano ang uri ng tunggalian ang taglay ng iyong napili. Isulat ang pamagat ng napiling kwento at ang
mga bahagi na nagpapakita ng tunggalian. Gawin ito sa kalahating pahalang na papel. Ipasa ito sa susunod na
tagpo

Inihanda ni:

JELLY ANN R. MONTEALYO


Practice Teacher

Approved for class utilization:

FRUCTOUSA M. SARNO
Cooperating Teacher

You might also like