You are on page 1of 5

Activity Sheet sa

Filipino 10
Kuwarter 2 - MELC 21
Pagsasalaysay ng mga tunggalian sa pagitan ng mga tauhan batay sa
kanilang mga pananalita

REHIYON VI-KANLURANG VISAYAS

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

1
Kuwarter 2, Linggo 5

Pangalan ng Mag-aaral: _______________________________________________Baitang at Seksiyon:_______________


Guro:______________________________________________________________Petsa:__________________________

FILIPINO 10 GAWAING PAMPAGKATUTO NO. 21


Pagsasalaysay ng mga tunggalian sa pagitan ng mga tauhan batay sa kanilang mga pananalita

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naisasalaysay ang mga tunggalian sa pagitan ng mga tauhan batay sa kanilang pananalita (F10PN-IIf-74)

II. Panimula
Ang nobela ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panikitang tuluyan.
Binubuo ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari ng buhay ng mga tai
na bukod sa nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga
mambabasa.
Ang tunggalian naman ay isang mahalagang elemento sa isang akda. Ito ay ang suliranin o
problema na kinakaharap ng mga tauhan sa isang kuwento. Nagiging kapanapanabik ang isang kuwento
kapag maganda ang tunggaliang makikita sa loob gayundin ay mas makabuluhan ang bawat tagpo na
kinasasangkutan ng mga tauhan.
Kaya naman sa araling ito ay babasahin natin ang isang nobela obra maestrang nobela ni Earnest
Hemingway na pinamagatang “The Old man and the Sea” (Ang Matanda at ang Dagat).
Sa pagtatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang maisasalaysay mo ang tunggaliang masisilayan sa
nobelang babasahin.

III. Mga Sanggunian


Ambat, V. C., et.al (2015). Filipino-Ikasampung Baitang,
Modyul para sa Mag-aaral, Pasig City: Vibal Group, Inc.

IV. Mga Gawain


1. Mga Panuto
A. Basahin ang iba’t ibang uri ng tunggalian at sagutin ang Gabay na Tanong.

• Panloob na Tunggalian/ Tao laban sa Sarili– Ito’y uri ng tunggalian na


nangyayari sa loob mismo ng tauhan. Dito, ang kanyang pangunahing kalaban ay
ang kanyang sarili at ang mga problemang internal. Ito’y kadalasan na makikita
kapag ang mga tauhan ay mayroong “internal conflict” o kaya’y nahihirapan sa mga
desisyon.

• Panlabas na Tunggalian – Dito natin makikita ang mga problema katulad ng tao
laban sa tao. Ang tunggaliang ito ay nagpapakita ng laban ng tauhan at iba pang
tauhan.

• Tao laban sa Kalikasan – Ang pangunahing tauhan ay naapektuhan ng mga


pwersa ng kalikasan. Isang halimbawa nito ay ang biglaang pag lindol ng malakas,
o pagbagyo na naglalagay sa mga tauhan sa panganib.

2
• Tao laban sa Lipunan – Dito, ang ating mga pangunahing tauhan ay lumalaban sa
lipunan. Halimbawa nito ang pagsuway sa mga alituntunin ng lipunan o di kaya ay
ang pagtakwil sa kultura ng lipunan.

Gabay na Tanong:
a. Batay sa nailahad na mga uri ng tunggalian sa itaas, alin sa mga ito ang sa tingin mo ang
kadalasang tunggalian na iyong natunghayan sa mga nabasa mong akda? Ipaliwanag ang sagot.
b. Bakit mahalagang lapatan ng tunggalian ang isang kuwento?

2. Pagsasanay/ Gawain
Panuto: Tukuyin kung anong tunggalian ang masisilayan sa sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa patlang.
_____1. Pero napatay ko ang pating na sumagpang sa isda ko, naisip niya. At siya ang pinakamalaking dentuso na
nakita ko. At alam ng Diyos na nakakita na ako ng malalaki.
a. Tao laban sa Tao c. Tao laban sa Kalikasan
b. Tao laban sa Sarili d. Tao laban sa Lipunan
_____2. Huwag kang mag-isip tungkol sa kasalanan. Masyado nang huli para diyan at may mga taong binabayaran
para gawin iyon. Hayaan mong sila ang mag-isip tungkol doon.
a. Tao laban sa Tao c. Tao laban sa Kalikasan
b. Tao laban sa Sarili d. Tao laban sa Lipunan
_____3. “Galanos” malakas niyang sabi. Nakita na niya ngayon ang pag-angat ng pangalawang palikpik sa likuran ng
una at natukoy niya na ang mga ito ay pating na hugis-pala ang nguso batay sa kayumanggi, hugis tatsulok
na palikpik at sa pahalihaw na galaw ng buntot.
a. Tao laban sa Tao c. Tao laban sa Kalikasan
b. Tao laban sa Sarili d. Tao laban sa Lipunan

3. Mga Batayang Tanong


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga tanong sa ibaba. Unawain at pag-isipan ang iyong mga sagot sa
iyong sagutang papel.

A. Mula sa binasang nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat” saang bahagi ng kuwento makikita ang tunggalian?
Ilahad.
B. Anong tunggalian sa kuwento ang sa tingin mo ay dinadanas ng tao sa kasalukuyan? Pangatuwiranin ang
sagot.
C. Ano –anong pagpapahalaga sa buhay ang pinanghahawakan ng tauhan? Ipaliwanag.

4. Batayan sa pagbibigay ng iskor (Rubrik)

Panuto: Magsalaysay ng dahilan ng pagkakaroon ng tunggalian sa pagitan ng mga tauhan na makikita sa binasang
nobela.

Rubrik sa Pagsasalaysay ng Tunggalian


Dimensiyon 5 puntos 3 puntos 1 puntos Iskor
Pagsasalaysay Mahusay na Naisalaysay ang Hindi gaanong
naisalaysay ang tunggaliang naisalaysay ang
tunggaliang kinasakngkutan ng tunggaliang
kinasakngkutan ng mga tauhan sa kinasakngkutan ng
mga tauhan sa kuwento mga tauhan sa
kuwento kuwento
Wika Maayos at walang May dalawa Maraming mali
mali sa gamit ng hanggang apat na kaya may kalituhan
wika sa mali sa paggamit ng ang pagsasalaysay
pagsasalaysay wika sa
pagsasalaysay
KABUUAN 10 PUNTOS

Iskala Deskripsyon
8-10 Napakagaling
5-7 Magaling
2-4 Nangangailangan ng pagpapaunlad

3
V. Repleksiyon
Panuto: Basahin ang tanong sa ibaba. Pag-isipan at isulat ang iyong opinyon o pananaw sa patlang inilaan.

“Ano-anong kalupitan at karahasan sa lipunan ang malinaw na inilalarawan sa nobela na sa tingin


mo ay nararanasan nain sa kasalukuyan?”
____

IV. SUSI SA PAGWAWASTO

MGA GAWAIN
1. Gabay na tanong
A. (Iba-iba ang sagot)
B. Mahalagang lapatan ng tunggalian ang
isang kuwento upang mas magiging
makabuluhan ito sapagkat lilitaw ang aral
mula sa kinakaharap na suliranin ng tauhan
PAGSASANAY
1. B
2. D
3. C
C. MGA BATAYANG TANONG (iba - ibang
sagot)
A. Ang tunggalian ay makikita nang
magkasalubong ang landas ng pating at ng
matanda sa dagat.
B. Ang tunggaliang tao laban sa sarili at tao
laban sa lipunan kung saan binigyang diin
sa nobela ang pagkakaroon ng matinding
konsensya sa paggawa ng isang
pagkakamali na kung saan ay nagiging tama
kapag mahuhusgahan sa pamantayang
ipinapasunod sa lipunan.
C. Na may Diyos pa rin na nakakaalam ng
tunay nating pagkatao at tunay na
konsensiya n gating mga puso. Siya lamang
ang makapaghuhusga kung an gating
ginawa ay makasalanan o hindi.

You might also like