You are on page 1of 13

10

FILIPINO
Ikalawang Markahan-Modyul 7:
Pagbibigay ng Pananaw sa Binasa
(Sanaysay/Talumpati/Editoryal)

May-Akda: Aaron Paul Atienza


Marcerin R. Permejo
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.


Aralin 1 – Pagbibigay ng Pananaw sa Binasa

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang sumusunod:


A. nakikilala ang mga anyo ng sanaysay (talumpati o editoryal);
B. nasasagot ang mga tanong sa binasa;
C. natutukoy ang mga salitang di lantad ang kahulugan sa akda; at
D. naibibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa binasang anyo ng
sanaysay (talumpati o editoryal).

Subukin

Ang mga sumusunod ay mahahalagang impormasyon tungkol sa


sanaysay. Bago ka mag-umpisa ng aralin, subukin mong sagutin ang
sumusunod.

A. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. Isulat ang napiling titik sa


inihandang sagutang papel.

1. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa


tiyak na paksa.
a. dula c. maikling kuwento
b. sanaysay d. tula
2. Ang sanaysay sa Ingles ay tinatawag na _______.
a. essay c. fable
b. speech d. story
3. Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita na sanay at
_____________. .
a. pagkukuwento c. pagtatalumpati
b. pagsasalaysay d. paglalahad
4. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa seryosong paksa at nangangailangan
ng masusing pag-aaral.
a. di- pormal c. nilalaman
b. pormal d. tema
5. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa paksang magaan, karaniwang pang-
araw – araw at personal.
a. di- pormal c. tema
b. panimula d. pormal

B. Tukuyin alin ang nagpapahayag ng saloobin o damdamin sa mga


pangungusap sa ibaba. Lagyan ng tsek ang patlang na katabi ng bawat bilang.

_____ 1. Natuwa ako sa balita dahil bumaba ang presyo ng langis.


_____ 2. Nalungkot naman ako sa inanunsyo na mataas pa rin ang presyo ng
mga pangunahing bilihin.
_____ 3. Tungkol sa quarrying ang ipinaliliwanag ng komentarista sa radyo.
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
_____ 4. Para sa akin, tama lang na ituloy ang GCQ.
_____ 5. Tinalakay ng may-akda ang sanhi at bunga ng pagkasira ng mga
kagubatan.

Aralin Pagbibigay ng Pananaw sa Binasa


1 (Sanaysay/talumpati/editoryal)

Sa araling ito ay pag-aaralan mo Pagbibigay ng Sariling Pananaw/


Opinyon at Pagtukoy sa mga salitang di lantad ang kahulugan batay sa binasa
(sanaysay/talumpati/editoryal). Upang ito ay malinang, kailangan mong gawin
nang matapat ang lahat ng gawain.

Balikan

Piliin sa kabilang hanay ang katuturan ng mga salita sa bawat bilang.


Isulat sa patlang ang letra ng sagot.

_____1. Talumpati a. akda sa tuluyan na naglalaman ng kuro-kuro ng


sumulat
_____2. Komentaryo b. sinulat upang bigkasin at iparinig sa mga tao
_____3. Balita c. nagsasaad ng pananaw ng pahayagan tungkol sa
napapanahong isyu
_____4. Sanaysay d. personal na opinyon ukol sa isang isyu
_____5. Editoryal e. ulat ukol sa mga kaganapan sa paligid

Tuklasin
A. Panimula

Paano kung ikaw ay pinagkaitan ng kalayaan? Mananatili ka ba sa


ganoong kalagayan o magpupumiglas hanggang sa mabawi ang kalayaang
ipinagkait sa iyo? Isulat ang sagot sa espasyo sa ibaba.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
B. Pagbasa

Panuto: Basahin at unawain ang halimbawa ng talumpati at editoryal at


sagutin nang pasalita ang mga tanong sa bahaging “Pag-unawa sa
binasa.”

Talumpati:
Ano-ano ang mga bagay na nais mong maisagawa upang matupad
ang iyong mga pangarap sa buhay? Maglista ng tatlo.

3.

2.

1.

Ano ang Maibibigay mo sa Bayan


Talumpati ni John F. Kennedy
Isinalin ni: Vilma M. Resuma

“Bise Presidente Jonson, Ginoong Ispiker, Ginoong Punong Mahistrado,


Pangulong Eisenhower, Bise Presidente Nixon, Pangulong Truman, Iginagalang
na mga Klerigo, mga kababayan:
Sa araw na ito’y ginugunita natin hindi ang tagumpay ng isang partido,
kundi ang selebrasyon ng kalayaan – na sumisimbulo sa katapusan at sa
simula – na nangangahulugang pagbabago . Ito ang pangako ko sa inyo at sa
makapangyarihang Maykapal, tulad ng banal na pangakong inilatag ng ating
mga ninuno mahigit nang dantaon ang nakakaraan.
Ibang-iba na ngayon ang daigdig. Nasa kamay na ng tao ngayon ang
kapangyarihang pumawi sa lahat ng uri ng kahirapan at sa lahat ng anyo ng
buhay.Gayunman, nananatili pa ring isyu sa sandaigdigan ang mga
rebolusyonaryong paniniwala na ipinaglaban ng ating mga ninuno – ang
paniniwalang ang mga karapatan ng tao ay hindi nagmula sa kabutihan ng
Estado, kundi sa kamay ng Maykapal.
Nais kong alalahanin ngayon na tayo’y tagapagmana ng naturang
rebolusyonaryong paniniwala na maituturing na ‘unang rebolusyon “. Isipin
natin sa oras at pook na ito – magkaibigan man o hindi – ang pamanang iyon ay
ibinigay sa bagong henerasyon ng mga Amerikanong isinilang sa kasalukuyang
dantaon, pinanday ng digmaan, dinisiplina ng kayhirap matamong kapayapaan,
lubos na nagpapahalaga sa pamana ng lahi, at handing lumaban sa ano mang
bantang kumitil sa mga karapatang pantaong sa simula’t simula pa’y
pinahahalagahan at handa ngang ipaglaban sa ating bansa at sa buong mundo.
Ipaalam natin sa bawat nasyon, kapanalig man o hindi - na handa
tayong mag-alay ng sarili, humarap at magtiis ng anumang hirap, tumulong sa
sinumamg kaibigan at sumalungat sa sinumamng kalaban – mapanatili lamang
ang tagumpay ng kalayaan.
Ito’y matapat nating ipinangangako – at marami pa.
Sa mga dati nang kapanalig na kabahagi na ng ating pamanang kultural
at espiritwal, ipinangangako din natin ang katapatan bilang kaibigan. Malawak
ang maisasagawa kapag nagkakaisa; kakarampot ang maisasakatuparan kapag
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
watak-watak sapagkat kay hirap humarap at lumaban sa maraming malulupit
na hamon ng panahon.
Sa mga bagong estadong tinanggap na makabilang sa malalayang bansa,
pangako nating tututulan ang anumang anyo ng kolonyal na pananakop
sapagkat hindi iyon napalampas upang mapaitan lamang ng higit pang mapang-
aping pamamahala. Hindi tayo lagging aasang suportahan nila lahat ng ating
pananaw at saloobin, ngunit lubos nating inaasahang matibay nilang itataguyod
at ipagtatanggol ang sariling kalayaan – at alalahanin sa mga nakaraang
panahon. tuluyang nabigo ang mga nagnasa sa mapamuksang kapangyarihan.
Sa mga ibang taong nasa ibang bahagi ng mundo at nananahan sa mga
kubo at nayon habang nakikibaka sa labis na kahirapan , pangako nating
tutulungan sila upang matulungan ang kanilang sarili - hndi dahil maaaring
ginagawa na ito ng mga komunista o dahil hinihiling natin ang kanilang mga
boto , kundi ito ay dapat nilang gawin. Kung hindi matutulungan ng isang
malayang lipunan ang mahirap, hindi nito maililigtas ang kaunting bilang ng
mga mayaman.
Sa ating mga kapatid narepublika sa katimugang hangganan, ito an
gating natatanging pangako : ang bpagsasagawa ng mga binigkas nang pahayag
sa pamamagitan ng isang bagong alyansang naglalayong matulungan ang
malalayang tao at pamahalaan na mapatid ang tanikala ng kahirapan
Gayunpaman ang mapayapang rebolusyong ito na naghatid ng pag-asa ay hindi
dapat maging biktima ng mga mapaniil na kapangyarihan. Asahan ng ating
karatig nasyon na makakasama nila tayo sa paglaban sa anumang pananakop
saanmang dako ng Amerika. At tandaan sana ng sinumang kapangyarihan na
ipaglaban ng hemisperang ito ang pamumuno ng sariling bayan.
Sa pandaigdigang asembleya ng malayang bansa, ang mga
nagkakaisang Bansa na huli nating pag-asa sa panahong ang mgainstrumento
ng digmaan ay higit nang malakas kaysa instrumento ng kapayapaan, inuulit
natin ang pangakong suporta- upang maiwasan ito’y maging simpleng
komperensya ng mga mapanlait na pahayag para mapalakas ang pagtatanggol
nito sa mga bago at mahihinang nasyon at upang masuportahan ang iba pang
opisyal na Gawain nito para sa mga kasaping bansa.
Sa huli, sa mga nasyong naglalayong tayo’y kalabanin, hindi tayo
nangangako kundi nakikiusap: magsimula n asana tayong magsikap tungo sa
kapayapaan bago pa mawasak ang sangkatauhan ng mga binalak o aksidental
na pangyayaring maaaring idulot ng siyensya o ng mismong sarili natin.
Hindi natin tatangkain tuklasin ang kahinaan ng mga nasyong ito.
Sapagkat kung tiyak na labis-labis na an gating mga armas , matitiyak lamang
na hindi na rin natin labis-labis na magagamit ang mga ito magpakailanman.
Ngunit hindi rin naman maipagwawalang- bahala ng alin mang dakila
at makapangyarihang pangkat ng mga bansa ang kasalukuyang kalagayan ng
daigdig. Pasan nila sa balikat ang mataas na halaga ng makabagong armas at
naalarma sila sa patuloy na banta ng paggamit ng sandaang nukleyar o atomika,
samantalang nagsisikap din silang isaisantabi, kundi man baguhin ang di
balanseng banta ng digmaang maaaring lumipol sa sangkatauhan.
Kaya nga muli tayong magsimula. Isaisip nating hindi tanda ng
kahinaan ang pagiging mahinahon ng bawat panig, at ang katapatan ay dapat
lamang patunayan na angkop ang mga kilos at galaw. Kailanma’y hidi tayo dapat
pumasok sa isang negosasyon na may takot, ngunit hindi rin dapat matakot
pumasok sa isang negosasyon.
Mangyari sanang pag-usapan ng iba’t ibang panig ang mga problemang
sa atin ay naghahati. Sa unang pagkakataon, sana’y makabuo ng pangkat ng
mga bansa na mga seryoso at tiyak na panukalang susuri at kokontrol sa mga

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
armas, at magbibigay din sa kanila ng ganap na kapangyarihang makontrol ang
pagkawasak ng ibang bansa.
Mangyari sanang ang lahat ng panig ay marubrob na magbigay pansin
sa mga kahanga-hangang bagay na nagagawa ng siyensya hindi sa mga nalilikha
nating takot at pangamba. Magkapit-bisig tayo sa pagsasagawa ng ekplorasyon
ng mga bituin, disyerto at ilalim ng karagatan, sa pagpuksa ng mga sakit at
karamdaman, at sa paghikayat at pagpapaunlad ng sining at kalakalan.
Sa lahat ng panig ng mundo nawa’y magkaisa ang lahat na makinig sa
kautusan ni Isaias: “ Tigilan na ninyo ang pang-aalipin , at sa halip ay pairalin
ang katarungan ; palayain at tulungan ninyo ang mga api.”
Sakali mang ang pagkakaisa ay manaig sa lahat ng pagdududa at
kawalang-tiwala, magsama-sama na sana ang lahat sa paglikha ng isang
bagong landasin – hindi ang pagkakaroon ng bagong balanseng kapangyarihan
kundi isang bagong daigdig na paghaharian ng batas kung saan magiging
makatwiran ang malalakas at makapangyarihan, maliligtas ang mahihina at
mahihirap at mapapanatili ang kapayapaan.
Hindi maisasakatuparan ang lahat ng ito sa unang isang daang araw.
O matatapos ito sa unang isang libong taon, o sa loob ng buong panahon ng
panunungkulan ng administrasyong ito, o kahit pa marahil sa kabuuan ng
pamumuhay natin sa planetang ito. Gayunpaman, kayang-kaya nating
magsimula!
Mga kapwa mamamayan, hindi sa akin kundi sa iyong mga kamay
lubos na nakasalalay ang tagumpay o kabiguan ng ating landasin at mga mithiin.
Simula pa ng itatag ang dating nasyon, tinawag na bawat henerasyon ng mga
Amerikano upang maghayag ng kanilang pambansang katapatan. Kaya naman
kalat sa buong mundo ang libingan ng mga Amerikanong tumugon sa tawag ng
paglilingkod.
Muling nananawagan sa atin ang trumpeta- hindi upang
magwasiwas ng mga sandata kahit pa kailangan natin ang mga armas hindi
upang hikayatin tayong makidigma bagama’t tayo’y kinakalaban – kundi
panawagan tungo sa pagharap sa isang mahabang pakikibaka laban sa mga
karaniwang salot ng tao sa bawat taon – sa mga pang-aapi , kahirapan,
karamdaman at mismong digmaan.
Maari bang magkapit-bisig laban sa mga salot na ito ang Hilaga at
Timog, ang Silangan at Kanluran- isang Malaki at malawak na alyansang
pandaigdig na titiyak ng isang higit na mabungang kinabukasan para sa
sangkatauhan. Sasama ba kayo sa ganitong makasaysayang pagsisikap?
Sa mahabang kasaysayang ng daigdig, ilang henerasyon lamang ang
naatasang magtanggol sa kalayaan sa panahon ng ligalig at kapahamakan. Hindi
ako tumatakbo sa ganitong pananagutan-tinatanggap koi to. Hindi ako
naniniwala na ipagpapalit ng sinuman sa atin ang kasalukuyang kinaroroonan
sa kaninumang tao o henerasyon. Ang lakas pananalig , at debosyong ibibigay
natin sa mithiing ito ay magsisilbing maapaoy na liwanag sa ating bansa at sa
lahat ng naglilingkod dito.Ang liwanag na iyon ay lubos na magpapasigla sa
buong mundo.
Kaya naman, mga kababayang Amerikano, huwag itanong kung ano ang
magagawa ng bansa para sa inyo; sa halip, tanungin ang sarili kung ano ang
iyong magagawa para sa sariling bansa.
Bilang pangwakas, maging kayo’y mamamayan ng Amerika o
mamamayan ng daigdig, maaasahan ninyo mula sa amin ang mataas na
pamantayan ng lakas at sakripisyong katumbas ng hinihiling namin mula sa
inyo. Malinis na konsensya lamang ang inaasahan naming gantimpala,
hahatulan kami ng kasaysayan batay sa aming magagawa. Kaya halina’t
pamunuan ang baying minamahal habang sumasamo tayo sa pagpapala sa
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
tulong ng Dakilang Lumikha…habang isinasaisip na sa mundong ito, tayo ay
gumagawa ng nagagawa ng Diyos.

Editoryal:

Kapayapaan at Pagbabago

“LAHAT tayo ay naghahangad ng kapayapaan o katahimikan– hindi


nang katahimikan para sa mga patay kundi katahimikan para sa mga buhay,”
sabi ni President Rodrigo Duterte kahapon sa kanyang unang State of the Nation
Address (SONA). Tumagal ng isang oras at kalahati ang pagsasalita ng Presidente
na unang napabalita na 30 minuto lang tatagal. Maraming isiningit si Duterte sa
kanyang talumpati katulad nang simpleng pagpapatawa na nagdulot naman ng
kasiyahan sa mga bisita.
Dapat nang wakasan ang karahasan at tamasahin na ang sarap ng
kapayapaan. Inihayag ni Duterte kahapon ang unilateral ceasefire sa mga
rebelde. Sana raw, ganito rin ang gawin ng mga rebeldeng komunista. Sabi pa ng
Presidente, nakatakda na ang usapang pangkapayapaan sa mga rebelde sa
susunod na buwan na gagawin sa Norway.
Maganda ang hakbang na ito ni Duterte. Ang pagkakamit ng
kapayapaan ay dapat nang magkaroon ng puwang upang umusad ang bansa at
tuluyan nang umunlad. Kapag nagkaroon ng positibong resulta ang usapang
kapayapaan laban sa mga rebeldeng komunista, mahihikayat na ang investors
na maglagak ng kanilang puhunan sa bansa. Wala na silang katatakutan para
dito sa Pilipinas magnegosyo. Ang resulta nito ay ang pag-angat ng ekonomiya at
maraming mahihirap na pamilya ang makikinabang. Wala nang magugutom at
wala nang gagawa nang krimen. Ang kahirapan ang ugat ng krimen.
Mula sa: https://pinoycollection.com/talumpati-tungkol-sa-
kahirapan/#Ang-Patuloy-na-Paglaganap-ng-Kahirapan-sa-Bansa

C. Pag-unawa sa Binasa

1. Ano ang damdaming taglay ng talumpati at editoryal na binasa?


2. Tungkol saan ang binasang talumpati at editoryal?
3. Sa paanong paraan ipinahatid ng nagsasalita ang kanilang gustong mangyari sa
bansang nasasakupan?
4. Ano ang ipinagkatulad at ipinagkaiba ni Pangulong John F. Kennedy at
Pangulong Rodrigo Duterte sa mga gusting mangyari sa bansa batay sa mga
tekstong binasa?
5. May pagkakatulad ba ang paksang tinatalakay ng talumpati at editoryan na
binasa? Patunayan ang kasagutan.
6. Ipaliwanag ang mga pahayag sa ibaba:
a. “Huwag mong itanong ang magagawa ng bansa para sa iyo, sa halip, tanungin
ang iyong sarili kung ano magagawa mo para sa sariling bansa”
b. “Lahat tayo ay naghahangad ng kapayapaan at katahimikan- hindi ng
katahimikan para sa mga patay kundi katahimikan para sa mga buhay”
7. Kung ikaw ang pangulo ng bansa paano mo maisasakatuparan ang gusto mong
mangyari sa bansang pinamumunuan?
8. Para sa iyo bakit mahalaga ang isang talumpati at editoryal?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Panuto: Tukuyin ang mga salitang lantad at di lantad ang kahulugan sa binasang
talumpati at editoryal. Isulat ito sa grapikong nasa ibaba at ibigay ang kahulugan.

Suriin
Ang sanaysay ay isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan. Ang
salitang “sanaysay” ay nagmula sa salitang “sanay” at “salaysay.” Kung
pagdurugtungin ang dalawa, puwedeng sabihin ang “sanaysay” ay “salaysay” o
masasabi ng isang “sanay” o eksperto sa isang paksa. Karaniwang ang paksa ng
mga sanaysay ay tungkol sa mga kaisipan at bagay-bagay na maaaring
kapulutan ng mga impormasyon na makatutulong sa pagbuo ng sariling
pananaw. Maaari ring pagbasehan ang mga pangyayari sa paligid sa pagsulat ng
sanaysay. Ang dalawang halimbawa ng tekstong binasa ay halimbawa ng
talumpati at editoryal.

Ang sanaysay ay mayroong tatlong mahahalagang bahagi:

1. PANIMULA – Sa bahaging ito madalas inilalahad ang pangunahing kaisipan


o pananaw ng may-akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay.
Nakapaloob din dito na makakapag-isip ang mambabasa kung ipagpapatuloy pa
niya ang pagbabasa.
2. GITNA o KATAWAN – Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang karagdagang
kaisipan o pananaw kaugnay ng tinalakay na paksa upang patunayan, o
suportahan ang inilahad na pangunahing kaisipan. Dito din nagpapahayag ng
mensahe ang may-akda.
3. WAKAS – Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay, ang
pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan, at
katuwirang inisa-isa sa katawan ng akda. Maaari ring maglagay ang manunuat
ng salitang makakapaghamon sa pag-iisip ng mga mambabasa.

2 URI NG SANAYSAY
Pormal – ito ay tumatalakay sa isang seryosong paksa at nangangailangan ng
masinsinang pag-aaral at malalim na pang-unawa sa akda.
Di-pormal - ito naman ay tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan at
pang-araw-araw. Binibigyang diin ng manunulat ang mga bagay-bagay, mga
karanasan at mga napapansin sa paligid lamang.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
Kadalasan ay gumagamit ng mga salita o paksang pangungusap na di lantad at
lantad ang kahulugan sa pag sulat ng sanaysay upang maging malikhain at
mahasa ang kaisipan ng mga mambabasa.

1. DI LANTAD: kung padetalyong ipinahihiwatig o maaring gumamit ng clue o


susing salita upang maipahayag ang kahulugan

2. LANTAD: kung madaling maunawaan dahil nakikta at malinaw na


ipinapahayag ang kahulugan sa pagagmit sa pangungusap.

Ang Sanaysay
Ang sanaysay ay “isang uri ng panitikan na nasusulat sa anyong
tuluyan na karanieang pumapaksa tungkol sa mga kaisipan sa mga bagay-
bagay na sadyang kapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa”
(Arrogante, 1991)
Naglalaman ito ng mga pananaw ng may-akda sa paksang kanyang
tinatalakay. Kahit anong pakasa ay maaaring gamitin sa pagsulat nito.

“May mga uri ng sanaysay na karaniwang nababasa sa pahayagan. Ito


ay ang editoryal at lathalain. Ang editoryal ay isang mapanuring
pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang
magbigay ng kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mambabasa.
Ang lathalain naman ay isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari
na nagtataglay ng mga pagpapaliwanag, sanligan at impresiyon ng sumulat.
Hindi ito kathang-isip lamang. Bilang isang karaniwang sanaysay, nagtataglay
ito ng madamdamin, personal o mapagpatawang ideya o mga pananaw.
Pangunahing layunin nito na manlibang kahit maaari ring magpabatid o
makipagtalo.
Ang talumpati ay sanaysay ring binibigkas. Ito ay kabuuan ng mga
kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng publiko.”
(Modyul para sa mga Mag-aaral sa Filipino 10)
Ang mga komentaryo ay paglalahad ng pananaw ukol sa isyung
tinatalakay. Maari itong marinig sa pamamagitan ng komentaryong panradyo
at maaari ring mabasa sa pamamagitan ng mga tudling o kolum sa
pahayagan.
Samantala, ang balita ay hindi naglalaman ng opinyon. Totoong
impormasyon o datos ang ibinabahagi sa balita upang maiulat ang mga
kaganapan sa paligid. Ang mga impormasyong ito ang maaaring pagbatayan
ng ilalahad na kuro-kuro.
Ang paglalahad ng sariling saloobin at/ o damdamin ay paglalahad na
rin opinyon. Ang saloobin ay may kinalaman sa naisip batay sa paniniwala o
mga panuntunan sa buhay samantalang ang damdamin ay emosyon o
pakiramdam.
Kapag tayo aay naglalabas ng ating nasasaloob, ibinabahagi natin ang

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Pagyamanin

A. Hanapin sa hanay A ang sagot sa hanay B at isulat ito sa patlang na


nasa unahan ng bawat bilang.

HANAY A HANAY B

________1. Maikling komposisyon na kalimitan ay a. Wakas


naglalaman ng mga personal na kuru-
kuru ng may-akda.

________2. Kadalasang inilalahad ang pangunahing b. Katawan/


kaisipan o pananaw ng may-akda at kung Gitna
bakit mahalaga ang paksang tinatalakay.

_______3. Nakapaloob dito ang kabuuan ng sanaysay, c. Panimula


ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol
sa paksa batay sa mga katibayan at katwirang
inisa-isa sa katawan ng akda.

_______4. Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang karag- d. sanaysay


dagang kaisipan o pananaw kaugnay ng tina-
talakay na paksa upang patunayan o supor-
tahan ang inilahada na pangunahing kaisipan.

______ 5. Tumatalakay sa mga paksang magaan , e. pormal


karaniwan at pang-araw-araw.

_______6. Tumatalakay sa seryosong paksa at nanganga- f. di-pormal


ilangan ng masinig nap ag-aaral at malalim
nap ag-unawa sa paksa.

B. Pumili ng isa sa dalawang akdang binasa sa itaas. Ibigay ang iyong


pananaw sa piniling akda. Isulat sa isang hiwalay na papel.

Isaisip

Magtala ng limang (5) bagong impormasyong natutuhan sa aralin.


Ipaliwanag ito batay sa iyong sariling pagkakaunawa.

1._________________________________________________________
2._________________________________________________________
3._________________________________________________________
4._________________________________________________________
5._________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
Isagawa
Humanap ng isang sanaysay na tumatalakay sa mga isyung
panlipunan katulad ng kahirapan. Mula sa binasang sanaysay, bumuo ng
isang sanaysay na kapapalooban ng iyong pananaw sa nasabing paksa. Isulat
sa isang hiwalay na papel. Gamitin ang pamantayan sa pagmamarka bilang
batayan.
Pamantayan sa Pagmamarka:

Krayterya Puntos Puntos ng Guro

Nilalaman 8

Organisasyon 7

Mekaniks 5

Kabuoan 20

Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang aralin, oras na para sukatin ang iyong
natutuhan.
A. Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa napapanahong isyu katulad ng
katatapos na “Bagyong Ulysses”. Sikapin sa pagsulat na magkaroon ng
panimula, katawan at wakas. Isulat ang sanaysay sa isang malinis na papel.
Gamitin ang Pamantayan sa Pagmamarka sa bahaging “Isagawa” ng modyul na
ito.
B. Ipabasa sa kaibigan, kapamilya o kamag-aral ang nabuong sanaysay at
kunin ang kanilang opinyon o pananaw tungkol sa iyong isinulat. Itala ang
kanilang mga opinyon o pananaw.

Magbasa ng isang halimbawa ng editoryal sa pahayagan tungkol sa


napapanahong isyu at pagkatapos ay bumuo ng sanaysay sa pagbibigay ng
opinyon o pananaw sa binasang editoryal. Sikaping ang isusulat ay may
tatlong bahagi. Gamitin ang pamantayan na makikita sa bahaging “Isagawa”
ng modyul na ito.

Ang pagtapos sa araling ito ay karagdagan sa talaan ng iyong mga


napagtagumpayan. Binabati kita!

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 10
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

Kanlungan,Batayan at Sanayang Aklat sa Pag-aaral ng Wika at Panitikang


Filipino Batay sa Bagong K-12 Kurikulum , pahina 268 - 269

Bagong Hulagway , Panitikan at Wika Para sa Grade 7 – 10 ( Nakabatay sa


K-12 Kurikulum sa Filipino )
https://pinoycollection.com/talumpati-tungkol-sa-kahirapan/#Ang-
Patuloy- na-Paglaganap-ng-Kahirapan-sa-Bansa

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 11
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marcerin R. Permejo (Guro, PHS)


Aaaron Paul Atienza (Guro, PHS)
Mga Editor: Ma. Grace Z. Cristi (Guro, THS)
Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Kimberly M. Capuno (Guro, MHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (Guro, NHS)


Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa LRMDS

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 12

You might also like