You are on page 1of 2

• Ngayon, ang sining ng Balagtasan ay malimit na nakikitang

FILIPINO REVIEWER – 2ND M.T buhay na lamang sa mga talakayan at aklat sa mga silid-
BALAGTASAN aklatan.
• Isang uri ng pagtatalo sa anyong patula na hinango sa • Bihira na ang nagdaraos nito sa mga bulwagan at
pangalan ni Franciso Balagtas. paligsahan.
• Binubuo ng dalawang nagtatalo o KAHALAGAHAN NG BALAGTASAN
mambabalagtas/balagtasista at isang lakandiwa. ✓ Humuhubog ng wastong asal at nagbibigay kaalaman o
• Itinuturing na isang sining dahil sa sining ng pagbigkas, kamulatan.
masining na kumpas ng kamay, at ekpresyon ng mukha. ✓ Nagtatakda ng sariling identidad ng pagiging isang Pilipino.
• Ipinapakita ang pagiging henyo at pagkakaroon ng talas ng ✓ Higit na napauunlad at napapayabong ang Wikang
isip ng makatang Pilipino. Pambansa.
• Ang Pilipinas lamang ang tanging bansa na may ganitong uri ✓ Napahahalagahan ang mga akdang pampanitikan.
ng pagtatalo. ELEMENTO NG BALAGTASAN
• Supling ng Karagatan at Duplo subalit ang paksang 1. Tauhan
pinagtatalunan ay tiyak, hindi pasambot-sambot, di magulo • Lakandiwa
at maayos ang katapusan. → Tagapakilala ng paksa na paglalabanan sa tulaan ng
KALIGIRANG KASAYSAYAN NG BALAGTASAN dalawang mambabalagtas.
→ Marso 28, 1924 – nagpulong sa Instituto de Mujeres sa → Nagsisilbing tagapamagitan at tagahatol ng katwirang
Tayuman, Tondo, Maynila ang Akademya ng Wikang inilahad tungkol sa paksa.
Tagalog kaugnay sa gaganaping pagdiriwang ng kaarawan • Mambabalagtas o Balagtasista – tawag sa taong kalahok
ni Francisco Balagtas. sa balagtasan at naglalahad ng kanilang paninindigan at
MGA DUMALONG MAKATA AT MANUNULAT katwiran tungkol sa paksang pinaglalaban.
• Lope K. Santos, Iñigo Ed. Regaldo, Patricio A. Dionisio, → Katangian Ng Mambabalagtas:
Teodoro E. General, Jose N. Sevilla, Jose Corazon de o Marunong at sanay tumindig sa harap ng madla.
Jesus, at Florentino Collantes. o May magandang kaasalan sa pakikipagtalo, hindi pikon.
• Lope K. Santos – nagmungkahi na magsagawa ng o May pagsasaalang-alang at pitagan sa kanyang katalo,
makabagong Duplo upang maging katangi-tangi ang lakandiwa at sa mga nakikinig.
pagpaparangal kay Balagtas. • Manonood – tagapakinig sa mga nagtatanghal ng
→ Pinuna ng mga nagsipagdalo ang patungkol sa gaganaping balagtasan. Ang kahusayan ng mga mambabalagtas ay
Duplo. masusukat sa reaksyon ng mga manonood.
→ Ayon sa kanila walang paksang patutunguhan ang 2. Paksa
nasabing gawain. • Pinakatema o isyung pagtatalunan ng mga mambabalagtas.
• Patricio A. Dionisio – nagmungkahi na hanguin ang Kadalasang napapanahon at nagdudulot ng malalaking
pangalan ni Balagtas upang ipampalit sa Duplo. katanungan sa mga mamamayan.
→ Subalit ang karangalan sa pagpapalit ng pangalan ay • Ang paksa ay dapat na tiyak upang malimitahan ang sakop
napunta kay Jose N. Sevilla. at lawak ng paksang pagtatalunan.
MAKABAGONG DUPLO – BALAGTASAN • Madalas na paksa: pag-ibig, politika, ekonomiya, kultura,
• Abril 2, 1924 – isinilang ang Balagtasan sa kaarawan ni lipunan, edukasyon, at maging ang karaniwang bagay.
Francisco Balagtas. 3. Pinagkaugalian – taglay ng balagtasan ang katandian ng tulang
→ Tumapat ng Miyerkules kung kaya idinaos na lang ang Pilipino.
pagdiriwang ng unang balagtasan nang Abril 6, 1924 ng • Tugma – tawag sa pagkakapareho ng tunog ng huling
Linggo upang maraming makapanood. pantig sa huling salita ng bawat taludtod ng balagtasan.
TATLONG PANGKAT NA LUMAHOK SA BALAGTASAN • Sukat – tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod
✓ Rafael Olay at Tomas L. De Jesus • Indayog – tinatawag na sining na pagbigkas na siyang
✓ Amado V. Hernandez at Guillermo A. Holandez nagbibigay kariktan sa balagtasan na siyang umaakit sa
“Binatang Nayon Laban sa Binatang Lungsod” mga tagapakinig.
✓ Jose Corazon De Jesus at Florentino T. Collantes “Bulaklak
ng Lahing Kalinis-linisan” 4. Mensahe o Mahalagang Kaisipan
• Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute) at Florentino • Isa sa mahalagang elemento ng balagtasan ang paghahatid
Collantes – kinilala at hinirang na nagwagi sa mga kalahok ng malinaw na mensahe sa mga nakikinig.
na makata • Ang balagtasan ay hindi lamang libangan kundi mainam
• Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute) Hari ng ding paraan upang makapaghatid ng napapanahong isyu
Balagtasan – ang kahusayan ni Jose sa pagsulat ay na dapat pag-isipan ng mga mamamayan.
mahirap mapantayan BAHAGI NG BALAGTASAN
→ Siya ay nakasulat ng humigit-kumulang sa 800 tula at 300 a. Pagbubukas – nagsisimulang tumula ang Lakandiwa
kathang tuluyan. → Dito niya ipinapakilala ang mga mambabalagtas at ang
• Nagsimula itong itanghal sa bulwagan hanggang sa paksang pagtatalunan.
napakinggan sa radyo.
b. Pagpupugay o Pagpapakilala – nagpapakilala o nagbibigay → Kalaunan ay pumanaw rin siya dahil sa kaniyang sakit.
pugay o paggalang ang mga mambabalagtas. 3. Inday Gloria – ang anak ni Brigido at Lorna Alba na
c. Pagtanggap/Transisyon – ito ang muling pagtula ng namatay noong siya ay siyam na taong gulang dahil sa taas
lakandiwa upang tanggapin ang mga mambabalagtas.
ng lagnat niya / wala silang pambayad sa ospital.
→ Ito ang nagpapahayag ng pagsisimula ng balagtasan.
d. Tindig – ito ay isahang pagtula ng mga mambabalagtas 4. Mr. Abad – ang supervisor ni Brigido Alba
upang ihayag ang kanilang panig. → Inalok si Brigido ng mas mataas na posisyon at dagdag
e. Pagpipinid/Paghahatol – ang bahagi ng lakandiwa kung sahod upang hindi na siya sumali sa unyon.
saan ibinubuod niya ang mga sinabi ng mga mambabalagtas → Ang nagpagulo sa isipan ni Brigido Alba
o kung hindi naman ay binigyan niya ng responisibilidad ang BANGHAY
mga manonood na bumuo ng desisyon.
• Panimula
ALIN ANG DAPAT GAMITIN: BANYAGA O SARILING WIKA?
(PG. 102-107) → Naalala ni Brigido Alba sa kanyang panaginip ang kanyang
SARILING WIKA WIKANG BANYAGA pagkabata. Samoung taon pa lamang siya nang mapasok
Unang Paninindigan: Unang Paninindigan: niya ang isang madilim na yungib sa kanilang baryo.
Ipinadama sa katunggali na may Maayos na tinanggap ang hamon → Pagpapatunay na siya ay matapang din kagaya ng kanyang
mabuting pag-uugali ang mga at pagpaparaya ng katunggali, at
ama.
Pilipino na ibinigay ang unang sinabing hindi mang-aagaw ang
tindig sa katunggali, upang wikang banyaga, kundi hangad ay → Pangungulila sa kanilang lugar sa baryo.
madama na mabuti ang magkaunawaan. • Saglit na Kasiglahan
hangarin sa pagtatalo. → Paglalahad ng mga kasawian at kasalukuyang buhay ni
Ikalawang Paninindigan: Hindi Ikalawang Paninindigan:
Brigido Alba kagaya ng pagkamatay ng kanyang anak,
nakikipag-away ang wikang Ang wikang banyaga ay
Filipino, nais lamang bigyan ginagamit sa mga transaksiyon at pagkakasakit ng kanyang asawa at mga paghihirap na
linaw ang papel ng Wikang kaalamang panteknolohiya upang kanyang nararanasan sa kasalukuyan.
Banyaga sa bansang Pilipinas. lalong matuto ang tao. • Suliranin
Ikatatlong Paninindigan: Ikatatlong Paninindigan: → Pag-alok ni Mr. Abad kay Brigido Alba ng mas mataas na
Maging dalubhasa muna ang Maging patas ang madla sa
mamamayan sa sariling wika, pagtingin at paggamit ng Wikang puwesto at pagdadagdag ng kanyang sahod kapalit ng
bago pagtuunan ang banyagang Filipino at Wikang Banyaga. pagtalikod sa katapatan sa unyon kasama ang mga
wika. kasamahan sa pabrika ng Henebra.
KATANGIAN NG LAKANDIWA • Tunggalian – tao laban sa sarili
• Mahusay magpakilala sa mga mambabalagtas → May kaugnayan sa pagtitimbang-timbang ng mga
• Marunong pumagitan sa mga magtatalo
pangyayaring kinakaharap ng pangunahing tauhan at kung
• May tamang paghahatol na walang pinapanigan
ano ang kanyang gagawing pagpapasya.
KATANGIAN NG MANONOOD
• Nakatuon sa dalawang mambabalagtas → Kadalasang nakapokus sa moralidad ng isang desisyon o
• Tahimik na nakikinig aksyon na gagawin lalo na ng pangunahing tauhan.
• Nagbibigay ng mga pansariling opinyon o hatol • Kasukdulan – pagtanggi ni Brigido sa alok ni Mr. Abad
NAIIBANG YUNGIB NI BRIGIDO ALBA (PG. 157-163) • Kakasalan – pagkamatay ng asawa ni Brigido na si Lorna.
• Tiburcio Baguio – may akda ng maikling kuwento • Wakas – pagpaslang kay Brigido ng mga taong di niya kilala.
• Alili M. Balasco – nagsalin ng kwento sa Filipino • Simbolo – Madilim na Yungib
TAUHAN → “Sa kanyang paghihingalo ay luminaw ang kanyang isip. At
1. Brigido Alba – ang pangunahing tauhan sa maikling sa unti-unting panlalabo ng kanyang pag-iisip, nakita niya
kuwento. ang kanyang sarili na tumatakbo nang makita ang liwanag
→ Hindi siya pinalad sa buhay, kinailangan niyang umalis at iyon ang kanyang patutunguhan mula sa isang MADILIM
sakaniyang baryo upang magtrabaho sa lungsod. NA YUNGIB.”
→ Handa siyang gawin ang lahat para sakaniyang pamilya. • Tema – pagpapakita ng hindi pantay na buhay at kalagayan
→ Isang manggagawa sa pabrika ng alak (Henebra) ng mga tao sa lipunan; may karapatang nalabag.
→ Pinatay ng tatlong tao sa dulo ng kuwento. → Kapitalista at manggagawa / mayaman at mahirap
2. Lorna
→ Ang asawa ni Brigido Alba
→ Siya ay isang dalaga na nagtitinda ng sigarilyo malapit sa
pabrikang pinagtatrabahuhan ni Brigido Alba.
→ Matagal nang maysakit sa baga dahil sa pagkahantad nito
sa init at ulan habang nagtitinda ng sigarilyo.

You might also like