You are on page 1of 5

KASAYSAYAN NG PILIPINAS

SAko si Pilipinas, ngalan ko’y namamayagpag

Ang angking ganda’y nagliliwanag

Iba’t ibang kayamana’y nasa hapag

Ngunit sa aking kapayapaa’y may bumabagabag

Pilit kong hinahanap ang aking sarili

Sino kaya ang pupuno sa aking mga atubili

Nais kong matuklasan pa ang aking katangian

Na itinago ng aking mga nakaraan

Wari’y may paparating, akin kayang batiin?

Isa sa mga umiibig sa akin

Kahali-halina ang kanyang pangako sa akin

Siya na nga ata ang sagot sa’king dalangin

Siya si Espanya na may kalakasan.

Nawa’y maaari ko siyang kalugdan.

Magsama’t mamuhay para sa kaginhawahan

Ito’y magsisimula sa aming samahan.

Siya raw ay naparito upang ako’y alagaan

Handa siyang makibagay upang kami’y magkaunawaan

Batid ko na ang aking sariling wika’y pinapahalagahan?

Pilit na inaaral bilang aming daluyan.


Ngunit parang ako’y nangangamba?

Hindi sapat ang kanyang pagsinta

Dinalhan pa nga ako ng aklat upang mabasa

Mapalapit ako sa Diyos gamit ang Bibliya

Ngunit nariyan ang kanyang pagpapanggap

Iyon pala’y may gusto siyang matanggap

Pinaniwala niya ako sa kanyang mga pagganap

Na isa raw ay kakampi at hindi mailap

Ngunit kamakailan ay aking nalaman

Ang dahilan kung bakit ako nilapitan

Mahal ba talaga ako sa angking katangian?

O sadyang siya lang ay may kailangan?

Labis ba ako sa panghuhusga

Nandito raw siya upangako’y makalaya

Basta hayaan ko siya ang mamahala

Upang mas makikilala pa ang aking bansa

Batid ko naman ang kanilang katuruan

Sa ating simbahan ay mapapakinggan

Ngunit hindi ito sapat na dahilan


Upang si Espanya ay pagkakatiwalaan

Ikaw ang mamahala?

Tila ito ay nakapagtataka.

Marapat ba pati ang aking ginto at paniniwala

Sarili mo naman lagi ang ibinibida

Kung ganitong pag-ibig ang kaya mong ilaan

Palayain mo na ako sa iyong hagkan

Mapanakit ba talaga ang pagmamahal?

Hindi makahinga’t napakarami mong bawal.

Ang sumunod naman sa aking mangingibig ay iba

Sinakop ako upang magabayan sa tuwina

Pamunuan ang sarili at bansa

Edukasyon mula sa mga Amerikano ang kayng pamana

Ngunit sa paglisan ni Amerikano

Ang mga Hapon ay sa aki’y dumako

Pagmamahal daw ang handog at kagandahang asal

Hindi katulad ng naunang Espanya na nagpapakabanal

Ngunit Iisa ba talaga o pinag-isa?

Sinabay-sabay kaming mga dalaga

Naalala ko ang ang iyong ginawa


Ginawa mo kaming libangan kapag wala kang ginagawa

Nabihag na naman ako sa mabulaklak na pangako

Sabi mo’y gagabayan mo akong mamuno

Ngunit lahat ng desisyon ko’y hinihinto

Lagi ang Hapo ay nasusunod sa iyong kanyang gusto

Anong kaginhawahan sa pagiging basahan?

Halos ako ay tapak-tapakan

Gayundin ang aking kapwang mga kalalakihan

Pinaratangan ng Hapon ng gerilya at pinarusahan

Tigilan na natin itong sigwa

Para kayong mga jeep na kapag napuno’y nawawala

Sa aking piling, parehas kayong nanatili

Ngunit lahat ng inyong pangako ay nabali

Siguro panahon na ako’y maging mag-isa

Hanapin ang sarili ngunit hindi na sa piling ng iba

Upang hindi na maulit ang aking pagdurusa

Upang hindi na kayo mamihasa

Bakit ba lagi ako sa mga dayuhan nakatingin?

Naghahanap ng maaaring umibig sa akin?

Kapwa Pilipino na lang kaya ang aking subukin


Mas tunay siguro nila akong mamahalin.

Ikaw na Pilipino ay akin nang pinili

Ngunit sa iyong pagboto ay ako’y pinagbili

Ang sabi mo pa’y ako’y ipaglalaban

Ngayon ako itong luhaan at sugatan.

Kailan ka titindig sa ating sinumpaan

Mas pinili mo pa ang hindi malinaw ang kinabukasan

Narito ka ngunit ang isip mo’y nasa iba

Hindi ko man lang maramdaman ang iyong presensya

Nawa’y sa mga paparating

Ako pa ri’y umaasang palalayain

Ang kapalaran at gamot sa sakit ng bayang ito

ay marapat tandaang nasa kamay mo.

You might also like