You are on page 1of 9

Sa Aking mga Magulang

ni: Jerome Apilla

Kayo ang dahilan ng aking hininga


Ako ay nabuo sa inyong kalinga,
Pag-ibig na wagas, totoo’t dakila,
Ang siyang nagbigay ng lakas ko’t sigla
Hinubog ang aking damdamin at diwa,
Kasama ko kayo sa ngiti ko’t luha.

Sa aking pagtulog sa gabing madilim,


Nagbabantay kayo hanggang sa mahimbing,
Hindi hahayaang lamok ay kagatin,
Pati na ang init, pilit papawiin,
At kung ako ma’y tuluyang magising,
Nakangiti kayong sasalubong sa akin.

Hindi nga maliit ang sakripisyo n’yo.


Simula nang ako’y maging isang tao,
Kaya naman ako’y may mga pangako
Mga utos at hiling ay susundin ko,
Igagalang kayo at irerespeto,
At mamahalin sa buong buhay ko!
Bulag Ka, Juan
ni: Ariana Trinidad

Bumaon sa tao,
Kuko ng pangako,
At ngiti ng pulitiko,
Na plantsado pati kwelyo.

Sa eleksyon lang nakita,


Ang kumag na kongresista,
Pagkat nakatago sa lungga,
Ng kaniyang malamig na kuta.

Tahimik sa buong taon


Maingay sa eleksyon
Parang naghahamon
Wala kasing laman ang garapon.

Ang bulsa ng pagkatao


Ng hayop sa Kongreso,
Ay nakadeposito
Sa bituka ng bangko.

Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Kalat-kalat kasi.

Bundat ang bulsikot


Sa pangungurakot,
Ang kaban: sinimot.
Sinaid pati ipot.

Tuso si Hudas
Planado ang lahat
Walang mga pekas
Kahit isang bakas.

Ang hahatol ay bulag


Bingi ang katulad
Kaya nakaligtas
Ang lider na huwad.

Kailan ititigil ni Juan


Ang pakikipagbolahan
Sa bingo ng gahaman
At roleta ng kasakiman?
Ang Aking Pangarap
ni: Kiko Manalo

Pangarap kong magbakasyon


Kapiling ang hanging Habagat
At kami’y maglilimayon
Sa mga ilog at dagat.

Ipagmamalaki ko sa kanya
Na hindi galing sa atin ang basura,
Na naglutang sa dalampasigan.
Ng Kamaynilaan.

Sa lungsod ko siya igagala


Doon sa nilalakaran ng rodilyo
At sa gilid ay nagtayo
Ang mga pabrika ng bata.

Ipagmamalaki ko sa kanya,
Na ang mga nakatira
Ay hindi nagtatapon ng basura
Sa mga kanal at kalsada.

Ililigid ko siya nang masigla


Sa mga bundok at gubat,
Na ginawang pugad
Ng mga tumakas sa siyudad.

Ipagmamalaki ko sa kanya
Na ang mga punong matatayog,
Na pinutol at nililok
Ay naging santong bantayog!

Upang siya’y malibang


Makapag-unwind, ma-relax,
At hindi na makapaminsala
Sa bayan kong Pilipinas!

Ito ang aking pangarap.


Silang Mapapalad
ni: Kiko Manalo

Mapapalad ang mga walang pangarap


Dahil hindi nila kailangang hagilapin,
Ang mga “x” ni Math
Na kaytagal nang hinahanap
Hindi pa rin mahagilap.

Mapalad ang mga walang pangarap,


‘Pagkat hindi nila kailangang sagutan
Kung ano ang kahulugan
Ng Statistics at Trigo
Sa buhay ng tao.

Mapalad ang mga walang pangarap,


Dahil hindi nila kailangang magpasya,
Kung ano ang pipiliin
Aklat ba o DOTA,
Facebook ba o Algebra.

Mapalad ang mga walang pangarap,


Dahil hindi nila kailangang magpumilit,
Na magsalita ng English,
At dila’y mamilipit
Kapag kausap si Masungit.

Mapalad ang mga walang pangarap,


Dahil hindi nila kailangang pag-aralan,
Ang mga bayani ng bayan
At magkakasalungat na istorya,
Sa libro ng akademya.

Mapalad ang mga walang pangarap,


Dahil hindi nila kailangang mamalimos,
Ng mga uno at dos,
Sa ilang gurong nakasentro
Sa pagtitinda ng tocino.

Mapalad ang mga walang pangarap,


Dahil hindi nila kailangang mag-imbento
Ng matataas na grado,
Sa nanay at tatay,
Na umaasang ang buhay,
Ay maiaahon ng mahinusay...

Silang mapapalad...
Sa Ngalan ng Luha
ni: Kiko Manalo

Luha ang kalsada na dinaraanan,


Ng taong nagluhod sa dinarasalan,
Ito ang hihirang sa kapatawaran,
Upang ang dalangi’y bigyang-katuparan.

Ibig kaawaan, siya’y patawarin,


Sumpa at pangako ay sunud-sunod rin,
Luhod na lalakad at mananalangin,
Na wari’y may hapis ang diwa’t damdamin.

Sinasamantala ng taong baluktot,


Sa pagkakasala’y natila malungkot,
Ngunit katunayan sa puso at loob,
Naghari ang bangis at asal na buktot.

Nagtuos ng buti sa Poong Bathala,


Ang hangad sa kapwa’y kunwaring dakila,
Ngunit sa totoo’y walang pagkalinga,
Ang puso ay ganid, sakim itong diwa!

Luha’y ginagamit sa buti at sama,


Kasamang lumakad ng lungkot at tuwa,
Sa lubhang panganib, makaliligtas ba
Kung mananalangin sa ngalan ng luha?
Rosas
ni: Kiko T. Manalo

Kung ang pag-uusap ay mga kulayan,


Malapit sa pula ang paglalarawan,
Bagaman mabini ang pagkakakinang
Siyang kinahilig ng kadalagahan.

Ang rosas na kulay ay lamyos ng lambing


Na sa wari’y putla ng dugong mahinhin.
Ang tela ng blusa na anyong bibilhin,
Ang kulay na ito’y siyang pipiliin.

Pagkat paniwala na ito’y anino,


Ng pagkababae pati pagkatao,
At siyang pangulo nitong mga baro,
Pati nga panloob o maski na panyo.

Kung bulaklak naman ang pag-uusapan


Ang rosas ay lutang itong kahinhinan,
Ngunit mag-iingat may tinik din naman,
Sa mga panganib ay kanyang panlaban.

Bigyan ang dalaga ng mga bulaklak


Na tulad ng rosas kasama ang liyag,
Ang sagot na oo ay iyong matitiyak,
Na makukuha mo’t mapapasapalad.

Mapasabulaklak o mapakulay man,


Itinatangi ng maraming nilalang
Kahit na ihanay ang ibang kulayan
Ang rosas ang gandang katangian.

Ngunit bukod-tangi itong aking rosas,


Na pinaghugutan ko ng buhay kong hiyas,
Sa kanya inutang ang mga lumipas,
Nang ako’y musmos pa’t walang nilalandas.

Siyang nag-aruga’t nagbigay ng malay,


Kumakandili ri’t laging gumagabay,
Ang ina ko ang aking bulaklak sa buhay
Si Aling Rosas na - ilaw ko at kulay!
NGAYONG TAG-ULAN
ni: Kiko Manalo

Magdala ng kapote ngayong tag-ulan,


Sa sakit at sipon, magandang panlaban,
Sakto rin sa lahat ng kalalakihan,
Upang AIDS, STD sadyang maiwasan!

Payong naman para sa mga babae,


2-folds, 3-folds o kahit na iyong malaki,
Double purpose ito lalo na sa gabi,
Sa holdaper at rapist, pwedeng pang-garote!

SAWSAWAN
ni: Kiko Manalo

Ikinasal kahapon si Mama Sita,


Si Papa Ketsup po ang napangasawa,
Umiyak ang karibal ng masuwerteng binata,
Si Mang Tomas ito na nakakaawa!

Ang nagkasal po sa magkasintahan


Si Datu Puti na lider ng angkan,
Namroblema naman bisita sa handaan,
Sapagkat ang nakahain ay puro sawsawan!

KAHULUGAN SA TAGALOG
ni: Kiko Manalo

SALUMPUWIT ang tawag at kahulugan


Sa "chair" o "bangko" na silyang upuan,
At kung nagtatanong at naguguluhan,
Sa "wheelchair" ang tawag ay SALUMPO naman!

Ang tagalog word naman para sa "panty",


SALUNGGUHIT na siyang tugma sa babae,
At kung tatanungin ang "brief" ng lalaki
SALONGGANISA itong sa iyo'y masasabi!
Ako’y Wika
Orihinal na tagalog na tula ni: Kiko Manalo

Wikang Filipino ang aking pangalan,


Ipinanganak ko itong kalayaan,
Ako ang ina at siyang dahilan,
Ng pagkakaisa at ng kasarinlan!

Sapagkat ako nga ang siyang tumanglaw


Sa bansang tahanang iyong tinatanaw,
Katulad ng inang sa iyo ay ilaw,
Nagbibigay-sigla’t buting sumasaklaw!

Ako rin ang ama at naging haligi,


Ng mga sundalo at mga bayani,
Sa digmaan noon sa araw at gabi,
Ako ang sandatang nagtaas ng puri!

Pagkat akong wika ang lakas mo’t tuwa


Ako’y lakas nitong bisig mo at diwa
Sa pamamagitan ng aking salita,
Ligtas ka sa uring luksong masasama!

Sinalita ako at gamit ng lahat,


Upang mga taksil ay maisiwalat,
Sa Luzon, Visayas, sa lahat ng s’yudad,
Pati sa Mindanao, ako ay nangusap!

At nakamit mo na ang hangad na laya,


Mula sa dayuhang sakim at masama,
Dilim na sumakop sa bayan at bansa,
Dagling lumiwanag, pintig ay huminga!

Wikang Filipino, ginto mo at hiyas,


Panlahat na wika saan man bumagtas,
Ilaw na maalab, sa dilim ay lunas
At lakas patungo sa tuwid na landas!

You might also like