You are on page 1of 37

KONTEMPORARYONG

LITERATURA
JELLIE T. BARBAJO
KALIGIRANG KASAYSAYAN
(1996 HANGGANG KASALUKUYAN)
• Ang panahon ng Kontemporaryong Panitikan
ay nagsimula sa taong 1996 at nagpapatuloy
pa rin hanggang kasalukuyan.
• Ito ay naganap matapos ang panahon ng
Martial Law
KATANGIAN
• Ang kontemporaryong literatura ay iniimpluwensya ng
mga panibago at mapamintas na teorya
• Nagsimula ang pagpapalaganap ng panitikan sa iba't-
ibang mga panitikan
• Mga manunulat sa panahong ito ay nagpapatuloy na
sumulat ng mga tula, maikling kwento, nobela, at mga
sanaysay sa iba't ibang kategorya
MGA MANUNULAT
• Bino Realuyo
• Isinilang at ipinalaki sa lungsod ng Maynila, siya ay lumipat sa Estados
Unidos noong siya ay binata pa lamang
• Ang kanyan ama ay isa sa mga taong nakaligtas sa "Death March" at
nagsilbing inspirasyon sa kanyang panunulat
• Habang kayraming mga pinoy na manunulat ang pumipili na magsulat
tungkol sa ating kasaysayan, mga rebolusyon at kolonyal na
pagkakakilanlan maspinapansin niya ang pagkaligalig ng ating bansa na
maunawaan ang matalinghagang paglalarawan at mga talinghaga
• Mga sikat na gawa: Umbrella Country (1999)
MGA MANUNULAT
Miguel Syjuci
• Isa sa mga pinakapopular na manunulat sa kontemporaryong
panahon
• Siya ay naitampok sa "Time Magazine," at "The New York Times"
• Ang Illustrado ang naging pasinaya na batay sa 19th century ng
rebolusyonaryong grupo na "Illustrados" o "Enlightened Ones"
• Tulad ng iba pang lumalaban na manunulat ay ilang beses siyang
natanggihan sa kanyang obra ngunit hindi siya nadismaya
sapagkat ginamit niya ang pagkakataon na ito para baguhin,
muling isulat, at ibigay hangga't matanggap ang kanyang gawa
MGA MANUNULAT
Candy Gourlay
• Isinilang sa lungsod ng Davao
• Isang manunulat ng mga pambatang mga
kwento, maikling kwento, at mga kwento tungkol
sa mga hayop
• Ang kanyang pinakasikat na gawa ay ang "Tall
Story", isang nobelang pambata
MGA MANUNULAT
Rusell Molina
• Gumagawa ng mga patalastas sa telebisyon at radyo
• Mahilig siyang magsulat, magdrowing, at kumatha ng
mga kwentong pambata
• Nagwagi siya ng 2002 PBBY Illustrators' Prize sa
kuwentong "UUwi na ang Nanay Kong si Darna" at
noong 1998 PBB Salanga Writers' Prize sa istoryang
"Lumang Kumot ni Lola”
MGA MANUNULAT
Criselda Yabes
• Ang may-akda ng "Below the Crying Mountain"
• Ito ay isang aklat na naglalarawan sa insureksyon
ng mga Moro noong 1970. Tumatalakay ito sa
mga epekto ng mga salungatan sa Mindanao at
sa mga buhay ng mga tao
AKO ANG DAIGDIG (TULA)
ALEJANDRO G. ABADILLA
PANIMULA
Panitikan noong dekada ’40
-Mapalamuti
-May tiyak na kaayusan (hal. Tugma)
Alejandro G. Abadilla
-Isa sa mga pangunahing manunula na nakilala sa paghamon
sa kasalukuyang porma ng mga tula.
-Ang pinaka-sikat sa mga ito ay ang “Ako ang Daigdig”
PAGKRITIKO SA TULA

Noong una, hindi tinanggap ng mga kritiko ang tulang ito


dahil sa mga sumusunod:
- Naiiba sa tradisyonal na paraan ng pagsulat ng tula
- Paulit-ulit ang mga salita na parang sirang plaka
- Sa katagalan, ito ay tinanggap rin at hinirang na isa sa
mga pinakasikat na tula sa kanyang panahon
ANG TULA

Ako ang daigdig


Ako ang tula
Ako ang daigdig ang tula
Ako ang daigdig na tula
Ang tula ng daigdig

Ako
Ang walang maliw na ako
Ang walang kamatayang ako
Ang tula ng daigdig
Ako ang daigdig ng tula
Ako ang tula ng daigdig

Ako
Ang malayang ako
Matapat sa sarili
Sa aking daigdig na tula

Ako ang tula sa daigdig


Ako ang daigdig ng tula
Ako
Ako
Ang damdaming malaya
Ako
Ang buhay na walang hanggan

Ako
Ang damdamin
Ang larawan
Ang buhay
Damdamin
Larawan
Buhay
Tula
Ako
Ako
Ang daigdig
Sa tula

Ako
Ang tula
Sa daigdig
Ako
Ang tula

Daigdig
Tula
Ako
FAMILY REUNION (TULA)
CARLOS A. ANGELES

It must have been a letter sent, it must.


Have been some mute desire made vocable
At last my word or whisper, or as hummed
By someone who was never there at all.
FAMILY REUNION (TULA)
CARLOS A. ANGELES

Must have been; it was not a Holyday


Nor death; there was no testament to hear.
It was as if-no, none could half suppose
What purpose we came with, why we were there.
FAMILY REUNION (TULA)
Papa called us by our names as we stepped
To kiss his hand, and Mama watched,
caressing Us with focused love, and spoke the welcome,
”Welcome!” And us, we wept at such addressing
Papa was human, He forgot how long
Our absence was, but led us in; and in.
FAMILY REUNION (TULA)
The centered room spoke syllables to us
Like love, like love. Mama forgave our sins.
Simply by closing the door behind her,
And as simply, shut out the outside world.
And here, at last, we prodigals closed in
Like remnants which were being slowly furled.
MIRINDAL (TULA)
ROLANDO S. TINIO
'Ika nga'y tumaba sa lamig at hirap,
Nakaluklok sa ilalim ng pergolang karton at yerong bulok,
Pinahinog ng mga tanghaling tapat,
Pinag-uban ng walang patawad na alikabok,
Ilang taon ko na siyang dinudungaw:
Kapiling ang nilagang mani, papaya't lakatang
Di man makaakit sa maselang bangaw,
Gaya niyang laging nása kapanahunan.
Iisang kimona ang bestido seremonyal,
Parang sultanang buong tikas na pinamamayanihan
Ang lumalatag niyang katabaan.
MIRINDAL (TULA)
ROLANDO S. TINIO
Paminsan-minsa'y may alok siyang ginatan,
Halo-halo, o munggo, hindi mo mahuhulaan.
Hindi ka titiyakin kung alin ang itatanghal
Sa palayok na pinangangalirang
Ng nakapulupot na basahan.
Paminsan-minsan.

Di sa iyo matitiyak
Kung kailan papatak ang Araw ng Ginatan.
Usugin mo ma'y hindi káyang mangako.
Akala mo'y kautusang banal
Ang nag-udyok magluto.
Paano niya mapangangahasan?
MIRINDAL (TULA)
ROLANDO S. TINIO
Wala na riyan si Aling Pilang.
Nabundol raw ng Kano, tila naospital.
Sabi ng iba'y sinaksak ang asawa, tiyak nabilanggo.
May tukso namang sigurado raw nagtanan.

Gayunpaman, nakatayô pa rin ang pergolang kawayan,


Naghihintay yata sa bagyong maghahapay.
Makapagtatanim ka ng gabe sa banil
Na kumakapal sa plastik na dúlang.
Naghihintay ang bangkong may tapis pang nakayangyang,
Isang tiklis, bilaong may busal, garapong pingaw
Na pinamamahayan ng ipis at langgam.
MIRINDAL (TULA)
ROLANDO S. TINIO

Sabi nila: hindi magluluwat


Magbabangon sa libingan ang Aming Maggiginatan.
Sumasampalataya ako.
Tuwing mag-aalas tres,
Hindi ko nakakaligtaan
Ang parang panata nang panunungaw,
Kaprasito ng puso'y sumisiklot,
Medyo nangangamba't natatakam,
Bago harapin ang tason ng kape't
Maruya, puto-sulot o, kung minsan, palitaw.
SA SINUMANG PINTO NG STILL LIFE (TULA)
RIO ALMA

Ay, huwag kang malalasing sa linamnam ng papaya,


Sa lamukot ng dalandan, sa nilalik na mansanas,
O sa tamis na mahinhin ng samplatong buwig-ubas.
Huwag ka ring maaaliw sa inayos na balangkas
Pagkat baka mapawaglit sa unawa’t kamalayan
Iyang kamay na nagtanim ng papaya at ng ubas
Iyang kamay na nagdilig sa dalandan at mansanas,
Iyang kamay na nagbantay, nag-alaga’t pumitas.
SA SINUMANG PINTO NG STILL LIFE (TULA)
RIO ALMA
Ay, huwag kang malalango sa porma ng mesa’t silya,
Sa daloy ng mga linya at pagkanto ng anggulo
O sa likhang perspektiba at bigat ng bawat bulto.
Huwag ka ring mahahaling sa testura’t chiaroscuro
Pagkat lalong mahalagang maisalin sa larawan
Iyang kamay na pumulak at nagpabulas sa bulto.
Iyang kamay na kumatam at kuminis sa anggulo,
Iyang kamay na naglapat, nagpako at nagmartilyo.
SA SINUMANG PINTO NG STILL LIFE (TULA)
RIO ALMA

Iyo lamang isapuso: bawat bagay sa daigdig,


Kapag isang likhang-tao ay may kamay na nagpawis;
Isapuso lamang ito, at sa bawat likhang-guhit
Ang pipintig ay di bagay kundi buhay-anakpawis.
ANG DAPAT PANIWALAAN (TULA)
JOSE F. LACABA

Siya’y pinalaki ng lolang palakuwento,


kaya sa pagtulog ay lagging kasiping
ang kapre, tikbalang multo at maligno,
sanlibo’t isang panggabing pangitain.
Itinuro sa kanya ng butihing lola
(kasabay ng katon) ang lahat ng dasal,
antanda sa Latin, senyas at pangontra
sa kapangyarihan ng aswang at kulam.
ANG DAPAT PANIWALAAN (TULA)
JOSE F. LACABA

Subalit pagpasok sa unibersidad,


nang ang kanyang lola’y matagal nang patay,
natutuhan din niya kung ano ang dapat
paniwalaang ng isang edukado:
na ang dapat niyang katakutan ay tao,
at sa tao’y hindi dasal ang panlaban.
BANGKANG PAPEL (MAIKLING KWENTO)
GENOVEVA E. MATUTE
SOUNDS OF SUNDAY (MAIKLING KWENTO)
KERIMA POLOTAN-TUVERA
THE SUMMER SOLISTICE (MAIKLING KWENTO)
NICK JOAQUIN
CADENA DE AMOR (MAIKLING KWENTO)
WILFREDO D. NOLLEDO

You might also like