You are on page 1of 4

Filipino 8 – Unang Markahan Isang Manonood: Kailangang gatungan ang sinaing nang maluto’t

tayo’y makakain.
Aralin 1 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo Maring: Ang kahoy na panggatong kaya ‘di masindihan ay higit na
*Panitikan: Karunungang-bayan marami ang nasa kalan kaysa kailangan.
( Salawikain, Sawikain at Kasabihan )
*Wika: Dalawang Uri ng Paghahambing Isa pang manonood: Tama si Maring. Ang isa’y malungkot kaya’t
*Panitikan: Alamat naghahanap; dalawaha’y angkop at siyang anong sarap; ngunit pag
“Mina ng Ginto” - Alamat ng Baguio nagtatlo’y isa na ang kalabisan.Kung ‘di matiyak ni Neneng kung sino
*Wika: Pang-abay na Pamanahon at Panlunan sa kanila ang kakausapin, mga kanayon ano’ng kailangan?
*Panitikan: Epiko
“Tuwaang” - Epiko ng mga Bagobo Lahat: Tanging paraa’y ang karagatan.
* Wika: Pang-abay na Pamaraan Ingkong Terong: Ayos ka na ba, Neneng?
Neneng: Tumanggi man po ako’y walang mangyayari. Kagustuhan rin
Aralin 2 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Español ninyo ang masusunod.
* Panitikan: Ang Karagatan at Duplo Ingkong Terong: At kayong apat?
*Wika: Mga Eupemistikong Pahayag Apat na Lalaki : Opo.
* Panitikan: Tula Ingkong Terong: Akin na, Neneng ang iyong singsing. (Aabutin sa
“Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio dalaga ang singsing at ihuhulog sa tubig na nasa garapon). Kayong
* Wika: Mga Pandiwang Nagpapahayag ng Emosyon o apat ay magpapalabunutan kung sino ang unang sisisid sa singsing na
Damdamin inihulog ni Neneng. (Palabunutan). At ikaw Berting ang unang sisisid
* Panitikan: Sanaysay sa dagat ng pag-ibig upang makuha ang singsing.
“Ang Katamaran ng mga Pilipino” ni Dr. Jose P. Rizal
*Wika: Ang Pangunahin at Pantulong na Kaisipan Mga Tao: (Palakpakan)
Isang Tao: Pagbutihin mo, binata at si Neneng ay marami nang
Aralin 3 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon nailunod na talisuyo sa karagatan.
* Panitikan: Tanaga at Haiku Berting: Magandang gabi sa inyong lahat
* Wika: Mga Pangungusap na Walang Paksa Mga nariritong kanayon ni Neneng
* Panitikan: Maikling Kuwento At sa iyo mutya’y muling nagpupugay.
“Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo Ipinangangakong nahulog mong singsing
*Wika: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari Aking sisiri’t sa iyo’y ibibigay
Tanda ng pag-ibig na walang hangganan.
Ang Panitikan sa Panahon ng mga Español
Dahilan sa ako’y siyang nakabunot
* Panitikan: Ang Karagatan at Duplo
Ng palitong itong nagpapahintulot
Isa sa itinuturing na matandang anyo ng panitikan ang karagatan at
Ako ay sumisid sa dagat ng nais
duplo. Tinatawag itong tulang padula sapagkat ang mga ito ay
At ang iyong singsing ay aking makamit
nasusulat nang patula at ginagampanan ng mga tauhan. Tinatawag
Ay katunayan nang Diyos ang pumili
din itong dulang pantahanan sapagkat karaniwang idinaraos sa loob
Na ako ngang ito’y siya mong itangi.
ng bahay o bakuran ng namatay. Nagiging parangal din ito sa
namatay.
Sumisid sa singsing na aking hinulog
Ang Karagatan
Subalit ‘di upang siyang maging irog
1. Ito ay isang larong may paligsahan sa tula.
Kundi idaan lang muna sa pagsubok
2. Ang kuwento nito ay batay sa alamat ng singsing ng isang
Kaya’t sisirin mo ang tanong kong ito
dalaga na nahulog sa gitna ng dagat.
At singsing kong ito ay nang maangkin mo
3. Pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha ng singsing.
Ang singsing na itong linso’t walang bato
4. Sa larong ito, hindi kinakailangang “sumisid’ sa dagat ang binatang
Turan mo’ng simula at ang dulo nito.
nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing.
5. Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay.
Berting: Tila ang bugtong mo’y sinlalim ng dagat
6. May dalawang papag sa magkabila ng isang mesang may sarisaring
Na ‘di matatarok ng isip kong pahat.
pagkaing-nayon.
Kaya’t iyong singsing nais mang makuha
7. Magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga.
Isa pang pagsubok ay hiling ko sinta.
8. Karaniwang isang matanda ang magpapasimula ng laro.
9. Maaaring magpalabunutan para mapili ang binatang unang
Kulas: Ang pagkakatao’y isalin sa iba
bibigyan ng dalaga ng talinghaga.
Nang ‘di masabing ikaw ay buwaya
10. Maaari pa rin ang pagpili sa binata ay batay sa matatapatan ng
Akong nabunot ng pang-ikalawa
tabong may tandang puti.
Inaangkin hirang kanyang karapatan
11. Bibigkas muna ng panimulang bahagi ang binata bago tuluyang
Sumisid sa dagat ng singsing mong bugtong
sagutin ang talinghaga.
Na siyang panumbas sa iyong pag-irog.
Ang iyong mababasa ay unang bahagi ng pagtatanghal ng Karagatan
ng Sulo ng Inang Wika noong ika-19 ng Disyembre 1967, sa Ika-19 na
Neneng: Kung gayon, o, Kulas, iyo nang sisirin
Pagkakatatag ng Unibersidad ng Manuel L. Quezon.
Ang lalim ng puno’t dulo niyang singsing.
ANG KARAGATAN
Kulas: Singsing, aking Neneng, walang puno’t dulo
(May isang mesang nakalagay ang mga paninda-mga garapon ng
Mayroon ngang simula at may wakas ito
pagkain at mga de-bote. May dalawang dalaga at apat na binata sa
Ang simula’y bilog nito na panloob
paligid ng mesa. Maraming tao sa paligid. Isang matanda ang lalapit
At ang katapusa’y panlabas na bilog.
sa ponda.)
Ganyan kung gawin, singsing ng pag-ibig
Haya’t nasisid ko singsing mong nahulog.
Tandang Terong: Humm… tila matagal nang nakasalang ang sinaing
ay ‘di pa nagagatungan.
Neneng: Iyan ang tanong diyan kay Lamberto
Kaya’t heto naman ang para sa iyo;
Nang ika’y parito, pamula sa kanto Na ating sasakya’y binalsang kawayan
Ilang bahay, Kulas, ang naraanan mo? Na bigkis ng lubid na pawang hinabi
May ilaw ay ilan, iyo sanang turan Sa buhanging pino’t ikaw ang pipili.
Tingnan ko ang tibay pang-alaala mo?
Nardo: Neneng, aking mahal, sadyang mahal kita
Kulas: Salamat Neneng ko’t iyang katanungan Kaya’t imposible’y pag-aariin pa
Kay daling sagutin kaya’t aking masasabing Lubid na buhangin, aking pipiliin
Ako’y tanging mahal; Heto ang tugon ko: Kung pababaunan ng aking pagkain
Bahay, pito lamang at sa mga ito’y Bawat isang linggong kakailanganin
Aking natandaan, apat ang may ilaw- Sa ‘sang dahong ipil iyong babalutin.
Ito’y patotoong isip ko’y malinaw.
Neneng: Kulas, ika’y mali sa iyong katugunan Neneng: ‘Di ba’t ang hiling sa akin nanggaling
Kaya’t isasalin itong aking tanong Bakit ngayo’y ako ang pasusulitin?
Sa sinong ikatlong sa tubig lulusong
At siyang sisisid, sa singsing kong bugtong. Nardo: ‘Pagkat paniwalang ‘di ka sinungaling
Nardo: Ako ang ikatlong dapat subukin mo Neneng: Ano ang batayan ng iyong pasaring?
Kaya’t iyong dinggin ang tugon ko’y: Nardo: Salamat kung gayon, mutya ko at giliw
Pamula sa kanto at hanggang sa rito Ikaw ay may wikang tapat at matining
Walang bahay ni ilaw akong natandaan Nang iyong sabihin tayo’y kakasalin
Kundi itong ponda ni Neneng kong mahal. Inakalang tapat ikaw sa paggiliw
Mga Tao: (Palakpakan at kantiyawan) Kaya’t sa problemang aking
Kahati ka sa tuwa’t sa ligaya gayo’y din
Neneng: Kung gayon ito naman ay tugunin Ang buhanging lubid ay kaya kong gawin
Pang-una sa ikatlong iyong sasagutin Kung sa hirap nito’y kasalo ang giliw.
Bakit ba ang tubig sa bilog na mundo Neneng: Ayoko’t ‘di tama! ‘Di pala kasal,
Hindi tumatapon walang ligwak ito? Ni walang sintahan ay mag-aasawa na.
Nardo: ‘Di nga mag-asawa ngunit may pagsinta!
Nardo: Sa abot ng isip narito ang tugon: Neneng: Ay sayang! Sayang na pag-ibig
Tubig, bato’t tao, at lahat sa mundo Sayang ang singsing kong nahulog sa tubig
Ay ‘di tumatapon dahil sa ang globo Kung ikaw rin lang siyang sisisid
Ay isang malaki’t mabisang magneto; Mahanga’y hintin kong kumati ang tubig.
Hinihigop nito ang lahat ng narito
At sa kalawaka’y ‘di tayo tutungo. Tandang Terong: Sa unang pagkakataon ay nagkaganito ang apo ko.
Ako ang hahatol. Tama si Nardo.
Mga Tao: Magaling! Mabuhay si Nardo! Ang karagata’y simula lang ng kuwento
Neneng: Pangalawang tanong,heto na’t pakinggan Mula ngayon, Nardo, sa bahay pumanhik
Paanong buwang sa langit ay tanglaw At doon mo ihibik ang iyong pag-ibig.
Aking mahihipo’t mapaglalaruan? Pepito: (Iiling-iling at magkikibit ng balikat.)
Ito’y pangarap nang ako’y musmos pa lamang Mga Tao: Mabuhay si Ingkong Terong! Mabuhay!
Kung talagang ako ay sadyang mahal mo Mabuhay ang karagatan, aliwang Pilipino!
Paiirugan mo ang hiling kong ito. (Palakpakan)
W A K AS
Nardo: Salamat, O, Ina, sa pag-aaruga mo,
Noong ako’y munti’t pinalalaki mo. Ang Duplo
Isang paborito’t ibig kong kuwento 1. Isa rin itong larong may paligsahan sa pagtula kaya maaari
Ay siyang panugon sa tanong na ito. ring mauring tulang patnigan.
Sa pamamagitan ng isang salamin 2. Ang mga lalaking kasali ay tinatawag na duplero at ang mga
Minumutyang buwan ay pabababain babae ay duplera.
Kahit sa kandungan ng mutya ko’t giliw 3. Sila ay tinatawag na bilyako at bilyaka kapag naglalaro na.
Mapaglalaruang buwang hinihiling. 4. Ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa
pagpalo sa palad ng sinumang nahatulang parusahan.
Mga Tao: Magaling! Iyan ang binata namin!... 5. Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal
Pakinggan natin ang tanong na ikatlo. para sa kaluluwa ng namatay.
6. Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nawawalang loro ng
Nardo: Ako’y nakahanda sa pangatlong tanong hari o kaya naman ay magsusumbong ang bilyako sapagkat
Singsing na nahulog aking sisisirin hinamak ng isang bilyaka.
Sukdang ikapugto ng hiningang tangan 7. Ginaganap ito sa bakuran ng isang tahanan.
Kung puso ng mutya’y aking maaangkin. 8. Tulad ng karagatan, ginaganap kapag may lamay o parangal
sa isang namatay.
Neneng: Ako’y nangangamba, ako’y natatakot 9. Nagpapatalas ng isip sapagkat ang pagmamatuwid ay
Na ang huling tanong kaniyang masagot daglian o impromptu.
Itong karagatan isang laro lamang 10. Pinangungunahan ng isang matanda na gaganap na haring
Ngunit paglalarong birong totohanan tagahatol.
Ayoko na yatang ito ay ituloy
Baka sa sagutan ako’y maparool. ANG DUPLO: Ang Ibon ng Hari

Ingkong Terong: Ituloy mo, apo, bahala na ako. Hari : Simulan na ang laro. Bumilang kayo.
Neneng: Kung gayon, Leonardo, tugunin mo ito. Mga Bilyaka: Una, Ikalawa, Ikatlo.
Kung tayo’y makasal, ay nanaisin ko Mga Bilyako: Una, Ikalawa, Ikatlo.
Na magpulot-gata sa bayang Mindoro
Hari: Tribulasyon!
Lahat: Tribulasyon! Aba ng Reyna: ’Pinagbigay-alam sa inyong gward’ya,
Hari: Estamos en la Buena composicion.(Titindig) Baka nalimutan at nalingat siya.
Ang komposisyon ng tanan
ay paglalarong mahusay! Hari: Maraming salamat, bilyaka’t bilyako,
Ang magulo ay mahalay Ngayo’y tinatapos itong larong duplo.
Sa mata ng kapitbahay. Paalam sa lahat, salamat sa inyo,
Mga binibini at mga ginoo, Muling magkikita pag naglaro tayo.
Matatanda’t batang ngayo’y naririto,
Malugod na bati ang tanging handog ko WAKAS
sa pagsisimula nitong larong duplo. JULY 26 ACTIVITY - 1 Whole Sheet of Paper
Ang hardin ko’y kubkob ng rehas na bakal, GAWAIN 1:
Asero ang pinto’t patalim ang urang; 1. Tungkol saan ang binasang duplo?
Ngunit at nawala ang ibon kong hirang, 2. Sino-sino ang tauhang gumaganap sa duplo?
Ang mga bilyaka ang nuha’t nagnakaw! 3. Paano nilalaro ang duplo?
4. Paano ipinagtatanggol ng mga bilyako at bilyaka ang bawat isa?
Mga Bilyaka: Hindi kami ang nagnakaw. 5. Sa iyong palagay, ano-ano ang mabuting epekto ng dupluhan?
6. Makatuwiran pa rin kaya na gawin ang larong duplo sa mga lamay
Hari: Sino ang nagnakaw? sa patay sa kasalukuyan? Bakit?

Bilyako 1: Kagabi po, hari, maliwanag ang b’wan;


May isang aninong aking natanaw; GAWAIN 2:
Hindi sinasadya, nang aking lapitan SURIIN: PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA
Isang babae po, iyang natagpuan.
Batay sa mahahalagang tala na iyong nabasa tungkol sa karagatan at
At kitang-kita kong ikinubli niya. duplo, itala ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito batay sa mga
Siya’y naririto at nasa tribuna, elemento ng mga ito. Gawin sa sagutang papel.
Nagnakaw ng ibon ay isang bilyaka!
Hari: Diyata’t bilyaka?
Sino sa kanila?
Bilyako 1: Sa unang hanay po.
Bilyaka 2: H’wag paniwalaan.
Siya’y bulaan! (Magkakaingay)
Hari: (Sa lahat) Katahimikan!
(Sa Bilyako 1) Mapatototohanan?
Bilyako 1: Ako’y nalalaan!
Bilyaka 2: Kung kagabi lamang ang sinabi niya,
Hindi maaari’t kami’y magkasama;
Kami’y namamasyal ng irog kong sinta,
Pa’nong mananakaw ang ibon sa hawla?

Hari: Kung hindi nga siya, sabihin kung sino


At pakaasahang parurusahan ko.
Bilyaka 2: Ang nuha ng ibo’y sa ikalawang hanay,
Doon nakaupo nang buong hinusay,
Walang iba kundi kanyang kasintahan (Ituturo.)
Kung hindi ay bakit ipinagsasanggalang?
EUPEMISTIKONG PAGPAPAHAYAG
Hari: Pinararatanga’y hindi umiimik,
PAGPAPAGANDA NG PAHAYAG
Tila nga may sala’t dila’y nauumid. (Mag-iisip)
Sapagkat may sala
Batay sa obserbasyon ang mga Pilipino ay pangkat ng mga tao na
Heto, palmatorya! (Akmang papaluin)
mapagpahalaga sa uri ng wika na ginagamit. Pansinin ang sumusunod
Bilyako 2: Kaiingat kayo, O mahal na hari,
na impormasyon.
Mag-isip-isip ka’t baka magkamali.
1. Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa:
(Titigil ng pagsasalita bago magpapatuloy)
a. paksa ng usapan
Nalalaman ko po kung sinong nagnakaw.
b.taong sangkot sa usapan
Aking ibubulong kung pahihintulutan.
c.lugar
2. Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na
Hari: Nagpapahintulot!
nagpapahiwatig lamang.
Bilyako 2: (Lalapit at bubulong)
3. Gumagamit ng talinghaga para ‘di tuwirang tukuyin ang nais
Hari: Ipakakaon ko, talaga bang tunay?
ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita at
(Siyang pagdating ng abay ng reyna)
kinakausap.
Abay ng Reyna: Mahal na hari po, ibo’y aking dala,
Sa kalahatan, umiisip ng magagandang salita o pahayag na
Isasauli ko sa kinunang hawla;
kilala sa tawag na eupemismo. Ang paggamit ng magagandang
Kagabi po ito’y kinuha ng reyna
pahayag ay naglalayong pahalagahan ang damdamin ng iba.
Siya ay nag-aliw sa pangungulila!
Sa halip na sabihing: Gumagamit ng:
Hari: Kung gayon ay walang dapat parusahan!
1. patay sumakabilang buha
Ibalik ang ibon sa hawlang kinunan.
2. nadudumi tawag ng kalikasan
Kung uulitin pa’y ipagbibigay-alam
3. iniwan ng asawa sumakabilang bahay
Nang huwag ang iba ang mapagbintangan.
4. katulong kasambahay
TULA Isang maikling kuwento na lumabas noong panahon ng
(PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA) Hapones ang iyong babasahin upang iyong malaman kung bakit ang
Sa araling ito, tatalakayin natin ang isa sa mga tula na umusbong sa mga akda noon ay nakaka- impluwensiya sa panahong naisulat ito.
panahon ng pananakop ng mga Espaῆol. Ito ang “Pag-ibig sa
Tinubuang Lupa” na isinulat ng ating bayaning si Andres Bonifacio. Basahin at unawain ang maikling kwento na:
Tatalakayin natin ang nilalaman at ang sining na tinataglay ng tula Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo
bilang isa sa mga anyo ng panitikang Pilipino.
SANHI AT BUNGA
Ang tradisyunal na tula ay mga pahayag na kadalasang nagtataglay Ang paggamit ng kasanayang sanhi at bunga ay higit na
ng sukat at tugma sa bawat taludtod, o ang mga salita at paraan ng nakapagpapaliwanag at nakapaglalarawan kung bakit naganap ang
pagbuo ng pahayag ay piling-pili, matayutay, at masining bukod sa isang pangyayari at kung ano ang naging epekto nito. Karaniwang
pagiging madamdamin. ginagamit ang ilang pahayag na tulad ng “dahil dito, kung kaya, naging
Ang sukat ay bilang ng mga pantig sa bawat taludtod, bunga nito, ang sanhi ng, kapag ipinatupad ito at iba pa.
samantalang ang tugma ay pagkakasintunugan ng mga huling pantig Sa paglalahad ng sanhi at bunga sinasagot ang mga
sa bawat taludtod ng saknong. katanungang “Bakit ito nangyari” at “ Ano ang naging epekto ng
May aliw-iw at indayog kung bigkasin ang tulang Tagalog naturang pangyayari? Ang sagot sa unang tanong ay tumutukoy sa
dahil sa tinataglay nitong katutubong tugma. Magkakasintunog ang sanhi at ang ikalawang tanong ay tumutukoy naman sa bunga.
huling salita ng taludturan. Karaniwan nang gamitin ang wawaluhin at Halimbawa:
lalabindalawahing pantig ang sukat. Sanhi Bunga

Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon


Sa Panahon ng Hapones , may dalawang klase ng akdang
pampanitikan ang sumibol na iyong pag-aaralan sa bahaging ito- tula
(tanaga at haiku) at maikling kuwento.
GAWAIN 1.3.1.b: Hanap-Salita
TANAGA AT HAIKU
Mayaman ang ating bansa sa mga akdang pampanitikan dahil sa Hanapin mo ang tatlong salita na sa palagay mo ay may
impluwensiya ng mga dayuhang sumakop sa ating bansa. Isa na rito kaugnayan sa ating tatalakayin sa panitikan sa Panahon ng Hapones.
ang tula sa Panahon ng Hapones. Sinasabing dahil sa kahirapan ng Bilugan ang mabubuong salita.
papel noong Panahon ng Hapones, lumabas ang maiikling tula na
tinatawag na tanaga at haiku.
K I L A L A
Ano ang tanaga at haiku? Ayon kina Noceda at Sanlucar, ang tanaga
ay isang anyo ng tula na lubhang mataas ang uri at binubuo ng isang
matayog na guniguni at marangal na kaisipan.May 4 na taludtod U E P S T O
(linya ng bawat saknong sa tula) na may sukat (bilang ng pantig sa
bawat taludtod), binubuo ng pitong pantig (walang antalang bugso
ng tinig na pasulat na bawat pantig ay laging may isang patinig) sa W A L A N G
bawat taludturan, may tugma (pagkakatulad ng tunog sa huling
pantig ng huling salita sa bawat taludtod) , at puno ng talinghaga. E H A I K U

N I M I T O

T A N A G A

O Y A Y I E

Sa Panahon ng Hapones , may dalawang klase ng akdang


pampanitikan ang sumibol na iyong pag-aaralan sa bahaging ito- tula
Samantalang ang haiku ay tula ng mga Hapones na binubuo (tanaga at haiku) at maikling kuwento.
ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang
taludtod ay binubuo ng limang pantig; ang ikalawa’y may pitong Ang susunod na gawain ay makatutulong upang maunawaan
pantig, at ang ikatlo’y may limang pantig tulad ng una. isa-isa ang mga akdang sumibol sa Panahon ng Hapones. Bibigyan mo
Halimbawa: rin ng pokus sa iyong pag-aaral ang araling panggramatika na
gagamitin upang maisagawa ang produktong inaasahan pagkatapos
Puno ay sanga Hila mo’t tabak... ng iyong pag-aaral sa modyul na ito. Simulan natin sa tula, ang tanaga
Bisagra ay talahib, Ang bulaklak nanginig at haiku.
Kandado’y suso. Sa paglapit mo... Sa iyong palagay, nasasalamin ba sa mga tanaga at haiku ang kultura
ng isang lahi? Marahil, tama ka sapagkat ang panitikan ay salamin ng
kultura ng isang bansa. Ngunit pansinin kung ano ang pagkakaiba ng
Maikling Kuwento tanaga sa haiku sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong sa
Ang maikling kuwento ay isang kathang pampanitikang ang ibaba.
layuni’y maglahad o magsalaysay ng isang maselan at 1. Sa paanong paraan magiging gabay ang mga tanaga at haiku sa
nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. pang- araw-araw mong buhay? Patunayan.
Ang maikling kuwento, bukod sa pagiging maikli at may iba’t ibang 2. Nasasalamin ba ang kilos, ugali at pamantayan sa buhay sa mga
elemento tulad ng tagpuan, tauhan, banghay, tunggalian tanaga at haiku?
kasukdulan at wakas. Isang natatanging katangian ng maikling Tunay na tayong mga Pilipino ay naniniwala na sa mga akdang
kuwento ay nag-iiwan ng kakintalan sa mambabasa. pampanitikan masasalamin ang kilos at pag-uugali ng isang tao. Tulad
ng mga halimbawa ng tanaga at haiku sa itaas.

You might also like