You are on page 1of 12

Saan o Kanino

nagmula ang
liping Pilipino
ayon sa mga
kwento-kwento?

Noong panahon ng mga katutubo na wala


pang sapat na karunungan, paano kaya nila
ipinaliliwanag ang tungkol sa pagsibol ng
mga bagay-bagay sa mundo?
Layunin:
1. Natatalakay at nasusuri
ang pagkakabuo ng alamat batay
sa elemento nito.
2. Naibibigay ang kahulugan
ng matalinghagang pahayag sa
alamat.
3. Nailalahad ang sariling
pananaw sa pagiging
makatotohanan/di-
makatotohanan ng mga puntong
binibigyang-diin sa nabasang
akda.
Mahuhulaan ba
ninyo kung ano
ang paksa natin
ngayon? ano
kaya?
 Ano ang nasa isipan ninyo kapag pinag-uusapan
ang tungkol sa “alamat”?

Ang alamat ay isa pang yaman ng panitikang Pilipino. Dahil sa


pasalin-salin lamang ito sa bibig ng mga tao noong unang
panahon, nagkaroon ito ng iba-ibang bersyon sa iba’t ibang
lugar.
Alamat din ay isang katutubong panitikan na nagsasalaysay ng
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Angalamat o legend o folklore  sa wikang Ingles ay isang
kuwentong maaaring kathang-isiplamang o may bahid ng
katutohanang tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay,
lugar, pangyayari o katawagan.
Paano
mo iugnay
ang isang
“recipeng”
ito sa isang
alamat?
>Pagtalakay sa mga
elemento (nasa manila
paper)
> Tanong: Maituturing pa
bang kwento ang isang
likha kung wala ang iilan sa
mga elemento nito?
Paghawan ng Sagabal: Tukuyin ang kahulugan ng
initimang matalinghagang parirala ayon sa konteksto.
1. Sina Malakas at Maganda ay malaon nang naiidlip sa loob
ng puno ng kawayan bago sila napalaya ng dakilang ibon.
a.Naiwang walang malay b. natagpuang nanaginip
c. Matagal nang natutulog d. mahimbing na nabubuhay
2. Binato ng kalangitan ang karagatan ng kimpal-kimpal na
lupa.
a.hiwa-hiwalay na lupa b. buo-buong lupa
c.Malalambot na lupa d. malalagkit na lupa
3. Nakadama ng labis-labis na pagkahapo ang ibon kaya nag-
isip siya ng paraan kung paano siya mamamahinga.
a. Sobrang tagal na paglipad b. higit na paglakas
c. Mabilis na pagkampay d. di-makayanang pagkapagod
4. Ang matinding pag-aalitan ng langit at lupa ay
humantong sa pagkakaroon ng kalupaan sa
daigdig.
a. Masidhing pag-aaway b. labis na suliranin
c. Labis na pagmamahalan d. sobrang pag-iinisan
5. Ikinagulat ng dakilang ibon ang maririing katok
na narinig niya mula sa puno ng kawayan.
a. Mahihinang katok b. madidiing katok
c. Maiingay na katok d. walang tigil na katok
 Pangkatang Pagbasa: Magkakaroon ng salitan na pagbasa sa
alamat na “Si Malakas at Si Maganda”.
Pagpapalaot:
 Ano ang iniutos ng bathala sa dakilang ibon? Bakit kaya

kailangan pa niya itong ipagawa sa ibon? Magbigay ng


sariling palagay.
 Ang pagkakaroon ng alitan ng langit at dagat ay

nagbunga ng pagkakaroon ng kalupaan. Nakabuti ba ito o


nakasama? Ipaliwanag ang iyong kuro-kuro tungkol dito.
 Kung ang kwento ang pagbabatayan, makatotohanan kaya o

hindi makatotohanan ang pagkakaroon ng kalupaan sa


daigdig?
 Makatotohanan nga ba ang pagkakaroon ng alitan ng

lupa at langit dahil sa gawi ng ibon?


 Kung ang alamat ang pagbabatayan, karapat-
dapat bang sina Malakas at Maganda ang
sumisimbolo sa pinagmulan ng lahing Pilipino?
Bakit? Pangatwiranan ang iyong sagot.
 Alin ang pananaw na makatotohanan at di-
makatotohanan; Ang tao ay nagmula kina
Malakas at Maganda o kina Adan o Eba?
 Paano makatutulong ang pag-aaral ng alamat sa
pagsulong ng nasyonalismo at pagpapahalaga sa
sarili?
 Pagtataya

Panuto: Suriin ang binasang


alamat batay sa elemento nito
gamit ang story map
organizer nasa (manila
paper). Ilagay sa inyong
dyornal ang sagot.
Takdang-Aralin:

Pakikipanayam: Itanong ang pananaw sa inyong mga magulang.


Ikararangal kaya nila kung sasabihin mong sila ay nagmula kina
Malakas at Maganda? Isulat ang sagot sa kalahating papel.
 Pananaw ng Ama:

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
__________________________________.
 Pananaw ng Ina:

 _____________________________________________________________

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
___________________________________ .

You might also like