You are on page 1of 4

1.

Dahilan at Bunga/ Resulta

Naghahayag ng sanhi o dahilan ang dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi naman ng bunga o
kinalabasan ang resulta nito.

Tingnan ang mga halimbawang pangungusap na nagpapakita ng relasyong dahilan/sanhi at resulta/


bunga. Pansinin ang mga pang-ugnay na ginamit, gayon din ang padron ng pagsusunod-sunod ng mga
konsepto. (nakaturo sa resulta ang arrow o palaso)

Nag-aaral siyang mabuti (dahilan + pang-ugnay+resulta)

kaya/kaya naman natuto

siya nang husto.

Nag-aaral siyang mabuti. (dahilan + pu + resulta; may hinto

dahil dito/Bunga nito/Tuloy sa pagitan ng dahilan at resulta)

natuto siya nang husto.

Sapagkat/Pagkat/Dahil (pu + dahilan + resulta; may hinto

nag-aral siyang mabuti pagkatapos ng dahilan)

natuto siya nang husto.

Natuto siya nang husto (resulta + pu + dahilan)

sapagkat/pagkat/kasi/ dahil

nag-aral siyang mabuti

Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba’t ibang paraan. Ginagamit ang mga
kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, pagkat, dahil, dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi
samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito,
bunga nito.

2. Paraan at Layunin
Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o naiisipan sa tulong ng isang
paraan. Tingnan ang halimbawa. Pansinin ang mga pang-ugnay, pati na ang padron ng pagpapahayag ng
relasyon. (Nakatuon sa layunin ang arrow o palaso)

Upang/Para matuto nang husto, (pu + layunin + paraan)

nag-aaral siyang mabuti.

Nag-aaral siyang mabuti

upang /para/nang sa ganoo’y (paraan + pu + layunin)

matuto nang husto.

Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang, o nang sa ganoon upang maihudyat ang
layunin.

1. Paraan at Resulta

Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta. Sa mga

halimbawa, nakaturo sa resulta ang arrow.

Sa matiyagang pag-aaral, (paraan + resulta)

nakatapos siya ng kanyang kurso.

Nakatapos siya ng kanyang (resulta + paraan)

kurso sa matiyagang pag-aaral.

Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito. Inihuhudyat ng sa ang paraang ginamit
upang makamit ang resulta.

2. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan

Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan:Una, tumbalik o salungat sa katotohanan ang
kondisyon. Tingnan ang halimbawa kung saan nakaturo sa bunga o kinalabasan ng arrow.

Kung nag-aaral ka lang nang mabuti, (pu + kondisyon + bunga)

sana’y natuto ka nang husto.


Natuto ka sana nang husto (bunga + pu + kondisyon)

kung nag-aral kang mabuti.

At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon; tulad nito:

Kapag/Sa sandaling/ basta’t (pu+ kondisyon + bunga)

nag-aral kang mabuti,

matututo ka nang husto.

Matututo ka nang husto (bunga + pu + kondisyon)

kapag/ sa sandaling/ bastat

nag-aral kang mabuti.

Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang pang-ugnay na kung at
karaniwan itong sinamahan ng sana upang maipakitang salungat nga sa katotohanan ang bunga o
kinalabasan. Sa ikalawa, ginamit ang kapag, sa sandaling o basta’t upang ipahayag na maaaring maganap
ang isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.

Narito ang ilan pang dagdag na kaalaman upang lubos mong maunawaan kung ano ang tinatawag na
Konsepto ng Pananaw.

1. May mga ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw.Kabilang dito ang


ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at iba pa.
Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao. Tulad nito:

Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang pambansang wika at isa sa
mga opisyal na wika ng

komunikasyon at sistema ng edukasyon.

Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng Pangulong Quezon, mas mabuti ang
mala-impiyernong bansa na pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na
pinamumunuan ng mga dayuhan.
Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang kanilang plano.

Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar na ito.

2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/ o pananaw, tulad ng
sumusunod na halimbawa. Gayon man, mapapansing di tulad ng naunang mga halimbawa na tumitiyak
kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang
sumusunod na halimbawa:

Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari

iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.

Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapagisip

ka nang husto.

You might also like