You are on page 1of 2

Pagsasagawa ng Inaasahang Pagganap

Isa sa pinakapaboritong libangan ng tao, bata man o matanda, ay ang pakikinig sa radyo. Di tulad ng
panonood ng telebisyon o pagbabasa, kapag nakikinig ka sa radyo ay nagagawa mo pa rin ang ibang gawain.
Hindi nga ba’t ito ang libangan ng mga drayber habang nagmamaneho, ng mga nanay habang naglalaba o
nagluluto, o maging ng mga kabataang tulad mo habang gumagawa ng iyong takdang-aralin o kaya’y nautusang
maglinis sa bahay.
Maraming sikat na radio DJ ang hinahangaan lalo na ng mga kabataan kaya’t tiyak na marami ring
kabataang tulad mo ang nangangarap maging isang radio DJ at magsagawa ng redio broadcast. Mababasa sa
ibaba ang ilang hakbang na puwede mong gawin upang masubukan mong maging radio DJ subalit makabubuti
ring dagdagan mo pa ang iyong mga kaalaman at magsaliksik ka pa tungkol sa pagsasagawa ng radio broadcast.
1. Pumili ng pangalan para sa inyong estasyon. Ang ilan sa pangalan ng mga estasyon ng
radyo partikular sa manila ay ang 97.1 Baranggay LS, 90.7 Love Radio, 97.9 Home Radio,
101.1 Yes FM, at iba pa. Pag-isipan mo kung ano naman ang itatawag mo sa inyong
estasyon.
2. Pakinggan kung paano magsalita ang mga DJ sa radyo. Sila ba’y malinaw magsalita?
Angkop ba ang kanilang pagbigkas? Nakaaakit ba sa tagapakinig ang kanilang boses?
Kung Ingles ang ginagamit na salita ng mga paborito mong DJ ay maghandang mag-
broadcast sa Filipino dahil ito ang wikang gagamitin sa inyong estasyon ng radyo. Pag-
isipan din ang magiging estilo mo sa pagbo-broadcast.
3. Maging maingat sa mga salitang gagamitin mo sa pagbo-broadcast dahil iba’t iba ang
inaasahang tagapakinig. Karaniwang hindi lamang nakatatanda kundi marami ring mga
bata ang nahihilig sa pakikinig sa radyo kaya’t kailangang umangkop sa iba’t ibang uri
ng tagapakinig ang gagamiting mga salita ng DJ. Tandaang hindi lang ang ganda ng
boses ang puhunan ng isang broadcaster kundi kahusayan din sa pagpili ng salita at ang
malawak na kaalaman sa mga paksang tatalakayin.
4. Maghanda ng paksang tatalakayin kasama ang iyong co-anchor. Ang mga paksa ay
dapat kaugnay ng mga mensaheng taglay ng Florante at Laura. Makikita ang ilang
halimbawa sa ibaba. Dagdagan mo na lang ang mga ito.
 Ano-anong kabayanihan ang puwede mong gawin para sa iyong bayan?
 Bakit mahalagang matuto tayong pumili ng mahusay na lider na pagkakatiwalaan nating mamuno sa ating
bayan?
 Bakit kailangang maging mapanuri ang mga mamamayan at hindi basta magpadala lang sa mga nababasa
lalo na sa mga social media kung saan maraming troll ang nagagamit para maisulong ang pansariling
agenda ng isang pangkat?
 Tunay nga bang ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa kabutihan?
 Kaya mo bang magparaya kung ang isang bagay o taong mahal na mahal mo ay mahal din ng isang
kapamilya mo?
 At iba pa.
5. Ang mga paksang ito ay puwede ring salihan ng iyong mga tagapakinig. Maaari silang
magpadala ng kanilang reaksiyon o opinyon sa pamamagitan ng text message o kaya’y
phone patch.
6. Humanda ka ring bumasa ng ilang liham mula sa mga tauhan ng awit na nagsasaad ng
kanilang suliranin at hayaang ang iyong mga tagapakinig ang magbigay ng posibleng
solusyon o payo sa mga suliraning ito.
7. Magbigay ng ilang balita tungkol sa mga tauhan o pangyayari sa Florante at Laura. Ang
ilan sa malalaking balita halimbawa ay ang pagpapatapon kay Florante sa isang madilim
at mapanglaw na gubat, ang pagpatay kay Haring Linceo at Duke Briseo, ang pagpatay
kay Adolfo, at iba pa.
8. Maghanda ng mga awiting patutugtugin mo sa iyong pagbo-broadcast. Ang mga awitin
ay dapat ‘yung nakapagbibigay inspirasyon sa iba.
9. O hayan, paghandaan mo ang mga bagay na iyna para sa isang pagbo-broadcast na
mangyayari kung saan ikaw ay magiging isang tunay na DJ!

Naisusulat at naisasagawa ang isang makatotohanang radio broadcast na naghahambing sa lipunang Pilipino sa panahong
naisulat ang Florante at Laura at sa kasalukuyan (F8W6-IVij-40)
Heto na ang pinakahihintay mong sandal. Ikaw ay bagong DJ sa isnag estasyon ng radyo. Magsasagawa kayo ng mga
kapwa mo DJ ng isang radio broadcast tungkol sa mga pangyayari sa Florante at Laura at sa mga pangyayari sa
kasalukuyan. Kailangang paghandaan mo itong mabuti dahil tiyak na marami ang makikinig sa gagawin ninyong radio
broadcast. Basehan din ito ng station manager kung mabibigyanka ng permanenteng posisyon sa estasyon kaya’t
pagbutihin mo.
Sundan ang mga hakbang sa ibaba upang mapaghandaan mo ito nang maayos:
1. Basahing mabuti 9ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga radio broadcast na nasa itaas. Maaari mo pa itong
palawawkin sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga kaalamang nasaliksik mo.
2. Susulat ka ng iskrip batay sa mga hakbang na nabasa at nasaliksik mo. Taglay ng iskrip ang mga paksang
tatalakayin mo sa pagbo-broadcast, mensaheng pasasagutan sa iyong mgatagapakinig, liham na babasahin sa ere,
mga phonepatch at text message ng mga tagapakinig na babasahin mo sa ere, mga awiting patutugtugin, at mga
komentaryo sa mga pangyayaring babanggitin.
3. Tiyaking pilimpili ang mga salitang gagamitin dahil tanging boses mo lang ang maririnig at hindi ka naman
makikita ng iyong tagapakinig. Huwag mong kalimutang banggitin ang pangalan ng inyong estasyon sa inyong
pagbo-broadcast. Dito rin lalabas ang sarili mong estilo.
4. Isagawa ang radio broadcast. Isa ka nang ganap na radio DJ. Binabati kita.

You might also like