You are on page 1of 2

Script ng maikling dula(Balbal na antas ng wika)

MARIE SUMALLO: Uy beh!

ALHIANA SAMSON: Uy beh!

ALHIANA SAMSON: Beh kumusta ka na?

MARIE SUMALLO: Ito besh maganda pa din, ikaw?

ALHIANA SAMSON: Ito walang pinagbago, tanga-tanga pa din.

MARIE SUMALLO: Kumusta kayo ng jowa mo?

ALHIANA SAMSON: Ito wala na kami, b*bo kasi.

SUMALLO MARIE: Tara shot tayo.

ALHIANA SAMSON: ‘Di ako pinayagan ni momshie eh.

MARIE SUMALLO: Ay sayang naman, tara gala nalang tayo.

ALHIANA SAMSON: Sige arat antayin kita sa BGC.

MARIE SUMALLO: Oh sige beh, kitakits nalang.

MARIE AT ALHIANA: Sige besh, babush!

Script ng maikling dula(Kolokyal na antas ng wika)


JULLIAN GAZZINGAN: Pa, pa, puwedeng maka hingi ng pera?

JOMEL CANDINATO: Oh teka lang. Titingnan ko muna kung may pera ba ako dito.
Oh ito.
Baka kung saan-saan mo naman gagamitin yan ah!

JULLIAN GAZZINGAN: Hindi po pa, may proyekto lang po kami sa aming paaralan.

JOMEL CANDINATO: Teka, teka, ‘di mo nasabi sakin na may gawain pala kayo na ganyan.

JULLIAN GAZZINGAN: Nakalimutan mo na pa? Nagpaalam na po ako sa inyo, pumayag na po kayo.

JOMEL CANDINATO: Matanda na talaga ako, makakalimutin na.


Oh sya, jan na pala ang iyong kaibigan.
Umalis na kayo.

JULLIAN GAZZINGAN: Sige po pa, tuloy na po kami.

JOMEL CANDINATO: Sige, sige. Mag-ingat kayo ah!

JULLIAN GAZZINGAN: Opo pa!


Script ng maikling dula(Lalawiganin na antas ng wika)

INTRO
JOMEL CANDINATO: Magandang umaga sa inyong lahat.

OTHER MEMBERS: Magandang umaga po Ginoo!

JOMEL CANDINATO: Ngayon ay ituturo ko sa inyo ang ilang halimbawa ng salitang Cebuano.
Mayroon ba sa inyong mayroong ideya tungkol sa salitang Cebuano?

OTHER MEMBERS: Wala na po Sir!

JOMEL CANDINATO: So magsimula na tayo. Wag kayo mag-alala kasi yung ituturo ko sa inyo ay mga simpleng salitang
Cebuano lang naman.

DISCUSSION
JOMEL: Halimbawa:
Magandang Umaga(In Cebuano: Maayong Buntag)
Magandang Tanghali (In Cebuano: Maayong Udto)
Magandang Hapon(In Cebuano: Maayong Hapon)
Magandang Gabi(In Cebuano: Maayong Gabei)
Maraming Salamat(In Cebuano: Daghang Salamat)
Walang Anuman(In Cebuano: Walay Sapayan)

AFTER DISCUSSION
JOMEL CANDINATO: Ikaw Gazzingan, ano sa Cebuano yung salitang “Magandang Umaga?”

JULLIAN GAZZINGAN: “Maayong Buntag.”

JOMEL CANDINATO: Ikaw naman Ms. Sumallo, ano naman sa Cebuano yung salitang “Maraming Salamat?”

MARIE SUMALLO: “Daghang Salamat.”

PANGWAKAS
JOMEL: Aba magaling kayo ah! Mabilis pala kayong matuto.
May katanungan kayo?

MARIE SUMALLO: Wala po!

JULLIAN GAZZINGAN: Wala po!

Script ng maikling dula(Pampanitikan na antas ng wika)

: Ang unang kalahok sa patimpalak ng tula

JOMEL : Aking sinta


Ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo’y magiging ikaw

Script ng maikling dula(Pambansa na antas ng wika)

EDZEL PAMPLONA: Ako po si Edzel Pamplona ang tagapagbalita


Opisyal nang idineklara ng weather bureau at PAGASA ang pagsisimula ng tag-init.
Maaari umanong tumagal hanggang sa kalagitnaan ng hunyo.
Ayon sa PAGASA, bagama’t makakaranas parin ng pakalat-kalat na thunderstorm.
Sa ibang bahagi ng bansa, ay dapat nang asahang makadaragdag pa sa init ng panahon.
Ang nararanasang El Nino, kaakibat nito ang pagkaantala sa pagpapasok ng wet season o tag-ulan.

You might also like