You are on page 1of 23

Filipino

Quarter 4: Week 6 Learning Activity Sheets


Kasanayang Pampagkatuto at Koda

• • Natutukoy ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang kawiliwling


radio broadcast batay sa nasaliksik na impormasyon tungkol dito.
(F8PB-IVi-j-38)
• • Nabibigyang-pansin ang mga angkop na salitang dapat gamitin sa
isang radio broadcast.
• (F8PT-IVi-j-38) Ikaapat na Markahan– Ikaanim na Linggo
•Hakbang sa Pagsasagawa ng isang
Kawili-wiling Radio Broadcast
• Panimula (Susing Konsepto)
• Ang Radyo ay isa sa mga midyum ng komunikasyon na magbabahagi ng mga
impormasyon at kaganapan ng mundo sa mas malawak na sakop nito. Ito ay
naghahatid ng napapanahong balita, talakayan, musika, at opinyon tungkol sa mga
napapanahong isyu.
• Ito ang libangan ng mga tao noon, ang pakikinig ng radyo. Marahil ay iilan na lamang
ang nakikinig dito, ngunit patuloy pa rin ang pag ere ng iba’t ibang istasyon sa iba’t
ibang panig ng bansa. Hindi pa rin ito namamatay sa industriya dahil hindi tulad ng
telebisyon o pagbabasa, nagagawa mo pa rin ang ibang gawain habang nakikinig ng
radyo. Ito ang libangan ng mga drayber ng dyip habang nagmamaneho o ng mga nanay
habang naglilinis ng bahay. Dahil dito hinahangaan ng mga kabataan ang mga DJ na
siyang nagbibigay aliw sa mga bata at matatanda. Maraming gustong maging DJ at
magsagawa ng radio broadcast.
Mga hakbang na maaari mong gawin upang
masubukan mong maging DJ.
• 1. Nararapat lamang na bigyan mo ng sariling pangalan ang iyong sariling istasyon.
Upang magkaroon ka ng ideya, narito ang mga pangalan ng mga istasyon dito sa
Tarlac: DZMC Muews Radio (91.1FM), One FM (96.1 FM), Love Radio Tarlac (97.7
FM), at Radio Maria (99.7). Ngayon naman, bigyan mo ng pangalan ang iyong
istasyon.
• 2. Upang mapadali ang iyong gagawing radio broadcasting, pakinggan ang mga DJ
sa mga istasyong binanggit sa itaas. Maaari mong gamitin ang iyong
cellphone/smartphone upang mapakinggan ang mga ito. I-set lamang ang
Frequency (Hal. 96.1, 99.7) at mapapadali mo na itong pakinggan. Obserbahan
kung paano sila magsalita. Malinaw ba ang kanilang pagsasalita? Nakukuha ba ang
atensyon ng kaniyang mga tagapakinig? Ano ang istilo ng mga DJ na napakinggan
mo? Ikaw, pag-isipan mo na kung ano ang magiging istilo mo sa pag-broadcast.
• 3. Maging maingat ka sa mga salitang ginagamit sa broadcasting dahil mayroon kang
iba’t ibang tagapakinig na kinakailangan na alalahanin. Gumamit ng mga akmang
salita at mga salitang nakapanghihikayat ng mga tagapakinig. Ang isang broadcaster
ay boses ang kanyang puhunan, kaya naman ikaw ay inaasahan na magkaroon ng
buhay ang iyong boses.
• 4. Mag isip ng mga pakulo upang makuha ang atensyon ng mga tagapakinig. Isang
halimbawa nito ay ang pagtatanong o paghingi ng opinyon tungkol sa napapanahong
isyu o kaya naman ay tungkol sa pag-ibig na tiyak na mauunawaan ng mga
tagapakinig bata man o matanda. Upang makuha ang kanilang opinyon, maaari silang
magtext sa ibibigay mong cellphone number at banggitin ang kanilang sinabing
opinyon. Sa pamamagitan nito, naisasali mo sa iyong programa ang iyong mga
tagapakinig. Para sa gagawin mong broadcasting, ang iyong talakayan ay tungkol sa
akdang Florante at Laura.
• 5. Sa broadcasting na iyong gagawin, asahan mong ikaw ay
magbabasa ng mga liham katulad ng mga naririnig mo sa mga radyo.
Ang mga tagapakinig ay madalas na nagsasabi ng mga suliranin sa
buhay at hihingi ng payo o solusyon sa mga suliranin na sinabi ng
iyong tagapakinig.

• 6. Magpahayag ka rin ng mga balita tungkol sa mga tauhan o mga


pangyayari tungkol sa tatalakayin na bahagi ng Florante at Laura.
• 7. Mas mainam kung bibigyan mo ito ng mga musika, upang
magsilbing libangan sa mga tagapakinig o kaya naman ay inspirasyon.
Mag isip ka na ng mga musikang ipaparinig mo sa iyong mga
tagapakinig.
• 8. Paghandaan mo na ang mga habilin ko sayo, upang maranasan mo
ang pagiging DJ!
•ANGKOP NA SALITANG DAPAT GAMITIN
AT
ANGKOP NA PAGSASALITA SA ISANG
RADYO BROADCASTING
Ang mga angkop na salitang dapat gamitin at
angkop na pagsasalita sa isang radio broadcast.
• 1. Gumamit ng maikli, payak na salita sa pakikipagtalastasan o
pakikipag-usap.
• 2. Iwasan ang mga salitang sumasagitsit na tunog
• 3. Gumamit ng paglalarawang salita kung kinakailangan at may pag-
iingat
• 4. Gawing maikli ang mga pangungusap at ang mga ideya at hindi
maliligoy.
• 5. Gawing masigla ang pagsasalita upang makuha ang atensyon ng
mga tagapakinig.
PAGSULAT NG ISKRIP
• May sinusunod na pormat ang iskrip na panradyo. Narito ang mga
tuntunin na dapat mong sundin sa pagsulat ng iskrip.
PAGSULAT NG ISKRIP
• 1. Gumamit ng maliit na titik para sa pagsulat ng mga dayalogo at
malaking titik naman paea sa musika, epektong pantunog at ang
emosyonal na reaksyon ng mga tauhan kung kinakailangan.
• 2. Lagyan ng SFX para sa sound Effects at MSC para sa musika.
• 3. Kailangan din ipakita sa epektong pantunog kung paano ito
gamitin, isang halimbawa na rito ang FADE IN/ FADE OUT / FADE
UNDER
• 4. Kailangan na may dalawang espasyong (double space) pagkatapos
ng bawat linya sa iskrip.
• 5. Lagyan ng numero ang bawat linya sa ikalawang bahagi ng papel
bago ang unang salita upang madali ang pagwawasto kapag
nagrerecording
• 6. Gagamitin lamang ang mga nakasulat na emosyon na nasa
malaking titik ay upang malaman ng magsasalita kung paano niya ito
sasabihin lalo na sa mga dayalogo ng mga tauhan.
• 7. Gumamit ng mga terminong madaling maintindihan sa pagbibigay
ng indikasyon kung sino ang nagsasalita at kung anong uri ng boses
ang kailangang iparinig. Halimbawa nito ay Lalake, indikasyon lamang
nito na dapat at magboses lalake ang tagapagsalita. Isa pang
halimbawa nito ay Lola, kinakailangan na magboses matanda. Maaari
ka ring gumamit ng mga pangalan o mga katawagnang gagamitin
tulad ng Announcer.
• 8. Maglagay ng tutuldok (:) pagkatapos ng pangalan ng tauhang
magsasalita o pagkatapos isulat ang SFX o MSC.
• 9. Gumamit ng aktibong mga salita sa pagbuo ng pangungusap:
Halimbawa:
• X Ang pagkawala ni James sa Brgy. Mabait ay pinasisiyasat na ng mga
pulis
• / Pinasisiyasat na ng mga pulis ang pagkawala ni Jame sa Brgy.
Mabait.
Halimbawa ng iskrip panradyo

1 MSC: Station ID
2 FADE IN
3 Host 1:Mula sa bulwagan ng Tarlac, himpilan at sandigan ng bayan, ito ang DJZ!
4 Host 2: Mga nakalap na mga balita sa loob ng bente kwatro oras!
5 Host 1: Mga isyung tinututukan
6 Host 1: Ito ang DJZ!
7 Host 2: Ilang minuto na lamang ay magsisimula ng maghatid ng balita
8 FADE IN: Station ID
9 Host 1: Ang oras natin ngayon ay minuto makalipas ang alas ng Araw ng
Lunes, Ika ng Nobyembre taong dalawang libo dalawampu.
Host 2: Itinatayang dalawang libot tatlumpu ang nasawi sa pagbagsak ng eroplano kaninang alas
kwatro ng hapon.
• Pagsasanay 1: Sagutan natin!
• Panuto: Lagyan ng tsek kung ang pahayag ay tama at ekis naman kung hindi.

• 1. Boses ang puhunan ng mga radio broadcaster.


• 2. Ang isang DJ ay hindi tumatanggap ng mga opinyon mula sa ibang tao.
• 3. Hindi na kailangan na maghanda dahil mas mabuti na ang mag-
impromptu
• 4. Paghandaan ang mga tanong na maaaring sagutin ng mga tagapakinig.
• 5. Maghanda ng ipapangalan o itatawag sa sariling istasyon.
• Pagsasanay 2: Subukin natin ito!
• Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tama, at MALI kung hindi.

• 1. Nagpunta si Florante sa Krotona na si Laura ang laman ng isip.


• 2. Naipanalo ni Florante ang labanan sa Krotona
• 3. Hinamon ni Heneral Osmalik si Florante
• 4. Pitong oras naglaban sina Florante at Heneral Osmalik.
• 5. Tuwang tuwa ang mga taga-Krotona kay Florante.
• 6. Nalaman ng taong bayan na si Florante ay apo ng Hari
• 7. Sinabi sa aralin na kung may saya ay may lungkot.
• 8. May nakilalang babae si Florante sa Krotona
• 9. Tatlong araw halos na di nakatulog ang mga sundalo
• 10. Napatay ni Florante si Heneral Osmalik.
• Pagsasanay 3: Ating Ilapat!
• Panuto: Tukuyin at lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap ay angkop na gawin o
gamitin sa radio broadcasting at ekis (X) naman kung hindi.

• 1. Pangit ang naging sagot ng iyong tagapakinig, dapat lang na pagalitan mo siya
bilang tugon habang na ka “On-Air” ka.
• 2. Maaari kang magbasa sa iskrip na iyong inihanda, upang hindi ka mabulol.
• 3. Gumamit ng mga salitang simple, upang maunawaan ka ng iyong mga tagapakinig.
• 4. Bibilisan ko ang pagsasalita kahit ako ay nabubulol na.
• 5. Ilalarawan ko ang bagay na tinutukoy ko upang madaling maintindihan ng mga
nakikinig ang aking tinutukoy.
Pagsasanay 5: RADIO BROADCASTING
Panuto: Sumulat ng iyong sariling iskrip para sa iyong gagawin na radio broadcasting tungkol sa
bahagi ng Florante at Laura na iyong natutunan sa linggong ito. Sundin ang mga tuntunin sa pagsulat
ng Iskrip bilang gabay. Maaari mong gawing gabay ang link na ito sa pagsulat ng iskrip:
https://www.youtube.com/watch?v=19WKZnxvnRg

Pamagat:
Paksa:
Istasyon:
Haba (Length):
Manunulat:
Layunin:
1.
2.

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
(unang pahina ng radio broadcast)
(ikalawang pahina ng radio broadcast)
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22

You might also like