You are on page 1of 2

RADIO-BASED INSTRUCTION FILIPINO 9

MODYUL 1

RADIO TEACHER: Magandang araw mga mag-aaral at mga magulang na nakikinig ngayon sa istasyon Radyo Kastigo! Ako si
Ma'am Kristel Joy Mancera, ang inyong guro sa Filipino 10. Pag-uusapan natin ngayon ang mga mahahalagang aralin sa module 1
ng Filipino 9. Handa na ba kayong makinig?

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Kung gayon, Ihanda ang inyong modyul 1.

MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER


RADIO TEACHER: Kunin at buksan ang unang modyul na may pamagat na Parabula ng Kanlurang Asya.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Higit pang uunlad ang ating kalinangan kung pag-aaralan natin ang iba pang mga akda tulad ng parabula mula
sa iba pang mga bansa sa Asya. Kaya sa araw na ito, ating tatalakayin ang parabula ng Kanlurang Asya na, “Ang Talinghaga tungkol
sa May-ari ng Ubasan”.

Pagkatapos, ating susuriin ang akdang ito. Ang mga pangyayari sa akda ay magpapatunay na maaaring maganap ito sa tunay na buhay
sa kasalukuyan. Inaasahan din na ang mga matatalinghagang pahayag sa akda ay magagamit nang wasto sa pagbuo ng pangungusap.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Bago tayo tutungo sa naturang aralin, subukin at sukatin muna natin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng
pagbasa at pag-unawa sa pangyayari at isulat sa sagutang papel o kuwaderno ang titik ng wastong matatalinghagang pahayag na
nararapat gamitin na makikita sa bahaging Subukin Natin.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Tapos na ba? Kung tapos na, tingnan mo ang bahaging Aralin Natin ng iyong modyul. Basahin at
unawaing mabuti ang parabulang, Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan. Suriin ang parabula at sagutin ang kasunod na
katanungan.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Ngayon, tingnan mo ang bahaging Gawin Natin. Punan ng wastong titik ang mga kahon upang mabuo ang
kahulugan ng bawat salita/pariralang sinalungguhitan at gamitin ito sa pangungusap.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Sa puntong ito, dumako tayo sa bahaging Sanayin Natin. Sa bahaging ito, basahin at unawaing mabuti ang
bawat tanong. Isulat ang tamang letra sa sagutang papel.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Ang susunod na bahagi naman ay Tandaan Natin. Punan nang wastong salita mula sa kahon ang mga
patlang sa loob ng talata upang mabuo ang diwa nito. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa sagutang papel.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Upang lubos mong maunawaan ang aralin, basahin at suriing mabuti ang parabulang, Ang Talinghaga
Tungkol sa Lingkod na Di Marunong Magpatawad pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Binabati kita sa iyong kasipagan. Upang mas maging mayabong ang iyong kaalaman ay napapanahon na
upang ikaw ay magbigay ng iyong personal na opinyon. Maliban kay Jose P. Rizal ay may isa pang bayaning ating tinitingala dahil
sa kabila ng kaniyang kapansanan ay nangibabaw pa rin ang kaniyang pagmamahal sa bayan, ito ay si Apolinario Mabini na kilala
sa taguring “Ang Dakilang Lumpo”. Basahin ang isang anekdota sa buhay ni “Pule” at magbigay ng sariling opinyon o reaksiyon
ukol dito.

MUSIC UP FOR 3 SECONDS AND UNDER


RADIO TEACHER: Sa pagkakataong ito, pag-aralan naman natin ang pangalawang aralin sa modyul 2.
Sa araling ito, inaasahang:
 Nabibigyang -kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi (F10PT-IIIb-77);
 Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pagsulat at pagsasalaysay ng orhinal na anekdota (F10PU-
IIIb-72); at
 Naisusulat ang isang orihinal na komik strip batay sa isang anekdota (F10PU-IIIb-79).
MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER
RADIO TEACHER: Bago tayo magsisimula sa aralin ay magkakaroon muna tayo ng kaunting pagsubok sa inyong kaalaman.
Natatandaan niyo pa ba ang salitang-ugat at panlapi? Kung gayon ay ating subukin muli ang inyong kaaalaman ukol ditto sa
pamamagitan ng pagsagot sa bahaging Subukin Natin.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Tapos na ba? Kung tapos na, tingnan mo ang bahaging Aralin Natin ng iyong modyul. Tatalakayin natin ang
kasanayang komunikatibo.

Ang kasanayang komunikatibo ay makatutulong sa ating lahat sa pagiging isang mahusay na tagapagsalita dahil ito ang isa sa
pinakamahalagang kasanayan na puwede mong matutuhan dahil ito’y magagamit mo kahit saan at kahit kailan.

Apat na Komponent o Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo

1. Gramatikal - Ito ang sangkap kung saan nagbibigaykakayanan sa nagsasalita kung paano bigkasin sa wastong kaayusan
ang mga salita/pangungusap na kaniyang ginagamit at kung angkop ng kaniyang ginagamit na mga salita.
2. Sosyo-Lingguwistik - Ito ang sangkap na magagamit ng nagsasalita ang kalawakan ng kaniyang bokabularyo at ang
pagpili ng salitang naangkop sa sitwasyon at sa kontekstong sosyal ng lugar kung saan ginagamit ang wika. Dapat alam
ng nagsasalita ang paggamit ng angkop anumang pagkakataon
3. Diskorsal - Ito ay ang sangkap na nagbibigay kakayahan ng nagsasalita na ipalawak ang mensahe upang mabigyan ng
wastong interpretasyon ang salita upang mas maunawaan ang salita at mapahayag ang mas malalim na kahulugan nito.
4. Strategic - Ito ay ang sangkap na nagagamit ng nagsasalita ang mga berbal na pananalita upang wasto niyang
maipahayag ang kaniyang mensahe at maiwasan o maisaayos ang hindi pagkaunawaan o mga puwang sa komunikasyon.
Nakatutulong din ang mga hindi berbal na hudyat sa pagsasalita kagaya ng kumpas ng kamay, tindig, at ekspresyon ng
mukha upang mailahad ang tamang mensahe.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Sa puntong ito dumako tayo sa bahaging Gawin Natin ng iyong modyul. Upang lubos na maunawaan ang
aralin ay kailangan mong sagutin ang ilang katanungan na makikita mo sa bahaging ito.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Para higit na matutuhan ang aralin ay kailangan mong magsanay. Tukuyin kung alin sa mga komponente ng
kasanayang komunikatibo ang kailangang gamitin sa sitwasyon na makikita mo sa bahaging Sanayin Natin.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Sa bahaging Suriin Natin, nais kong gumawa ka ng isang anekdota ukol sa iyong buhay kung saan ikaw ay
gumawa ng hindi inaasahang kabutihan sa iyong kapuwa. Buoin ito gamit ang iyong kaalaman sa kasanayang komunikatibo.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Upang yumabong ang kaalaman sa aralin, gumawa ng komik strip o iguhit ang sinulat na anekdota. Gawin
ito sa sagutang papel. Dalawang kuwadro lang ang gagamitin.

MUSIC UP FOR 3 SECONDS AND UNDER


RADIO TEACHER: Tandaan: Malaking tulong sa ating lahat ang pagiging isang mahusay na manunulat at tagapagsalita dahil ito
ang isa sa pinakamahalagang kasanayan na puwede nating matutuhan dahil ito’y magagamit mo kahit saan at kahit kailan. Binabati
kita sa iyong kasipagan at matalinong pagsagot at paggawa sa mga gawain. Tandaan ang mga natutuhan sa mga aralin.

MUSIC UP FOR 3 SECONDS AND UNDER


RADIO TEACHER: Sana’y naunawaan ninyo ang talakayan natin sa araw na ito. Kung may mga katanungan kayo tungkol sa
modyul maari niyo akong ma chat sa aking Messenger at ikagagalak kong mabigyan ng kasagutan ang inyong mga tanong.
Hanggang sa susunod nating leksyon, ako ang inyong guro sa himpapawid, Ma’am Kristel Joy C. Mancera. Laging tandaan, mag-
aral nang mabuti sapagkat ito ang susi tungo sa isang masaganang bukas! Hanggang sa muli, paalam!

You might also like