You are on page 1of 3

Noon at Ngayon

Kwento ni inay
Noong sila’y bata pa
Tingin lang ni lola
sila’y tumatahimik na
Respeto sa magulang
kitang-kita sa kanila.
Ngayon daw ay iba na
Ugali ng mga bata
Pagsabihan mo’t
sawayin
Sisimangutan ka na
Iba’y magdadabog pa
Paggalang ba’y wala na?
Higit na mabait
Mga bata noon?
Mas malaya naman
Mga bata ngayon?
Bakit nag-iba?
Dahil ba sa panahon?
Ang sagot diyan?
Ikaw ang tumugon.

You might also like