You are on page 1of 3

Paghahambing

• ay paglalarawan ng antas o lebel ng


katangian ng tao, bagay, hayop,
ideya, at pangyayari.
1. Pahambing na Magkatulad
Sa magkatulad na katangian ay ginagamit
ang mga panlaping gaya ng magka-, sing-,
sim-, sin-, magsing-, magsim-, magsin-, ga-,
pareho, kapwa, at parang.

Halimbawa:
1. Ang pagdidisiplina sa anak ay parang kawayan
na kapag nahutok na, mahirap nang
baluktutin.
2. Parehong kaliwa ang paa.
3. Gaya ng loro kung siya ay mangusap.
2. Pahambing na Di-magkatulad
Ang Paghahambing na di-magkatulad ay kung
nagbibigay ito ng diwa ng pagtanggi, pagkakait o
pagsalungat sa nais patunayan ng pahayag
Dalawang Uri ng Pahambing na Di-magkatulad
A.Palamang - nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang
pinaghahambing. Ginagamit ang higit, lalo, mas, di- hamak.
Halimbawa:
1. Lalong masarap biruin ang lasing huwag lang ang bagong gising.
2. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at
malansang isda.
B. Pasahol - kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing.
Ginagamit ang di-gaano, di-gasino, di-masyado.
Halimbawa:
1. Di- gaanong matalino ang mag-aaral na pabaya sa kaniyang talino.
2. Di-gasinong tanyag si Adarna gaya ni Darna.

You might also like