You are on page 1of 25

Ano ang Pang-uri?

• Ang pang-uri mga salitang


nagsasaad ng uri o katangian ng tao,
bagay, hayop, pook, at pangyayari.

• Ito ay ginagamit na panuring sa


pangngalan at panghalip, at
ginagamit din bilang pangngalan.
Gamit ng Pang-uri

1) Panuring ng Pangngalan

2) Panuring sa Panghalip

3) Ginagamit bilang Pangngalan


Panuring ng Pangngalan
Halimbawa:

• Mararangal na tao ang pinagpapala.

• Kahanga-hanga si Helen sa kanyang


likhang kamay.
Panuring sa Panghalip
• Sila ay matatapang at makikisig na
mandirigma.

• Kayong masigasig ay tiyak na


magtatagumpay.
Pang-uri bilang Pangngalan

• Ang mapagtimpi ay malayo sa gulo.

• Ang sinungaling ay kakambal ng


magnanakaw.
Panlaping Makauri

Paglalapi sa salitang ugat upang


makabuo ng panibagong salita o
panghalip.
1.ma-
Unlaping nagsasaad ng pagkakaroon ng
isinasaad ng salitang-ugat. Karaniwang marami
ang isinasaad ng salitang-ugat.
mapera matao mabato

2. mapag-
Unlaping nagsasaad ng ugali.
mapagbiro mapagtawa mapaglakad
1. an~ –han
• Hulaping nagsasaad ng pagkakaroon ng
isinasaad ng salitang-ugat nang higit sa
karaniwang dami, laki, tindi, tingkad, atbp.
malakihan pangahan duguan

2. ma-… -in/-hin
Nagsasaad ng pagtataglay, sa mataas na
antas, ng isinasaad ng salitang-ugat.
maramdamin maawain mairugin
Kayarian ng Pang-uri

Gaya ng pangngalan, ang


pang-uri ay may paraan
upang mabuo.
Mga kayarian ng Pang-uri

• Payak
• Maylapi
• Inuulit
• ambalan
1. Payak
- ito’y binubuo ng mga salitang-
ugat lamang
halimbawa:
berde, luntian, asim, galit

2. Maylapi
- ito’y mga salitang-ugat na
kinakabitan ng ma panlaping ka, ma-
in, ma-hin, mala, kasing, kasim, atbp
Halimbawa:
malasutla, mapusok, kaibigan,
kasimputi

3. Inuulit
- ito’y binubuo sa pamamagitan ng pag-
uulit ng buong salita o bahagi ng salita
Halimbawa:
pilang-pula, bungang-buga, oras-
oras, galit nagalit
4. Tambalan
- ito’y binubuo ng dalawang salitang
pinagtatambal

Halimbawa:
ngiting-aso, pugad-birhen,
Kapit-tuko, hilong-talilonga
Uri ng Pang-uri
1. Palarawan
-naglalarawan at nagsasaad ng hugis,
kulay, anyo at katangian.

Halimbawa:
• Malasutla ang kanyang kutis.
• Malaki ang eskwelahan na kanyang
pinapasukan.
2. Pamilang
-nagsasaad ng tiyak o di-tiyak na bilang.
Halimbawa:
• Maraming tao ang nagtitipon sa plaza ngayon.
• Kakarampot na asukal lamang ang kanyang
binili.

a) Patakaran
-mga likas na bilang na pinagbabatayan ng
pagbibilang.
Halimbawa:
labing-apat walo tatlo
b) Panunuran
-nagsasaad ng ayos ng pagkakasunud-
sunod ng mga bagay o bilang.
Halimbawa:
ikasampu pang-anim ika-walo

c) Pamahagi
-ginagamit sa pagbabahagi o
pagbubuklod ng ilang hati sa kabuuan.
Halimbawa:
sangkatlo kalahati sangkapat
d) Palansak
-nangangahulugang minsanan, maramihan,
at langkay-langkay ang bilang.
Halimbawa:
libu-libo miya-milya

e) Patakda
-nagsasaad ng tiyak na bilang, hindi
mababawasan, o madaragdagan man, eksakto
ang bilang nito.
Halimbawa:
pipito aapat tatatlo
Kailanan ng Pang-uri
I. Isahan- tumutukoy sa iisang inilalarawan.
• Maputi ang kulay ng balat ni Sarah.

II. Dalawahan- higit sa iisa ang inilalarawan.


• Parehong maputi ang kulay ng balat nina Sarah
at Leila.

III. Maramihan- higit pa sa dalawa ang


inilalarawan.
• Mapuputi ang kulay ng balat ng pamilya ni
Sarah.
Hambingan ng Pang-uri
Hambingan – ang tawag sa
pang-uri kung naipakikita ang
pagkukumpara. Maaaring itong
lantay, pahambing, o pasukdol.
Mga hambingan ng Pang-uri
• Lantayan
• Pahambing
• Pasukdol
1. Lantay
- walang paghahambing ang
naipapakita o walang pagkukumpara,
binubuo lamang ito ng salitang ugat

Halimbawa:
Dalisay ang pagmamahal ng
binatang iyan sa kanya.
Malambing makipagkwentuhan ang
dalawang iyo.
2. Pahambing
- paghahambing ito ng dalawang
bagay, tao, pook o pangyayari

Halimbawa:
Higit na masarap magluto ang aking
ina kaysa kay Aling Letty.
Mas matalino si Jelai kay Judith
3. PASUKDOL
- nangangahulugang pamumukod ng
katangian sa iba o sa lahat. Nilalapian
ng “pinaka”, “napaka”, “ubod”, atbp
upang matukoy ang pamumukod ng
katangian sa iba.

halimbawa:
Ubod ng tamis ang binili niyang
pakwan.
Napakagandang tanawin ang
inilarawan ng mga turista.

You might also like