You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CONCEPCION NORTH DISTRICT
CONCEPCION NORTH CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
CONCEPCION, TARLAC

DATE: APRIL 14,2023

SLAC ATTENDANCE SHEET


NAME SIGNATURE

__________________________________________________________________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CONCEPCION NORTH DISTRICT
CONCEPCION NORTH CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
CONCEPCION, TARLAC

LEARNING ACTIVITY SHEET IN ARALING PANLIPUNAN 3


Kapaligiran at Ikinabubuhay sa mga Lalawigan ng Rehiyong Kinabibilangan

Pangalan:________________________________________________________________ Iskor:__________________
Pangkat at Baitang:_______________________________________________________Petsa:_________________

Ang Kapaligiran ng mgaLalawigansaGitnang Luzon


Ang Gitnang Luzon ay mayaman sa produktong agrikultural. Ito ay tinaguriang “Kamalig ng Bigas” ng Pilipinas
dahil sa malaking produksiyon ng bigas na nanggagaling sa malawak na kapatagang angkop sa pagtatanim.
Ang Gitnang Luzon ay nagtataglay ng mgapangunahing anyong tubig. Sa hilaga dumadaloy ang Ilog Tarlac.
Ang Ilog Pampanga na nagmumula sa kabundukang Caraballo ay bumabagtas sa kahabaan ng Nueva Ecija at
Pampanga.
Ang Ilog Angat na nagmumula naman sa kabundukan ng Sierra Madre ay dumadaloy sa mga bahagi ng lalawigan
ng Bulacan at nagtatapos sa Look ng Maynila.

__________________________________________________________________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CONCEPCION NORTH DISTRICT
CONCEPCION NORTH CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
CONCEPCION, TARLAC

Sa Nueva Ecija matatagpuan ang Lawa ng Pantabangan na nagtutustos sa patubig sa mga sakahan. Ito ay isa sa
pinakamalawak na lawa sa Timog-Silangang Asya.
Sa pangkalahatan, mainit o tuyong panahon ang nararanasan mula sa buwan ng Disyembre hanggang Mayo. Ang
tag-ulan ay mula Hunyo hanggang Nobyembre.
Ang katangiang pisikal at klima ng rehiyon ay nagkaroon ng malaking papel sa pag-unlad ng agricultural na
pamumuhay ng mga mamamayan sa rehiyon.

Kapaligiran at Ikinabubuhay ng Lalawigan ng Aurora


Ang Aurora ay isang mabundok na lalawigan na bahagi ng bulubundukin ng Sierra
Madre. Ito ay dating kabilang sa Rehiyon IV-A ngunit nalipat sa Rehiyon III sa bisa ng
Executive Order Bilang 103 s. 2002.
Ang lalawigan ay mayaman sa magagandang baybayin, mga diving at surfing spot na
dinarayo ng mga turista.
Niyog, palay at isda ang pangunahingproduktonito.

Kapaligiran at Ikinabubuhay ng Lalawigan ng Bataan


Ang lalawigan ng Bataan ay matatagpuan sa kanlurang baybayin ng Gitnang Luzon.
Halos walumpung porsiyento (80%) ng Bataan ay mabundok at maburol.
Pangingisda ang pangunahing industriya sa lalawigan. Kilala ang lalawigan sa paggawa
ng iba’t ibang uri ng lambat pangisda. Nagtatanim din ang mga tao ng palay, mais at mga
halamang-ugat. Dahil ang Bataan ay isang peninsula patuloy ang pag-unlad ng turismo rito
patunay ang mga naggagandahang resort sa kahabahan ng baybayin
nito.
Kapaligiran at Ikinabubuhay ng Lalawigan ng Bulacan

Ang lalawigan ng Bulacan ay humigit kumulang labing-apat n aporsiyento(14%) ng buong sukat ng Luzon.
Napaliligiran ito ng mga bulubundukin ng Sierra Madre, mga baybayin at kapatagan. Dahil sa
malawak na kapatagan at mga baybayin nito ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga tao ay
ang pagsasaka, paghahayupan, at pangingisda.
Kilalarin ang lalawigan na isa sa mga pangunahing destinasyon ng mga turista dahil sa
mayamang kultura at kasaysayan nito.
Ang lalawigang ito ay unti-unti na ring nakikilala sa mgaindustriyatulad ng paggawa ng alahas, paputok, sitsaron,
handicrafts at mga kakanin o native sweets.
Kapaligiran at Ikinabubuhay ng Lalawigan ng Nueva Ecija
Ang Nueva Ecija ang pinakamalawak nalalawigan sa Gitnang Luzon. Ang lupainnito ay
nagsisimula sa mga latian sa Timog-Kanluran sa hangganan ng lalawigan ng Pampanga,
bulubundukin ng Sierra Madre sa Silangan at ang Caraballo at Cordillera naman sa Hilaga at
Tarlac sa Kanluran
Ang lalawigan ay tinaguriang “Kamalig ng Bigas” ng Gitnang Luzon.
Agrikultura ang pangunahing hanapbuhay ng mamamayan rito. Dito nagmumula ang malaking produksiyon ng
bigas, mais, sibuyas, bawang at tubo. Mayroon ding mgalugar sa Nueva Ecija ang may deposito ng mga mineral tulad ng
Manganeseat Copper.

__________________________________________________________________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CONCEPCION NORTH DISTRICT
CONCEPCION NORTH CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
CONCEPCION, TARLAC

Kapaligiran at Ikinabubuhay ng Lalawigan ng Pampanga


Ang Pampanga ay may malawak na kapatagan. Dito matatagpuan ang Bundok Arayat.
Ilog Pampanga ang pinakamalaking ilog sa lalawigan. Sakahan at pangingisda ang
dalawang pangunahing industriya rito. Kilalarin sa tawag na Culinary Capital of the
Philippines dahil sa husay ng mga Kapampangan sa larangan ng pagluluto.
Kilalarin ang lugar sa industriya ng iskulturang kahoy, paggawa ng muwebles o
kasangkapang gawa sa kahoy at iba pang produktong gawa ng kamay tulad ng mga higante at
makukulay na mga parol.

Kapaligiran at Ikinabubuhay ng Lalawigan ng Tarlac


Ang lalawigan ng Tarlac ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Gitnang Luzon.
Napaliligiran ito ng apat na lalawigan. Pampanga sa timog, Nueva Ecija sa silangan, Pangasinan
sa hilaga at Zambales sa kanluran. Ang silangang bahagi ng lalawigan ay kapatagan at ang
kanlurang bahagi naman ay maburol at bulubundukin.
Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan dito, at tubo at palay
ang mgapangunahingpananim. Ang mgatao ng Capas ay ipinuproseso ang mga batong pumice
upang gawing mga rebulto at paso. Makikita sa lalawigan ang Capas National Shrine na
dambana para sa ating mga kababayang nagbuwis ng buhay noong Death March sa panahon ng Hapon. Dito rin makikita
ang New Clark City. Ang iba pang mga pananim ay ang tabako, mais at niyog. Ito ay may malawak na sistema ng patubig
mula sa mga ilog nito. Mayroon ding industriya ng pagtotroso mula sa mga kabundukan sa hangganan ng lalawigan ng
Zambales. Taunan ding ipinagdiriwang rin dito ang Belenismo kung saan nagpapagandahan ng mga Belen ang iba’t ibang
mga Munisipalidad at ibang mga establisyimento.
Kapaligiran at Ikinabubuhay ng Lalawigan ng Zambales
Ang lalawigan ng Zambales ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Gitnang Luzon.
Ang hilagang bahagi nito ay latian at dalampasigan at ang bahaging lupa ay mababa kung saan
matatagpuan ang mga pamayanan.
Kilala ang lalawigan sa dami ng deposito ng lahar dahil sa pagdaloy nito sanhi ng
pagputok ng Bulkang Pinatubo noon. Bulubundukin ang iba pang bahagina may malawak na
depositong mineral tulad ng Chromite.
Ang agrikultura ay isa rin sa pinagkukunang- yaman ng lalawigan. Bukod sa
pangingisda at pagmimina ang kanilang pangunahing mga produkto ay mangga, palay, mais at
mga halamang-ugat. Maunlad din ang turismo sa Lungsod ng Olongapo na dating base ng hukbong-dagat ng Amerika sa
Pilipinas.
PAGYAMANIN
A. Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
___________1. Isang uri ng prutas na pinagkukunan ng gata.
___________2. Itinatanim sa bukid na pinagmumulan ng bigas.
___________3. Karaniwang gawa sa mamahaling bato at mineral na sinusuot ng mga tao bilang palamuti sa katawan
___________4. Isang palamuti na isinasabit sa mga bahay tuwing sasapit ang kapaskuhan.
___________5. Isang uri ng halaman na ginagawang asukal.
B. Panuto: Isulat ang lalawigang tinutukoy o inilalarawan ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Dito matatagpuan ang Bulkang Pinatubo. _______________________

__________________________________________________________________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CONCEPCION NORTH DISTRICT
CONCEPCION NORTH CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
CONCEPCION, TARLAC

2. Lalawigan na tinaguriang“Kamalig ng Bigas” ng Gitnang Luzon. _______________________


3. Halos walumpung porsiyento (80%) ng lalawigang ito ay mabundok at maburol. _____________
4. Napaliligiran ito ng Pampanga, Nueva Ecija, Zambales at Pangasinan. ____________________
5. Ang lalawigang ito ay kilalarin sa mga industriya ng paggawa ng alahas, paputok, sitsaron, handicrafts at mga
kakanin. _______________________
C. Panuto: Magbigay ng isa sa mga pangunahingprodukto ng bawat lalawigan sa Ginang Luzon.
Lalawigan MgaProdukto
1. Aurora
2. Bataan
3. Bulacan
4. Nueva Ecija
5. Pampanga
6. Tarlac
7. Zambales

D. Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat tanong.

1) Ano ang bumubuosa halos walumpungporsiyento ng Bataan?


a) Bundok at Burol c) Ilog
b) Dagat d) Bulkan
2) Alin samgasumusunod ang HINDI kabilangsamgapangunahingprodukto ng Bulacan?
a) Paputok c) Alahas
b) Danggit d) Sitsaron
3) Ang mgataosalalawigangito ay kilaladahilsakanilangangkinghusaysapagluluto.
a) Tarlac c) Bataan
b) Zambales d) Pampanga
4) Alin samgasumusunodnalalawigan ang HINDI ang pumapalibotsalalawigan ng Tarlac?
a) Aurora c) Nueva Ecija
b) Pampanga d) Zambales
5) Anong mineral kung saansagana ang lalawigan ng Zambales
a) Copper c) Iron
b) Maganese d) Chromite

__________________________________________________________________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CONCEPCION NORTH DISTRICT
CONCEPCION NORTH CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
CONCEPCION, TARLAC

LEARNING ACTIVITY SHEET IN MTB 3


Mga Salitang Klaster

Pangalan:________________________________________________________________ Iskor:__________________
Pangkat at Baitang:_______________________________________________________Petsa:_________________

PANUTO:Basahin ang talata sa ibaba at sagutin ang kasunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa papel o sa
kuwaderno.
Pag-aalaga sa Ating Katawan
ni: Sheree Ann B. Villadar

Mahalaga ang pag-aalaga sa ating katawan. Kailangan nito ang tamang pagkain
upang makaya ang mga bagay na dapat isagawa. Bitamina para lumakas at minerals para
hindi tayo magkasakit.

May iba pang mga bagay na kailangan ang ating katawan. Nangangailangan ito ng sapat na pahinga at tulog.
Kailangang mag-ehersisyo upang pawisan at maging malusog. Dapat din nating isaalang-alang ang kalinisan nito.

Ngayon naman, ating pag-aralan ang mga bahagi ng isang dalawang antas na balangkas.

Pangunahing Pamagat
Ideya Pag-aalaga sa ating Katawan

I. Mahalaga ang pag-aalaga sa ating katawan

A. kailangan ang tamang pagkain


B. bitamina para lumakas Pangunahing
C. minerals para hindi tayo magkasakit Detalye

II. Iba pang kailangan ng katawan

A. sapat na pahinga at tulog


Pangalawang
B. kailangang mag-ehersisyo
Ideya
C. isaalang-alang ang kalinisan

Pangalawang
__________________________________________________________________________________________________________________
Detalye
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CONCEPCION NORTH DISTRICT
CONCEPCION NORTH CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
CONCEPCION, TARLAC

Tandaan

Ang balangkas ay ang buod ng isang talata. Ito rin ang tamang pagkaaayos ng mga salita. Kadalasan ginagamit
ito sa pagsusulat ng mga akda at karaniwang makikita sa mga pahayag, teksto at mga kwentong binabasa.
 Ang pamagat para sa balangkas ay dapat gamitin sa ulat mismo.
 Gumamit ng Roman numerals I, II, III at iba pa, sa pangunahing ideya at pangalawang ideya.
 Gumamit din ng malalaking titik A, B, C, para sa mga karagdagang detalye.

Gawain 1
Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B upang maipakita ang tamang bahagi ng isang balangkas. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa bawat bilang.

Hanay A Hanay B

1. ________________________ A. ikalawang ideya

2. I. ______________________ B. pangunahing detalye

3. A. _____________________ C. pangunahing ideya

B. _____________________ D. ikalawang detalye

C. ____________________ E. pamagat

4. II. _____________________

5. A. ____________________

B. ____________________

C. ____________________
Gawain 2

Basahin ang sumusunod na talata at kompletuhin ang kasunod na balangkas.

Kahalagahan ng Edukasyon
ni: Sheree Ann B. Villadar

Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat isa. Dito nakasalalay ang kinabukasan ng bawat tao at kung ano ang
kanyang kahihinatnan dito sa mundo. Ito ang ating sandata upang magkaroon ng magandang buhay. Maraming paraan
upang makamit natin ang isang mabuting hinaharap.

Ang paghahanda para sa ating kinabukasan ay mabisang paraan upang makasiguro tayo sa ating pamumuhay.
Kailangan ang buong determinasyon, tiwala sa sarili at pananampalataya sa Diyos upang makamit ang tagumpay. Laging

__________________________________________________________________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CONCEPCION NORTH DISTRICT
CONCEPCION NORTH CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
CONCEPCION, TARLAC

tandaan na tayo ang gumagawa ng ating sariling kapalaran. Tandaan na ang kahirapan ay hindi hadlang upang makamit
ang magandang kinabukasan.

_________________________________________________

I. Edukasyon, __________________________________________

A. ____________________________________________________________________
B. sandata upang magkaroon ng magandang buhay.
C. ____________________________________________________________________

II. Ang paghahanda ay ________________________________


A. ___________________________________________________________________
B. ___________________________________________________________________
C. Kahirapan ay hindi hadlang sa magandang kinabukasan.

__________________________________________________________________________________________________________________

You might also like