You are on page 1of 16

Opus Deo Dignum

Basic Education Department


SY 2020-2021

Subject: Araling Panlipunan (Unit III, Lesson 12)

Class: Grade Three

Teacher: Anjelica P. Lupian

1
Aralin 12: Mga Pangkat ng Tao sa Iba’t Ibang Rehiyon

google.com
2
Pagkatapos ng leksyon, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Mailalarawan mo ang pagkakakilanlang kultural ng


kinabibilangang rehiyon;

2. Maiisa-isa mo ang mga pangkat ng mga tao sa sariling


lungsod o lalawigan at rehiyon;

3. Mapahahalagahan mo ang iba’t ibang pangkat ng tao sa


lungsod o lalawigan at rehiyon.

3
TOPIC OUTLINE

• Mga pangkat ng tao sa iba’t ibang rehiyon

• Pagpapahalaga sa mga katutubong pangkat

• Mga wika sa iba’t ibang rehiyon

4
MOTIVATION

5
Mga Pangkat ng Tao sa Iba’t Ibang
Rehiyon
Ang pinakamalaking pangkat-etnolingguwistiko ng mga Pilipino ay
Tagalog ang mga Tagalog. Karamihan sa mga ito ay naninirahan sa Bulacan,
Bataan, Maynila, Laguna, Cavite, Batangas, Romblon, Marinduque,
Mindoro, Rizal, Quezon, at Palawan. Mas malapit sila sa sentro ng
pamahalaan kaya mas nakatatanggap sila ng serbisyo nito. Mas
malapit din sila sa malalaking paaralan at unibersidad kaya mataas
ang kanilang antas ng edukasyon at literacy level. Ibang iba ang
kanilang kultura dahil nasa sentro sila ng bansa. Sila ay makabago.
Ilokano Ang mga Ilokano ang ikatlong pinakamalaking pangkat ng mga
Pilipino sa ating bansa. Karamihan sa kanila ay namumuhay sa
hilagang-kanluran ng baybay-dagat ng Luzon at sa kabundukan sa
gawing silangan at katimugan. Pagsasaka at pangingisda ang
pangunahing kabuhayan ng mga Ilokano.
6
Mga Pangkat ng Tao sa Iba’t
Ibang Rehiyon
Bisaya(Waray,
Cebuano at Naninirahan ang mga Bisaya sa Visayas, sa Hilagang-silangang Mindanao, at ibang
Ilonggo) bahagi ng bansa kabilang ang Kalakhang Maynila. Ang wika ng mga Bisaya ay Cebuano,
Hiligaynon (o Ilonggo), at Waray na nahahati sa ilang pangkat gaya ng Cebuano,
Samar-Leyte o Waray, Romblon, Ilonggo, Karay-ah, at Bisaya ng Bohol. Nagtatanim
sila ng mga agricultural crops at nangingisda.

Ang mga Aeta (o Ita) ay kilala rin sa katawagang Ayta, Baluga, o Negrito. Karamihan
sa kanila ay matatagpuan sa kabundukan ng Zambales at Sierra Madre. Pandak sila at
Aeta o Ita kulay tsokolate ang balat. May kulot na kulot ang buhok samantalang ang iba ay unat.
Ang kanilang diyos ay si Apo Malyari. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng pagtatanim ng
kamote,gabi,mais, at gulay. Namimingwit din sila ng isda sa ilog. Ang kanilang
kagamitan ay pana, sibat, at itak. Gumagawa rin sila ng bitag upang makahuli ng mga
hayop na kanilang makakain. Simple
7 lang ang kanilang pamumuhay.
Mga Pangkat ng Tao sa Iba’t Ibang
Rehiyon
Ifugao
Karamihan sa mga Ifugao ay naninirahan sa bulubundukin ng
Cordillera. Kabilang sa mga Ifugao ang mga Tuwali, Ayangan,
Hanglulo, at Kalanguya. Napangangalagaan nila ang kanilang
kakaibang kultura. Ang kanilang pangunahing hanapbuhay ay
ang pagsasaka, paghahabi, pag-ukit ng kahoy, at pag-aalaga ng
hayop.

Bago Ang mga Bago o Bago Igorot ay matatagpuan sa mga lalawigan


ng Ilocos, La Union, at Pangasinan. Ang kanilang panahanan ay
malapit sa daan o rutang tinatahak ng mga mangangalakal. Sila
mula sa pinaghalong lahing Ilokano at mga taga-Cordillera.
Simple ang kanilang pamumuhay at pamamaraan ng pagtatanim.
9
Mga Pangkat ng Tao sa Iba’t Ibang
Rehiyon

Bontoc Matatagpuan ang mga Bontoc sa Bundok ng Cordillera.


Karamihan sa kanila ay naninirahan sa Bontoc, Sandanga, at
Barlig. Nahahati sila sa limang grupo batay sa kanilang salita.
Ang mga ito ay Sentral , Lias, Barlig, Talubin, at kadaklan.
Simple ang kanilang pamumuhay.

Ibanag Karamihan sa mga Ibanag ay matatagpuan sa Nueva


Vizcaya at Isabela, sa baybayin ng Ilog Cagayan. Sila
ang pangkat ng mga Pilipino na pinakamadaling
nakaangkop sa kanilang kapaligiran at sa mga
pagbabago.
9
Mga Pangkat ng Tao sa Iba’t Ibang
Rehiyon
Mangyan
Ang mga Mangyan ay namumuhay nang sama-sama. May lima
hanggang labindalawang pamilya ang namumuhay sa isang
pamayanan. Bawat pamilya ay may sariling bahay na
matatagpuan malapit sa kabundukan. Kilala ang tahanan sa
pangalan ng pinakamatandang miyembro ng pamilya.

Bikolano Karamihan sa mga Bikolano ay naninirahan sa mga lalawigan


ng Albay, Masbate, Sorsogon, Catanduanes, Camarines Sur,
at Camarines Norte. Sila ay maingat sa kalikasan, relihiyoso,
mahilig sa musika, at matiisin. Mahilig sa mga pagdiriwang na
panrelihiyon at kasiyahan bilang pasasalamat nila sa
magandang ani at kaligtasan sa mga kalamidad.
9
T’boli Ang mga T’boli ay naninirahan sa Timog-kanlurang
Mindanao, sa mga lalawigan ng Timog Cotabato at Sultan
Kudarat. Ang kanilang pamayanan ay hiwa-hiwalay at
kinabibilangan ng may 30 o higit na pamilya. Ang isang
pangkat ay hindi naman gaanong nalalayo sa iba. Kilala sila
sa kanilang makulay at burdadong kasuotan, masiglang
sayaw, at musika.

Manobo Ang mga Manobo ay naninirahan sa Sarangani,


Bukidnon, Hilaga at Timog Cotabato, Sultan Kudarat,
Davao, Agusan del Sur, at Surigao del Sur. Ang
kanilang ikinabubuhay ay pagkakaingin, pangingisda, at
pangangahoy. Naghahabi rin sila ng tela at mga supot
o buslo, at9 gumagawa ng mga palayok at paso.
Maranao

Ang mga Maranao o (Maranaw, Ranao, Lanon, Hiloona) ay


naninirahan sa Lanao del Norte at Lanao del Sur, Bukidnon, at
Hilaga at Timog Cotabato. Marami sa kanila ang naninirahan
malapit sa Lawa ng Lanao. Naniniwala sa mga Maranao na ang
kanilang ninuno ay si Sharif Kabangusan. Siya ang Arabo na
nagpakilala ng relihiyong Islam sa mga taga-Maguindanao.
9
Pagpapahalaga sa mga Katutubong Pangkat
Bagama’t nabibilang sa isang lahi, mapapansin na bawat pangkat ng mga Pilipino ay may sariling
katangiang pisikal, pananalita, pag-uugali, at tradisyon na niiba sa ibang pangkat. Kabilang sa mga
pangkat na ito ang mga katutubo o pangkat-etniko (indigenous). Ang mga ito ay naninirahan sa
iba’t ibang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang mga pangkat-etniko ay may sariling kultura
na hindi gaanong naimpluwensiyahan ng mga dayuhan.
Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas, kinikilala ng ating pamahalaan ang mga indigenous communities
sa ilalim ng pagkakaisa at kaunlaran ng bansa. Ang mga batas gaya ng Batas Republika 8371 ay
ginawa upang mapangalagaan ang mga Karapatan ng mga katutubo at hayaang matamasa nila ang
karapatang maging Malaya na walang diskiriminasyon, at matigil sa pag-agaw sa kanilang mga
lupaing nasasakupan at mga likas na yaman.

Mga Wika sa Iba’t Ibang Rehiyon


Ayon sa National Statistics Office(NSO), ang ating bansa ay may 87 iba’t ibang wika, isang
pagpapatunay ng pagkakaiba sa mga pangkat. Upang magkaroon ng mas madaling paraan ng pag-
uugnayan ang mga tao sa bansa, nagtalaga ang pangulo ng ating bansa noon na si Manuel L.
Quezon ng isang wika. Ito ang wikangTagalog na tinatawag na ngayong Filipino.
Iba’t ibang pangkat ng tao ang naninirihan sa mga rehiyon sa ating bansa. Bawat pangkat ay
may kanya-kanyang kultura at wika. Ang wikang Tagalog, Ilokano, Pangasinense, Bikolano, at
Maranao ay ilan lamang sa9 mga wikang sinasalita rito.
Kaisipan

Bawat nilalang ay may kinabibilangan ng mga pangkat o kultura may

kanya-kanyang wikang sinasalita. Ngunit tayo ay pinagbuklod at iisang

lahi, tayo ay mga Pilipino na iisang bansa ang Pilipinas mananatili tayong

Pilipino kahit saan man tayo nabibilang.

8
Thank you

16
Pagsusuri sa Kaalaman

Ipaliwanag ang iyong


sagot.

Nakabubuti ba ang pagkakaroon ng iba’t


ibang pangkat ng tao sa ating rehiyon?
Bakit?
__________________________________________________

____________________________________________

18

You might also like