You are on page 1of 20

 TL

Mga pangkat etniko sa


Pilipinas
PilipinoNegritoMga Ilokano

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya


Ang iba't ibang mga pangkat-etniko saPilipinas ay kinikilala
ang kanilang sarili sa isa o higit pa na mga salik katulad
ng lipi, wika, relihiyon o sa isang magkatulad na kasaysayan.
Binubuo ng malaking mayorya ng populasyon ng pangkat na
ninirahan sa kapatagan na Austranesyano, at
naging Kristiyanomula sa
pagiging Animismo, Hinduismo, Budismo o Islam sa loob ng
tatlong daang taon ng pananakop ng mga Kastila. Mula hilaga
hanggang timog, ang pinakamarami sa mga pangkat na ito
ay mga Ilokano, mga Pangasinense, mga Tagalog, mga
Kapampangan, mga Bikolano, at mga Bisaya. Sinasabi minsan
na bahagi ang mga pangkat na ito sa lahing Austranesyano
at/o lahing Malay; bagaman, kadalasang tinuturing ng marami
na walang batayang pang-agham ang guhit-balangkas na
nakabatay sa lahi, lalo na dahil sa tinuturing na Pilipino ang
mga Negritosa Pilipinas.

Mga pangkat ng Pilipino


Ang mga yamang tao ng bansang Pilipinas ay ang kanyang
mamamayan. Pilipino ang tawag sa kanila. Ngunit iba't iba ang
pangkat na kanilang kinabibilangan. Iba't iba rin ang tawag sa
kanila. Isa sa mga ninuno ang mga Ita. Tinatawag din silang
Negrito, Ayta o Baluga. Karaniwang naninirahan sila sa
Luzon. Ito ay sa mga bung
Zambales, Quezon, Laguna at Cagayan. May naninirahan din
sa mga bundok ng Panay at Negros. Tulad ng mga Ita, ang
mga Ifugao at Kalinga ay sa Luzon din naninirahan.
Matatagpuan sila sa Mountain Province. Ang mga Ifugao ang
nagtayo ng tanyag na hagdan-hagdang palayan dalawang
libong taon na ang nakakaraan. Ang isa pang pangkat ng
Pilipino sa Luzon ay ang mga Ilokano. Karaniwang nakatira
sila sa bandang hilaga ng Luzon. Ngunit may mga Ilokano rin
sa ibang bahagi ng Visayas at Mindanao. Naninirahan sila sa
nga lugar na ito upang maghanapbuhay, mangalakal, o mag-
asawa. Matitipid at masisipag sila. Matatagpuan naman sa
kalagitnaan at katimugan ng Luzon ang mga Tagalog. Sila ang
pangalawa sa pinakamalaking pangkat ng Kristiyano sa
Pilipinas. Kilala rin ang mga Mangyan sa Luzon. Matatagpuan
sila sa pulo ng Mindoro. Karamihan sa kanila ay may panlabas
na anyo at paraan ng pamumuhay na payak at tulad pa rin ng
ating mga ninuno. Iba-iba rin ang pangkat ng Pilipino sa mga
pulo ng Visayas. Isa na rito ang mga Cebuano na may
pinakamalaking pangkat na nasabing rehiyon. Kilala sila sa
katutubong awit na "Matud Nila" at sayaw na Rosas Pandan.
Taga-Visayas din ang mga Ilonggo. Kilala naman sila sa
katutubong awit na Dandansoy at sayaw na Cariñosa. Mga
Waray naman ang pangkat ng Pilipino sa Leyte at Samar. Ang
ilan sa mga ito ay ang mga Badjao, Maranao, Tausug, T'boli,
at Manobo. Nakatira sa baybay-dagat ang mga Badjao.
Matatagpuan sila mula Zamboanga hanggang Sulu.
Pangingisda ang pangunahing hanap-buhay nila. Ang pangkat
ng mga T'boli ay naninirahan sa Cotabato. Pagsasaka ang
pangunahing ikina-bubuhay nila. [Ang Pangkat ng Katutubong
(etnikong) dumagat sa Rizal at Quezon]- Ang pangkat ng
katutubong ito ay di gaanong nakilala sa dahilang sila ay
ibinilang na katulad sa mga aeta at negrito sa Luzon.Ang
pangkat na ito ay naninirahan sa bulubunduking bahagi ng
Rizal,.Bulacan,Laguna at Quezon na pawang bahagi ng
kabundukan ng SIERRA MADRE.Sila ay nahahati sa
dalawang uri,ang una ay ang purong dumagat na nanatiling
nakatira at nakabahag sa mga nabanggit na mga kabundukan at
ang ikalawa ay tinatawag na redemtador o lahukang tagalog at
dumagat na kilala sa katawagang katutubo,nakatira sa mataong
lipunan sa rizal at bahagi ng Quezon.Ang katutubong dumagat
ay isa sa natirang lahi ng tao sa pilipinas na nabibilang sa uri
ng taong Indiya dahil sa pagkakaroon ng kaugnayan ng mga
salita at paniniwala nito sa matandang kabihasnan ng Indiya.
Ang katawagan sa kanila na DUMAGAT ay maaaring
nagmula sa salitang RUMAKAT/LUMAKAT/LUMAKAD na
isang maidadahilan na sila ang isa sa unang tao sa luson na
nakarating sa pamamagitan ng pagtawid sa tulay na lupa na
nakadugsong sa Asya.Kung susuriin ang isa sa sinaunang lahi
ng tao dito sa kapuluang pilipinas ay nagmula sa indiya na
pinatunayan ng kasulatan sa tanso (Laguna Copperplate
inscriptions 822 A.D,),ang ibayong pag aaral ng kultura at
wika ng pangkat na ito ay magpapatibay sa panunuring
ito.Halimbawa ng pangungusap sa dumagat ay ang salin sa
"magandang umaga sa inyong lahat" -Masampat tabi abi di
kitam mapesan!Ayon sa kanilang pagkakaalam,ang salita nila
ay nahahati sa dalawa-isang pangkaraniwan at isang pang
matanda o pangpitagan.Sa kasalukuyan tinawag itong
"baybay"o pangkaraniwan at "Mangni" o pampitagan.
RBP

Mga katutubong pangkat


etniko
Pangunahing pangkat etniko
 Mga Ilokano
 Mga Pangasinense
 Mga Kapampangan
 Mga Bikolano
 Laguneñe
 Mga Bisaya
 Moro
 Mga Lagunense
 Mga Tagalog
 Mga Lagunista
Pangkat etniko sa Luzon
Matatagpuan ang mga Tinguian sa Abra. Nagtatanim sila
ng palay sa mga kapatagan at sa mga bai-baitang na palayan.
Mahilig sila sa musika, damit at personal na palamuti.
Naglalagay sila ng tatu at iniitiman ang ngipin upang akitin
ang napupusuan.
Naniniwala ang mga Tinguian sa pagkakaroon ng isang asawa
lamang. Itinuturing nilang krimen ang pagtataksil sa asawa at
pinapatawan ng malaking multa ang sinumang muling
nagtataksil. Walang multa kung kusa ang paghihiwalay ng
mag-asawa.

Mangyan
Naninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang
mga Mangyan. Mahiyain silang tribo. Kayumanggi ang
kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at
katamtaman ang tangkad.
May iba’t ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanunuo
ang isang grupo ng Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang
tunay na Mangyan. Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa mga
kagubatan, pangisdaan at kalakalan sa Mindoro.
Sa kasalukuyan, sinauna pang alpabetoang gamit sa pagsulat
ng mga pagpapantig. Ang ambahan ang kanilang
natatanging panitikan na kanilang napanatili sa pamamagitan
ng pag-ukit nito sa mga kutsilyo, mga kagamitan at sa mga
lukas o lalagyan ng nganga.
Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang purong Mangyan.
Mayroon silang tipong Negrito. Sa mga kasukalan ng Mindoro
sila nananahanan at kamoteang kanilang pangunahing pagkain.
Ifugao
Sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga
Ifugao. Galing sa litang ipugo na ang ibig sabihin ay "mula sa
mga burol" ang salitang Ifugao.
Ang tipikal na pamayanan ng mga Ifugao ay ang tumpok ng
mga kwadradong kubo na natutukuran ng poste. Tulad ng
ibang lipunan, mayroon ding mga ari-arian ang mga Ifugao.
Ang mga mayaman at mga may titulo ang nag-aari ng
maraming hinagdang palayan. Tuwing may pagdiriwang ang
mayayaman tulad ng kasal o libing, masagana ang handaan.
Sila ang gumawa ng Rice Terraces na walang gamit na
makina, ginawa ito sa pamamagitan ng kanilang mga kamay.
Ang mga Igorot ay isang grupong etniko sa Pilipinas.
Matatagpuan sila sa Cordillera, sa isla ng Luzon, sa hilaga ng
bansa. Mayroong anim na lalawigan sa Cordillera
Administrative Region (CAR): ang Abra, Apayao, Benguet,
Ifugao, Kalinga, at Mountain Province. Nag-iisang lungsod sa
CAR ang lungsod ng Baguio. May anim na
etnolinggwistikong grupo sa parte ng mga pook na tinitirhan
ng mga Igorot: ang Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg (o Apayao),
Kalinga, at Kankanaey. Ang mga Igorot ay kilala sa kanilang
pagiging masipag, matatag, at tapat sa kanilang pinagmulan.
Mga ugaling hindi basta basta hinahayaang makuha ng iba ang
kanilang mga namana o nakuhang mga kayamanan. Mahalaga
sa kanila ang lupa, sapagkat ito ang pangunahing
ikinabubuhay nila. Ang isang patunay nito ang Hagdan-
hagdang Palayan ng Banawe na matatagpuan sa isang tribu sa
Ifugao.
Kalinga
Matatagpuan ang mga Kalinga sa pinakahilagang bahagi ng
Luzon. Mahilig sila sa makukulay na pananamit at
pampaganda. Napakahalaga sa kanila ng mga pampalamuting
alahas sa buong katawan. Ang ibinibigay na dote para sa
ikakasal ay tinatawag na ballong o kalon.
Bilang mga mandirigma at mamumugot, ginagawa ng mga
Kalinga ang budong, isang kasunduang pangkapayapaan,
upang maiwasan nila ang pakikidigma sa isa't isa.

Itawis
Matatagpuan ang mga Itawis sa timog-kanlurang bahagi ng
Cagayan. Ang Itawes ay nagmula sa mga salitang I at tawid na
nangangahulugang "mga tao sa kabila ng ilog". Kilala rin sila
sa tawag na Itawit, Tawish, Itawi at Itaves. Karaniwang
naninirahan ang mga Itawis sa isang pamayanan kasama ang
mga Ibanag at may sarili din silang wika na ang tawag din ay
Itawis.
Pangunahing ikinabubuhay ng mga Itawes ang pag-aalaga ng
hayop, pangangaso, pangingisda, paggawa ng alak, bulak
paghahabi at pagsasaka.
Kankana-ey
Ang mga Kankana-ey ang pangatlo sa pinakamalaking pangkat
sa bulubunduking lalawigan ng hilagang Luzon. May
maraming pangkat ang mga Kankana-ey, ang ilan sa kanila ay
matatagpuan sa iba't ibang bahagi ng Benguet at maging sa
iba't ibang bahagi ng La Union at malalapit na probinsiya,
samantalang ang iba naman ay matatagpuan sa iba't ibang
bahagi ng Mountain Province at mga lalawigang malapit dito.
Halos walang ipinagkaiba ang dalawang pangkat na ito ng
Kankana-ey sa anyo at porma ngunit marami ang pinagka-iba
sa kanilang kultura at paniniwala.
Pagsasaka ang pangunahing hanap-buhay ng mga Kankana-ey.
Nagsasaka sila sa pamamagitan ng kaingin. Pangunahing
pinagkukunan ng kanilang kabuhayan ang pangangaso at
pangingisda. Hinuhuli nila ang usa at baboy ramo sa
pamamagitan ng aso at lambat.
Kadalasan ang kadangyan o baknang na tradisyunal na
aristokrasya at ang mga matatanda ang may malaking
impluwensiya sa lipunan. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng
iisang asawa. Ang pamilya ang pangunahing yunit ng lipunan.
Ang ama ang puno rito. Siya ang inaasahang magbibigay ng
lahat ng kabuhayan ng pamilya.

Ilongot
Nangangahulugan na "mula sa gubat" ang pangalang Ilongot,
ang pangkat na matatagpuan sa kagubatan ng Isabela at Nueva
Vizcaya. Kung minsan, tinatawag din silang Ilongotes o Ibilao.
Mahilig silang gumamit ng pana na kanilang natutuhan sa mga
Negrito. Nagsasaka ng palay, tabako, saging, kamote at gulay
ang mga Ilonggo Nanghuhuli rin sila ng baboy-ramo, usa
at ibon sa gubat. Kanilang ipinagpapalit ng tela, kutsilyo
at asin ang mga produktong ito sa mga nasa kapatagan.
Sumasamba sa maraming diyos ang mga Ilongot. Bukod dito,
sinasamba rin nila ang araw, kaluluwa ng mga namatay at iba
pang kaluluwa kalikasan.Ang mga katangian ng isang ilonggo
ay malumanay at malambing
Ibaloy
Ang mga Ibaloy ay matatagpuan sa mga munisipalidad
ng Kabayan, Bokod, Sablan, Tublay, La Trinidad, Itogon,
Benguet at Tuba sa timog-silangan ng Benguet. Kasama sa
wika ng mga Ibaloy ang ilang salitang Ilokano at
Pangasinense.
Ang mga Ibaloy ay kayumanggi, mababa at may matipunong
pangangatawan. Nakatira ang mga Ibaloy sa mga mabundok
at mabatong lugar. Gawa sa kogon o nipa ang karaniwang
bahay ng mga Ibaloy. May pintuan itong nakaharap sa hilaga o
silangan at walang bintana. Marami silang kasanayan para sa
pag-aangkop sa kapaligiran tulad ng hagdang-hagdang
taniman sa gilid ng bundok at pagpapatubig sa mga ito sa
tulong ng mga tubong kawayan.
Masisipag na magsasaka ang mga Ibaloy. Nagtatanim sila ng
lahat ng uri ng gulay, strawberry at mga prutas. Mga lalaki
ang naghahabi ng basket.
Dati, ang tungtong o konseho na binubuo ng baknang o
mayayamang pangkat at matatalino ang nagpapasya sa
pamayanan. May mga batas sila na sumasakop sa mga
kaugalian sa kasal, diborsiyo, pagmamana at mga krimen.
Kinikilala rin nila ang kapangyarihan ng
pambansang pamahalaan.
Sa kasalukuyang panahon, nananatili pa rin ang kasal ng mga
Ibaloy sa simbahang Katoliko ngunit sinusunod pa rin nila ang
kasunduan ng anak na ipakakasal. Sa handaan, tradisyong
Ibaloy pa rin ang nasusunod.
Isneg
Kilala rin sa tawag na Apayao o Ina-gang mga Isneg na
matatagpuan sa Kalinga at Apayao. Karaniwan na sa matatarik
na dalisdis at mabababang burol na malapit sa mga ilog
nagtatatag ng pamayanan ang mga Isneg.
Bigas ang pangunahing pagkain ng mga Isneg. Maliban sa
palay, nagtatanim sila ng mais, kamote, taro at tubo para sa
paggawa ng basi. Ginagawa nila ang pagtatanim matapos ang
ilang ritwal o seremonya ayon na rin sa kanilang paniniwala na
kaugnay ng lupa, gubat at ilog ang buhay. Ayon sa kanilang
batas, ang pag-aari ng lupa ay batay sa pagiging una sa
paggamit nito, aktwal na paggamit at pagtira rito at kung ito ay
namamana.
Naiiba ang anyo ng bahay ng mga Isneg sa mga bahay ng iba
pang pangkat-etniko sa Cordillera. Hugis-bangka ang bahay ng
mga Isneg na kanilang tinatawag na binuron. Maraming
pamilya ang maaaring tumira sa binuron na may isang silid
lamang.
Ivatan
Mga mamamayan ng Batanes ang mga Ivatan. Relihiyoso,
masisipag, matitiyaga, magagalang at mapagkakatiwalaan ang
mga Ivatan. Karaniwan sa kanila ang pagsusuot ng
[kailangan ng sanggunian]

bakol, isang uri ng sombrero na gawa sa hinabing dahon ng


palmera.
Madalas na dinaraanan ng bagyo ang Batanes kaya mababang
hugis-kahon ang mga bahay ng mga Ivatan. Gawa ito
sa bato, kogon at apog. Mayroon itong maliliit na bintana.
Mga halamang-ugat ang kanilang itinatanim at ito rin ang
kanilang pangunahing ikinabubuhay.
Sa kasalukuyan, marami na ring mga Ivatan ang nakatapos ng
kursong tulad ng inhinyeriya, medisina, edukasyon at iba pa.
Matatagpuan ang mga Isinay sa Aritao, Bayombong at Dupax
sa Nueva Vizcaya. Katulad ng mga Ivatan, hawig ang kanilang
anyo sa mga Ainu ng bansang Hapon at nahahawig ang
kanilang wika sa Pangasinense. Nabibilang ito sa mga
diyalekto ng Ilokano.
Kristiyano ang malaking bahagi ng populasyon ng mga Isinay.
Bukod sa pagsasaka, isa pa rin sa kanilang pangunahing
ikinabubuhay ang paghabi ng tela.

Pangkat etniko sa Visayas


 Mga Ilonggo
 Mga Waray
 Mga Cebuano
 Karay-a
 Masbateño
 Romblonahon
 Cuyunon
 Aklanon
Mga Pangkat etniko sa Mindanao
Iranun
Ang Iranun ay isang etniko group na native sa Mindanao , sa
Pilipinas, at ang kanlurang baybayin ng Sabah , Malaysia (
kung saan sila ay matatagpuan sa 25 mga nayon sa paligid ng
Kota Belud at Lahad Datu distrito ; din sa Kudat at Likas ,
Kota Kinabalu ).
Para sa mga siglo , ang mga Iranun ay orihinal na mula sa
Kasultanan ng Maguindanao , sa timog Mindanao , ang Iranun
colonies ay kumalat sa buong Mindanao , ang Sulu
Archipelago at sa hilaga at silangang baybayin ng Borneo .
Karamihan sa Iranun ay mga Muslim . Ang kanilang wika ay
bahagi ng Austronesian pamilya , at pinaka malapit na
nauugnay sa Maranao.
Iranun ay isa sa mga pinakalumang umiiral na tribung muslim
sa Pilipinas. Iranuns ang mga unang tao na pumasok sa isang
kasal pagkakahawig sa Shariff Aulia at Shariff Kabunsuan .
Bai Sa Pandan ( Princess Pagunguwan , anak na babae ng
Raha Urangguwan ) at Bai Angintabu ayon sa pagkakabanggit.
Ang kanilang matrimonyo kung saan si Sultan Kudarat isang
Iranun ay direktang nakuha ang kanyang linya sa kanila.
Iranun ay isang lahi ng bansa sa pagitan ng Karibang -
Karingke Linya ng paglapag at huling mga Malay migrante.
Ang unang pinuno ay si Raha Urangguwan . Ang pangalan ng
kanilang lugar ( estado) ay Uranen
Ang mga Iranun ay naninirahan sa Parang, Sultan Kudarat,
Matanog, Buldon, Barira, Sultan Mastura, Alamada at sa
syudad ng Cotabato at Pagadian.

Maranao
Ang mga Maranao ay nakatira sa paligid ng Lawa ng
Lanao – Lanao del Sur, Lanao del Norte, Lungsod ng
Marawi at Lungsod ng Iligan. "Lawa" ang kahulugan ng
salitang "ranao" kung saan hinango ang kanilang pangalan.
Ang Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw
na Maranao. Sa malalaking bahay sila nakatira na may
malalawak na pasilyo ngunit walang silid. Tanging ang mga
dugong bughaw lamang ang pinapayagang manumit ng
kulay ginto. Kadalasang makikita ang mga karaniwang
Maranao na may dalang nakatiklop na banig pandanus. Kanila
itong ginagamit sa sahig ng tahanan at sa mga moske.
Buo pa rin at hindi naiimpluwensiyahan ang kulturang
Maranao. Nananatili pa rin ang kanilang tunay na naiibang
disenyo at kulay sa kanilang mga gawang ukit, damit at banig
at sa kanilang mga kagamitang gawa sa tanso.
T'boli
Sa Cotabato matatagpuan ang mga T'boli. Nangangaso sila,
nangingisda at nangunguha ng mga prutas sa kagubatan na
kanilang ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang
pagsasaka. Gumagawa sila ng tela para sa damit mula sa
t'nalak na hinabi mula sa hibla ng abaka.
Walang "pari" ang mga T'boli na gumaganap ng mga
sagradong ritwal o nagsisilbing tagapamagitan sa tao at sa
mga bathala. Kadalasang iniuukol ng mga kababaihan ang
kanilang panahon sa pagpapaganda sa sarili. Nagpapahid sila
ng pulot-pukyutan sa mukha, nagsusuot ng maraming hikaw,
kwintas, maliliit na kampanilya at binurdahang damit.
Nagpapalagay ng tatu o hakang ang mga babae. Maaaring
mag-asawa nang marami ang lalaking T'boli.
Tausug
Kinikilala sa katapangan at kahusayan sa pakikidigma ang
mga Tausug. Hindi sila kailanman umuurong sa anumang
labanan sapagkat para sa kanila, ang karuwagan ay batik sa
karangalan ng pamilya. Likas na mapagbigay at palakaibigan
ang mga Tausug. Nalinang ang ugaling ito sa kanilang
pakikipag-ugnayan at pakikipagkalakalan sa mga tao
sa Timog-silangang Asya.
May pagkakaiba ang mga Tausug na nasa mga burol na
tinawag na tao giniba at nasa mga dalampasigan na tinawag na
tao higad. Mangingisda ang mga nakatira sa malapit sa dagat
at magsasaka naman ang mga nasa loobang bahagi. Naninisid
ng perlas ang nasa may dalampasigan na kanilang
ipinagpapalit ng seda, tanso at bakal sa mga taga-
Borneo at Sabah. Kanila ring ipinagpapalit ang mga ito ng
pagkain sa mga magsasaka. Ang kalakalang ito ang nagdala ng
Islam sa Sulu.
Badjao
Ang pangkat na Badjao ay naninirahan sa Sulu, sa mga bayan
ng Maubu, Bus-bus, Tanjung, Pata, Tapul, Lugus, Bangas,
Parang, Maimbung, Karungdung at Talipaw. Tinatawag din
silang Luaan, Lutaos, Bajau, Orang Laut, Samal Pal'u at
Pala'u. Samal ang kanilang wika.
Kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura. May haka-
hakang sila at ang mga Samal ay isang pangkat na nagmula sa
Johore sa dakong timog ng pinensulang Malaya.
Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may
myembrong 2–13 miyembro ang maaaring tumira sa
bangkang-bahay.
Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. Gumagawa
rin sila ng mga vinta at mga gamit sa pangingisda tulad ng
lambat at bitag. Ang mga kababaihan ay naghahabi ng mga
banig na may iba't-ibang uri ng makukulay na disenyo.
Magaling din silang sumisid ng perlas.
Dahil malapit sa Tausug, karamihan sa kanila ay Muslim.
Gayunpaman, naniniwala pa rin sila sa umboh o kaluluwa ng
kanilang mga ninuno.

Subanen
Ang mga Subanen ay matatagpuan sa mga kabundukan
ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur. Kayumanggi
sila at may makapal at maitim na buhok. Naniniwala sila sa
iisang ninuno lamang sila nagmula.
Cuyunon
Ang mga Cuyunon ay naninirahan sa mga pulo ng Busuanga.
Agutaya at Cuyo sa gitna ng Dagat Sulu sa silangan
ng Palawan at timog-kanluran ng Panay. Ayon kay Padre Luis
de Jesus, isa sa mga Espanyol na nakarating sa Cuyo at
Busuanga, ang mga Cuyunon ay may dugong Tsino kaya
masisipag sila at matatalino sa kalakalan. Pagkakaingin ang
kanilang paraan ng pagsasaka. Nagtatanim sila ng palay, mais,
kamote, at ube. Pangalawang pinagkukunan ng kanilang
ikinabubuhay ang pangingisda.
Pangkat-pangkat ang mga Cuyunon kung magsaka, mangisda
at kahit sa maliliit na gawaing tulad ng paglilinis ng bahay.
Madalas na nag-uugnayan ang magkakapitbahay at nag-
iinuman ang mga kalalakihan matapos ang kanilang gawain.
Sa kanila ng pagiging Kristiyano ng mga Cuyunon, laganap pa
rin ang kanilang pagsamba sa kaluluwa ng mga yumao at mga
ritwal ng mga babaylan. Ang ritwal na kanilang tinatawag na
palasag ay ginaganap bago mahinog ang mga palay. Para
naman sa pagpapagaling sa mga maysakit, ginaganap ang taga-
blac upang paalisin sa katawan ng maysakit ang masamang
ispiritu. Ang patulod-sarot naman ang ritwal para mapigilan
ang paglaganap ng epidemya. Hindi sila naniniwala sa mga
ibang tao
Bagobo
Matatagpuan ang mga Bagobo sa mga baybayin ng golpo
ng Davao. Maputi sila, may matipunong pangangatawan at
malapad na mukha. Kulay-mais ang kanilang buhok na may
natural na kulot. Itim ang kanilang mga mata na may
bahagyang pagkasingkit. Sadyang inahit nang halos guhit na
lamang ang kilay ng mga Bagobo. Makapal ang kanilang labi
at bilugan ang baba.
Ang mga Bagobo ang unang pangkat na nadatnan ng mga
Espanyol sa Mindanao. Noong panahong iyon, nagkakalakalan
na ang iba't ibang tribu ng Bagobo. Pangunahing ikinabubuhay
nila ang pagsasaka dahil na rin malapit ang kanilang
panahanan sa pinagkukunan ng tubig. Pinagsasalit-salit nilang
itanim ang palay at mais. Walang malinaw na pagkakaiba ang
mga gawain ng babae at lalaking Bagobo. Kapwa naghihimay
ng hibla ng abaka ang babae at lalaki gayundin ang paghabi ng
basket.
Napapangkat sa tatlo ang tradisyunal na lipunan ng mga
Bagobo. Ang bayani ang mandirigma at ang datu ang pinuno
ng mga ito. Minamana ang pagiging datu. Pangunahing
tungkulin ng datu ang tumayong huwes, mag-ayos ng mga
gulo at ipagtanggol ang tribu. Ang mga nabalian o paring
babae ang pangalawang uri sa lipunan. Sila ang matatandang
babaing mahuhusay sa paghahabi.
Yakan
Nagtatanim sila ng palay, niyog, kamoteng kahoy, lansones at
mais. May sistema ng pagpapalitan sa pagsasaka ng Yakan.
Nagagawa sa maikling panahon ang pag-aararo dahil
pinagtutulung-tulungan ng mga magkakamag-anak at
magkakaibigan ito. Punong- puno ng mga tradisyunal na
paniniwala at kaugalian ang kanilang mga gawain sa
pagsasaka. May paniniwala silang ang palay ay may sultan at
mga pinuno kaya kinakausap nila ang “Paring” palay upang
mamuno sa iba pang mga binhing palay sa pagkakaroon ng
masaganang ani. Kailangang ding tahimik sila habang nag-
aani ng palay sa pangambang makatawag n gang iangay at
maaaring liparin palayo ang palay.
Patriarka ang uri ng lupaing Yakan kung saan ang amana o
ama ang pinakapuno ng pamilya. Napakalapit ng ugnayan ng
magkakamag-anak kaya lapit-lapit ang kanilang mga bahay at
handang tumulong ang bawat isa sa sinuman sa kanila na
magkaroon ng kasawian o kaya kapag may kasayahan.
Maraming ipinagbabawal sa buhay ng mga Yakan.
Ipinagbabawal sa kanila ang pagpapakasal sa magpinsang
makalawa ngunit maaaring magpakasal ang magpinsang buo
manatili ang yaman ng angkan. Maaaring magpakasal nang
higit sa apat ang lalaking Yakan kung kaya niyang bigyan ang
mga ito ng sapat na kabuhayan. Pinapayagan din sa kanila ang
diborsiyo kung pumapayag dito ang lalaki.
Ang mga Yakan lamang ang tanging pangkat na kapwa
nagsususot ng malong ang lalaki at babae. Isinusuot ng
lalaking Yakan ang malong sa kanyang ulo samantalang
ipinupulupot naman ito ng mga babae sa kanilang baywang.

Mga hindi-katutubong pangkat etniko


 Tsino
 Kastila

 Amerikano

 Arabo

 Indiyano

 Koryano

 Hudyo

 Mehikano

 Hapones

 at iba pang pangkat-etniko sa ibang bansa.

RBP
Kategorya

This page is based on a Wikipedia article written


bycontributors (read/edit).
Text is available under the CC BY-SA 4.0 license; additional
terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective
licenses.
Cover photo is available under CC0 license. Credit:Obsidian
Soul (see original file).

August Ames


Strazburg


Phoenix Marie


Josephine Baker


Niks


7,5 cm KwK 42

Error! Filename not specified.‫رده‬:‫شهوانی ترسناک فیلمهای‬


Error! Filename not specified.Hospital


Error! Filename not specified.Martin Timell


Error! Filename not specified.Afyonkarahisar (il)



Error! Filename not specified.Prawdzic (herb szlachecki)

Error! Filename not specified.Simuna kihelkond



 Home

 About Us

 Press

 Site Map
 Terms Of Service

 Privacy Policy
RBP

You might also like