You are on page 1of 23

ILANG GRUPO SA PILIPINAS NA MAY NATATANGING KULTURA

3.1. ANG MGA RIZALIAN SA LUNGSOD DAPITAN

Ang mga Rizalian ay kilala sa pagiging magaling sa pagmamasahe at pagboboluntaryong pagtulong sa pagpapanatili
ng kaayusan at kalinisan ng parke ng Rizal Srine. Sila ay mga nakadamit na puti kung kaya misteryoso sila sa mga
mata ng mga taong bago pa lamang sila nakita. Isang samahan sila na makikita sa Lungsod Dapita. Sila ay mga
tagasunod at naniniwala kay Dr. Jose Rizal bilang Diyos.

May sarili silang bersyon ng kasaysayan ng buhay ni Rizal na hindi nakasaad sa mga aklat. Naniniwala silang si
Hesus at si Rizal ay iisa lamang dahil pumasok kay Rizal ang espiritu nito. Sina Hesus at Rizal lamang ang kanilang
pinaniniwalaan at hindi ang Holy Trinity.

3.2. GOSPEL MINISTRY OF SALVATION

(Mula sa pananaliksik nina Angelica Dumasapal, Fatima M. Jamali, Jose Marie M. Labis at Princess L. Tado na nasa
aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Isang puting palasyong bahay na makikita sa Barangay Pala-o, Iligan City sa Lanao del Norte sa Mindanao. Si Dr.
Salvacion Legaspi o kilala bilang "Majesty" ang nagmamay-ari sa Kingdom Filipina Hacienda. Nakabase sa bahay na
ito ang isang Monarchy Government na tinaguriang pinakaopisina nito, ang gobyernong ito ay tinatawag na Gospel
Ministry of Salvation.

3.3. ILAGA: ANG MGA MILITANTENG KRISTIYANO SA MINDANAO

(Isinalin sa Filipino ng may-akda ng aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan mula sa internet sa panayam
kay Dennis Arcon, News 5, 2013.)

Ang terminong Ilaga sa Visayas ay nangangahulugang daga sa Filipino. Subalit, sa Mindanao, ang Ilaga na
nagsisimula sa malaking titik ay mga militanteng grupong Kristiyano na ang karamihan ay mga magsasaka sa simula
na nakapaglaban sa mga Morong ekstrimist o Islamist.

3.4. ANG MGA MONCADISTA

(Isinalin ng may-akda ng aklat na Wila at Kultura sa Mapayapang Lipunan mula sa Ethnic Group of the Philippines,
2016).

Makikita sa gulpo ng Davao ang napakagandang isla ng Samal. Kilala ito bilang napakaganda dahil sa kulay asul
nitong karagatan na may puting buhangin. Noong panahon ng Komonwelt ang lugar na ito ay naging mas kilala
nang bumuo si Hilario Moncado ng isang sektong panrelihiyon na tinatawag na Filipino Crusaders World Army
(FCWA) Moncadista ang tawag sa mga kasapi nito na sinisunod ang katuturan ng kanilang ispiritwal na lider.

3.5. PHILIPPINE BENEVOLENT MISSIONARIES ASSOCIATION

(Isinalin ng may-akda ng aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)


Noong 1965, itinatag ni Ruben Edera Ecleo Sr ang Philippine Benevolent Missionaries Association, Inc. sa Isla ng
Dinagat sa Pilipinas. Nang mamatay si Ecleo Sr. noong 1987, humalili ang kanyang anak na si Ruben B. Ecleo Jr. Ang
asosasyong ito ay may humigit kumulang na milyong miyembro na nasa sentral at dakong Timog ng Pilipinas at sa
ibang bansa. Ito ay narchistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) sa Makati, Philippines noong Oktubre
19, 1965 sa ilalim ng Rehistrasyon bilang. 28042. Sa San Jose sa probinsya ng Isla ng Dinagat matatagpuan ang
pinakaopisina nito.

7.1 ANG MGA ILOKANO (Ni: Teresita 1. Abrea mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Ang mga Ilokano ay kilala bilang masisigasig at matitipid, na ang bawat sentimo ay pawang mahalagang bagay na
para sa kanila. Ang bawat segundo, minuto, oras at araw sa paggawa ng anumang trabaho ay kanilang
pinahahalagahan, sapagkat dito sila kumikita at nabubuhay. Ang badyet sa isang taong konsumo ay para sa pagkain
at sa iba pang pangangailangan. Mahilig silang magtabi ng pera para magagamit nila sa mga hindi inaasahang
paggagastusan (emergency needs). Kapag may pagkakataon na sila'y kinakapos, hangga't maaari ay gagawa sila ng
paraan para matugunan ang kanilang pangangailangan. Ito ang mangingilan-ngilang katangian ng mga Ilokano. Sa
Ilocos makikita ang karamihan sa kanila.

7.2. ILANG PANINIWALA NG MGA KALAHAN

(Ni: Lyd Fer Gonzales mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Nasa mataas na lugar ng Acacia, Kahel at Kayapa, Nueva Vizcaya ang pook na pinaninirahan o kinanalgyan ng mga
Kalahan. Ang pook na ito ay mataas at buhat sa tuktok ng bundok ay buong paghangang namamalas nang nakatayo
ang kaakit-akit na kapaligirang iginuhit ni Bathala. Ang mga Kalahan ay isa sa mga pangkat-etniko na naninirahan sa
kabundukan ng Nueva Vizcaya. Gaya ng ibang pangkat, ang grupong ito ay may kakantahan din. Kung pananamit
ang pag-uusapan, hindi rin sila pahuhuli sapagkat ang kanilang mga kasuotan ay katulad din sa kasuotang sinusuot
ng mga katutubo sa Baguio, bagamat ang iba'y gumagamit na rin ng mga kasuotang karaniwang nakikita sa
kabayanan.

7.3. MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA IBAAN, BATANGAS (Ni: Maria Bondoc-Ocampo mula sa aklat ng Wika at
Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Ang kasal para sa mga dalagang Ibaan ay isang tunay na kanilang pinapangarap. Ang pangkat na ito ay
matatagpuan sa Batangas. Ang pangarap nilang maikasal ay marahil dulot ng kakaibang tradisyon nito na hanggang
ngayon ay sinusunod ng mamamayan lalo na ng mga tagabaryo. Sa mga kababaihan, ito ay isang pangarap, subalit
para sa mga lalaki, ito ay masasabing bangungot lalo na kung iisipin nila ang malaking halaga na kanilang
magagastos sa kasal.

7.4. ILANG MGA KATANGIAN NG MGA KANKANA-EY (ni Florencia C. Victor mula sa aklat na Wika at Kultura sa
Mapayapang Lipunan)
Ang Benguet ay isa sa mga lalawigan ng bulubundukin sa bahaging norte ng Luzon. Ito ay may labintatlong
munisipalidad tulad ng Bakon, Kibungan. Manyakan, Bugnias, Kapangan, Bukod, Tublay, Itugon, La Trinidad,
Sablan. Tuba, Atok. Kabayan at Siyudad ng Baguio. Ang lugar ng Benguet ay isang tahimik at may napakagandang
klima dahil sa malamig na klima nito. Tahimik ang mga tao dito at sila ay mapagmahal sa kapayapaan. Bukod dito,
ang Benguet ay binansagang "Salad bowl of the Philippines" sapagkat makikita rito ang iba't ibang uri ng gulay na
pampalusog. Dahil sa klima rito, sagana ang mga berries na gaya ng strawberries, mulberries at blueberries.
Mayaman sa mina ang mga bundok dito gaya ng tumbaga o tanso, plata at ginto. Kankana-ey din ang tawag sa
kanilang wika.

7.5. ANG PAGKAKANYAO (ni Edgar Daniel mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)

May mga dahilan kung bakit naisasagawa ang pagpadit o pagkakanyao. Una ay ang pagpapasalamat sa
pagkakaroon ng kayamanan at ang ikalawa ay bunga ng kahilingan ng isang patay na miyembro ng pamilya na
naipababatid sa pamamagitan ng panaginip o kapag ang isang karamdama'y matagal na sa isang miyembro ng
pamilya ay hindi mapagagaling ng mga gamut, sa gayo'y tumatawag na sila ng nakaalam sa gawaing ito na kilala sa
katawagang hi bok o anop para malaman kung magpapadit ang pamilya.

7.6. MGA ITA SA BUNDOK NG ZAMBALES (ni Ligaya T. Rubin mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang
Lipunan)

Ang Ita ayon sa kasaysayan ng Pilipinas ay itinuturing na kauna-unahang mga pangkat ng tao na naninirahan sa
bansang ito. Ang mga Ita ay itinaboy ng sibilisasyon kaya ang kanilang pangkat ay matatagpuan sa kabundukan na
walang kaalaman. Sila ay patuloy na nagpapalipat-lipat na kung saan sila mabubuhay.

Ang dalawang baryo na Napucol at Naguisguis ay mga baryo na kung saan matatagpuan ang karamihan sa mga Ita.
Ito ay matatagpuan sa kalagitnaan ng mga bulubundukin ng Zambales. Ang mga Ita ay walang ulam-ulam kung
sila'y kumakain, kanin lamang ang kanilang kinakain at kung minsa'y nilagang kamote lang. Ang kanilang pisikal na
pangangatawan ay kulot na kulot ang buhok, sunog na sunog ang balat, pandak na pandak. sarat ang ilong at
makapal na makapal ang labi.

7.7 Pagkakaroon ng Kapayapaan sa Kabila ng Pagkakaiba

Ang Mga Pangkat Etniko na Nagsama-Sama sa Malalaking Lungsod

(mula sa pag-aaral na "Ang Balangkas Ng Multikulturalismo At Ang Pagbubuo Ng Bansang

Pilipino" (Demeterio III. 2009)


May malaking pagkakaiba ang sitwasyon ng isang grupo ng mga Maranao halimbawa, o ng Ifugao, na naninirahan
sa sarili nilang heograpikal na teritoryo, sa sitwasyon ng katulad na grupo ng mga Maranao, o ng Ifugao, na
naninirahan sa isang malaking lunsod, tulad ng Metro Cebu o Metro Manila, na hindi na sakop ng kanilang
heograpikal na teritoryo. Pero sa dalawang sitwasyong ito, dapat umiiral pa rin ang multikultural na kamalayan.
Para maging mas lilinaw ang pagkakaiba ng naturang mga sitwasyon, mahalagang banggitin natin ang binaryo na
binuo ni Kymlicka tungkol sa mga nasyonal na minorya na nasa loob ng isang multinasyonal na estado, at mga
pangkat etniko na nasa loob ng isang multi-etnikong estado.

Ang mga nasyonal na minorya ay ang mga pangkat na may sariling kasaysayan. teritoryo, wika at kultura na
napasama sa estado sa pamamagitan ng kongkista. kolonisasyon, o di kaya sa proseso ng federasyon. Para kay
Kymlicka may karapatan ang mga nasyonal na minorya para sa sariling pamamahala at espesyal na representasyon.
Ito ang sitwasyon na naaangkop para sa nabanggit na nating mga Maranao o Ifugao na namamalagi sa kani-
kanilang teritoryo. Dahil nasyonal na minorya sila, ang kani-kanilang teritoryo ay dapat may naangkop na antas ng
awtonomiya.

Ang mga pangkat etniko para kay Kymlicka ay ang mga grupo ng mga imigrante, na dahil kusa silang lumipat ng
tirahan ay nangangahulugang dapat kusa din silang makikibagay at makiki-isa sa mayoryang pangkat na
naninirahan sa nililipatan nilang teritoryo. Dahil sa pagkukusang ito, ang karapatan ng mga pangkat etniko ay hindi
kasinglawak at kasinglalim sa mga karapatan na naaangkop para sa mga nasyonal na minorya. Ngunit naniniwala si
Kymlicka na dapat pa rin silang bigyan ng mga karapatan tulad ng proteksyon mula sa diskriminasyon, pagkikilala
bilang isang kultural na pangkat, eksempsyon sa mga patakarang lumalabag sa kanilang mga relihiyosong
paniniwala, at pondo para sa kanilang mga kultural na gawain.

Ito naman ang sitwasyong naaangkop para sa nabanggit na nating mga Maranao o Ifugao na naninirahan sa isang
malaking lungsod na hindi na sakop ng kanilang heograpikal na teritoryo. Dahil nasa labas na sila ng kani-kanilang
teritoryo, hindi na awtonomiya ang dapat pag-uusapan, kung hindi sapat na respeto para sa kanilang kultura at
sapat na espasyo para mapapangalagaan pa rin nila ang kani-kanilang kultural na kaakuhan.

Para madalumat pa natin ng mas malalim ang uri ng multikulturalismong nararapat sa multi-etnikong istraktura ng
mga malalaking lunsod maari nating pag-aralan ang teorya ng isang sosyolihistang Ingles na si John Rex. Ang
modelo ng multikulturalismong iminungkahi ni Rex ay humati sa lipunan ayon sa binaryo ni Max Weber na pribado
at publikong mga domeyns, at ayon sa binaryo ni Ferdinand Tonnies na "Gemeinschaft" at "Gessellschaft."

Si Weber ay isang tanyag na Alemang sosyolohista. Ang kanyang pribadong domeyn sa kanyang binaryo ay
tumutukoy sa tahanan; at ang publikong domeyn naman ay tumutukoy sa lipunan labas ng tahanan, kung saan ang
batas, ang kalakalan ng merkado, at ang trabaho ay ang nangingibabaw. Personal ang interaksyon sa loob ng
pribadong domeyn, habang impersonal naman ang interaksyon sa publikong domeyn. Si Tonnies naman ay isa ring
tanyag na sosyolohistang Aleman. Ang "Gemeinschaft" sa kanyang binaryo ay tumutukoy sa uri ng lipunan kung
saan personal ang pakikitungo ng mga tao. Ito ay matatagpuan sa tahanan, sa iilang mga kapitbahayan, at sa iilang
maliliit na bayan kung saan magkakakilala ang mga tao. Ang "Gesellschaft" naman ay tumutukoy sa isang uri ng
lipunan kung saan impersonal ang pakikitungo ng mga tao. Katulad ito sa publikong domeyn ni Weber kung saan
ang batas, ang kalakalan sa merkado, at ang trabaho ay ang nangingibabaw.

Ang modelong isinusulong ni Rex ay nagmumungkahi na sa pribadong domeyn at sa lebel ng "Gemeinschaft," ibig
sabihin sa tahanan, kapitbahayan, maliliit na komunidad. at simbahan, ay maaaring pa-iralin ang ang pagiging
multikultural at multi-etnikal. Habang sa publikong domeyn at sa lebel ng "Gesellschaft," ibig sabihin sa
batas,edukasyon, merkado, trabaho, at estado, ay dapat iiral ang monokultural na demokrasya, kapitalismo,
biyurokrasya, at ang pagkakapantay-pantay ng lahat.
Makikita natin na ang modelo na iminumungkahi ni Rex ay mahalaga hindi lamang sa konteksto ng mga nagsama-
samang pangkat etniko sa loob ng malalaking lunsod; ito rin ay may malaking mai-aambag sa usapin kung paano
hanapin ang tamang balanse sa pagitan ng pang-estado at rehiyonal na kultura. Binigyang diin na nina Anderson,
Gellner at Kymlicka na para sa kabuoang pagsasabansa natin, dapat merong mga kultural na elementong
dumadaloy sa buong kapuluan. Kung ano dapat ang magkakaparehong kultural na elemento, o pang-estadong
kultura, at ang magkaka-iba-iba, o rehiyonal na kultura, ay maaaring balangkasin gamit ang modelo ni Rex.

Ngunit ayon sa postkolonyal na teorisistang si Epifanio San Juan, ang teorya ni Rex ay may daladala ring mga
problemang dapat din nating bantayan. Una rito ay ang hindi malinaw na pagkakahiwalay ng pribado at publikong
mga domeyn sa totoong buhay. Halimbawa, ang pagkatay, pagluto, at pagkain ng aso, na isang gawain ng marami
nating pangkat etniko ay magiging problematiko sa konteksto ng Metro Manila kung saan mas mahigpit na
ipinagbabawal ng ganitong kaugalian. Ibig sabihin, hindi maaring maging lubusang malaya ang pribadong domeyn,
o "Gemeinschaft," na sinisilongan ng mga minoryang pangkat, sa publikong domeyn, o "Gesellschaft," na hinuhugis
ng mayoryang pangkat. Gayunpaman, magagamit pa ring isang mahalagang inisyal na balangkas ang modelo ni Rex
na maaaring palalakasin batay sa unang puna ni San Juan sa ating pagdadalumat tungkol sa ating pangestado at
rehiyonal na mga kultura.

Ang pangalawang puna ni San Juan ay ang kawalan ng paki-alam ng teorya ni Rex sa katotohanang ang ibat-ibat
pangkat etniko sa loob ng estado ay may di pantay-pantay na kapangyarihan. Hindi masyadong nababalisa si San
Juan sa mga pagkakataon ng lantarang pang-aapi ng mga mayorya sa minorya, kaysa hindi lantaran ngunit tuloy-
tuloy na pagbubura ng mayoriyang kultura sa minoryang kultura sa pamamagitan ng proseso ng hegemonya.Ibig
sabihin, kapag pinagtabi-tabi ang mga kultural na elemento mula sa minorya at mayoryang pangkat, dahil sa
kapangyarihang taglay ng mayorya ang kanilang kultural na elemento ay mag-aanyong kanais-nais palagi, habang
hindi kanais-nais namang

ang mga kultural na elemento ng mga minorya. Inaasahan natin na ang multikultural na kamulatang ipapalaganap
ng tunay na multikultural na edukasyon at mas midya kasabay sa pagpapalakas ng awtonomiya ng mga rehiyon ay
maaaring magbigay remedyo sa kakulangan ng teorya ni Rex.

Ang artikulong ito ay mainam na pagnilayan anoman ang kulturang iyong kinabibilangan, maging mayorya man o
minorya. Kung tutuusin walang dapat tatawagin na mayorya at minorya sapagkat ang ating kultura ay pare-
parehong nagmula sa ating mga ninuno, iisa lamang ang lahing ating pinagmulan. Nagkakaiba lamang tayo sa
bilang ng dami sa pangkat na kinabibilangan ngunit hindi ito nangangahulugang ang mas marami ay mas
nakaaangat sapagkat anoman ang ating kultura ay pare-pareho lamang ang ating estado. lisa lamang ang
hinahangad natin sa ating pangkat, ito ang pagkakaroon ng KAPAYAPAAN, hindi lamang sa ating pangkat, kung
hindi maging sa lahat ng kapwa natin.
ARALIN 2- VISAYAS

2.1. ANG ISLA NG SIQUIJOR : KALIGIRANG KASAYSAYAN AT ILANG IMPORMASYON SA PANINGIN NG MGA
MANANAMBAL

(nina Julie Ann Cabal Asari, Marjorie Valdez Eugento at Leanvic Omondang Paling mula sa aklat na Wika at

Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Ang isla ng Siquijor ay nadiskubre ni Esteban Rodriguez sa ekspedisyon ni Legaspi noong 1854 hanggang 1892. Nasa
ilalim ito ng pamamahala ng Bohol. Sa taong ding ito, ay naging probinsiya ito ng Negros Oriental, at sa bisa ng
Republic Act blg.6398, ang Siquijor ay naging isang ganap na probinsya noong Setyembre 17, 1971 (Tikos, Siquijor
Today, 1999).
Sa kasalukuyan, ang probinsiya ng Siquijor ay naging bahagi na ng Rehiyon 7 kasama ng

Bohol, Negros Orienta. Dumaguete at Cebu. Ang islang ito ay may anim ba isla - ang Enrique

Villanueva, Larena, Maria Lazi, Siquijor at San Juan. Sa mga baying nabanggit, ang Siquijor ang capital

ng isla.

Binubuo ng labing-apat (14) na barangay ang bayan ng Enrique Villanueva: Makikita ang pulo ng Bohol sa tabi ng
dagat ng baying ito. Ito ay may sukat na tatlong libo sandaan dalawampu't limang (3.125) hektarya na may
sampung (10) kilometro ito mula sa bayan ng Larena. Sa tuwing sasapit ang ika-16 ng Hulyo ay ipinagdidiriwang
ang kanilang Kapistahan at ang kinikilalang pangunahing patron ay ang Our Lady of Mt. Carmel.

2.2. SULYAP SA KASAYSAYAN AT KALINANGAN NG CEBU (ni Evelyn Valencia Gabanos mula sa aklat na Wika at
Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Ang Luzon, Visayas at Mindanao ay tatlong malalaking na bumubuo sa Republika ng Pilipinas. Ito ay binubuo ng
humigit kumulang sa 7000 pulo. Ang Cebu ay matatagpuan sa pulo ng Kabisayaan at Cebuano naman ang wikang
umiiral dito na may kahawig sa wika ng mga karatig lugar nito gaya ng Bohol, Negros. Sequijor at iba pa.

Sinasabing, ang mga Cebuano ay mga saling-angkan ng Malay na naninirahan sa Pilipinas bago pa man dumating
ang mga Kastila. Sa mga Cebuano nakita ang unang lakas na pagtatanggol ng kanilang karapatan laban sa
pananakop ng mga Kastila. Noong panahong yaon, si Lapu-Lapu ang bantog na tinaguriang unang bayaning Pilipino
dahil nakamit niya at ng kaniyang pangkat ang tagumpay sa madugong labanan sa pagitan ng kanilang pangkat at
pangkat ni Magelan. Nananalaytay sa dugo ni Lapu-Lapu ang unang kayumangging sagisag ng katapangan.

2.3. ANG BAROTAC NUEVO SA ILOILO (ni Emilina Nepomoceno mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang
Lipunan)

Kilala ang lungsod ng Iloilo sapagkat ang pagsasalita ng mga tagarito ay may malambing na intonasyon. Mga
Ilonggo ang tawag sa pangkat na naninirahan dito. Ang kanilang pagiging mabait at masayahin ang tumatak sa
kanilang kultura at pagkakakilanlan.

Ang Barotac Nuevo ay ang dating nayon ng Dumangas. Ang lugar na ito noong panahon ng mga Kastila ay may
distansiyang siyam na kilometro sa Dumangas at pinamumunuan ng isang paring malupit na nagpaparusa sa
sinumang tumangging tumulong sa pagtatayo ng simbahan. Sa lagay na ito, ayaw ng pari na maihiwalay ang
nayong ito sa Dumangas.
Mga Katoliko ang karamihan sa mga naninirahan sa Barotac Nuevo. Ang impluwensiya at kapangyarihan ng mga
Kastila sa mga katutubo ay nakikita sa magandang simbahang Katoliko nito. Maliban dito, mayroon din silang
naitayo na paaralang panlalawigan para sa pangingisda bukod pa sa mga paaralang pribado na pinamumunuan ng
mga madre na nakalaan para sa mga kabataang mag-aaral.

2.4. ANG SINING AT KULTURA NG AKLAN (ni Florida Villanueva mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang
Lipunan)

Ang isa sa mga napakasayang pagdiriwang na pinagkakapuri ng mga Aklanon

ay ang Ati-Atihan. Ito ay taun-taon na ginaganap sa tuwing sasapit ang buwan ng Enero

sa mga bayan ng Kalibo, Ibajay, Batan. Makatao at Altayas. Sa lahat ng mga

masasayang pagdiriwang na mayroon sila ay ang nasa Kalibo na idinadaos pagkatapos

ng pista ng Tatlong Hari tuwing ikalawang linggo. Bago pa man sasapit ang Pista.

marami na sa mga Ati-Ati ang nagsisimulang maglilibot sa kalye sa pamamagitan ng

tugtog ng mga latang walang laman, kaldero, botelya, tambol at iba pang instrumento.

Masaya silang nagsasayaw-sayaw at umiindak habang isinisigaw ang "Viva Senyor

Santo Niño" o kaya nama, "Hala bira, puwera pasma". Ang terminong Ati-Atihan ay

nangangahulugang "gaya ng mga Ati" na mga unang taong maiitim ng Panay. Kung

kaya sa pagdiriwang na ito, ang mga lumalahok ang pumapahid ng mga maiitim na

uling upang magmukha rin silang mga Ati.


2.5. ANG PISTA NG PINTADOS

Nang dumating ang mga Espanyol sa Visayas noong taong 1668, natagpuan nila na puno ng tatu (tattoo) ang
katawan ng mga lalake't babae. Ang mga ito ay tinatawag nilang Pintados. Mga matatalas na bakal na pinainit
muna sa apoy ang gamit ng mga Pintados bago gawin ang pagtatatu. May mga sariling kultura ang mga taong ito,
mayaman sa pagdiriwang at pagsamba sa mga Diyos sa tuwing ang ani ay masagana. Noong 1888 ang imahen ng
batang Hesus na kinikilalang "El Capitan" sa Pilipinas ay dinala ng mga misyonerong Espanyol. Maganda ang naging
simula nito, kaya, agad na nakuha ang debosyon at pagsamba ng mga mamamayan ng Leyte sa Santo Niño.

2.6. ILANG TRIBU SA VISAYAS

Matatagpuan sa bulubundukin ng Capiz partikular na sa munisipalidad ng Tapaz ang tribung Sulod. Sa tribung
mundo sila nagmula, na isang grupong etnikong mula sa Indonesia na lumapit mula sa Mainland Asia at sa mga
bundok ng Panay sila naninirahan ng ilang dantaon. Mula sa salitang "Mundo", ay napalitan ang kanilang pangalan
ng Bukidnon na kalauna'y naging "Sulod" na ang ibig sabihin ay "closet" o "room". Ang kanilang ginagamit na salita
ay ang kombinasyon ng diyalektong Kinaray-a at Hiligaynon. Monolingguwal ang madalas sa kanila.

2.7. TRIBU NG TAGBANUA

Noong ika-23 ng Mayo 2005 batay sa EO 429, inilipat mula sa Rehiyon IV (Luzon) at naging bahagi ng Rehiyon VI
ang Palawan. Nananahanan sa islang ito ang maraming tribu. Sa napakagandang lugar na ito, ang mga Tagbanua
ang maituturing na isa sa mga kilalang tribu nito. Napabibilang sa pinakaunang naninirahan sa isla ng Palawan at sa
nakapaligid nito ang mga miyembro ng tribung Tagbanua. Ayon sa kinalabasan o resulta ng ilang pananaliksik, ang
mga Tagbanua ay mula sa mga taong Tabon na sa kweba ng Tabon din naninirahan ilang libong taon na ang
nagdaan. Naninirahan ang karamihan sa kanila sa hilaga at sentral na bahagi ng Palawan. Datapuwat, sa
kasalukuyang panahon, ay bumababa na ang bilang ng pangkat na ito. Noong 1987, tinatayang mula 129,691 na
mga miyembro, ay naging 10,000 na lamang ang natira sa kanila sa kasalukuyang panahon.

ANG MGA LUMAD NG MINDANAO

3.1. ANG MGA B'LAAN

(ni Nelia Orpiano- Du mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan) Sakop ng unang pangkat ng mga
Indonesian ang mga B'laan. Ang Indonesian ay ang unang dumating at naninirahan sa bansa mga 5000 0 6000 taon
na ang nakalipas. Ang pangkat nila ang gumamit ng Bangka bilang transportasyon papuntang Pilipinas.

Sinasabing, ang nagbunsod sa pag-iwan ng mga B'laan sa kanilang mga

minanang lupain ay ang pagdating ng mga Kristiyano. Dahil dito, inangkin ng mga
nandarayuhang pamilya ang kanila lupa. Kung kaya, itinigil na ang pagkakaingin ng

karamihan sa mga B'laan.

3.2. ANG MANDAYA: WIKA AT KULTURA NG SANGAB, CARAGA, DAVAO

ORIENTAL

(nina Raymund M.Pasion, Marilyn C. Arbes, Julieta C. Cbreco, Firuz M.Dalandangan mula sa aklat na Wika at
Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Ang salitang Mandaya ay nagmula sa salitang "man" (tao) at "daya" (itaas na bahagi ng ilog). Kung kaya, sa Ingles,
ang tawag sa kanila "Inhabitants of the Uplands.

Karaniwang naninirahan ang mga Mandaya sa bulubunduking bahagi ng Katimugang Mindanao sa Davao del Norte,
Compostela Valley province, Agusan del Sur, at Davao Oriental. Ang may pinakamaraming populasyon ng mga
Mandaya ay nasa Davao Oriental.

Lubos na napapanatili ng mga Mandaya ang kanilang kasuotan pati ang paghabi nito na tinatawag nilang dagmay,
isang telang hinabi na mula sa abaka.

3.3. KAAMULAN FESTIVAL: ISANG TAUNANG SELEBRASYON SA PROBINSIYA NG BUKIDNON

(nina Nenita Rebecca Y. Casten, Shandra G. Dimaudtang. Nelia O. Du at Julie Ann Asari-Orobia mula sa aklat na
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Ang Bukidnon ay kilala bilang Pineapple Capital of the World. Maraming mga turistang mula pa sa malalayong lugar
at karatig lugar ang nacengganyo sa malamig na lugar na ito. Ang probinsiya ay hindi nakararanas ng malakas na
bagyo sapagkat ito ay napalilibutan ng matatarik na bundok.

Ang probinsiya ng Bukidnon ay binubuo ng 95% Pilipino at 5% naman ay mga Britanya, Amerikano, Indonessyo,
Tsino at Koreano. Ang pangunahing wikang kanilang ginagamit ay Sebuano. Bukod dito, may iba ring wika ang
ginagamit ng ibang tribo na naninirahan sa probinsya; Bisaya, Hiligaynon at Binukid.

Ang Kaamulan Festival ay maituturing na kaisa-isang piyestang etniko ng Pilipinas na


kasabay rin sa araw ng pagkatatag ng Bukidnon noong 1917 at inaantabayanan ng lahat. * Ang mga Kultural na
Grupong Kasapi sa Kaamulan Festival

Ang mga Manobo ang mga taong Bukidnon ay nabibilang sa orihinal na proto Philippine stock.

Ang terminong Higaonon ay nagngahulugang "people of the wilderness". Ang kanilang tirahan ay hindi lamang sa
probinsya ng Bukidnon kundi pati na rin sa lugar ng Agusan del Sur at sa Misamis Oriental.

Ang Matigsalug ay isa ring grupo ng Bukidnon na sa Lambak ng Tigwa-Salug. San Fernando makikita. Ang
Matigsalug ay nangangahulugang "mga tao sa Ilog ng Salug".

Ang tribong Talaandig ay isa sa mga nagpapatuloy at nagpepreserba ng katutubong kaugalian ng mga Matigsalug.

3.4. ANG MGA MANSAKA (ni Marilyn C. Arbes mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Matatagpuan sa Rehiyon IX partikular sa mga probinsya ng Davao del Norte at Compostela Valley ang mga
Mansaka na maituturing ding grupong etniko. Sa salitang "man" o tao na ang kahulugan ay una at saka na ang ibig
sabihin ay umakyat ang pinaghanguan ng salitang Mansaka. Sila ang binansagang "the first people to ascend to the
mountain or go upstream o mga unang tao na umakyat sa bundok. Ang unang taong Mansaka ay tinatawag na
Tipamud. Bagamat ang mga Mansaka ay may malaking bahagi ng ancestral domain sa lugar ng comval Province at
Davao del Norte, hindi sila maituturing na subgroup o subtribe ng tribong Mandaya.

3.5. ANG MGA MAMANWA (ni Nenita Rebecca Y. Casten mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunaw)

Ang salitang Aeta, Ayta (Ata), Ate at Ita ay nagmula sa salitang-ugat na "It" na

ang ibig sabihin ay "maiitim" sa Tagalog at "itumon" naman sa Cebuano.

Mga taong bundok at maiitim ang mga Mamanwa. Sila ay pandak, kulot ang buhok at sarat ang ilong na may mga
matang maiitim. Tinatawag na Mamanwa ang mga Aeta sa Mindanao na naninirahan sa bahaging hilagang silangan
ng mga probinsya ng Surigao at Agusan. Ang ibig sabihin ng salitang Mamanwa ay "first forest dwellers" na mula sa
salitang man (first) at banwa (forest). Ang mga Aeta ay kilala sa tawag na kongking dahil sa kanilang buhok na
kulot. Ang salitang ito ay mula sa salitang "conquista" na nangangahulugang, "the conquered ones". Gumagamit
sila ng kanilang diyalekto kapag nakikipag-usap sila sa kapwa Mamanwa subalit, sila ay nagsasalita rin ng wika ng
mga taga ibang bayan..

4.1 - ANG MGA MERANAW


(ni Victoria Juarez-Adeva mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan) Ang pangkat ng Meranaw ay
yaong mga Muslim na naninirahan sa Lanao na nasa kapaligiran ng Lawa ng Lanao na sinasabing pumapangalawa
sa pinakamalaking lawa sa Pilipinas. "Ranao" ang orihinal na katawagan sa lalawigang ito na ang ibig sabihin ay
"lawa o lanaw at ang tawag sa mamamayang nito ay "Maranao" (sa lawa naninirahan).

Sinasabing, ang pangunahing hanapbuhay nila ay pagsasaka dahil malawak at mataba ang

kanilang lupain. Samantalang, ang iba nama'y pangingisda ang kanilang ikinabubuhay. Bigas naman ang

kanilang pangunahing pagkain. Bukod dito, may mga prutas din silang ipinagmamalaki, ito ay ang

durian at marang na hindi makikita sa Luzon. Sa ngayon, dumarami na ang mga nangangalakal na

Meranaw

Wika

Maranaw ang tawag sa wika ng mga Meranaw. Ito'y nakikilala dahil sa matigas nitong tono at diin. Maranaw ang
kanilang gamit na wika sa kapwa Meranaw. Subalit, kapag Kristiyano naman ang kanilang kausap, ay marunong din
silang magsalita ng Cebuano at Filipino at maging ng Ingles.

4.2. ANG MGA MAGUINDANAON AT ANG KANILANG KULTURA

Nakatira sa timog-silangang bahagi ng Mindanao ang mga Maguindanaon. Nang ang magkapatid ay maghiwalay,
umalis sa kanilang kinagisnang nayon at naghanap ng pook na kanilang matitirhan si Timbunaway at ang kayang
tagasunod. Nagkaroon ng kasagutan ang kanilang tanong na kung sila titira, Magined tano sa danao na ang ibig
sabihin ay "tumira tayo sa palibot ng lawa". At dito na nga sumibol ang pangalang Maguindanao nang
pagdugtungin ang dalawang katutubong salitang magined at danao. Ang salitang magined ay maaaring
nangangahulugang, "ang mga nakatira o titira" at ang salitang danao naman ay ang Maguindanao sa salitang
"lawa" (Alfanta, 1975-76).

Ang wika ng mga Maguindanaon ay tinatawag na Maguindanaw. Sila ay marunong ding magsalita ng Filipino.
Cebuano at Ingles.

4.3. ZAMBOANGA: ANG PARAISO NG MGA BULAKLAK SA KATIMUGAN (ni: Rainer Anthony Rubin mula sa aklat na
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)
Lungsod Zamboanga, siyudad ng mga pangarap at bulalak. Binansagan itong bilang City of Flowers, marahil ay
saganang-sagana ito sa mga mahahalimuyak at nagagandahang mga bulaklak sa paligid na matatagpuan sa lungsod
na ito. Isa rin sa mga dahilan ay ang mga nagagandahang mga dalaga ng Zamboanga, yaong mga kadalagahang
bantog hindi lamang sa kanilang taglay na kayumihan at karikitan, kundi ang kanilang likas na mapang-akit at
pagiging malambing.

Cahavacano ang pangunahing wikang ginagamit sa Zamboanga. Ang wikang ito ay tila, pinaghalo halong Kastila,
Tagalog, Bisaya. at iba pang wika ng mga etnikong pangkat. Ito'y masasabing, may intonasyong malambing na
nangingibabaw ang Kastila. Ang wikang ito ang ginagamit sa kanilang pangangalakal, sa pulitika, sa simbahan at
halos sa lahat ng larang ng pamumuhay. Subalit, Filipino pa rin ang tahasang ginagamit at nauunawaan ng
nakararami.

4.4. ANG MGA YAKAN NG ZAMBOANGA AT BASILAN (sa pananaliksik nina Dr.Analyn D.Saavedra, Hanna D
Ackermann at Jane O. Villacin)

Identidad ng Pangkat Yakan

Sa panayam na isinagawa sa mga Yakan, inilarawan nila ang kanilang mga ninuno nang tulad ng isang tipikal na
Pilipino. Ayon sa mga Yakan ng Basilan, noong 1970's sa panahon ng Batas Militar, karamihan sa mga Yakan ay
naninirahan sa mga malalayong bundok upang makaiwas sa mga kaguluhang nagaganap sa mga kabayanan. Dahil
dito, sila'y tinatawag noong mga "Yakan Puntukan" na nangangahulugang mga taong bundok. Kaya naman
nabanggit din ng mga Yakan na kilala din sa pagtatanim o pagsasaka kung saan ito na ang pangunahing
hanapbuhay ng mga Yakan sa Basilan hanggang sa kasalukuyan. Pinatotohanan ito sa artikulo ni Gorlinski sa
Britannica Encyclopedia kung saan sinabi niyang ang mga Yakan ay tinatawag na inland-dwelling agriculturalists
kung saan sila ang orihinal na tagatustos ng mga bigas sa mga Tausug at Sama na mga pangkat-etnikong
naninirahan din sa probinsiya ng Basilan at ilan pang mga kalapit na isla sa rehiyon.

Bukod sa paninirahan sa malalayong bundok, ilan rin sa pagkakakilanlan ng mga Yakan noong mga panahong iyon
ay ang hindi pagsusuot ng tsinelas. Kapag bumababa sila sa bayan upang makipagpalitan ng mga produkto at
bumili ng mga pagkain, nagsusuot lamang sila ng pambalot sa paa na tinatawag nilang sanale. Ito ay gawa sa balat
ng puno gaya ng Yakal at iba pang mga uri ng mga matitibay na puno na makikita lang sa kanilang paligid.
Gumagamit din sila ng mga kasuotang pang-Yakan o sa kanilang termino ay semmek-Yakan gaya ng pis na
inilalagay sa kanilang ulo.

Isa rin sa kanilang identidad ay ang pagngunguya o pagnganga (terminong Yakan) ng buyò (bettle nut) na
kadalasang ginagawa ng mga matatanda. Nilalagyan nila ng apog ang dahon ng buyo at nginunguya ito hanggang
sa maubos at maging kulay-dalandan ang kanilang ngipin at saka nila dinudura ang natira sa kanilang bunganga.
Ang apog ay mula naman sa pinulbos na iba't ibang mga maliliit na kabibe (shells) na hinaluan ng luyang-dilaw
(turmeric) kaya nagiging dalandan ang kulay nito. Nasanay sila ganitong gawi sa paniniwalang ang pagnguya ng
buyo ay pampatibay ng ngipin na kalaunan hanggang sa kasalukuyan ay ginagawa na rin ng mga mas nakababatang
Yakan.

Sinabi rin ng mga Yakan na ang kanilang lahi ay maaaring nagmula sa lahing Malay. Ito ay sa ang kinikilala nilang
pinuno na sina Sharif Al-Maqdum at Rajah Sulaiman ay galling sa bansang Malaysia at nang dumating sa Basilan ay
nagtatag ng iba't ibang pangkat ng Yakan sa Basilan. Nabanggit din mula sa pag-aaral ni Sherfan (1976), ang mga
kauna-unahang Yakan ay nagmula sa bansang Borneo (ngayon ay Malaysia) na sinasabing mga inapo ng mga Dyaks
ng Borneo. Ganoon din ang isinaad sa Encyclopedia of Philippines Arts (1994), kung saan sinasabing, ang mga
Yakan ay may pisikal na katangian na tulad ng mga Malay. Sila ay may pahilig na husis ng mata, kulay kayumanggi
at tuwid na buhok (Abdurahim 2007) na karaniwan na pisikal na katangian ng Pilipino.

Pinagmulan ng salitang Yakan

May ilan ding pinapaniwalaan ang mga Yakan tungkol sa pinagmulan ng pangalan ng kanilang tribo. Nangunguna
rito ang maalamat na kwento mula sa pag-aaral ni Sherfan (1796). Ayon sa alamat, noong unang panahon,
pagkatapos lumindol, ay wala pang taong nananahanan sa Basilan. Sa kanlurang bahagi ng probinsiya ay maraming
mga puno ng Yakal. Sinasabing nabiyak ang isa sa mga punong ito at may lumabas ang kauna-unahang lalaki sa
Basilan-si Apu Siak. Sa silangang bahagi naman, ay may isang bundok na tinatawag na "Tong Matangal". Isang araw
ay may isang babaeng lumabas mula sa tuktok ng bundok. Siya ay pinangalanang Apu- Punso, siya naman ang
kauna-unahang babae ng Basilan. Magkahiwalay nilang nilakbay ang buong isla hanggang sa sila'y nagtagpo at
nagkaibigan. Nabiyayaan sila ng apat na supling at binigyan nila ng kaniya-kaniyang mga lupain. Si "Kumalang" ang
panganay na babae na ipinangalan nila sa isang ilog na matatagpuan sa Kanluran na tinatawag na Bohe Kumalang.
Ang hilagang bahagi naman ng lupain ay ibinigay niya sa kanyang anak na si "Gubawang" na hinango pa rin sa
pangalan ng isang ilog. Kay "Tumahubong" naman ibinigay ang katimugang bahaging lupain at ang bunsong si
"Basilan" ay ipinangalan rin mula sa isang ilog na tinatawag na Bohe Basilan sa may bandang Silangan.

Isang araw, ang isang mangangalakal na si Juhol mula pa sa Borneo ay napadpad sa lugar at nabighani sa
kagandahan ni Kumalang. Maaari niyang mapakasalan si Kumalang kung siya ay makapagdadala ng mga buto ng
mga pananim tulad ng mangga, bigas at marang. Nagawa naman ito ni Juhol at naitakda ang kanilang kasal. Ang
kasalang ito ay nagbunga ng kauna-unahang ninuno ng mga Yakan.

Bukod dito, nabanggit din ng mga Yakan ang tungkol sa alamat ni "Iya at Kan" na mula sa India, kung saan ang
kuwentong ito'y umiikot sa dalawang taong nagmamahalan. (Boy S. Akilin, Lamitan, Setyembre 17,2018)

Ikatlo, pinapaniwalaan ding dahil sa katangiang taglay na iyakin ng mga Yakan, dahil sa kanilang pagiging
mapagmahal sa kapwa, dito rin nagmula ang salitang Yakan. Tinanggal lamang ang titik "i" at dinagdagan ng
hulaping -an sa dulo kaya naging Yakan. Ayon sa kanilang mga kuwento, noong unang panahon, kapag nagkikita-
kita sila ay nagyayakapan at nag-iiyakan. (Ottoh Saliban, Imam ng Upper Calarian, Lungsod Zamboanga at Datu
Abirin Tereh, Sacol Island)

Nabanggit rin ni Raja Abdulkudus Salihin (Setyembre 20, 2018) ng Sumagdang. Lungsod Isabela. Basilan na ang
salitang Yakan ay mula sa salitang Malayo na nangangahulugang "mapagmahal na mamamayan". Ayon din sa
kanila, ang "Ya" at "kan" kapag isasalin sa wikang Filipino ay nangangahulugang "Oo nga" (Ahmad Nurul. Isabela).

Maalamat na Pinagmulan ng Yakan (Halaw mula kay Buenaobra (2003)

Noong unang panahon ay may nakatirang isang Rajah sa isa sa mga rehiyon sa India at may isang anak na lalaki na
ang pangalan ay Kan. Pagsapit sa tamang-edad, inayos ng ama ni Kan ang pagpapakasal niya kay Ekya, ang kaisa-
isang anak ng mujal, ang iginagalang na pinuno ng rajah. Ang kasal ay hindi gaanong kontrobersyal dahil ang mujal
ay isang mababang pinuno ng Rajah. Sapagkat kaugalian na gawin ang kanilang pulot-gata sa karagatan ng India,
inihanda nila ang isang malaking sasakyan na tinatawag na "Balanda". Ang sandaa't apatnapung kalalakihan at
kababaihan ay naging mag-asawa at si Kan ang kanilang hindi mapag-aalinlangang lider.
Lumipas ang maraming taon, matanda na sina Kan at Ekya nang dumating ang maraming taong sakay ng iba't ibang
balanda. Pandak sila na may maliliit na ilong (ang pandarayuhang ito sa ibang lugar ay pinaniniwalaang isa sa
tatlong pangkat ng Malayan na dumating sa Pilipinas na binabanggit sa mga aklat pangkasaysayan).

Labis na nagalit si Kan sa labag na pagpasok sa kanilang lupain. Ipinalalagay na siya ay matanda na at mahina, ang
tunay niyang kalagayan ang pinakamabuting pagkakataon. Kaya ipinasya niyang tanggapin ang bagong dating. Ang
kanilang unang katanungan ay: "Ano ang inyong lahi?" "ano ang inyong tribu?" sapagkat hindi kan ang kanilan
wika. Itinuri niya ang kanyang asawang si Ekya at ang kanyang sarili na ipinalalagay na itinatanong ng malayan ang
kanyang pangalan at ang sa kanyang asawa.Kaagad na namuhay nang magkakasama ang mga Malayan at ang mga
Kabig ni Kan. Naging mag-asawa ang bawat isa. Sa pagsulong ng panahon, sumilang ang Yakan mula sa pangalan ng
mag-asawang "Kan" at "Ekya".

4.5. ANG MGA SAMA NG ZAMBOANGA, BASILAN, SULU

AT TAWI-TAWI

(sa pananaliksik nina Asst. Prof.Nena C. Abdurajak, Dr.Cheryl P. Barredo, at Ednalyn D. Cadapan)

Sama Bajao

Binanggit ni Clifford Sather (1993), na ang salitang " Bajao" na nagmula sa Malay ay nabuo at nalinang sa etnonims
gaya ng "badjao", "badjao laut", "bajao", "luwaan", "palau", "sama". "sama dilaut", at "turiejene". Naimungkahi
niya rin na ang baryant ng salita ay nakikilala sa heograpikal na lokasyon nito. Ang salitang "bajao" ay tumutukoy sa
parehong nakabase sa lupa at naninirahan sa dagat ng Malaysia at Indonesia. Subalit, ang paggamit ng salitang ito
sa Panitikang Filipino ay tumutukoy lamang sa mga naninirahan sa bangka na laganap sa Arkipelago ng Sulu at sa
baybaying bahagi ng Tangway ng Zamboanga.

Binanggit sa pag-aaral ni Mariano (2003), na mula kay Teo (1989), ang mga Bajao ay kinikilalang mga naninirahan
sa dagat o mga anak ng dagat. Sila ay mga masisipag, trabahoso, matitipid, mababait at tipong nakokontento sa
buhay na kanilang kinasasadlakan. Sila ay mga simpleng namumuhay na walang hilig sa mga kasiyahan tulad ng
parti, Kaarawan, Pista, piknik, at iba pa. Ang kanilang libangan ay nakadepende sa panahon. Kapag hindi malalim
ang dagat, ang mga babaeng Bajao ay naghahabi ng banig. Ang iilang lalaking Bajao naman ay naglalaro ng balibol,
ang iba naman ay abala sa pagkukumpuni ng makina ng kanilang makukulay na bangkang de- motor (maliit na
Bangka), samantalang ang mga batang Bajao naman ay pinaglalaruan ang kanilang mga laruan gaya ng kabibe at
laruang bangka upang sila'y malilibang. Hindi sila mahilig makikipagsalamuha sa ibang tribu kung kaya, sila ay
naituturing na natatangi dahil sa kanilang pagiging mahiyain.

Sama Bangingi

Ayon sa nakasaad sa aklat na " Ethnic Groups of Insular Southeast Asia, Volume 2: Philippines and Formosa", ang
pangkat ng Balangingi ay laganap sa Kanlurang bahagi ng pangkat ng mga Samal na kilalang pamayanan na
matatagpuan sa Isla ng Samales na nasa baybayin ng Basilan sa Timog at Kanlurang baybayin ng Tangway ng
Zamboanga at sa interyor na baybayin ng Sibuguey at sa Baya ng Dumanquilas.
Ang Balangingi ay binansagan ang kanilang pagkakakilanlan bilang Sama Balangingi. Kinikilala nila ang kanilang
lingguwistikong pangkat sa ibang Kanluraning pangkat ng mga Samal, subalit itinuturing nila ang kanilang mga sarili
bilang kakaiba at "internally homogenous bangsa ("people") na nabibilang sa malaking pangkat ng mga Filipinong
Muslim (bangsa muslim). Ang lugar na kanilang tinitirhan ay madalas matatagpuan malapit sa "coral reefs" o
sahasa at malaking crya na sapa ng mga bakawan.

Ang mga taga timog na Sama Bangingi ay naninirahan sa mga isla ng Sulu Arkipelago at sa mga baybaying dagat ng
Mindanao. Bahagi rin sila ng malaking pangkat ng mga Sama. Sila ay gumagamit ng Balangingi na diyalekto ng
Sama Bajao na wika. Ang bawat pangkat ng Sama gaya ng Timog Sinama ay nakikilala sa pamamagitan ng kanilang
diyalekto at heograpikong lokasyon. May mga Sama na naninirahan sa Hilagang Kanluran ng Mindanao at maging
sa Timog Silangan ng Sulu. Kilala rin sila na taong dagat.

Sama Pangutaran

Ang Sama Pangutaran ay kilala sa katawagan bilang "Siyama" na siya ring lenggwahe ng mga Taong Sama ng Sulu
Arkipelago. Ito ay may kabuoang populasyon na apat na libo at walong daan pitumpu't isa (4, 871). Ayon sa
kasaysayan, ang Sama Pangutaran ay naninirahan sa pinakamalaking bahagi ng Sulu Arkipelago sa pagitan ng
Filipinas at malaking isla ng Borneo. Ayon sa impormante na si Al Azis Adilon, ang salitang pangutaran ay hango sa
pangalan ni Pangutaran na isa sa mga tauhan ng sultan ng Sulu na inatasang tumungo sa nasabing isla. Nagkaroon
ng labanan sa hukbo ng mga kastila at naging matagumpay ang kanilang paglalaban laban sa mga kastila. Kung
kaya, sa utos ng sultan ng Sulu ay ipinangalan sa kanya ang isla bilang pagtanaw ng utang na loob ng sultan sa
kanyang katapangan at pagiging bayani ng Sulu. Ang mga Sama ng Pangutaran ay maituturing na sabgrup na
kabilang sa malaking pangkat ng Sama. Ginagamit nila ang lenggwaheng Pangutaran na isa sa barayti ng wikang
Sama.

Sama Laminusa

Ang Sama Laminusa ay matatagpuan sa Siasi, Sulu na may populasyong anim naraan at animnapu't siyam (669).
Ang Laminusa ay hango sa dalawang salitang Sama na Lami (saya) at Susa (lungkot). Ayon sa impormante na si
Lerma G. Saipudin, ang mga mamamayan ng nasabing isla ay kapag nagtitipon-tipon sa mga okasyon tulad ng
puasa o ramadan, tampil o araw ng mga patay ay buhay na buhay ang isla sa dami ng mga tao na dumadayo kung
kaya, masayang-masaya ang mga mamamayan nito at binansagan itong Lami o saya. Pagkatapos ng okasyon ay
bumabalik sa kani-kanilang mga bayan ang ilan sa mga Sama dahil sa nakapag-asawa na at lumipat sa ibang bayan
upang makahanap ng magandang kabuhayan dahil dito nalulungkot at nag-alala ang mga Sama ng nasabing isla
kung kaya ito ay binansagang "Susa" o lungkot.

Sama Tawi-Tawi

Ayon kay De Guzman (1995), ang probinsiya ng Tawi-Tawi ay mayroong tatlong daan at pitong isla at pulo. Isa sa
mga pook sa Tawi-tawi ay ang Bongao. Simunul, Sibutu at Sitangkai. Ang Cagayan de Tawi-tawi ay tinawag din na
Cagayan de Sulu. Ang kalahati ng isla ay nassa pagitan ng Turtle Island at hindi naman kalayuan. Ito ay dalawampu't
dalawang (22) kilometro mula sa Sandakan ng Sabah.
Dagdag pa niya, ang pangunahing isla ng Tawi-Tawi ay nailalarawan sa pamamagitan ng patuloy na hanay na
pababa, mga burol at bahugan sa dagat. Ipinahayag rin ni De Guzman, ang pangkalahatang klima ay katamtaman,
may maulan na panahon simula sa buwan ng Agosto at Nobyembre at tagtuyo naman sa nabibilang na taon.

Ito'y isang lalawigan sa rehiyon ng nagsasariling rehiyon ng Muslim Mindanao na may tatlong pangkat ng mga pulo
na binubuo ng tatlong daan at pito (307) na malalaki at maliliit na pulo. Ang mga kabisera nito ay ang Bongao at
ang Panglima Sugala. Pinakatimog na lalawigan ang Tawi Tawi sa Filipinas. Matatagpuan sa hilagang silangan ng
lalawigan ang Sulu at sa kanluran ang Sabah at Malaysia. Tinatayang 90% ng mga naninirahan dito ay Muslim. Apat
na pamayanang kultural ang naninirahan dito; Samal, Badjaw, Jama-Mapun at Tausug

Ayon sa kasaysayan, Ang Tawi-Tawi ay dating bahagi ng probinsiya ng Sulu. Noong

Setyembre 11, 1973, alinsunod sa Presidential Decree Blg. 302, ang bagong probinsiya ng Tawi

Tawi ay opisyal na nalikha at hiwalay sa Sulu. Ang kinaroroonan ng kanilang panlalawigang

pamahalaan ay naitatag sa Bongao.

SAMA AT SITWASYONG PANGWIKA

Isa sa mga etnikong pangkat na matatagpuan sa Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi (ZAMBASULTA) ay ang mga
Sama. Tinatawag nila ang mga kanilang sarili ayon sa kanilang diyalektong ginagamit na sumasalamin sa
pagkakakilanlan ng kanilang tribo. Sa lungsod Zamboanga. matatagpuan ang ilang etnikong pangkat ng Sama gaya
ng Sama Bajao na nasa barangay ng Caragasan, Maasin, at Taluksangay. Samantala, ang Sama Bangingi naman ay
matatagpuan sa barangay ng Taluksangay at isla ng Simariki. Mayroon din namang mga Sama na matatagpuan sa
bayan ng Basilan gaya ng mga Sama Bajao ng isla ng Tampalan at Sama Bangingi ng Lukbuton. Ang Sama
Pangutaran at Sama Laminusa ang tawag sa mga Sama ng Sulu habang Sama Tawi-Tawi naman ang tawag sa mga
Sama ng Sanga-Sanga Tawi-Tawi. Tinatawag sila ng mga taong tagalabas na Siamal. Sinama at Samal. Ayon sa mga
impormanteng nakapanayam, ang Sama ay nangangahulugan ng sama-sama at tulong tulong sa mga gawaing
pang-araw-araw at sama-sama sa mga paglalakbay. Kilala ang Sama Bajao bilang pinakasimpleng tao sa lahat ng
Sama sa Filipinas dahil sa kanilang kaanyuan at sa estado ng kanilang edukasyon.

ANG BARYASYON NG SINAMA

Sinama ang tawag sa wika ng mga katutubo. Ayon sa mga nakapag-aral na impormante. Sinama ang tawag sa
kanilang wika at Sama naman kung tao ang ibig nilang tukuyin. Subalit, iba-iba ang kanilang dayalekto dahil sa
islang kanilang pinanahanan kung kaya, ang tawag sa kanilang wika ay sinunod sa pangalan ng kanilang pulo.
Katulad na lang ng Sama Pangutaran at Sama Laminusa na matatagpuan sa karagatan ng Sulu. Sila ay
nagkakaunawaan gamit ang kanilang wika sa pakikipag usap. Subalit, may pagkakataon din naman na magkaiba
ang iilan sa kanilang mga salita, tulad na lamang ng Sálung. Sawng at Pahalu na isa lang ang kahulugan na ang ibig
sabihin ay bukas (tomorrow).
Ayon naman sa pag-aaral ni Jumala (2013), ang pangkat ng Sama Dilaut sa Taluksangay, Lungsod Zamboanga, ay
nagsasalita ng mhal na baryant ng wikang Sinama na salungat naman sa inggai na sinasalita ng mga pangkat na
naninirahan sa lupa gaya ng Sama Banguingui at ang Sama ng Tawi-Tawi. Ang pagkakaiba ng ibal at inggal ay
nakasalalay sa intonasyon na dating binibigkas sa malambing na tono.

KAMPUNG LAHASIYA: PAMILYANG SAMA

Mahalaga sa mga katutubong Sama ang ugnayan ng kanilang pamilya sa isa't isa. Mapapansin sa kanilang
komunidad na pangkat-pangkat at magkakamag-anak ang mga Sama sa isang komunidad dala ng kanilang kadugo
tulad ng mga magulang, kapatid, pinsan. tita't tito, pamangkin, lolo't lola at apo. Karaniwan, ang isang pamilya ay
may anim hanggang walong anak sa bawat pamilya sapagkat ayon sa mga magulang, ang maraming anak ay
maraming katuwang sa paghahanapbuhay at pag-amin din ng iilan sa mga impormante ang kawalan ng edukasyon
sa pagplano ng pamilya kaya naman, hindi na kaila sa kanila ang pagkakaroon ng malaking pamilya. Dumarami ang
kanilang Kampung sa pamamagitan ng pag-aasawa sa katulad nilang katutubo. Napakahalaga ng Kawin o kasal para
sa kanila at ito ay itinuturing na sagradong ritwal sa babae at lalake bago makabuo ng isang pamilya.

PAMUMUHAY NG MGA SAMA

Ang mga Sama Bajao ay nabubuhay sa kahirapan katulad ng kanilang mga sinaunang pamilya o angkan dahil na rin
sa uri ng tahanan na mayroon sila na walang kuryente, walang mga kasangkapan gaya ng kama, upuan, mesa,
kagamitang de kuryente at iba pang kagamitan na nakikita sa loob ng bahay. Ang ganitong uri ng pamumuhay ay
karaniwan na sa mga Bajao. Hindi sila mahilig sa mga mamahalin at magagarbong kasangkapan. Nakokontento na
lamang sila sa kung anomang bagay na mayroon sila. Bagkus, ang kanilang prayoridad ay ang mga kagamitan sa
pangingisda sapagkat ito ang kanilang hanapbuhay. Ang pagkakaroon ng ibang bagay gaya ng mga alahas ay
nabibilang na lamang sa sekundaryang pangangailangan nila. Ang mga Ito ay kanilang napakikinabangan bilang
kolateral sa oras ng kanilang matinding pangangailangan. (Que, 1991)

Samantala, kapansin-pansin sa larawan na payak lamang ang pamumuhay ng mga katutubong Sama na
naninirahan sa baybaying dagat na mababakas sa kanilang tirahan, pagkain, kasuotan at pamumuhay. Nagsisimula
ang buhay ng katutubong Sama bago pa man sumikat ang araw. Gumigising sila nang madaling araw upang ihanda
ang kanilang bangka at kagamitang pangingisda. Pumapalaot sila kasama ang mga kaanak na lalake upang
manghuli ng isda at ang iba naman ay nangunguha ng mga latu sa dagat na siyang pangunahing ikinabubuhay ng
pamilyang Sama. Ang mga batang katutubo ay bumibili ng tubig sakay ang kani-kanilang bangka. Ang mga babaeng
katutubo ay naghahanda ng kanilang agahan samantala ang mga matatanda naman ay naghahabi ng banig,
naglilinis ng mga panindang lamang-dagat, at nag-aayos ng kanilang tulugan.

PAMAYA-MAYA AT PAGKAWIN: MGA KAUGALIAN SA PANLILIGAW AT KASAL

Kinikilala ng mga Katutubong Sama ang kasal bilang sagradong bagay sa pag-aasawa. Kaya naman
pinaghahandaang mabuti ang pagpaplano kung sino ang mapapangasawa ng kanilang anak na lalake. Isa sa mga
kaugalian ay ang mga magulang ang pipili kung kaninong anak na babae ang nais mapangasawa ng kanilang anak
na lalake. Mahalaga sa mga Sama na matatanggap sila ng pamilyang babae bilang mga pamikitan o bahagi ng
kanilang pamilya. Mamanhikan sa tahanan ng magulang ng babae ang pamilya ng lalake. Sasabihin ng
mamamagitan ang kanilang pakay na mamanhikan sa kanilang anak at pagkatapos ay pag-uusapan ng dalawang
panig ang dori na siyang hudyat ng pagsang-ayon sa mga bagay na kakailanganin para sa paghahanda sa
gaganaping kasalan tulad ng pera, ginto, maligay (isang bagay na lagayan ng mga katutubong pagkain na gawa sa
harina tulad ng jaa at panyam na may perang nakalagay sa patpat na nakapaligid sa kahoy na hugis kwadrado)
baka, manok isda, sakong bigas, sakong asukal sakong arina, lata ng mantika, mga inumin at iba pa. Subalit, ayon
kay Panglima Amilpasa T. Bandain, dating chairman ng Indigenous People Council of Leader, Lungsod Zamboanga
na hanggang sa kasalukuyan ay kasapi pa rin ng nasabing NGO. ipinaliwanag niya na ayon sa isinasaad sa Sharia'h o
batas Islamiko, kapag may namamanhikan sa isang babae, dapat makita niya ang lalaking mapapangasawa at ang
mahar o dote ay mapasakanya bilang insurance upang makasiguro na siya ay hindi na maghihirap.

Samakatuwid, may iba't ibang proseso ang pag-aasawa ng mga Sama, bukod sa Agpahinda pamamanhikan ay may
Agpalahi o nagtatanan, Amole o pumikut o kusang ang babae ang siyang tutungo sa bahay ng panglima o Sara at
sasabihin niya na kailangan siyang pakasalan ng lalake at ang dahilan ay hinawakan siya ( pagbanggit ng bahagi ng
katawan kung saan nahawakan), Agpatihantak o saharakan togol, ang agarang pagpapakasal ng lalake na dala-dala
ang dori tulad ng pera, alahas at Kalis o espada sa tahanan ng babae. Ang ganitong uri ng pag-aasawa ay
karaniwang sinasang-ayonan ng magulang ng babae sapagkat kapag hindi ito tinanggap, madodoble ang perang
dala ng lalake kung kaya agad-agad nang ikinakasal ang lalake sa babae.

PAYAG-PAYAG, BALUNG-BALUNG AT LEHA: ANYO NG TIRAHAN NG MGA SAMA

Ang mga tirahan ng mga sinaunang katutubong Sama ay tinatawag na pelang o bahay bangka, payag-payag at
balung-balung noong unang panahon. Subalit, sa paglipas ng mga panahon. bihira nang makakita ng bangkang-
bahay na tinitirahan ng mga katutubong Sama Bajao. Kung mayroon man, hindi na ito maituturing na
pananahanan, kundi, ginagamit bilang transportasyon. Sa ngayon, ang mga Sama Bajao ay karaniwang naninirahan
na lamang sa tabing dagat. Ang kanilang mga bahay ay gawa sa katutubong kagamitan na may mataas na haligi.
Walang dibisyon na humahati sa silid tulugan. Ang bubong at dingding ay napapalibutan ng salirap (dahon ng niyog
na hinabi) at ang sahig ay gawa sa kawayan o tabla. Ang pintuan ay dalawa na magkaharap sa sukat at haba ng
bahay sapagkat ang isang pintuan ay sumasagisag sa pagpasok ng swerte. Tinatawag din ito ng tagalabas na -kubu.
Tinatawag din ng mga Sama Bangingi na Leha ayon sa tribal leader na si Nasir Ismula.

KATUTUBONG KASUOTAN

Bukod sa mga katutubong pananamit na Sambra, Sablay, batawi at Sawwal na ginagamit na mga panlakad sa plasa,
sa palengke at mga okasyon, may kasuotan din silang pang-araw-araw sa tahanan tulad ng tadjung, hos o holos
(malung) na ginagamit bilang proteksyon sa kanilang katawan na kung tawagin ay kindang. Sinusuot ng mga babae
ang malung sa katawan pagkatapos ay idudugtong at itatali ang bandang harapan at bandang hulihan ng maliit na
bahagi ng malung.

Ang katutubong kasuotan ng Sama Bangingi ay may nakalagay na fez sa ulo, ang damit pang-itaas ay simpleng tahi
na may botones sa magkabilang dulo bilang palamuti at maluwang na salawal na ang bandang ibaba ay may
botones sa hiwa ng tela bilang palamuti na may katutubong sinturon at maliit na Kris na espada na nakasuksok sa
bandang kaliwa ng sinturon. Ayon sa impormante na si Panglima Amilpasa T. Bandaying, ang mga Sama Bangingi ay
kilala bilang mga mandirigma sa lahat ng Sama.

SINING NG MGA SAMA


Likas na sa mga katutubong Sama Badjao ang pagiging simple. Wala na silang ibang hangad kundi, ang mamuhay
nang tahimik sa kani-kanilang tahanan kasama ang kanilang mga pamilya. Subalit, kapag sa larang ng sining ang
pag-uusapan, sila ay hindi rin pahuhuli. Nakitaan sila ng husay sa paghahabi ng mga makukulay na banig na may
iba't ibang disenyo. Ang kanilang mga banig ay yari sa pandan. Ang pandan ay kanilang binibili at pagkatapos ay
pinatutuyo bago nila ito sisimulang gawin. Ayon kay Gng. Basaria Tahaji. Tribal Chieftain ng Maasin, Lungsod
Zamboanga, ang paghahabi ng iba't ibang disenyo ng banig ay may kinalaman sa emosyon ng isang naghahabi.
Nababakas sa hinahabing banig ang emosyong nararamdaman nito. Ang bawat kulay ng banig ay may mga sagisag.
Halimbawa ang kulay puti ay sumasagisag ng kalinisan, ang kulay rosas (pink) ay kaligayan o happiness, ang dilaw
ay ginto o gold, ang asul ay dagat o sea at ang kulay berde ay sumisimbolo ng kalusugan o health. Dagdag pa niya,
ang mga banig na simple lamang ang disenyo na walang maraming kulay ay natatapos sa loob ng 3 buwan subalit,
kapag ang banig ay may disenyo at mga kombinasyong kulay, umaabot ito mula apat hanggang anim na buwan
depende sa disenyo nito. Kapag ito'y simple, mas madali nila itong natatapos.

HAYLAYA: PAGDIRIWANG NG HARIRAYA

May mga espesyal na pagdiriwang o okasyon ang mga katutubong Sama. Pagkatapos ng Ramadhan na tumapat sa
lendoman o walang liwanag ng buwan sa gabi, aabot sa dalawampu't pito hanggang tatlumpung araw ang pag-
aayuno o di pagkain bago at pagkatapos sumikat ang araw. Ayon sa Imam, sinusunod lamang ng mga muslim ang
yapak ni Propetang Muhammad (SAW) kung paano niya sinasamba si Allah upang makapasok sa paraiso. Sa loob
ng nabanggit na araw titingnan o magmasid sila sa gabi kung ang buwan ay nakikita na. Kung nagpakita na,
kinabukasan din ay araw ng pagdiriwang ng Haylaya o Hariraya Eidil Fitri.

KATUTUBONG SAYAW NG MGA SAMA

Ang Igal o pansak at Tariray ay sayaw sa panliligaw ng binata sa dalaga kung paano siya. sinusuyo. Nakaugalian na
ng mga lalakeng Sama na nililigawan ang babaeng sinisinta. Samantala ang Lingkisan ay sayaw na ang galaw ng
katawan at kamay ay inihahalintulad sa Agila na "fish eating eagle. Ang mga babaeng Sama ay nagiging matapang
sa oras ng kapahamakan kaya pinapakita sa sayaw na martial arts ang Langka Budjang ang husay at galing sa
pagtatanggol sa sarili laban sa masasama. Lalake naman ang sumasayaw sa Kuntaw silat na sayaw ng kung fu, baki-
baki sayaw ng pangingisda na namimilipit sa sakit dahil natinikan ng hito. Ang iba pang mga sayaw ay Agong, Igal
Boah Bolah at Tariray. Ito ay aktuwal na sinayaw ng Tambuli Cultural Dance Troupe ng MSU. Sanga-Sanga. Tawi
Tawi.

PARAAN NG PAKIKISALAMUHA NG MGA SAMA

Noong unang panahon, ang mga Sama Dilaut ay walang konsepto ng pagtanggap sa mga bisita. Sila'y umiiwas sa
mga di nila kalahi o tagalabas. Gayundin ang mga tagalabas ay kusa silang iniiwasan sanhi ng kanilang hitsura at
amoy. Sa kasalukuyan ay marunong na sila sa pagtanggap ng bisita, inaasikaso at pinapatuloy sa kanilang tahanan
at inaalok ng maiinom. Ang mga Sama na may pinag-aralan ay katulad din ng iba pang mga pangkat na marunong
makitungo sa kapwa. Salam! ang sambit nila sa pagbati sa mga kakilala at ang konsepto ng pagtutulungan ay buhay
na buhay tulad sa pagbubuhat ng bangka, pagtutulungan sa mga gawain at pinansyal na pangangailangan sa mga
okasyong tulad ng kasayahan at kapag may namatayan. Kung sila'y hindi abala sa mga gawain, sila ay nakikihalubilo
upang makipagkuwentuhan, naglalaro ng tudjung, legot at bola tulad ng basketbol at volleyball bilang pampalipas
ng oras.
RELIHIYON

Ayon kay Panglima Amilpasa T. Bandaying ang mga Sama ay may hayrerkiyang sinusunod sa relihiyong Islam. Ang
Imam ang pinakamataas, kasunod ang Catib o ang tinatawag na tagabahagi ng mensahe ni Allah at ang Bilal na
tagatawag para sa panalangin.

Naniniwala rin ang mga katutubong Sama na may tuhan o Diyos kung kaya, mayroon silang mbo na ginagawang
dasalan o hingian ng pasasalamat sa Diyos. Ayon sa linggwist na Sama na si Omarjan Jahuran, hindi lamang
nabasbasan ng Islam ang mga Sama Dilaut kung kaya hindi sila maituturing na pagano sapagkat sila'y naniniwala na
may tuhan na siyang lumikha sa sansinukob.

Ayon sa impormante na si Hadji Hussin H. Sumbing, bago pa man dumating ang mga kastila noong 1380 ay may
Islam na sa bandang Sulu at Tawi-Tawi partikular sa isla ng Simunul bilang patunay. Sinusunod nila ang atas ng
koran (banal na kasulatan na nagtuturo kung paano sambahin si Allah at malaman ang tama sa mali at pagsunod sa
yapak ni propetang Muhammad SAW). Ang pinakahaligi ng Islam ay lima: 1.Pagdarasal ng limang beses bawat
araw; 2. Pagbanggit sa Shahadat: 3. Pagbigay ng Jakat: 4.Pag-aayuno; at 5. Pagpunta sa Mecca sa mga maykaya.

Ang mga kalalakihan ang kinikilala bilang mga Imam at Ustadz. Sila ang mga Sila ang mga nangunguna sa mga
konggre gasyon na padasal tulad sa araw ng Biyernes, araw ng hariraya Eidil Fitri at Eidil Adha. Sa loob ng masjid,
ang nangunguna ay mga kalalakihan at ang kababaihan ay nasa bandang huli. May dibisyon na bahagi para sa mga
kababaihan. Ang kasuotan sa pagdarasal ng lalake ay may kupiya sa ulo at natatakpan kupiya sa ulo at natatakpan
ang bandang gitnang katawan ng lalake at mas maigi ay nakasuot ng malinis na damit. Kantiyu o sawwal (salawal)
at malung ang karaniwang suot pang-ibaba. Sa babae ay nakaturong at nakasuot ng luku (damit na pandasal sa
kababaihan) bukod sa damit na panloob. Kailangan di makita ang bukung-bukung sa paa at braso. hanggang
kamay. Ang babaeng guro na nagtuturo ng Koran ay tinatawag na ustadja o Kah Dayang.

EDUKASYON

Ang mga Sama ay bukás na ang isipan sa usaping edukasyon, ang Sama Bajao ay siyang napag-iwanan kung ang
pagbabaschan ay bilang ng mga mag-aaral batay sa kanilang mga guro na nakapanayam sa mga klaseng may
multilingual na mag-aaral. Sa kasalukuyan, batay sa mga istadistika ng mga paaralan na may IPED na programa,
marami nang mag-aaral na Sama ang nakapag-aral dahil sa tulong ng 4P's at libreng pag-aaral. Sa Paaralang
Elementarya ng Yusop Dais sa Sanga-Sanga Tawi-Tawi, 80% ng mga Sama na mag-aaral ang nakapagtapos
hanggang grade VI ayon kay Gng. Lani Aping. OIC ng paaralan. Subalit, may mga iba naman sa mga mag-aaral na
napipilitang tumigil sa pag-aaral dahil sa mga sumusunod na dahilan; pagtulong sa kanilang mga magulang sa
paghahanapbuhay, paglipat ng tirahan, pagkakasakit, at ang pinakadahilan ay dahil sa kapós sa pangangailangang
pinansiyal. Kung kaya, hindi naiiwasan ang pag-angat ng drop-out rates sa kanilang paaralan taon-taon.

PALIPALI O MGA KAUGALIAN

Pagkubul: Mga Kaugalian sa Paglilibing. Ang isang Sama kapag namatay ay agad na ililibing sa loob ng dalawampu't
apat na oras o depende sa sitwasyon na kailangan sa araw mismo ito ililibing sapagkat ang tagasundo niya sa langit
ay naghihintay kung kaya ang mayat o bangkay ay pinaligu o pinaliliguan na kasabay ng ritwal hango sa mga salita
sa Koran. Kung babae ang namatay ang mag aasikaso sa kanya ay isang panday at kung lalake ay isang imam.

Kailangang maging malinis kapag haharap kay Allah ayon sa kanilang paniniwala. Dinadamitan sila ng sapot o
telang puti. Kung ililibing na sa lupa, ang tagahukay ng lupa ay dapat lalagpas sa puson ang lalim ng hukay
pagkatapos sa bandang gilid ay gagawa ng silid na siyang himlayan ng namatay. Lahat ng proseso sa paglilibing ay
laging may kasabay na ritwal.

KAUGALIAN NG MGA KATUTUBONG SAMA NA NAGKAKASAKIT

May ritwal na isinasagawa ang mga katutubong Sama na tinatawag mbo. Ginagawa ang ritwal na ito sa mga
malalang nagkakasakit na katutubo sa pamamagitan ng baul na may laman na damit ng kanilang kambo-omboan o
kanunoan. Ilalagay sa tabi ng baul ang alay na pagkain tulad ng saging, kamote, mais at niyog. Pagkatapos ay may
ritwal na isinasagawa sa kanilang wika. Pagkalipas ng tatlong araw o depende sa tribo ay lulutuin nila at kakainin ng
buong pamilya. Sinasabi ng Tribal leader na si Hadji Nasser Usman na ang pag-mbo ay gamot sa sakit na di kayang
gamutin ng mga doktor. Bukod rito ang sagsag o bulong ay isang paraan ng panggagamot na ang sanhi ng
pagkakasakit ayon sa kanilang paniniwala ay bunga ng mga maligno o mga imortal na nilalang.

KAUGALIAN AT PANINIWALA SA PAGBUBUNTIS.

Ang pagbubuntis ayon sa mga Sama ay itinuturing na nilang kalahating paa ay nasa hukay na dapat laging mag-
ingat. Ayon kay Gng. Albasha Sabbulani, 21 taong gulang, may mga paniniwala sila sa pagbubuntis. Ayon sa kaniya,
bawal umupo sa pintuan sapagkat paniniwala nila na matagal lumabas ang sanggol na isisilang, bawal gumawa ng
may kaugnayan sa pagtali tulad ng paggamit lubid, paglagay ng tali sa buhok paglagay ng bagay sa leeg tulad ng
paggamit ng kuwintas o tuwalya dahil nakapuluput daw sa leeg ng sanggol ang pusod na maaaring ikapahamak ng
sanggol sa loob ng sinapupunan ng isang ina, bawal magwalis lalo na sa gabi, at bawal din maligo sa dagat dahil
mapapasukan ng tubig ang sinapupunan ng isang buntis. Kailangan kapag buntis ay magsuot lagi ng damit na kulay
itim sapagkat ito'y proteksyon laban sa mga maligno o masasamang nilalang na di nakikita sa kanilang masamang
intensyon. Bawal kumain ng pusit sapagkat kung manganganak ay mahihirapan gawa ng malapot na itim ng pusit.
Bawal dumalo sa patay sapagkat mahihirapan siyang manganak.

KAUGALIAN AT PANINIWALA SA PANGANGANAK.

Ang mga katutubong Sama ay nanganganak sa bahay lamang. Panday ang tawag sa nagpapaanak. Ayon kay Gng.
Hulbaya Saikula, 79 taong gulang, isang panday sa Maasin Lungsod Zamboanga, may mga paniniwala siyang
sinusunod bilang panday. Una, kapag ang pagbubuntis ng isang ina ay 6-7 buwan na, kailangan itong hilutin upang
tumuwid ang posisyon ng bata sa loob ng sinapupunan at maging normal ang panganganak. Pagkatapos ng
panganganak, ang tamuni (placenta) ay pinaliliguan at dinadasalan at pagkatapos ay inilalagay sa peyah (coconut
shell) at ito ay ililibing. Ang isang bagong panganak ay pinapainom ng iba't ibang uring halamang dahon na mapait
sa paniniwalang malayo ang agwat ng pagbubuntis. Pagkatapos ng apatnapong araw ng panganganak ay muli
siyang hilutin at may ritwal sa paniniwalang manumbalik ang kanyang normal na pangangatawan. Hindi siya dapat
na magbuhat ng mabibigat na bagay sapagkat baka mabinat. Sakaling mabinat may paniniwala ang mga Sama na
ang atip na gawa sa nipa ay kukuha ng maliit na bahagi ng nipa sa apat na sulok ng atip at isasabay susunugin.
Kailangan malanghap ng nabinat na buntis ang usok upang manumbalik ang lakas at gumaling. Sa kasalukuyan, ang
mga Sama ay bukás na sa mga pagbabagong nagagawa ng siyensya kung kaya niyayakap na rin nila ito.
JA AT PANYAM: KAUGALIAN SA PAGGAWA NG KATUTUBONG KAKANIN.

Ayon sa mga matatanda, ang isang nagluluto ay dapat nasa kondisyon ang isipan, may pagmamahal sa ginagawa at
buong atensyon sa kanyang niluluto upang maging malinamnam at malasa ang maging produkto nito.

Bukod sa mga katutubong kakanin, magaling din sa pagluto ng iba't ibang miryenda ang mga Sama. Isa sa mga
miryenda na kanilang niluluto ay ang Bangbang Batungan. Ayon sa impormante, ito ay isang biskuwit na gawa mula
sa harina, gatas, itlog, yeast, vanilla. mantikilya, dinikdik na mani at asukal. Ang mga sangkap ay pinaghahalo-halo
at hinuhulma ayon sa disenyo nito na ginagamitan ng sipit, isang kapirasong metal na ginamit sa paghuhulma at
pagdidisenyo ng biskuwit at pagkatapos ay ilalagay na ito sa loob ng oven o isang kasangkapan na pinaglulutuan.

4.6. ILANG BAGAY TUNGKOL SA DAPITAN (ni: Teresita Merencillo-Acas mula sa aklat na Wika at Kultura sa
Mapayapang Lipunan)

Ang Lungsod ng Dapitan ay may lawak na 434 na hektarya at may 1.347 mamamayan sa kasalukuyan. Ang Polo ay
maituturing na isa sa mga maliliit na nayong sakop ng lungsod na ito. Pawang mga Kristiyano ang karamihan sa
mga mamamayan nito na naggaling sa iba't ibang lugar sa Pilipinas, subalit, karamihan ay mula pa sa Negros, Cebu,
Bohol, at Samar. Datapwat, nabubuhay ang karamihan sa mga mamamayang ito sa pamamagitan ng pangingisda,
subalit may mga iba rin namang naglilingkod sa pamahalaan, pagsasaka, may namamasukan naman din sa ilang
mga pribadong tao bilang drayber, at iba pang uri ng hanapbuhay na bagamat mahirap ngunit marangal naman. Sa
madaling salita, ang estado ng kanilang buhay ay masasabing nasa kalagitnaang uri at mapayapa silang nabubuhay,
maligaya at nagkakaunawaan sa isa't isa.

Ayon sa kasaysayan, ang nayong ito ay pinangalanang Polo sapagkat kung wala pa ang tatlong tulay na nag-uugnay
nito sa ibang kalapit na lugar ay talagang isang maliit na pulo o isla ito dahil napalilibutan ito ng tubig na dagat at
ilog. Samakatuwid, Pulo dapat ang baybay nito at hindi Polo. Subalit, nang dahil sa nakaugalian na ng mga tao ang
ganitong pagbaybay. ito ay pinanatili na lamang, bagamat sa pagbigkas nito ng mga tao, maririnig na /u/ at hindi
/o/ ang kanilang ginagamit.

Si Dr. Jose Rizal ay di-tumira sa puso ng lungsod, na dati ito'y isang bayan pa, kundi, sa isang maliit at tahimik na
pook na kaniyang pinangalanang, Talisay dahil ito'y nakitaan ng napakaraming puno ng talisay na hanggang sa
kasalukuyan ay naroroon pa rin. Ang Talisay ay sinasabing, nahihiwalay nang bahagya sa bayan dahil sa isang maliit
subalit malalim na ilog kung kaya'y ang mga mamamayan ay nangangailangan pa ng bangka bago marating ang
lugar na kung saan nakatira ang bayani. Subalit, sa ngayon ay ipinagdudugtong ang dalawang ito ng isang
kongkretong tulay at ang Talisay sa kasalukuyan ay kilala o bantog na sa pangalang Rizal Park. Cebuano ang tawag
sa wikang kanilang ginagamit.

You might also like