You are on page 1of 35

Prepared by: Aizel Nova Aranez

▪Alam mo ba?
Sa aralin na ito, matutukoy at mailalarawan ang mga
katangian ng mga pangkat ng tao sa mga lalawigan ng ating
rehiyon.
Sa iba’t ibang panig ng ating bansa naninirahan ang
mga pangkat ng tao. Nakikilala ang bawat pangkat sa
kanilang mga pagkakakilanlan. Ang grupo o pangkat ng mga
taong sama – samang naninirahan sa isang lugar na may
sariling wika, kultura, tradisyon, at paraan ng pamumuhay ay
tinatawag na pangkat – etniko.
Mayroon silang mga katangian na kakaiba sa ibang
pangkat, sila at ang kanilang natatanging
pagkakakilanlan ay itinuring na mahalagang bahagi
sa kabuuan ng kultrurang Filipino.
Maraming dalubhasa ang nag-aaral tungkol sa
mga unang taong nakarating at nanirahan sa kapuluan.
Ang bawat is ay may kani-kanyang nabuong
paniniwala batay sa natuklasan nila sap ag-aaral.
Ayon sa pananaliksik na ginawa ng iba, may mga
tao na sa kapuluan bago pa marating ang mga negrito
sa pilipinas
Negrito
• Ang mga Negrito ay maliliit na mga tao. Kulang ang
taas nila sa limang talampakan. Tinagurian silang
"negritos" dahil sa kanilang maiitim na balat, maikli at
kulot na kulot na mga buhok, makapal na mga labi at
pangong ilong. Halos wala silang damit. Wala silang
pamahalaan, walang kasulatan, at walang permanenteng
tahanan. Naglilibot sila sa kagubatan at nabubuhay sa
pamamagitan ng pangangaso gamit ang pana,
pangingisda, at pagkuha ng mga ligaw na mga halaman
at mga prutas.
• Sa “migration theory”, ang unang dumating
na mga tao sa Pilipinas ay ang mga Negrito.
Tinatawag din silang Atis o Actas. Naglakbay
sila sa mga lupaing tulay mula sa kalupaang
Asya nang may 25,000 taon na ang nakalilipas.
Noong panahog iyon, ang ating bansa ay
nakakabit sa Asya sa pamamagitan ng mga
tulay na lupain na sa kalaunan ay lumubog sa
ilalim ng karagatan.
• Tinaguruan silang mga “nomad” o
mga taong walang pirmihang tirahan at
palipat-lipat sa iba’t ibang pook upang
humanap ng ikabubuhay.
Indonesian
• Sa “migration theory”, ang mga Indonesian ay
ang mga unang dayuhang dumating sa Pilipinas
sa pamamagitan ng dagat. Dumating sila ng may
mga 5,000 taon na ang nakalipas. Sila’y naglayag
sa mga bangka mula sa Timog Asya. Napaalis ang
mga Negrito tungo sa mga bundok at ang mga
Indonesian ang nanirahan sa kapatagan.
• Unang pangkat - Nagmula ang mga unang Indones sa
Timog-silangang Asya. Maputi ang kanilang balat,
balingkinitan ang katawan, makitid ang hugis ng mukha
may malapad na noo, may kalaliman ang mata ngunit
matangos ang mga ilong. Mas makabago ang kanilang
kalinangan kung ihahambing sa mga Negrito. Nagtayo sila
ng mga bahay na may-hukay sa lupa o nasa tuktok ng mga
puno. Marunong silang pumana, mangisda, magkaingin at
niluluto nila ang kanilang mga pagkain. Pinaniniwalaang
ninuno sila ng mga Ilongo ng Sierra Madre at ng Caraballo.
• Pangalawang pangkat - Kaiba ang pangalawang
pangkat ng mga Indones sapagkat maitim ang kanilang
balat, malapad ang mukha, makapal ang labi, malaki ang
panga, malaki ang ilong, bilugan ang mga mata at malaki
ang mga katawan. Nagmula sila sa tangway ng Indo-Tsina
at Gitnang Asya, at tumira sa mga baybay ng Luzon. Mas
maunlad ang kanilang pamumuhay kaysa naunang
pangkat. Pinaniniwalaang sila ang gumawa ng Hagdan-
hagdang Palayan ng Banawe.
• Higit na maunlad ang mga Indonesians kaysa sa
mga Negrito. Mayroon silang mga permanenteng
tahanan. Gumagamit sila ng apoy sa pagluluto ng
kanilang mga pagkain. Nabubuhay sila sa
pamamagitan ng pangangaso, pangingisda, at maliit
na sakahan. Pinipinturahan nila ang kanilang
katawan ng mga makukulay na larawan.
• Ngayon, ang minoryong tribong Indonesian
ay matatagpuan sa liblib na bahagi n gating bansa.
Ang mga ito ay ang mga Apayao, mga Gaddang,
mga Ibang, at mga Kalinga ng Hilagang Luzon;
mga Tagbanuas ng Palawan; at Bagobo, mga
Manobo, mga Mandaya, mga Bukidnon, mga
Tiruray, at mga Subanon ng Mindanao.
Malay
• Sa “migration theory”, ang mga Malay ay
dumating pagkatapos ng mga Indonesian, mga 2,000
taon na ang nakalipas. Dumating din sila sa
pamamagitan ng mga bangka mula sa Timog
Silangang Asya. Katamtaman ang kanilang taas,
kayumanggi ang balat, maitim ang mata, pango ang
ilong at may tuwid at maitim na buhok. Napaalis nila
ang mga Indonesian tungo sa kagubatan at nanirahan
sila sa kapatagan.
• Ang mga Malay ay higit na maunlad kaysa sa
mga Indonesian. Nanirahan sila sa higit na
malaking mga pamayanan. May pamahalaan sila,
kasulatan, musika, mga sining at mga agham.
Nabubuhay sila sa pamamagitan ng agrikultura,
pangingisda, pagmimina, at pangangalakal.
• May mga alamat na naglalarawan sa pagdating
ng mga Malay. Ang salaysay na ito sa Panay ay
tinaguriang “Maragtas.” Isinasalaysay dito kung
paano ang unang sampung datung Malay na umalis
sa Borneo ay dumating sa Panay. Binili nila ang mga
lupain ng mga Negrito at nanirahan sa ibang mga
pulo. Si Datu Puti ang namumuno sa mga datung
Malay at si Marikudo naman ang namuno sa mga Atis.
Ang alamat na ito ay ipinagdiriwang sa tanyag na
pista at sayaw na “Ati-Atihan.”
• Ang mga Pilipino ngayon ay galing sa
Malay o lahing kayumanggi. Kaya,
mayroong mga Malay na Muslim sa
Mindanao, Jolo, at Palawan. Mayroon ding
mga Kristiyanong Malay sa buong bansa.
Mayroon ding mga tribung Malay gaya ng
mga Igorot, mga Ifugao, mga Bontok, at
mga Tinggian sa Luzon.
▪ Ang pangkat etniko ay grupo ng mga tao na may mga
pagkakatulad o pagkakahawig sa kultura, lengguwahe, tradisyon,
at paniniwala. Ang perlas ng silangan, hindi lang mayaman sa likas
na yaman kundi mayabong din ang kultura, at malaking bahagi
nito ang pangkat etniko sa Pilipinas.

▪ALAM MO BA?
May dalawang uri ng pangkat etniko sa
Pilipinas io ay ang PANGKAT-ETNIKONG
MAYORA at ang isa ay PANGKAT – ETNIKONG
MINORYA KULTURA.
ANG MGA TAGA-LUZON
• Karamihan sa mga naninirahan sa
mga rehiyong matatagpuan sa gitna
hanggang silangang bahagi sa isla ng
Luzon ay mga taong nabibilang sa isang
malaking pangkat na tinatawag na
Tagalog.
• Ang tagalog ay nagmula sa salitang
“taga-ilog” na ang ibig sabihin ay
nakatira sa baybaying ilog.

TAGALOG
• Ang mga Tagalog ang isa sa pinakamalaking
pangkat – etniko sa bansa dahil sa lawak ng
distribuson nila sa buong bansa.
• Karamihan ay nakatira sa NCR, Gitnang Luzon,
CALABARZON, MIMAROPA
• TAGALOG – wika, pinakamaraming
gumagamit kaya naging basehan ng
Pambansang wika
• Ang mga Tagalog ay biniyayaan ng mayamang
lupa at dagat kaya naman ang pangunahing
hanapbuhay nila ay pagsasaka at pangingisda.
• Lubos nilang pinahahalagahan at binibigyang-
pansin ang edukasyon, pamahalaan, at
pagbubuklod-buklod pamilya. Mahilig din ang mga
Tagalog sa mga pagtitipon o pagdiriwang gaya ng
mga kasal, binyag, kaarawan, at pista
• Ang mga Ilokano naman
ay naninirahan sa malaking
bahagi ng Luzon kabilang
na ang Rehiyon ng Ilocos at
ilang bahagi ng Rehiyon ng
Cagayan.

ILOKANO
• Kilala ang mga Ilokano sa
pagiging masinop, masipag, at
madiskarte dahil ang mga likas na
yaman sa kanilang lugar ay
minsa’y hindi sapat sa kanilang
pangangailangan. Ang pangkat
etniko sa Pilipinas na ito ay may
matibay na pagkakaisa at sinisikap
mapanatili ang katutubong
ILOKANO kultura.
• Naninirahan ang mga Kapampangan sa
Pampanga at ilang bahagi ng Gitnang Luzon.
• Kilala sila bilang mahusay sa pagluluto kaya
naman tinagurian ang kanilang probinsiya
bilang “Culinary Capital of the Philippines.”
Lubos pinahahalagahan ng mga Kapampangan
ang pagiging malapit nila sa isa’t isa
• Kilala na masarap magluto
• KAPAMPANGAN – wika , ikapito sa
pinakagamitin

KAPAMPANGAN
• Ang mga Bikolano naman ay
matatagpuan sa Rehiyon ng Bicol.

• Kilala ang mga Bikolano bilang


relihiyoso at mahinahon. Maging sa
kanilang paraan ng pagluluto, lalo
na sa paggamit ng gata at
maraming sili, ay sikat din sila.

BIKOLANO
• Kilala sa pagkahilig sa
pagkaing may gata at
maanghang

• BICOLANO – wika, panlima


sa pinakagamiting wika

BIKOLANO
• Pangasinense Matatagpuan ang
'PANGASINENSE' pangkat Etniko
ay sa may Hilagang Kanluran
malapit sa dagat ng Luzon.

• Kagaya ng mga Kapampangan,


isa sila sa malalaking pangkat-
etniko na may higit na tiwala sa
sarili, palaayos, masarap magluto,
mahilig sa handaan.
PANGASINENSE
• Kilala sila sa pagiging mahinahon at
malumanay
• Kung ang usapan lang naman ay mga
malalambing na tao, ang pangkat ng Ilonggo
ang nangunguna riyan. Sila ay naninirahan sa
Iloilo, Panay, Guimaras, at Negros. Kilala sila sa
malambing na pagsasalita, pagkamahinahon,
at magiliw na pagtanggap sa bisita.
• ILONGGO o HILIGAYNON – wika, pang-
apat sa pinakagamitin
• Tinatawag ding Sugbuanon o
Sugbuhanon
• Ang mga Cebuano ay naninirahan sa
Cebu at maraming lalawigan sa Mindanao.
• Kilala sila sa kanilang pagkamalikhain,
mahinahon, at malumanay. Tanyag sa kanila
ang mga sikat na pista sa Cebu gaya ng
Sinulog, at ang kanilang lechon.
• CEBUANO o BISAYA – wika, pangalawa
sa pinakagamitin, karaniwang ginagamit sa
Visayas at Mindanao
• Matatagpuan ang mga Waray
sa Samar at Leyte. Kilala ang
mga pangkat etniko sa
Pilipinas na ito bilang
matatapang at walang
inuurungan, pero mapagmahal
sa kanilang mga pamilya.

WARAY

You might also like