You are on page 1of 4

RICH GOLDEN SHOWER MONTESSORI CENTER

Primary Grade School Department


SY 2020-2021

MODYUL SA
ARALING
PANLIPUNAN 3
WEEK 26 (APRIL 12 - 16, 2021)

Pangalan: ___________________________________________

Pangkat at Baitang: ___________________________________

Inihanda ni:

Bb. AIZEL NOVA F. ARANEZ


Guro sa Araling Panlipunan 03

Iniwasto ni:

GNG. MARY GRACE A. DACUMOS


PS/PGS Punong-guro

Pinagtibay ni:

GNG. MARGARET T. BUENO,MAEd


Pangulo at Tagapamahala ng Paaralan

1
RICH GOLDEN SHOWER MONTESSORI CENTER
Primary Grade School Department
SY: 2020-2021
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 3
Week 25: April 05 - 09, 2021
I. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)
 Official Hymn” at iba pang sining na nagpapakilala sa sariling lalawigan
II. Paksa:
 “Offical Hymn ng Rizal
III. Talakayan
Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang mga sagisag at simbolo ng Pilipinas at ng
mga lalawigan sa iyong kinabibilangang rehiyon. Naipakilala muli sa inyo ang katangian ng
iyong lalawigan at iba pang nasa CALABARZON sa pamamagitan ng mga sagisag at
simbolo nito. Mula sa sagisag at simbolo, maipapakilala s aiyo ang kahulugan ng “official
hymn” at iba pang sining na nagpapakilalas ng sariling lalawigan at rehiyon.

Ano ba ang HIMNO?


- Ang himno ay isang awitin tungkol sa katangian o pagkakakilanlan ng isang bayan o
lalawigan.
- Ang himno o dalit ay isang awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o pasasalamat,
karaniwang para sa Diyos, sapagkat nagpapakita, nagpaparating o nagpapadama ng
pagdakila at pagsamba
- Karaniwang maririnig ang himno ng isang bayan o lalawigan sa tuwing may mga opisyal
na okasyon, pagdiriwang na pambayan o natatanging pagtitipon.

Pakinggan o basahin natin ang”Himno ng Rizal at alamin natin ang mensahe nito.
Youtube: (159) Province of Rizal, Philippines Hymn "Mabuhay Rizal" by Serving de Leon - YouTube
Rizal Mabuhay
Official Hymn of Rizal Province

I
Rizal, Rizal Mabuhay
Pangunahin kang lalawigan
Sa kultura't kabuhayan
Pinagpala ng Maykapal
Buhay nami'y nakalaan
Maglingkod sa Inang Bayan

II
Lalawigan kang tanging-tangi
Mahal namin magpakaylan man

III
Ang mga Rizaleño'y masisikap
Puso't diwa sa Diyos, bayan at sa kapwa
Mapalad kami na taga-Rizal
Sa pamumuno ng mga taong may dangal

Repeat I
Repeat II (2x)

2
Ang Himno ng Rizal ay awiting nabibilang sa iyong rehiyon. Inilalarawa ng himno ang
pagmamahal ng Rizaleño sa kanilang lalawigan.ipinakita din sa kanta kung paano pinagpala
ang rizal sa kultura at pangkabuhayan. Sa himno na ito inilahad ang pagmamahal ng
mamamayan sa pamamagitan ng pagtatanggol nito sa anumang pagsubok na dumating.
Maliban sa himno, naipapakilala rin ang iba pang katangian ng isang lalawigan sa
pamamagitan ng mga sining.

Tandaan!
Ang mga katangian ng isang lalawigan, bayan o lungsod ay ipinakikilala sa maraming
paraan. Ang pagkakaroon ng mga sagisag at simbolo ay isang malikhaing pamamaraan
upang maipakita ang katangian ng isang lugar. Bilang isang mamamayan, marapat na
ipakita ang itong pagsuporta sa mga likhang sining at pagmamahal sa sariling, bayan o
lungsod.

3
IV. Mga Gawain (Ibalik ang pahinang ito para sa pagwawasto ng iyong guro.)

Gawain 1. Panuto: Gumuhit ng 😀 kung ang pangugusap ay nagsasaad ng tama at ☹️


naman kung ang pangugusap ay nagsasaag ng mali.

__________1. Ang bawat lungsod ay may kasaysayan na nakikita sa awitin.

__________2. Nasa awit din ang paglalahad ng kanilang mithiin at dangal

__________3. Hindi mahalaga sa isang lungsod ang opisyal na awit sapagkat hindi ito
batayan ng kanyang pagkakakilanlan.

__________4. Ang awit ay nagpapamalas ng pagmamahal sa sariling lungsod.

__________5. Walang malalim na kahulugan at kahalagahan ang isang opisyal na awit.

V. Pagtataya

Panuto: Gumuhit ng isang sining na pinagmamalaki ng Antipolo.

You might also like