Professional Documents
Culture Documents
GOOD
MORNING Lindol
P R E PA R E D B Y: M S . A I Z E L
N O V A F. A R A N E Z
Bago ang lindol
• Alamin kung may mga bitak o mahihinang parte sa
inyong bahay. Ayusin ang alinmang dati nang pinsala sa
inyong bahay. Ikabit nang mabuti sa pader o sa sahig ang
mga kasangkapan madaling mabuwal o bumagsak. Alisin
ang alinmang bagay na hindi maaring maikabit nang
Mabuti.
• Makilahok sa isang pagsasanay para
makapaghanda kasama ang iyong pamilya. Mag
– ensayo tungkol sa lahat ng bagay na kailangan
ninyong gawin kung lilindol. Dapat na alam ng
buong pamilya ang kanilang gagawin sakaling
lumindol.
• Gawin at ensayuhin ang taktikang STOP-DROP-COVER.
Sakaling lumindol, gawin ang sumusunod: Itigi(STOP)ang
inyong ginagawa. Dumapa(DROP) sa ilalim ng isang
matubay na mesa, malayo sa mga bintana o nakabiting
kasangkapan. Takpan(COVER) ang inyong ulo ng libro,
unan o gamitin ang inyong mga braso. Ensayuhin ang
taktikang STOP-DROP-COVER sa lahat ng sulok ng
inyong tahanan.
• Sa paaralan, makilahok sa paghahanda sa lindol. Sundin
ang lahat ng utos ng inyong mga guro.
Pagkatapos ng Lindol
• Tumayo nang mahinahon at magmasid sa inyong
paligid. Humanap ng ligtas na daanan palabas ng
bahay o gusali. Hintayin ang inyong mga magulang o
mga nakatatandang na gagabay sa inyong paglabas.
• Kung ikaw ay nasa paaralan, hintayin ang utos ng
guro bago lumabas.
• Maglakad ng mabilis ngunit mahinahon.
Hiwag tumakbo.