You are on page 1of 7

LIGTAS ANG

BATANG HANDA
LINDOL
( Likas na Kalamidad )
Ang lindol ay sanhi ng biglaang paggalaw ng lupa,
maraming pinsala ang maaaring idulot nito.
Mga Dapat Alamin Sa Paghahanda sa Lindol
Bago ang Lindol:
Sa Bahay
• Maging pamilyar sa mga laman ng inyong bahay sa
sala, sa kusina at sa mga kwarto upang malaman
kung nasaan ang mga bagay na delikadong
bumagsak gaya ng mga mabibigat at babasaging
bagay na nakasabit at iba pa na maaaring
magdulot ng pinsala sa iyo.
Mga Dapat Alamin Sa Paghahanda sa Lindol
Bago ang Lindol:
Sa Paaralan
• Alamin ang mga alituntunin na inihanda ng
inyong paaralan kapag lumindol at maging
aktibo sa pagsali sa mga pagsasanay.
• Maging mapanuri sa paligid, gaya ng paghanap
ng mga lugar na ligtas at pag – iwas sa mga
delikadong bagay na maaaring bumagsak sa
iyo.
Mga Dapat Alamin Sa Paghahanda sa Lindol
Habang may Lindol:
• Una sa lahat, maging kalmado. Huwag
magpanic.
• Kapag nasa loob ng bahay, huwag munang
lumabas. Pumunta sa ilalim ng matibay na
lamesa at kumapit.
• Lumayo mula sa mga kabinet, mga nakasabit o
nakabitin na gamit na maaaring malaglag o
bumagsak at sa bintana upang hindi masaktan
sakaling mabasag ang salamin nito.
• Maging alerto. Kapag naramdaman ang
pagbagsak ng mga bagay sa paligid, protektahan
ang ulo gamit ang kamay.
• Manatili sila sa loob ng bahay hanggang sa
matapos ang pagyanig.
• Kapag nasa labas ng bahay, lumayo sa matataas
na gusali, poste o puno.
• Kapag malapit sa dagat, pumunta sa masmataas
na lugar.
• Kung nasa loob ng sasakyan, sabihin sa
nagmamaneho na itabi at ihinto ang sasakyan.
Lumabas ng sasakyan at humanap ng ligtas na
lugar.
TANDAAN:

You might also like