You are on page 1of 4

SUNOG!

Kung ang iyong damit ay may apoy, dapat ika’y:

Tumigil, dumapa at gumulong – hanggang sa mamatay ang


apoy. Bakit? Dahil ang pagtakbo ay magpapalala lamang ng
apoy.

Upang makatakas sa sunog, dapat mong:

Suriin ang sarado na pintokung maiinit bago mo buksan ito. Kung


kayo ay tatakas sa pamamagitan ng isang saradong pinto, gaitin ang likod
ng iyong kamay at pakiramdaman ang tuktok ng pinto, ang busol, at ang
butas sa pamamagitan ng pinto at frame ng pintuan bago mo ito buksan.
Huwag gamitin ang palad ng iyong mga kamay o daliri sa
pagpapakiramdam para sa init – ang pagsunog sa nasabing part eng
katawan ay maaring makasira sa iyong kakayahahn sa pagtakas sa sunog.
(hal. Pag-akyat sa lader at paggapang.)

Kung Mainit ang Pinto

Huwag buksan. Tumakas sa pamamagitan ng bintana. Kung hindi mo


maaaring takasan, mag sabit ng puti or maliwanag na kulay na kumot sa
labas ng bintana, para maalerto ang autoridad.

Kung Malamig ang Pinto

Buksan ng dahan-dahan at siguraduhin na ang sunog at/o usok ay


hindi nakaharang sa iyong ruta palabas. Kung ang iyong ruta ay
hinarangan, isara ang pinto at kaagad na gumamit ng alternatibong ruta,
katulad ng bintana. Kung malinaw ang daan, umalis agad sa pamamagitan
ng mga pinto at isara ito sa likod mo. Maging handa sa paggapang kung
ang usok at init ay tumaas. Ang hangin ay mas malinaw at malamig sa may
sahig.

Safety Tips!

Gumapang sa ilalim ng anumang usok papunta sa iyong exit – mabigat


at lason na usok ay bumubuo muna sa kisame.

Isara ang mga pintuan sa likod mo habang ikaw ay tumatakas paa sa


pagka-antala ng pagkalat ng apoy.
Manatiling nasa labas kapag ikaw ay ligtas na. Huwag na pumasok
muli sa nasusunog na gusali. Tumawag kaagad sa autoridad.

Bagyo Health Tips


Kapag panahon ng tag-ulan o tag-bagyo madalas nagkakakaroon ng
outbreak tulad ng schistosomiasis at leptospirosis na nakukuha sa tubig
baha.
Ang Schistosomiasis ay isang uri ng sakit na nakukuha sa mga stagnant
na tubig kagaya ng maduming tubig-baha.
Ang Leptospirosis naman ay isa ring bacterial disease na maaaring
makaapekto sa tao o hayop sanhi ng spirochetes-Leptospira na
karaniwang nakukuha sa ihi ng hayop partikular sa mga daga na
nakakontamina sa tubig.
Bukod sa dalawang sakit, nagiging laganap din ang diarrhea, typhoid
fever, hepatitis A, cholera at ang teribleng dengue.

Para makaiwas sa naturang mga sakit, narito ang ilang tips:

 Iwasan ang paglusong sa tubig-baha para maiwasan din ang pa-


nganib na maaaring dulot nito sa inyong kalusugan.
 Sakali mang hindi maiwasan ang paglublob sa tubig-baha, gumamit
ng protective gear gaya ng bota.
 Iwasan ang paglapit sa mga hayop na maaaring kontaminado ng
leptospirosis.
 Iwasang maliligo sa kontaminadong tubig dahil posibleng
magresulta rin ito sa sakit sa balat tulad ng ringworm, scabies at iba
pa.
 Mainam din aniya na pagkatapos malublob sa tubig ang paa,
hugasan ito ng malinis na tubig at sabunin ng maayos lalo na kung
may sugat sa bahagi ng katawan na nadampian ng tubig-baha.
 Panatihilin ding malinis ang loob at labas ng kabahayan para hindi
pamahayan ng lamok na maaaring sanhi ng sakit na dengue at
malaria.
 Kung binaha ang inyong lugar, iwasan munang uminom ng tubig sa
inyong gripo. Mas mainam kung pakuluan muna ang tubig na galing
sa gripo para maiwasan ang sakit na diarrhea at cholera.
 Kung may mga senyales na ng nasabing sakit tulad ng mataas na
lagnat, panghihina, abdominal pain at pagsusuka, agad makipag-
ugnayan sa mga health officials o magpakonsulta nang maiwasan
ang anumang aberya.

Bago Bumisita ang LINDOL


 Alamin kung ang inyong lugar ay nasa dinadaanan o malapit sa
kinaroroonan ng isang “active fault” o kung ito ay lugar na may
malambot na lupa na maaring mag-“liquefy” kung magkaroon
ng lindol.
 Siguruhin ang matibay na pagkakagawa sa mga bahay o gusali
at ang pagkakagawa ay dapat na umaayon sa tama at
iminumungkahing “safe engineering practice” ng mga
dalubhasa.
 Alamin kung ang kinaroroonan ng gusali at iba pang
mahahalagang imprastraktura ay matitibay, pagtibayin pa kung
kinakailangan.
 Ihanda ang bawat tahanan at lugar na pinagtatrabahuan laban
sa lindol.
 Itali ang mga mabibigat na kagamitan o kasangkapan sa
dingding upang maiwasan ang pagkahulog.
 Ang mga babasagin, mga nakakalasong kemikal at mga bagay
na madaling
magliyab ay dapat na nakalagay o nakatago sa pinakailalim na
bahagi ng
mga istante at dapat na ito’y hindi madaling magalaw o
matapon.
 Ugaliin ang pagsasara ng mga tangke ng gas pagkatapos
gamitin.
 Sanayin ang sarili sa iba’t ibang lugar sa inyong tahanan at
opisina.
 Alamin ang mga matitibay na bahagi ng inyong gusali katulad
ng hamba ng
pintuan, mga lugar na malapit sa “elevator shafts,” matitibay na

lamesa kung saan maaaring manatili habang lumilindol.


 Matutong gumamit ng pamatay sunog (fire extinguisher), mga
gamit sa
pangunang lunas (first aid kit), alarmang pang ligtas (alarms) at

labasang pang emergency (emergency exit).


 Ang lahat ng ito ay dapat na nasa mga lugar na madaling
puntahan at malapitan at may palatandaan o markang
madaling makita.
 Karaniwang sanhi ng pagkapinsala kapag may lindol ay dahil sa
mga naglalaglagang bagay.
 Tiyakin ang matibay na pagkatali ng mga nakabiting bagay na
maaaring makalag at bumagsak kapag nagkaroon ng lindol.
 Maghanda at pamalagiin ang isang “earthquake survival kit” na
naglalaman ng de bateryang transistor, flashlight, first aid kit,
tubig na maiinom, kendi mga de lata at iba pang “ready-to-eat”
na pagkain, pito at gas mask.

You might also like