You are on page 1of 3

Laging tandaan, kapag may lindol, may pandemya man o wala, ang iyong agarang kaligtasasan ang

pinakamahalaga. Ang paglikas pagkatapos ng isang malakas na lindol ay higit na prayoridad kaysa sa stay-at-
home orders. Alamin ang mga dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng lindol habang isinasaalang-alang
ang COVID-19 mitigation measures.

Kung ikaw ay nasa loob o labas ng bahay o gusaling pinagtatrabahuhan, narito pa ang ilang mga dapat
tandaan bago, habang at pagkatapos ng lindol:

Bago
 Alamin ang mga panganib na dulot ng lindol sa iyong tahanan, pamayanan at gusaling pinagtatrabahuhan
 Siguradin ang matibay na pagpapagawa ng iyong tahanan o gusali alinsunod sa “safe engineering practices”
 Siguraduhing matibay ang pagkakakabit ng mga ilaw o anumang nakasabit sa inyong kisame at dingding
 Ilagay sa ibaba ng mga istante ang mga babasagin.
 Alamin kung saan matatagpuan ang mga fire extinguisher, go bag, first aid kits at exit routes.
 Regular na makilahok sa mga earthquake drills.
Habang
 I-check ang sarili o mga kasama kung may natamong sugat
 Makinig sa mga anunsyo at babala ng awtoridad

Pagkatapos
 Matapos ang pagyanig, agad na mag lisanin ang gusali, piliin ang pinakamabilis at pinakaligtas na daan
palabas.
 Huwag pumasok o lumapit sa mga gusaling may sira, sa mga puno, poste o anupamang maaaring matumba
o gumuho
 Huwag lumapit sa mga napinsalang kawad ng kuryente o linya ng tubig
 Huwag gumamit ng elevator
 Huwag magpanic

Kung ikaw naman ay nasa labas, narito pa ang ilang dapat tandaan bago, habang at pagkatapos ng lindol:

Bago
 Alamin ang mga panganib na dulot ng lindol sa iyong pamayanan.
 Siguradin ang matibay na pagpapagawa ng iyong tahanan o gusali alinsunod sa “safe engineering practices”
 Alamin kung saan matatagpuan ang mga fire extinguisher, go bag, first aid kits at exit routes.
 Regular na makilahok sa mga earthquake drills.

Habang
 Lumayo sa poste ng kuryente, pader at iba pang istructura na maaaring bumagsak.
 Kung nagmamaneho, huminto at umiwas sa tulay, overpass o flyover dahil maaaring ito ay napinsala ng
lindol.
 Kung nasa bulubundukin, umiwas sa mga gilid ng dalisdis o slopes, dahil maaari itong gumuho.
 Kung nasa tabing dagat, mabilis na lumikas patungo sa matataas na lugar.

Pagkatapos
 I-check ang sarili o mga kasama kung may natamong sugat
 Makinig sa mga anunsyo at babala ng awtoridad.
 Huwag pumasok o lumapit sa mga gusaling may sira, puno, poste o anu pa mang maaaring gumuho
 Huwag lumapit sa mga napinsalang kawad ng kuryente o linya ng tubig
 Huwag magpanic

You might also like