Professional Documents
Culture Documents
Ang tsunami ay kilala bilang seismic sea wave at ito ang serye ng mga malalaking alon
na nilikha ng pangyayari sa ilalim ng tubig tulad ng lindol, pagguho ng lupa, pagsabog ng
bulkan, o maliit na bulalakaw.
Bumabiyahe ito sa lahat ng direksyon at kapag ito’y umabot ng dalampasigan, umaakyat
ito sa pampang at kung minsan sa mga kabahayan na malapit rin dito.
Ang mga sumusunod ay mga dapat na gawin upang makaligtas sa isang tsunami at mailigtas ang
iyong pamilya:
Pumanhik agad sa mas mataas na lugar at bahagi ng lupa, pumili ng 100 talampakan
mahigit ang taas mula sa lebel ng dagat.
Sundin ang mga inilabas na paraan ng paglikas kasama ang mga alagang hayop kung
mayroon.
Kung hindi naman makaakyat, puntahan na lamang ang pinakamalayo at pinakamataas na
makakayanan.
Kung kasalukuyan ng nangyayari ang tsunami, huwag ng subukan pang panoorin pa ito at
lumayo na agad sa dalampasigan.
Palaging papakinggan ang BABALA at palaging sundin ang mga protocol.
Unahing iligtas ang iyong sarili hindi ang iyong ari-arian.
Kung makakatulong sa iyong mga kapitbahay, tumulong na sa mga nangangailangan ng
tulong lalong-lalo na kung ito ay sanggol, matanda at may kapansanan.
Suriin muna ang iyong sarili at ang iyong mga kasama kung mayroon bang nawawala at
kung may mga nasugatan, kung mayroon, agad na itong gamutin at humingi ng first aid
kit.
Kung ligtas na sa inyong lugar, bumalik na kaagad ng tahanan.
Huwag magpakampante na kapg natapos na ang isang serye ng tsunami ay wala na itong
kasunod, palaging maging alerto.
Kung ang inyong lugar naman ay sinabihan na lumikas, ay lumikas na sa pinakaligtas na
sisilungan.
Huwag ng puntahan pa ang lugar na mapanganib o naapektuhan na ng tsunami at baha.
Patuloy lamang na makinig sa inyong lokal na radyo at telebisyon upang maging alerto sa
mga maaari pang mangyari.
Mag-ingat sa mga lugar na babalikan at pupuntahan dahil maaaring may mga gamit at
gusali na nasira ng tsunami.