You are on page 1of 8

ANO ANG GAGAWIN

KAPAG MAY LINDOL

GAWIN ANG "DUCK,


HUWAG MATAKOT
COVER, AND HOLD"

Manatili sa kinalalagyan , kung ikaw ay nasa Pumailalim sa matibay na mesa at humawak


loob ng isang istruktura katulad ng gusali o sa paanan nito. Hintayin matapos ang
bahay. pagyanig. kung walang matibay na mesa na
Kung posibleng lumabas ng gusali o bahay, pagkukublihan, protektahan ang iyong ulo sa
pumunta sa isang malawak na lupain, kung pamamagitan ng iyong mga braso.
hindi ay manatili sa loob.

MAGING ALERTO GAMITIN ANG


CONTINGENCY PLAN

Panatilihing bukas ang iyong mga Ihanda ang first aid kit o emergency pack
mata para sa bumabagsak na mga bago pa man ang anumang lindol.
bagay. Sundin ang napagkasunduang lugar kung
Lumayo sa mga bintana ng salamin, saan magkikita kung sakaling magkahiwalay
istante, cabinets, at iba pang hiwalay.
mabibigat na bagay na maaring Alamin mula sa iyong barangay kung saan
bumagsak. ang pinakamalapit na evacuation center.

PAGKATAPOS NG KUNG IKAW AY


LINDOL NASA KALSADA

Huwag tangkaing tawirin ang mga tulay,


flyovers, o iba pang istruktura na maaaring
Pakiramdaman ang mga aftershocks,
napinsala ng lindol.
huwag gagamit ng elevator, at pumasok
Kung ikaw ay nasa kalsada, itigil ang sasakyan,
sa mga sirang gusali.
lumabas sa kotse, at pumunta sa isang ligtas
kung ikaw ay nasa labas, lumayo sa mga na lugar malayo sa mga bagay na pwedeng
puno, linya ng kuryente, poste, at gusali na bumagsak.
maaaring bumagsak.

SDRRM-ANHS
Go Bag!
READY KA BA IN CASE OF
EMERGENCY?

ANO ANG MGA DAPAT IHANDA AT ILAGAY SA


IYONG GO BAG?

Waterproof bag

Whistle
Flashlight

Food Clothes

Tools
Medicine

Toiletries Documents
First Aid Kit

SDRRM-ANHS
D R
RM
C O
R N
E R
KAHANDAAN SA
BAGYO
Paghahanda sa Paparating na Bagyo

Alamin ang balita ukol sa Alamin ang plano ng Suriin ang bahay at
panahon at mga anunsyong komunidad sa pagbibigay- kumpunihin ang mga
pangkaligtasan. babala at paglikas. mahina o sirang bahagi nito.

Ihanda ang GO BAG na Lumikas kung


naglalaman ng mga kinakailangan.
pangangailangan ng pamilya.

Habang may Bagyo

Manatili sa loob ng bahay o Patayin ang main Gumamit ng flashlight o


evacuation center at makinig sa switch ng kuryente emergency lamp. Maging
pinakabagong balita at taya ng maingat sa paggamit ng
panahon kandila
o gasera.

SDRRM-ANHS
Source: PAGASA
KAHANDAAN SA
BAGYO
Pagkatapos ng Bagyo

Hintayin ang abiso ng Umiwas sa mga natumbang Huwag gumala upang


kinauukulan na ligtas nang puno, nasirang gusali at linya hindi maabala ang
bumalik sa tahanan ng kuryente. emergency services.

Maging maingat sa Siguraduhing walang basa o Itapon ang mga naipong


pagsasaayos ng mga nakababad na outlet o kagamitan tubig sa lata, paso at
nasirang bahagi ng bahay. bago buksan ang gulong upang hindi
linya ng kuryente pamahayan ng
lamok

Huwag magbabad sa baha Tandaan! Ligtas


upang hindi makakuha ng ang may laman.
sakit katulad ng
Leptospirosis.

SDRRM-ANHS
Source: PAGASA
DAGDAG KAALAMAN
BAGYO
Bigyang atensyon ang mga ulat panahon. Alamin ang pinakahuling
posisyon, direksiyon, bilis, at lakas ng bagyo habang kumikilos ito
sa loob o malapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR)

Maliban sa Severe Weather Bulletin, ang PAGASA ay maaari ring


maglabas ng mga karagdagang babala ukol sa panahon tulad ng Gale
Warnings, Heavy Rainfall Warnings at General Flood Advisories.

Depende sa lakas ng bagyo, maaaring magkaroon ng malalaking pag-


alon at magiging mapanganib ang paglalayag sa karagatan.

Kapag may malakas na bagyo, pinag-iingat ang mga nakatira sa mga


dalampasigan dahil sa panganib ng storm surge at coastal flooding.

Kapag may malakas na pag-ulan dulot ng bagyo, ang mga nakatira


malapit sa daluyan ng mga tubig gaya ng ilog, sapa at estero ay
pinag-iingat sa mga biglaang pagbaha.

Ang mga nakatira sa matatarik na lugar at paanan ng mga bundok


ay pinag-iingat sa banta ng pagguho ng lupa o landslide dahil sa
paglambot ng lupa dahil sa tuloytuloy at malakas na pag-ulan

SDRRM-ANHS
Source: PAGASA

You might also like