You are on page 1of 12

Mga Hakbang na Dapat

Isagawa o Paghandaan
Sakali Mang Magkaroon
ng Storm Surge sa
Inyong Lugar
Pangkat 2
Miyembro

Andrew Acbang Glenda Bencalo Jeven Capili Christian Carpio Isabella Catapang
Miyembro

Andrew Acbang Glenda Bencalo Jeven Capili Christian Carpio Isabella Catapang
Bago ang Bagyo:
Bago sumapit ang bagyo sa inyong
lugar dapat tingnan ang mga
kalagayan ng drainage, panatilihing
malinis ito sapagkat ang baradong
drainage ay maaaring mag dulot ng
baha.
Dagdag pa rito, dapat alamin din ang
kondisyon ng inyong bahay. Kung
makikita ninyong hindi na ganun ka
tibay ang mga bubong dapat ito i-
martilyo ng pako upang tumibay at
maka-iwas ng aksidente. At maaaring
i-check din kung nay butas ba ang
bubong para takpan ito.
Maging Maalam:
I-monitor ang mga update sa
panahon mula sa mga
mapagkakatiwalaang istasyon ng
balita.
Sumunod sa mga utos ng
paglikas na ibinigay ng mga lokal
na awtoridad.
Siguraduhing may mga contact
number ng mga awtoridad na
syang makakatulong sa iyo kapag
may storm surge, tulad na
lamang ng NDRRMC.
Paglikas:
Kung ang mga awtoridad ay
nagbibigay ng mga utos sa
paglikas, umalis na kaagad sa
lugar at sumunod sa tinutukoy
na ruta ng paglikas.
Magkaroon ng evacuation plan
sa lugar, kabilang ang pagkilala
sa mga lokasyon ng evacuation
shelters.
Protektahan ang mga
Mahahalagang
Dokumento:
Iimbak ang mga mahalagang
dokumento, tulad ng
pasaporte at medical
records, sa isang waterproof
na container at dalhin ang
mga ito sa paglikas.
Mga Kagamitan:
Patayin ang gasul at kuryente bago
lumikas.
Tanggalin sa pagkakasaksak ang mga
electrical appliances upang maiwasan
ang electrical shock o sunog.
Ilagay ang mga gamit o household sa
mataas na lugar kung saan hindi ito
mababasa, sapagkat ang mga household
goods ay maaaring masira kapag nabasa.
Ang kagamitan na maaaring ilipad ay
dapat ipasok sa loob ng bahay at itali ito,
upang sa gayon hindi ito ilipad ng
matinding hangin at maka-iwas din ng
aksidente.
Emergency Kit:
Maghanda ng emergency kit na
may mga pangunahing supplies,
kabilang ang mga de-lata na
pagkain, tubig, gamot, flashlight,
baterya, first aid kit, at
mahahalagang dokumento.
Maghanap ng
Ligtas na Lugar:
Maghanap ng tahanan
na nasa mataas na lupa
o sa isang matibay na
istraktura kung ang
paglikas ay hindi posible.
Iwasan ang mga
mababang lugar at
baybayin na rehiyon.
Habang ang
bagyo
-Siguraduhing i-check ang sarili at ang mga
kasama sa bahay kung okay lang ba sila,
paniguraduhing ligtas ang isa't isa.
Dapat panatilihin ang komunikasyon, siguraduhing
may sapat na baterya ang cellphone o iba pang
mga komunikasyon device.
Maging alerto sa kalagayan ng panahon, alamin
ang kalagayan ng paligid upang tukuyin kung
ligtas ba ang sitwasyon mo.
Habang nangyayari ang bagyo, dapat panatilihin
na nasa ligtas na lugar o di kaya sa loob ng inyong
bahay. Iwasan ang pag labas ng bahay sapagkat
ito'y delikado para sa iyo.
Pagkatapos ng Bagyo:
Hintayin ang opisyal na
anunsyo ng gobyerno
bago umalis ng
evacuation center.
Maging maingat sa mga
basura at mga putol na
linya ng kuryente.

You might also like