You are on page 1of 3

MGA PAYONG PANGKALIGTASAN SA PANAHON NG BAGYO, BAHA, LINDOL AT TSUNAMI BAGYO AT BAHA 1. Manatiling mahinahon at maglagi sa loob ng bahay.

2. Antabayanan ang ulat-panahon sa radyo o telebisiyon 3. Putulin ang mga sanga ng puno na maaaring tumama sa inyong bahay 4. Panatilihing malinis at walang harang ang mga daanan para sa mga sasakyang pang-emergency. 5. Kung ang inyong bahay ay nasa bahaing lugar, lumikas agad sa pinakamalapit na evacuation center. 6. Siguraduhing may flashlight at radyo na may bagong baterya. 7. Mag-imbak ng pagkain, tubig na inumin, gaas, baterya at gamit para sa pangunahing lunas (first aid) 8. Kung may baha na, patayin ang pinaka-punong pinanggagalingan ng kuryente, tubig at gasolina sa inyong bahay. 9. Ilagay ang mga kagamitang pambahay sa hindi maabot ng tubigbaha gayundin ang appliances at iba pang mahahalagang kagamitan, mga kemikal, nakalalasong gamot at basura. 10. Iwasan ang mababang lugar, gilid ng mga ilog, estero, lugar na malapit sa dagat, at paanan ng burol, bangin at bundok. Ang malakas na ulan ay maaaring maging sanhi ng landslides o mudslides. 11. Huwag tumawid sa baha at sa rumaragasang mga ilog. 12. Huwag gamitin ang mga kagamitang de-kuryente o degas kapag ang mga ito ay nabasa ng baha. 13. Panatilihing bukas ang linya ng telepono para sa mga emergency. 14. Kung kinakailangang lumikas, gawin ang mga sumusunod: - Isara ang lahat ng bintana at pintuan ng bahay - Putulin ang daloy ng kuryente - Isara ng mahigpit ang tangke ng gas o LPG - Itaas at sinopin ang mga mahahalagang bagay, ari-arian at kagamitan - Dalhin sa paglikas ng mga sumusunod: First aid kit na may gamot at gamit para sa agarang lunas sa lagnat, LBM, ubo, sugat at iba pang karamdaman Flashlight na may bagong baterya, kandila, at posporo, Radyo na may bagong baterya Mga kumot, malinis na damit, kapote, bota at tissue paper

Mga pangunahing pangangailangan ng mga sanggol, matanda at may kapansanan Tubig-inumin na nasa selyadong lalagyan. Mag-imbak ng tubig para sa pang-araw-araw na gamit sa mga timba at dram Malaki at matitibay na plastic bag na paglalagyan ng gamit at pantakip ng mahahalagang kagamitan at dokumento Magdala ng pera, magsama ng mga barya

TSUNAMI 1. Ang malakas na lindol ay maaaring magdulot ng isang tsunami. Huwag maglagi sa mababang lugar o sa tabi ng dagat kapag lumilindol. Maaring magkaroon ng tsunami sa loob ng ilang minuto lamang. 2. Ang iba pang pahiwatig ng tsunami ay ang biglang pagbaba ng tubig sa dagat o kakaibang pagtaas-baba nito. 3. Kapag umurong ang tubig-dagat, maaaring makakita ng ibat ibang lamang-dagat. Huwag kunin ang mga ito; tandaan na ang alon ng dagat ay maaring bumalik agad at tangayin ka. 4. Ang tsunami ay kadalasang may kaagapay na kakaibang mga tunog. Maging alerto sa mga ito. 5. Lumikas kaagad sa mataas na lugar at maghintay doon hanggang sa lumipas ang panganib. LINDOL 1. Kung nasa loob ng matibay na gusali, makakatulong na magtago sa ilalim ng isang matibay na mesa at kumapit mabuti doon habang lumilindol. Maari ding takpan mo ang iyong mga braso ang iyong ulo para sa karagdagang proteksyon. 2. Kapag nasa umaandar na sasakyan, itigil ang sasakyan at tandaan na huwag tumawid sa mga tulay. Pagkatapos ng lindol, tandaan na iwasan ang pa rin ang mga lugar na nabanggit sapagkat maaring masira ito ng pagyanig. 3. Kung malapit sa dagat at nakaramdam ka ng lindol, maring sumunod dito ang tsunami. Lumikas agad sa mataas na lugar. 4. Kapag nasa labas ng bahay o gusali, pumunta sa malawak na lugar. Iwasan ang ibat ibang klase ng poste katulad ng poste ng kuryente at telepono, pati na rin ang iba pang mga istrukturang maaaring mabuwag o matumba. 5. Lumayo sa mga bulubunduking lugar o mga lugar kung saan maaaring magkaroon ng landslide.

ALAMIN ANG TAMANG IMPORMASYON , UPANG TAYO AY MAGING HANDA! IBAHAGI ANG MGA KAALAMANG ITO. TULUNGAN ANG KAPWA LEYTEO SA PANAHON NG SAKUNA O KALAMIDAD! MAKIPA-UGNAYAN SA Disaster Risk Reduction Coordinating Council (ng inyong lungsod o bayan) Provincial Disaster Risk Reduction Management Council Operation Center Tanggapan ng Punong Lalawigan, MAASIN CITY, SOUTHERN LEYTE Telepono Blg. Magtext sa: 09

You might also like