You are on page 1of 3

Princess Dianne F.

Hernandez
11 – St. Lawrence
MGA PAGHAHANDA SA LINDOL
Ang lindol ay isang natural na kalamidad na tinutukoy bilang isang mabilis na paglabas
ng enerhiya na nanggagaling sa ilalim ng lupa. Ito ay sanhi ng paggalaw ng fault sa
ibabaw ng mundo (crust). Ang mga lindol ay kadalasang nagtatagal lamang ng ilang
segundo ngunit nagiiwan ito ng napakalaking pinsala sa mga tao. Hindi nahuhulaan kung
kalian tatama o magkakaroon ng isang lindol kaya’t mas mabuti kung bawat pamilya ay
alam ang mga hakbang upang maging handa sa biglaang paglindol. Ang mga
sumusunod ay ang mga dapat gawin bago, habang at pagkatapos lumindol.

BAGO ANG LINDOL:


• Magtala ng preparedness plan tungkol sa lindol.
Ang preparedness plan ay nagsasaad ng mga gagawin kung sakaling
magkakahiwalay ang myembro ng pamilya noong nagkaroon ng lindol. Nakalagay
ang mga paraan ng pagkontak sa bawat myembro ng pamilya pati na rin ang
tagpuan kung saan sila magkikita-kita.

• Ang bawat pamilya ay kinakailangang maghanda ng earthquake emergency kit.


Ang earthquake emergency kit ay karaniwang nakalagay sa isang bag na
naglalaman ng mga mahahalagang dokumento, pagkain (mga de lata at instant
foods), tubig, flashlight, first-aid kit at iba pa na nakalagay kung saan madaling
makikita at makukuha sa oras na may mangyaring lindol.

• Ihanda ang inyong tahanan.


Ikumpuni ang mga sirang parte ng bahay, ilagay sa tabi ng mga pader ang mga
malalaking muwebles na maararing pumatak kung sakaling lumindol.

• Maghanap ng mga ligtas na lugar sa loob ng bahay.


Ang mga ligtas na lugar na ito ay maaaring pagtaguan ng myembro ng pamilya
kung sakaling lumindol. Ito ay maaaring makakapal na mesa o mga lugar na
malayo sa mga babasagin na bagay at ibang mga bagay na maaaring mahulog o
matumba kapag lumindol.

• Maghanap ng ligtas na lugar sa labas ng bahay.


Ang mga lugar na ligtas sa labas ng bahay ay maaaring puntahan pagkatapos ng
lindol at ito ay dapat malayo sa mga estruktura at mga punong maaaring
bumagsak.
HABANG LUMILINDOL:
• Kung nasa loob ng bahay o isang gusali:
a) Humanap ng maaaring pagtaguan tulad ng lamesa at manatili doon
hanggang sa matapos ang pagyanig.
b) Protektahan ang ulo gamit ang kamay o unan.
c) Lumayo sa mga muwebles at babasaging bagay na maaaring mahulog o
masira.

• Kung nasa labas ng bahay o gusali:


a) Lumayo sa mga gusali at puno na maaaring bumagsak.
b) Manatiling nasa ligtas na lugar habang prinoprotektahan ang ulo hanggang
sa tumigil ang pagyanig.

• Kung nasa loob ng sasakyan:


a) Itigil ang sasakyan at manatili sa loob nito.
b) Lumayo sa mga delikadong gusali o imprastraktura tulad ng mga overpass
at tulay.
c) Pagkatapos ng pagyanig ay maaari ng bumalik sa pagmamaneho ngunit
maging alerto sapagkat maaaring magkaroon ng mga aftershock.

PAGKATAPOS NG LINDOL:
• Maghanda sa mga posibleng aftershock.
Ito ay kadalasang mas mahina sa mismong lindol ngunit ito ay nakakapinsala pa
din ng mga imprastraktura. Ang mga aftershock ay maaaring maranasan ilang
oras, araw, lingo o minsan ay ilang buwan pagkatapos ng lindol.

• Makinig sa radyo at telebisyon upang makakuha ng agarang impormasyon tungkol


sa lindol.

• Suriin kung mayroong nasugatan o nasaktang myembro ng pamilya.


Gamutin ang mga minor injuries kung kaya, at magsagawa ng first-aid kung may
sersyong sugat na natamo ang myembro pamilya habang naghihintay sa tulong
ng mga propesyunal.

• Sumunod sa mga matataas na opisyal tungkol sa mga gagawin.


Huwag uuwi ng bahay hanggat hindi nabibigyan ng pahintulot o anunsyo na
maaari ng bumalik sa kanya kanyang tahanan.

• Suriin kung may pinsala ang bahay at ipakumpuni ito sa lalong madaling panahon.
MGA SANGGUNIAN:
https://www.habitat.org/our-work/disaster-response/disaster-preparedness-
homeowners/earthquakes#:~:text=During%20an%20earthquake&text=Take%20cover%
20in%20a%20safe,that%20could%20fall%20and%20break.
https://www.ready.gov/earthquakes#:~:text=Prepare%20Before%20an%20Earthquake&
text=Make%20an%20Emergency%20Plan%3A%20Create,fire%20extinguisher%20and
%20a%20whistle.

You might also like