You are on page 1of 20

a.

Yamang Lupa Sa kabuuang lawak ng lupain ng


Pilipinas humigit-kumulang sa 28.3
bahagdan o 84,900 kilometro
parisukat ang lupang sakahan.Buhat
sa mga lupang sakahan ay ang mga
halamang tumutugon sa ating pagkain
tulad ng bigas, gulay, prutas at iba pa.
Sa Negros,Cebu, Tarlac at sa Batangas ang pangunahing tanim ay
tubo kung saan nanggagaling ang asukal. Narito sa Pilipinas ang
pinakamalaking gawaan ng asukal.Ang kopra ay isa sa produktong
iniluluwas sa ibang bansa. Sariwang buko sa Japan, Canada,
Australia, Korea at Estados Unidos.
b. Yamang Gubat Malawak ang kagubatan ng Pilipinas.
Ito ay isa sa pinakamahalagang
yaman ng bansa. Binubuo ng
komersyal na kagubatan ang
sangkapat ng kabuuang lupa ng
bansa.May animnapung uri ng puno
ang nagagamit na pangkomersyal.
Uri ng Kakahuyan
1. Dipterocarp
Nangunguna sa uri ng kakahuyan ang dipterocarp.Angkop ito sa
tuyong panahon. Madali itong nabubuhay sa ating mga kagubatan.
Kabilang sa dipterocarp ang tangile, guijo,mayapis, apitong, lauan
at yakal. Tinatawag silang Philippine mahogany. 70% ng
nakukuhang troso ay buhat dito. Ito ay ginagamit sa paggawa ng
mesa,tulay,muebles at troso.
2. Molave
Ito ay kakahuyang may mataas na uri, maganda, at matibay.
Kabilang dito ang narra, dao at ipil. Ginagamit ito sa paggawa ng
kabinet, silya, mesa, kama at iba pa. Ginagamit din ito sa paggawa
ng bahagi ng bahay tulad ng pinto, hamba, pasamano, sahig at
hagdanan.
3. Pine
Uri ng kakahuyan na ginagamit sa pagpapatayo ng bahay sa
Lalawigang Bulubundukin. Ito ay matatagpuan sa malalamig na
lugar. Ang mga kahoy na ito ay ginagamit din bilang poste ng
koryente o kable ng telepono.
4. Mangrove
Ang uri ng kakahuyang ginagamit sa magagaang na konstruksyon,
panggatong at ginagawang uling.Ang mangrove ay matigas na uri
ng kahoy na hindi kalakihan ang taas. Ang mga ugat nito ay sanga-
sanga at naka-angat sa tubig na siyang pinagtataguan ng mga
maliliit na isda.
5. Mossy
Ito ay malumot na kakahuyan na tumutulong sa pangangalaga at
pagtitipid din ng tubig.

c. Yamang Tubig Ang katubigan sa Pilipinas ay


tinatayang 1,666,300 kilometrong
parisukat. Mas malaki sa lupain dahil
ang ating bansa ai isang kapuluan.

- Ang 2 157 uri ng isda ang kilala sa ating bansa.


-Ang pinakamalaking isda sa mundo ay matatagpuan sa Pilipinas.
Ito ay anim na metro ang haba at tinatawag na Balyenang Pating o
Rhineodan Typus.
- Ang Pandaca Pygmea na pinakamaliit na isda sa daigdig na may
sukat na labing-isang milimetro ay matatagpuan din sa Pilipinas.
- Sa Dagat ng Palawan natagpuan ang pinakamalaking perlas sa
daigdig, ang “Perlas ni Allah”.
d. Yamang Mineral Ang Pilipinas ay isang bansang
mayaman sa mineral. Ito ang may
pinakamalaking deposito ng chromite sa
daigdig.May saganang deposito rin dito
ng nikel kung kaya’t maraming bansa
ang umaasa sa atin sa mga mineral na
kulang sila.

Mineral na Metal Mineral na Di-Metal Mineral na Panggatong


Bakal at Ferroalloy Mineral na Ceramic at a. Karbon
a. Chromium Refractory b. Langis
b. Manganese a. Magnesite
c. Nikel b. Luad
d. Bakal
e. Molybdenum
Mineral na Metal Mineral na Di-Metal Mineral na Panggatong
Base Metal Mineral na Kemikal at
a. Tanso Pataba
b. Tingga a. Asupre
c. Zinc b. Guano
d. Aluminum c. Phosphate
e. Asoge d. Gypum
e. Pyrite
Mamahaling Metal
a. Pilak Iba pang mineral na
b. Ginto pang-industriya
a. Asbestos
b. Marmol
c. Aspalto
d. Talc
Mga Mineral at Lugar kung Saan Matatagpuan

-Ang malaking deposito ng chromite ay matatagpuan sa


Zambales
-Ang pinakamalaking deposito ng nikel ay matatagpuan sa
pulo ng Nonoc Surigao.
-Deposito ng Tanso ( Ilocos Norte, Zambales, Batangas at
Cebu)
-Bakal ( Camarines Norte, Ifugao, Bataan at Cagayan)
-Manganese (Pangasinan, Tarlac, Masbate, at Camarines Sur)
-Ginto ( Baguio, Paracale,Camarines Sur, Masbate, Surigao,
at Bulacan)
-Marmol (Romblon)
-Guano (mga kweba ng Zambales, Palawan at panay
-May natagpuan ding mina ng langis sa Toledo, Cebu, sa
Reeds Bank at sa pook sa silangang bahagi ng palawan.
Subukan (Mali)
Subukan (Mali)
Subukan (Mali)
Subukan (Tama)
Ang Yamang Mineral ay maaaring metal
at di-metal. Sa mga sumusunod na
mineral, alin ang itinuturing na di-metal?

Bakal
Chromite
Tingga
Graba
Sa Romblon matatagpuan ang
pinakamahalagang deposito ng marmol.
Sa anong likas na yaman kabilang ito?

Yamang Gubat
Yamang Mineral
Yamang Tubig
Yamang Lupa
Ang ating bansa ay biniyayaan ng
saganang likas-yaman. Sa anong
yamang dagat kilala ang
SOCSARGEN?

Hipon
Galunggong
Tuna
Bangus
Alin ang itinuturing na
pinakamahalagang yamang-likas sa
ating bansa?

Gubat
Mineral
Lupa
Tubig
Alin sa mga sumusunod na mga
halimbawa ang likas na yamang
napapalitan?

Langis
Marmol
Guano
Puno
Ang lalawigan ng Benguet ay isa sa
mga pook na pinagmiminahan ng ginto.
Sa anong uri ng yamang- likas kabilang
ito?

Yamang Gubat
Yamang Lupa
Yamang Mineral
Yamang Tubig
Sa aling pangkat sila nabibilang: ang init
ng araw, halamang dagat, hangin,
geothermal, biogas, langis ng niyog?

Yamang Mineral
Yamang Enerhiya
Yamang Gubat
Yamang Lupa
Ipinagmamalaki ng mga Pilipino ang
pagiging mayaman ng bansa sa likas na
yaman. May iba’t ibang uri pa ito. Sa
mga sumusunod, alin ang nabibilang sa
yamang tubig?
Buhangin
Korales
Lauan
Puno
Ang Pulo ng Basilan ay itinuturing na
Hardin sa Ilalim ng kweba. Anong likas
na yaman ang sagana dito?

Abaka at Tubo
Niyog at Palay
Palay at Tabako
halamang-ugat, kabibe at mga korales
Alin sa mga sumusunod ang di-likas na
yaman?

Kalsada
Daungan
Baybayin
Kabundukan

You might also like