You are on page 1of 4

Mga Uri ng Lipunan

 May tatlong uri ng antas ng lipunan ang ating mga ninuno noon.
Angkan ng Datu o mga Maginoo
 Ang turing sa mga kabilang sa pangunahing at pinakamataas na
antas ng katayuan ng lipunan
 Mayaman, makapangyarihan at iginagalang ang mga pinuno ng
buong barangay, kabilang ang kanilang angkan.
 Bilang tanda ng paggalang tinatawag silang “Gat o Lakan” ang
mga babae naman ay Dayang o Dayang –Dayang
 Tinatawag na panginoon ang isang kasapi ng kanilang angkan kung
siya ay nagmamay-ari ng maraming bahay, Bangka at Alipin
 Poon ang tawag sa kanilang pinakaninuno.
Maharlika – ikalawa o panggitnang antas ng katayuan ng lipunan ay
kinabibilangan ng mga kasapi ng nakatataas na uri na bumubuo ng
baranggay.
 Ito ay mahadlika sa mga pamayanan tagalong.
 Timawa o timagua ang tawag sa kanila sa ibang bahagi ng bansa
tulad ng mga Bisaya at Ilokano
 Ipinanganak silang Malaya
 Kabilang sa tagapagtanggol ng datu o sultan at mga
mangangalakal.
 May tungkuling samahan ng datu sa pakikidigman, paglalakbay ,
paggawa ng bahay, pagsasaka, pagsasagwan ng mga bangkaat sa
mga gawaing pamapamayanan.
 Hindi nagbabayad ng buwis
 May karapatang mamili ng sariling hanapbuhay
 Nakapag-aari ng lupa
 May karapatang mamili ng ng datu ang kaniyang sasamahan o
paglilingkuran.
 Sila ang tumatayong pangkalahatang katulong ng datu.
 Binabahaginan sila ng datu ng anumang nasamsam sa kanilang
pangangayawo pagsakop sa ibang bayan.
 Ang mga pinalayang alipin ay kabilang din sa mga maharlika.
 Ang isang alipin ay nagiging timawa kung siya ay napalaya na,
natubos na sa pagkakautang o pinalayan na sa anumang dahilan
ng kaniyang amo.
Ang Alipin
 Kabilang sa pinakamababang pangkat sa lipunan ang mga kasama
o alaga na tinatawag na alipin(sa mga pamayanan tagalong) o
oripun sa mga Bisaya.
 Ang katumbas ng salitang alipin noon ay alaga.
 Sa pagdaan ng panahon ang alipin ay nagkaroon ng ibang
kahulugan at naging alila.
 Nagiging alipin ang isang mamamayan kapag sya ay ipinanganak
sa mga magulang ng alipin, nabihag sa digmaan,ipinambayad sa
utang, nabili o naparusahan sa nagawang kasalanan
2 Uri ng Alipin
1. Aliping namamahay
2. Aliping saguiguilid
Aliping namamahay- may karapatang pumili ng kaniyang
mapapangasawa
 Hindi maaring ipagbili
 Maaring manirahan sa sariling bahay
 Maaring magkaroon ng ari-arian, maliban sa lupang kinatitirikan
sa kaniyang bahay.
 Binabayaran ng paglilingkod
Aliping saguiguilid –pinakamababang antas
 Hindi Malaya
 Walang sariling tirahan
 Walang pag-aari
 Maaring ipagbili ng kanyang amo
 Nakatira sa tahanan ng kaniyang amo.
 Naglilingkod ng walang bayad.
 Hindi maaring mag-asawa ng walang pahintulot ng kaniyang amo.
Ang pagiging alipin ay hindi panghabang buhay.
Maaring maging Malaya ang isang alipin kung siya ay :
1. Palalayain ng kaniyang amo
2. Magkapagbabayad ng karampatang halaga sa kaniyang panginoon
upang makamit ang kalayaan.
3. Makakapag-asawa ng kabilang sa masmataas na antas ng lipunan.
4. Mapagpapakita ng kabayanihan sa digmaan
Ang mga batas ng ating mga ninuno
 May mga batas ng ating mga ninuno na pumapatnubay sa
kanila upang maging maayos ang kanilang pamumuhay at
pakikipag-ugnayan sa isa’t- isa.
 Ang mga batas ay batayan sa pagpapanatili ng kapayapaan,
katahimikan at kaayusan ng baranggay.
 Ang kaunaunahang batas ay pasalita lamang ito ay nagpasalin
salin sa mga henerasyon.
 Ito ay binubuo ng kanilang mga tradisyon at mga kaugalian.
 Ang mga batas na ginagawa ng datu sa tulong ng kaniyang
tagapayo ay isinasangguni at pinagtitibay ng mga matatanda
at marururnong sa buong barangay.
Umalohokan o tagasigaw –ipinahahayag niya napagtibay na
mga batas sa buong barangay.
Kodigong Msguindanao at Kodigo ng Sulu na kilala sa tawag na
Luwaran- halimbawa ng mga kalipunan ng batas
Ilan s amga halimbawa ng naisulat na batas
1. Igalang ang Datu. Hindi sya dapat lapastanganin
2. Ang may utang ay dapat magbayad sa takdang araw.
3. Kailangan maging masipag at matiyaga. Ang sinumang
tatamad tamad ay gagawing alipin
4. Kailangan maging masipag at matyafa. Ang sinumang
tatamad tamad ay gagawing alipin.
5. Dalawa lang ang dapat maging anak upang matutusang
mabuti ang mga pangangailangan nila.
6. Ang paslang o pagpatay ay gagawaran ng parusang
kamatayan.
7. Ang taong nahuling nagnakaw ng may halagang katumbas ng
apat na tael ng ginto mahigit pa , ang kaparusahan ay
pagkaalipin.Kung halaga ay katumbas ng isang cati o mahigit
na kalahating kilong ginto.ito ay may kaparusahang
kamatayan.

1 tael = 37.7994 gramo


1 cati =604.8 grams

You might also like