You are on page 1of 112

Kultura ng Pilipinas

Kulturang Pilipino

Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng


Pilipinas ay pinaghalong impluwensiya ng
mga katutubong tradisyon at mga kultura
ng mga unang mangangalakal at
mananakop nito noon. Ang pananakop ng
mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala
ng España, na tumagal ng mahigit 333
taon, ay may malaking kontribusyon sa
Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Filipino,
na mas kadalasang kilala bilang Tagalog,
ay maraming hiniram na salita galing
Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang
na mga tradisyon ay magkahalong
Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na
seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon,
ang mga bayan sa buong bansa, ay
nagsasagawa ng malalaking Pista,
nagpapaalala sa mga Santong Patron ng
mga bayan, barangay, o ng mga distrito.
Ang mga Pista ay kadalasang may
patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa
ibang lugar ay mayroon pang sabungan.
Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap
din sa mga bansang nasakop ng mga
Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa
na karamihan ay mananalig Islam ay
nagdiriwang din ng kanilang mga
tradisyon at nakagawian.

Kasalukuyang logo ng Patalaan ng mga Ari-ariang Kultural ng Pilipinas

Bago pa man dumating ang mga unang


mananakop, ang mga mangangalakal
galing sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina
at Hapon ay may malaking kontribusyon
din sa Kultura ng Pilipinas. Ang Hinduismo
at Budismo ay may impluwensiya sa mga
katutubong paniniwala ng mga Pilipino
bago dumating ang mga Kastila at ang
mga mangangalakal na Muslim. Ang
wikang Tagalog at iba pang wika sa
Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang
Sanskrito. Isang mabuting halimbawa ang
karma, na hanggang ngayon ay
pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino.
Marami sa mga pamahiin, hiniram na
salita at pagkain, tulad ng pansit, siopao at
iba pa ay minana sa mga mangangalakal
na Tsino. Ang ibig sabihin ng kultura ay
ang paraan ng pamumuhay ng mga tao
nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga
sining, sistema ng edukasyon, musika at
pamahalaan.
Lipunang Pilipino
Ang Lipunang Pilipino ay magkahalong
lipunan. Isa bilang bansa, at marami dahil
sa pagkakahiwalay ng mga ito ng lugar,
dahil sa pulo pulo nitong ayos at mga
kasanayan. Ang bansa ay nahahati sa
pagitan ng mga Kristiyano, Muslim, at iba
pang pangkat; sa pagitan ng mga nasa
lungsod at sa mga nayon; mga
tagabundok at tagapatag; at pagitan ng
mga mayayaman at ng mga mahihirap.
Kaugaliang Pilipino

Bayanihan: Nabuo ang Bayanihan sa


mga samahan ng mga
magkakapitbahay na nagtutulungan
kahit kailan o saan man kailanganin ng
tulong. Kadalasan makikita ang
bayanihan sa mga sasakyang nasisiraan
ng gulong. Ang mga tambay at ang mga
taong-bayang na malapit dito ay agad
agad ding tutulungan ang drayber kahit
ano pa man ang mangyari maayos
lamang ang nasirang sasakyan. O kaya
naman mas kadalasang inilalarawan ito
ng paglilipat bahay noon ng mga nasa
lalawigan. Ang mga bahay ay sabay
sabay bubuhatin ng mga kalalakihan na
sinasabayan pa kung minsan ng awitin
upang di gaanong madama ang
kabigatan nito. Ito ay kabaligtaran ng
ugaling indibidwalismo ng mga lipunang
Europeo at Amerikano.
Matinding Pagkakabuklod-buklod ng
Mag-anak: Ang mga Pilipino ay
kadalasang malalapit sa kanilang mag-
anak at iba pang kamag-anak. Ang
pangunahing sistemang panlipunan ng
mga Pilipino ay mag-anak. Maraming
mga Pilipino ang tumitira malapit sa
kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila
ay may edad na o kaya naman ay may
sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang
isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng
mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga
lalawigan, ang mga nayon ay
kadalasang binubuo ng iisang angkan,
at halos lahat ay mag-kakakilala
Pakikisama[1]: Ang pakikisama ay ang
kaugaliang Pilipino na nagnanais
magkaroon ng maganda at mabuting
pakikitungo sa iba.
Hiya: Ang kaugaliang Hiya ay isang
panlipunang kaugalian. Ang mga
Pilipino kasi ay naniniwala na dapat na
kumilos sila kung ano ang mga
tinatanggap na kaugalian ng lipunan;
ang kung sila ay nakagawa ng
kaugaliang hindi tanggap, ang kahihiyan
na ginawa nila ay hindi lang para sa
kanilang sarili kundi kahihiyan din ito
para sa kanilang mag-anak. Isang
halimbawa ay ang pagiging magarbo ng
paghahanda kahit na hindi dapat sapat
ang kabuhayan niya. Kung ay isa ay
pinahiya sa maraming tao, sila ay
nakararamdam ng hiya at nawawalan ng
lakas ng loob.
Utang na Loob[1]: Ang Utang na Loob, ay
isang utang ng tao sa taong tumulong
sa kanya sa mga pagsubok na kanyang
dinaanan. May mga kasabihan nga na:
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
ay hindi makararating sa paroroonan
Amor Propio: Pagpapahalaga ng isang
tao sa kanyang dignidad.
Delicadeza: Isang ugali na kailan na
dapat ang isang tao ay kumilos sa tama
at nasa lugar. Kailangang ang pagkilos
ay tanggap ng lipunan upang hindi
marumihan ang dignidad ng mag-anak.
Palabra de Honor: "May isang salita"
Isang kaugalian ng mga Pilipino na
kailangan tuparin ang mga sinabi nitong
mga salita o pangako.
Arkitektura

Ang bahay na bato ay isang tradisyunal na Pilipinong bahay kolonyal

Bilang kolonya ng Imperyong Kastila nang


333 taon, ipinakilala ng mga Kastila ang
Europeong arkitekturang kolonyal sa
Pilipinas. Naging dahilan ang pagkilala ng
Kristiyanismo sa pagdala ng mga
Europeong simbahan at arkitektura na
naging sentro ng karamihan ng mga bayan
at lungsod sa bansa. Ipinakilala rin ng mga
Kastila ang mga bato bilang materyales
pambahay at pangkonstruksyon at
pinagsama ng mga Pilipino ang mga ito sa
kanilang arkitektura para makabuo ng
kombinasyon ng arkitektura na
mahahanap lamang sa Pilipinas. Makikita
pa rin ang arkitekturang kolonyal ng mga
Pilipino sa mga gusaling may edad ng
ilang siglo tulad ng mga Pilipinong
simbahang Baroko, bahay na bato,
tahanan, paaralan, kumbento, gusali ng
gobyerno sa buong bansa. Mahahanap
ang pinakamagandang koleksyon ng
arkitektura ng panahong kolonyal ng mga
Kastila sa nakapader na lungsod ng
Intramuros sa Maynila at sa
makasaysayang bayan ng Vigan. Ang mga
simbahan ng kapanahunang kolonyal ay
kasama sa mga pinakamahusay na
halimbawa at legasiya ng Kastilang
arkitekturang Baroko na tinatawag na
Barokong Lindol na mahahanap lamang sa
Pilipinas. Mayroon ding mga gusali mula
sa panahong kolonyal ang mga
makasaysayang probinsya tulad ng Ilocos
Norte at Ilocos Sur, Pangasinan,
Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal,
Batangas, Quezon, Iloilo, Negros, Cebu,
Bohol at Zamboanga del Sur.

Dati, bago ang pamumuno ng Espanya,


bahay kubo ang karniwang pinagtitirahan
ng mga katutubong Pilipino. Nailalarawan
ito sa paggamit ng payak na materyalbes
tulad ng kawayan at buko bilang
pangunahing pinagkukunan ng kahoy.
Ginagamit ang kugon, dahon ng nipa, at
dahon ng buko bilang pang-atip. Itinayo
ang mga sinaunang tahanan sa mga
tiyakad dahil sa madalas na pagbaha sa
tag-ulan. Kabilang sa mga rehiyonal na
baryante ang paggamit ng mas makapal at
masinsin na pang-atip sa mga
kabundukan, o mga mas mahaba na
tiyakad sa mga baybayin lalo na kapag
itinayo ang istruktura sa ibabaw ng tubig.
Mailalarawan ang arkitektura ng mga
ibang katutubong tao sa paggamit ng
anggular na bubong na gawa sa kahoy,
kawayan sa halip ng mga dahong pang-
atip at gayakang kahoy na inukit. Ang
bahay na bato ay isang baryante ng bahay
kubo na lumitaw noong panahong
kolonyal.

Ang Pangunahing Gusali ng Unibersidad


ng Santo Tomas sa Maynila ay isang
halimbawa ng arkitekturang
Neorenasimiyento. Sinimulan ang
konstruksyon ng gusali noong 1924 at
nakumpleto ito noong 1927. Ang gusali na
idinisenyo ni Padre Roque Ruaño, O.P., ang
kauna-unahang gusaling may laban sa
lindol sa Pilipinas na hindi simbahan.[2]
Makikita rin ang Islamikong at iba pang
Asyanong arkitektura sa mga gusali tulad
ng mga moske at templo. Karaniwan pa rin
ang Prehispanikong pamamahay sa mga
kabukiran. Popular ang mga
kontemporaryong subdibisyon at
kanugnog na nakapultahang komunidad
sa mga lunsuring lugar tulad ng Kalakhang
Manila, Gitnang Kabisayaan, Gitnang
Luzon, Pulo ng Negros at mga iba pang
mayamang rehiyon.

Ang kalesa, isang tradisyunal na Pilipinong lunsuring transportasyon sa harap ng pasukan ng Katedral ng Maynila
Nagkaroon ng mga panukala na
magsabatas ng patakaran kung saan
magkakaroon ang bawat munisipalidad at
lungsod ng ordinansang nag-aatas ng
lahat ng konstruksyon at muling pagtatayo
sa loob ng nasabing teritoryo na maging
nakakiling sa istilong arkitektura at
paisahismo ng munisipalidad o lungsod
para preserbahin at konserbahin ang mga
namamatay na pamanang pook ng bansa
na mabilisang ginigiba paisa-isa dahil sa
urbanisasyon, pag-unlad na walang
pananagutan sa kultura, at kakulangan sa
paninging arkitektura na paisaheng
urbano. Ginagamit ang patakarang ganito
ng mga bansang nakapagpreserba ng
kanilang kababalaghang arkitekura, at
buong lungsod mismo, nang daan-daang
taon, tulad ng Italya, Pransiya, Rumanya,
Alemanya, and Espanya. Itinataguyod ng
panukala ang paggamit at
reinterpretasyon ng mga katutubong,
kolonyal, at modernong estilong
arkitektura at paisahe na laganap o dating
laganap sa isang lungsod o munisipalidad.
Nilalayon ng panukala na paunlarin ang
renasimiyento sa Pilipinong paysaismo,
lalo na sa mga kabukiraning lugar na
maaaring baguhin para maging bagong
bayan ng pamanang arkitektura sa loob ng
50 taon. Sa kasamaang-palad, kulang ang
pagpapahalaga sa pagpepreserba ng
bayang pamana sa mga dalubhasa ng
arkitektura at inhenyeriang nakabase sa
Pilipinas, tulad ng sa kaso sa Maynila,
kung saan tinatanggap nang tinatanggap
at itinatayo nang itinatayo ang mga
panukalang negosyo para magtayo ng
mga istrakturang hindi nakakiling sa mga
istilong arkitektura ng Maynila ng mga
nasabing eksperto na mabisang lumilipol
sa paisaheng arkitekura ng Maynila nang
paisa-isang gusali. Bukod dito, hindi pa
namanipesto ang natatanging panukalan
sa arkitekura para maging aktwal na
patakaran dahil wala pang Kagawaran ng
Kultura. Ang lungsod ng Vigan lamang ang
nagsabatas ng ordinansang ganito na
humantong sa kanyang deklarasyon bilang
Pandaigdigang Pamanang Pook ng
UNESCO noong 1999 at sa pagkakaloob
ng iba't ibang pagkilala para sa
konserbasyon at pagpapanatili ng kanyang
katangi-tanging istlo ng arkitektura at
paisahe. Noong 2016, nagsampa si
senadora Loren Legarda ng panukalang-
batas na magtatatag ng Kagawaran ng
Kultura. Ipinakilala ang panukalang-batas
sa Senado noong Enero 2017 at
inaasahang maisasabatas ito sa huling
bahagi ng 2018 o sa unang bahagi ng
2019. Suportado ang panukalang-batas ng
9 pang senador mula sa iba't ibang
partido, alalaong baga'y, sina Bam Aquino,
Nancy Binay, Francis Escudero, Juan
Zubiri, Joseph Ejercito, Joel Villanueva,
Sherwin Gatchalian, Risa Hontiveros, at
Sonny Angara. Sinampa rin ang tatlong
katapat na panukalang-batas na
naglalayong magtatag ng Kagawaran ng
Kultura sa Kapulungan ng mga Kinatawan
ng Pilipinas, akda ni Christopher de
Venecia, Evilina Escudero, and Jose
Antonio Sy-Alvarado.[3][4]

Arkitektura ng Pilipinas
Lungsod ng Vigan sa Ilocos Sur

Simbahang Loboc sa Bohol


Simbahang Paoay sa Ilocos Norte

Simbahang Liliw sa Laguna


Relihiyon

Orihinal na Imahen ng Santo Niño de Cebú

Kristiyanismo

Naimpluwensya ng Kristiyanismo ang


kulturang Pilipino sa halos lahat ng mga
tapyas, mula sa visual art, arkitektura,
sayaw, at musika. Sa kasalukuyan, ang
Pilipinas ay isa sa dalawang nakararaming
Katolikong Romanong (80.58%) nasyon sa
Asya-Pasipiko, East Timor ang isa pa.
Mayroon ding sariling independiyenteng
simbahang Pilipino ang bansa, ang
Aglipayan na nagbubuo ng halos 2% ng
pambansang populasyon. Nakahiwalay
ang mga ibang Kristiyanong simbahan sa
mga iba't ibang uri ng Kristiyanong sekta
at kulto. Mula sa senso noong 2014,
binubuo ng halos 90.7% ng populasyon
ang Kristiyanismo at laganap ito sa buong
bansa.[5]

Anitismo

Ang Anitismo,[6][7] na tinutukoy bilang


mitolohiyang Pilipino o mga katutubong
relihiyon ng mga ninuno ng Pilipinas, ay
lawas ng mga alamat, kwento, at pamahiin
na ipinapaniwala ng mga Pilipinos
(binubuo ng higit sa isang daang mga
etniko sa Pilipinas) na halos nagmumula
sa mga paniniwala noong panahong
prehispaniko. Nagbunga ang mga ibang
paniniwala mula sa mga relihiyon bago
ang Kristiyanismo na naimpluwensiyahan
ng Hinduismo. Sa kasalukuyan,
pinaniniwalaan pa rin ang mga ibang
paniniwalang prekolonyal ng mararaming
Pilipino sa mga syudad at kanayunan.

Ipinagsama sa mitolohiyang Pilipino ang


mga iba't ibang pinagmulan na may
pagkakapareho sa mga mitolohiyang
Indonesiyo at Malay, pati na rin ang Hindu,
Muslim, Budista, at Kristiyanong tradisyon,
tulad ng ideya ng kaluwalhatian
(kalangitan, kamurawayan, atbp.),
impiyerno (kasamaan, sulad, atbp.), at ang
kaluluwa (kaulolan, atbp.). Itinatangka ng
mitolohiyang Pilipino na paliwanagin ang
kalagayan ng mundo sa pamamagitan ng
mga buhay at kilos ng mga bathala (diyos,
diyosa), bayani, at mitolohikong nilalang.
Halos lahat ng mga alamat na ito ay
ipinasa sa pamamagitan ng tradisyong
pasalita, at napreserba sa tulong ng mga
babaylan (katalonan, mumbaki, baglan,
machanitu, walian, mangubat, bahasa,
atbp.) at mga matatanda sa komunidad.
Ang terminong 'Mitolohiyang Pilipino' ay
ginagamit mula noong ika-20 siglo ng mga
magkakasunod na henerasyon bilang
pangkalahatang termino para sa lahat ng
mga mitolohiya sa loob ng Pilipinas.
Sinusundan itong mga "mitolohiya" bilang
balidong relihiyon ng mga katutubong tao,
katulad sa pagsusunod sa Shinto bilang
balidong relihiyon sa Hapon o pagsusunod
sa Kristiyanismo bilang balidong relihiyon
sa Europa. Ang bawat pangkat etniko sa
Pilipinas ay may natatanging mitolohiya (
o relihiyon), panteon ng mga bathala, at
sistema ng paniniwala. Halimbawa,
napakaiba ang mitolohiya ng mga
Maranao sa mitolohiya ng karatig na mga
Subanon, habang ang mitolohiya ng mga
Hiligaynon ay napakaiba rin sa mitolohiya
ng karatig na mga Suludnon. Binubuo ang
Pilipinas ng higit sa isang daang
natatanging pangkat etniko, ayon sa ika-21
siglong mapa na inilathala ng Komisyon
ng Wikang Filipino, ang Atlas
Filipinas.[8][9][10][11]

Ayon sa kasaysayan, tinukoy ang mga


mitolohiyang Pilipno at katutubong
relihiyon blang Anitismo,[6] na may
kahulugang "minamanang relihiyon".[12][13]
Sa kasalukuyan, karamihan sa mga
pangkat etniko ay patuloy-tuloy na
sumusunod at nag-aalaga sa kanilang
natatanging katutubong relihiyon, lalo na
sa mga dominyo ng ninuno, ngunit
patuloy-tuloy na nakasasagabal ang mga
Hispanong at Arabeng relihiyon sa
kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng
pagbabagong-loob, pag-agaw ng lupa,
inter-marriage, at/o pagbibili ng lupa.
Mararaming nalikhang gawaing-iskolar
tungkol Anitismo at ang kanyang
mararaming paksa, ngunit hindi pa
dokumentado ang karamihan sa kanyang
mga kuwento at tradisyon ng
pandaigdigang lipunang antropolohikal at
pang-alamat.[6][12][14][15] Hindid katulad sa
mga patay na relihiyon tulad ng
Mitolohiyang Nordiko, patuloy-tuloy na
yumayabong ang mga buhay na relihiyon
tulad ng Anitismo, Shinto, at Hinduismo
hanggang sa ngayon dahil sa di-
maiiwasang dinamika sa mga sistema ng
paniniwala sa modernong siglo. Dahil sa
likas na kababalaghang ito, dumadami
nang dumadami ang mga katutubong
panitikan o pasalitang kuwento tungkol sa
mga iba't ibang mitolohiyang Pilipino
tungkol sa mga bathala, bayani, at nilalang
mula noong panahong prekolonyal
hanggang sa ika-21 siglo. Sa kasalukuyan,
Anitista ang humigit-kumulang sa 2% ng
populasyon na nakatipon sa Rehiyong
Pampangasiwaan ng Cordillera, Palawan,
Mindoro, Kanlurang Visayas, at Mindanao.
Sumusunod din ang mga tiyak na
komunidad sa buong Pilipinas sa
Anitismo, habang 90% ng pambansang
populasyon ng Pilipinas ay patuloy na
naniniwala sa mga tiyak na Anitismong
sistemang paniniwala, kahit sumusunod
sa ibang relihiyon.[16][17] Sa modernong
panahon, pinahahalubilo ang karamihan
ng mga relihiyong Anitismo, katutubo, at
Shamanismo sa Kristiyanismo.
Katutubong relihiyon o shamanismo

Isang nagtatanghal na naglalarawan sa babaylan.

Dahil sa pagdagsa ng Kristiyanismo, Islam,


at ibang pandaigdigang relihiyon sa mga
tradisyonal na komunidad, nawawala na
ang mga katutubong kaugalian, ritwal,
espirituwal na pagtatanghal at kaalaman
ng mga katutubong Pilipino.
Iminumungkahi ng mga manggagawa sa
kultura ang Modelong Paiwan na binuo ng
pamahalaang Taiwanes para mapanatii
ang mga katutubong relihiyon, para iligtas
ang mga katutubong relihiyon mismo ng
Pilipinas. Noon, ang mga katutubong
kaugalian at shamanismo ng mga Paiwan
ng Taiwan ay ang pinakamabilis na
dumalisdis na relihiyon sa bansa.
Sinenyasan nito ang pamahalaang
Taiwanes para preserbahin ang relihiyon at
itaguyod ang pagtatatag ng Paaralan ng
Shamanismong Paiwan kung saan
tinuturuan ng mga pinuno ng relihiyon ang
mga baguhan sa katutubong relihiyon para
kailanma'y hindi ito mawawala. Naging
epektibong paraan ito sa pagpapanatili, at
kahit sa pagpapasigla ng katutubong
relihiyon ng mga Paiwan. Sa Pilipinas,
kilala ang shamanismo bilang dayawismo
na nangangahulugang `mga galanteng
relihiyon na nagpapasalamat sa lahat ng
buhay at di-buhay na bagay'. Noong 2018,
wala pang natatag na paaralan ng
dayawismo sa Pilipinas na nagpapanganib
sa mga daan-daang katutubong relihiyon
sa bansa sa pagkalipol dahil sa pagdagsa
ng mga relihiyon ng panahong kolonyal.
Natatangi ang bawat katutubong relihiyon
ng Pilipinas na nag-aari sa kakaibang
epiko, panteon, sistema ng paniniwala, at
iba pang hindi nasasalat na pamana na
nauukol sa mga relihiyosong paniniwala.
Dahil sa napakalawak na dibersidad sa
mga katutubong relihiyon, hindi
magagawa ang isang paaralan ng
dayawismo. Sa halip nito, mas angkop na
kapupunan ang pagkakaroon ng daan-
daang paaralan ng dayawismo na nauukol
sa mga etno-lingguwistikang tribo sa
kasalukuyang estado ng relihiyon sa
Pilipinas.[18]

Islam

Dumating ang mitolohiyang Islam sa


Pilipinas noong ika-13 siglo sa
pamamagitan ng mga daan ng
pangangalakal sa Timog-Silangang Asya.
Itinatag ang paglago ng Islam ng iba't
ibang uri ng mga sistema ng paniniwala,
lalo na sa mga timog-kanlurang bahagi ng
kapuluan, kung saan niyakap ang
sistemang sultanato ng mga katutubo
nang walang pangangailangan ng
sapilitang pagbabagong-loob, dahil hindi
binalak ng mga relihiyosong
mangangalakal na sakupin ang kapuluan.
Sa kasalukuyan, halos 6% ng populasyon
ay Muslim at nakatipon ang karamihan sa
rehiyong Bangsamoro sa Mindanao. Nasa
ilalim ng Sunni Islam ang karamihan ng
mga Pilipinong Muslim ayon sa paaralan
ng Shafi'i.[5]
Iba pa

Dumating ang Hinduismo sa Pilipinas


noong 200 –300 PK habang dumating ang
Budismong Vajrayana noong 900 PK.
Karamihan sa mga sumusunod sa
Hinduismo ay may pinagmulang Indyano
habang ang mga sumusunod sa Budismo
ay may pinagmulang Tsino o Hapones, lalo
na ang mga dumayo sa Pilipinas sa mga
ilang nakaraang dekada. Dumating ang
Shinto bago ang ika-12 siglo dahil sa mga
Hapones na mangangalakal, habang
dumating ang Hudaismo noong ika-16 na
siglo dahil sa Ingkisisyon. Sinusundan din
ang Taoismo ng mga ilang imigranteng
Tsino. Mahahanap din ang Ateismo sa
Pilipinas.[5][19]

Pagtutuli
Bawat taon, madalas sa Abril at Mayo,
pinapatuli ang libu-libong mga Pilipinong
batang lalaki. Ayon sa Pandaigdigang
Organisasyon sa Kalusugan (WHO), halos
90% ng lalaking Pilipino ay natuli, isa sa
pinakamataas na antas ng pagtutuli. Kahit
pinepetsahan ang pinanggalingan nito sa
pagdating ng Islam noong 1450, pinawi ng
sumunod na 200 taon ng pamumuno ng
Kastila ang mga relihiyosong dahilan para
sa pagtutuli. Gayunman, nagpatuloy ang
pagtutuli. Kahit sa wika nagpapakita ang
panggigipit para maging tuli: ang salitang
Tagalog na supot ay may kahulugang
'duwag' din. Karaniwang pinaniniwalaan na
ang tuli na bata na walo o sampung taong
gulang ay hindi na bata at binibigyan ng
mga mas maraming papel na pang-adulto
sa pamilya at lipunan.[20]

Tampuhan ni Juan Luna.


Sining-biswal
Makikita ang maagang pagpinta sa
Pilipinas sa mga disenyong red slip (luwad
na may halong tubig) na napalamutian sa
palayukang panritwal ng Pilipinas tulad ng
nabunying Palayok sa Manunggul.
Nadiskubre ang ebidensya ng Pilipinong
pagpapalayok na napetsahang kasing aga
ng 6000 BK sa Yungib ng Sanga-Sanga,
Sulu at Yungib ng Laurente sa Cagayan.
Napatunayan na sa 5000 BK,
nagpapalayok ang mga tao sa buong
kapuluan. Ang mga maaagang
Austronesyo, lalo na sa Pilipinas, ay
nagsimulang magpalayok bago ang
kanilang kapwang taga-Cambodia, at
halos sa parehas na oras ng mga
Taylandes at Laosyano bilang bahagi ng
marahil na laganap na pagpapalago sa
Panahon ng Yelo ng teknolohiyang
pagpapalayok.

Napapahayag din ang higit pang


ebidensya ng pagpipinta sa tradisyon ng
tatu ng mga sinaunang Pilipino na tinaguri
ng Portuges na manggagalugad bilang
Pintados o mga 'Pinturadong Tao' ng
Kabisayaan.[21][22] Nag-aadorno sa
kanilang katawan ang mga iba't ibang
disensyo na tumutukoy sa mga kahayupan
at kahalamanan na may kasamang
makalangit na lawas sa iba't ibang
makulay na pigmentasyon. Siguro
makikita ang ilan sa mga
pinakadetalyadong pagpipinta na ginawa
ng mga sinaunang Pilipino na nananatili
hanggang ngayon sa sinang at arkitektura
ng mga Maranao na kilalang-kilala para sa
dragong Nāga at ang naukit at napintang
Sarimanok sa magandang panolong ng
kanilang torogan o Bahay ng Hari.

Nagsimulang lumikha ang mga Pilipino ng


mga pinta sa tradisyong Europeo sa
panahong Kastila noong ika-17 siglo. Ang
mga pinakamaaga sa mga ito ang presko
sa simbahan, larawang relihiyoso mula sa
mga sangguniang Biblikal, pati na rin ang
mga pag-ukit, iskultura, at litograpiya na
nagtatampok ng mga imaheng Kristiyano
at kamaharlikaan ng Europa. Karamihan
sa mga pinta at iskulutra mula sa ika-19 at
ika-20 siglo ay nakalikha ng halo ng mga
likhang-sining na relihiyoso, pampulitika, at
paisahe na may mga katangian ng
katamisan, kadiliman, at katingkaran.

Kilala ang mga Itneg para sa kanilang


saligutgot na kayong hinabi. Ang binakol
ay isang kumot na may disenyong
naglalakip ng mga harayang pangmata.
Ipinapakita ng mga tao mula sa iba pang
bahagi ng Kabundukan ng Rehiyon ng
Cordillera o "Kalgorotan" sa lokal na
termino ang kanilang kasiningan sa
pagtatatu, paghahabi ng mga bayong tulad
ng "sangi", isang tradisyunal na napsak, at
panlililok ng kahoy. Ang mga nahabing
kayo ng mga Ga'dang ay kadalasang may
matingkad na pula. Malalaman din kung
sa kanila ang pagkakahabi sa
pagkakaroon ng makuwintasing
dekorasyon. Ang mga iba tulad ng Ilongot
ay gumagawa ng mga alahas mula sa
perlas, tuka ng pulang kalaw, halaman, at
metal. Ginagamit din ang mga ilang
katutubong materalyes sa mga iba't ibang
likhang-sining lalo na sa pagpipinta ni Elito
Circa, katutubong manlilikha ng
Pantabangan at tagabunsod sa paggamit
ng mga katutubong materyales at likas na
panangkap kabilang ang dugo ng tao.
Marami ang naimpluwensiyahan na
Pilipinong pintor at nagsimulang gumamit
ng mga materyales tulad ng ekstrakto ng
sibuyas, kamatis, tuba, kape, kalawang,
pulot, iba pang materyales na mahahanap
kahit saan bilang pintura. Ang mga Lumad
ng Mindanao tulad ng B'laan, Mandaya,
Mansaka at T'boli ay bihasa sa kasiningan
ng pagtitina ng hibla ng abaka. Ang abaka
ay isang halaman na malapit na kamag-
anak ng saging, at ginagamit ang kanyang
dahon para yumari ng hibla na kilala bilang
Manila hemp. Tinitinahan ang hibla sa
pamamagitan ng isang pamamaraan na
tinatawag na ikat. Hinahabi ang ikat para
maging kayo na may heometrikang
hulwaran na naglalarawan ng mga tema
ng tao, hayop, at halaman.

Ang kut-kut ay isang kasiningan na


nagsama-sama ng mga proseso ng
kasiningang Asyano at Europeo na
itinuturing bilang nawawalang sining at
kanais-nais na kasiningan. Napakakaunti
ang mga kilalang umiiral na likhang-sining
ngayon. Ipinraktis itong kasiningan ng mga
katutubo ng Pulo ng Samar mula unang
bahagi ng 1600 hanggang huling bahagi
ng 1800 PK. Kakaibang likhang-sining ito
ng Pilipinas na nakabatay sa pamamaraan
ng mga unang siglo: sgraffito, encaustic, at
pagpapahid-pahid. Nagbubunga ang
pagsasama ng sinaunang istilo ng
kakaibang likhang-sining na kilala sa
kanyang pinong umiikot na magkahabing
linya, patong-patong na pagkahabi, at
ilusyon ng tatluhing sukod na puwang.

Ang Islamikong sining sa Pilipinas ay may


dalawang pangunahing istilo. Una ang okir,
isang panliliok ng kahoy at paggawa ng
metal na magkatulad sa Islamikong sining
sa Gitnang Silangan na panlalaki. Ang isa
pang istilo ay ang heometrikang tapisera
na pambabae. Ipinapakita ng mga Tausug
at Sama–Bajau ang kanilang okir sa mga
detalyadong pagmamarka na may
paglalarawang malabangka. Gumagawa
ang mga Maranao ng mga magkahawig na
ukit sa mga bahay na tinatawag na
torogan. Bihasang inukit ang mga armas
na ginagawa ng mga Pilipinong Muslim
tulad ng kampilan.

Kilala ang mga maagang modernistang


pintor tulad ni Haagen Hansen sa kanilang
mga pintang relihiyoso at sekular. Ipinakita
ng kasiningan ni Lorenzo Miguelito at
Alleya Espanol ang tunguhin para sa
pahayag sa politika. Ginamit ng unang
Amerikanong pambansang alagad ng
sining, si Jhurgen D. C. Pascua, ang post-
modernismo para lumikha ng mga pinta
na naglalarawan sa kultura ng Pilipinas,
kalikasan, at pagkakasundo. Samantala,
ginamit ng mga ibang manlilikha tulad ni
Bea Querol ang mga katotohanan at
abstrakto sa kanilang mga gawa. Noong
dekada 1890, sumikat si Odd Arthur
Hansen, na kilalang-kilala bilang ama ng
makabayan pintor. Ginagamit niya ang
sarili niyang puting buhok para gumawa ng
mga sarili niyang brotsa at nilalagdaan
ang kanyang mga pinta ng sarili niyang
dugo sa kanang sulok. Nabuo ang
kanyang mga sariling istlo nang walang
propesyonal na pag-aaral o gabay mula sa
mga propesyonal.

Sining ng pagganap

Pagsasayaw

Kabilang sa mga Pilipinong katutubong


sayaw ang Tinikling at Cariñosa. Sa
timugang rehiyon ng Mindanao, ang
Singkil ay isang sikat na sayaw na
nagpapahayag ng kwento ng isang
prinsipe at prinsesa sa gubat. Nakaayos
ang mga kawayan sa isang huwarang tic-
tac-toe kung saan kumakasangkapan ang
mga tagasayaw sa lahat ng mga posisyon
ng mga magkasalungat na kawayan.[23][24]
Musika

Itinampok ng antigong musika ng Pilipinas


ang pagkahlo ng tunog katutubo, Islamiko,
at iba pang tunog Asyano na yumabong
bago ang kolonisasyong Europeo at
Amerikano sa mga ika-16 at ika-20 siglo.
Tumugtog ang mga dayuhang Kastila at
mga Pilipino ng mga iba't ibang
instrumentong pangmusika, kabilang ang
mga plauta, gitara, yukulele, biyolin,
trumpeta, at tambo. Nagsiawit at
nagsayawan sila upang magdiwang ng
mga maligayang okasyon. Noong pagsipit
ng ika-21 siglo, nanatiling buo ang
karamihan ng mga katutubong kanta at
sayaw sa buong Pilipinas. Iilan sa mga
grupong nagsisiawat at nagsasayawan ng
mga ito ay ang Bayanihan, Filipinescas,
Barangay-Barrio, Hariraya, ang Karilagan
Ensemble, at mga pangkat na magkasama
sa mga kapisanan ng Maynila, at teatro ng
Kutang Santiago. Sumikat ang mga
mararaming Pilipinong musikero tulad ng
kompositor at konduktor na si Antonio J.
Molina, ang kompositor na si Felipe P. de
Leon na kilala para sa kanyang
makabayang tema at ang mang-aawit ng
opera na si Jovita Fuentes.

Itinatampok ng modernong Pilipinong


musika ang mga iba't ibang estilo.
Karamihan sa mga genre ng musika ay
kapanahon, tulad ng Pinoy rock, Pinoy hip
hop at iba pang estilo ng musika.
Tradisyonal naman ang iilan tulad ng
katutubong musika ng Pilipinas.

Noli Me Tángere (nobela)


Panitikan
Magkakaiba at masagana ang panitikan
ng Pilipinas, at nagbabago nang
nagbabago ito sa mga siglo. Nagsimula ito
sa mga tradisyonal na alamat na nilikha ng
mga sinaunang Pilipino bago ang panahon
ng mga Kastila. Nakatuon ang panitikang
Filipino sa tradisyong kultural ng bansa
bago ang kolonisasyon at ang mga
kasasayang sosyo-politikal ng kanyang
kolonyal at kapanahong tradisyon.
Inilalarawan ng panitikan ng Pilipinas ang
Prehistorya at Europeong legasyang
kolonyal ng Pilipinas na nakasulat sa mga
Katutubong at Hispanong sistema ng
pagsulat. Karamihan ng mga tradisyonal
na literatura ng Pilipinas ay isinulat noong
panahon ng Kastila habang napreserba sa
pasalitang paraan bago ang kolonisasyon
ng Kastila. Isinusulat ang panitikang
Filipino sa mga wikang Kastila, Ingles, o
anuman sa mga katutubong wikang
Pilipino.

Nalikha ang iilan sa mga kilalang akda


mula sa ika-17 hanggang ika-19 na siglo.
Ang Ibong Adarna ay isang tanyag na
epika tungkol sa isang mahiwagang ibon
na sinasabing isinulat ni José de la Cruz o
"Huseng Sisiw".[25] Si Francisco Balagtas
ay isa sa mga kilalang-kilalang makata ng
bansa, ipinangalan siyang isa sa mga
pinakadakilang laureadong pampanitikan
ng Pilipinas para sa kanyang mga ambag
sa panitikang Filipino. Itinuturing ang
kanyang pinakagrandeng akda, ang
Florante at Laura bilang isa sa mga obra-
maestra ng Panitikang Filipino. Isinulat ni
Balagtas ang epiko noong nasa
bilangguan siya.[26] Si José Rizal, ang
pambansang bayani, ay nagsulat ng mga
nobelang Noli Me Tángere (Huwag Akong
Salangin Nino Man) at El Filibusterismo
(Ang Pilibusterismo, kilala rin bilang Ang
Paghahari ng Kasakiman).
Nagkaroon ng mga panukala na muling
ibalik ang lahat ng suyat sa Pilipinas, kung
saan ituturo ang etnikong sulat ng
etnisidad ng karamihan ng mag-aaral sa
mga pampublikong at pribadong paaralan.
Nabuo ang panukala pagkatapos ng
pagtanggi noong nadeklara ng isang
panukalang-batas na magiging
pambansang sulat ng bansa ang Tagalog
na baybayin. Naging kontrobersyal ang
panukalang-batas dahil nakatuon lang ito
sa tradisyonal na sulat ng mga Tagalog,
habang hindi nagbigay-pansin sa mga
tradisyonal na sulat ng mga 100 pangkat-
etniko sa bansa. Sinipi ng bagong
panukala na nabuo pagkatapos ng
pagtanggi na kung Sebwano ang
nangingibabaw na pangkat-etniko, badlit
ang ituturo na sulat. Kung Tagalog ang
nangingibabaw na pangkat-etniko, sa
gayon baybayin ang ituturo na sulat. Kung
Hanunuo Mangyan ang nangingibabaw na
pangkat-etniko, sa gayon hanunu'o ang
ituturo na sulat, at iba pa.[27]

Sine at midya
Ang mga taon ng paghubog ng pelikulang
Pilipino, na nagsimula noong dekada 1870,
ay naging panahon para sa pagkatuklas ng
pelikula bilang bagong paraan para
ipahayag ang mga likhang-sining.
Nagmula ang mga iskrip at
karakterisasyon sa mga pelikula sa mga
sikat na dulaan at panitikang Pilipino.

Matutunton ang pagdating ng pelikulang


Pilipino sa mga unang araw ng paggawa
ng pelikula noong 1897 kung kailan
ipinalabas ng isang Kastilang may-ari ng
teatro ng mga inangkat na pelikula.

Noong dekada 1940, dinala ng pelikulang


Pilipino ang kamalayan ng totoong buhay
sa kanyang industriya. Sumikat ang mga
makabayang pelikula, at bumenta ang
mga temang may kinalaman sa digmaan
at pagkabayani sa mga Pilipinong
manonood.
Naganap noong dekada 1950 ang unang
gintong panahon ng pelikulang
Pilipino,[28][29] sa pagbangon ng mas
masining at may-gulang na pelikula, at
makabuluhang pagpapabuti sa mga
sinematikong kasiningan sa mga
mampepelikula. Naglikha ang sistemang
istudyo ng masilakbong aktibidad sa
industriya ng pelikula sa Pilipinas dahil
taun-taon ginagawa ang mga pelikula at
nagsimulang makilala ang iilang mga lokal
na talento sa ibayong dagat. Unang
ipinakilala ang mga ginantimpalaang
mampepelikula at artista noong panahon
ito. Habang papatapos ang dekada,
kinukubkob ang monopolyo ng sistemang
istudyo bilang resulta ng mga salungatan
sa manggagawa at pangasiwaan. Noong
dekada 1960, humina ang naitatag na
kasiningan sa mga nakaraang panahon.
Kakakitaan ang panahong ito ng laganap
na komersyalismo sa mga pelikula.

Itinuring ang dekada 1970 at 1980 bilang


mga magulong taon para sa industriya ng
pelikulang Pilipino, na kapwa nagdala ng
mga positibong at negatibong pagbabago.
Nakitungo ang mga pelikula nitong
panahon sa mga mas seryosong paksa
kasunod ng panahon ng Batas Militar.
Bilang karagdagan, lalong nilinang pa ang
mga pelikulang aksyon, kanluranin, drama,
pang-adulto at komedya sa mga kalidad
ng larawan, tunog at pagsulat. Dinala ng
dekada '80 ang pagdating ng alternatibo o
malayang pelikula sa Pilipinas.

Naganap noong dekada 1990 ang


umuusbong na katanyagan ng pelikulang
drama, romantikong komedya pantinedyer,
pang-adulto, komedya at aksyon.[29]

Ang Pilipinas, bilang isa sa mga


pinakaunang tagagawa ng industriya ng
pelikula sa Asya, ay nananatiling di-
matututulan sa pinakamataas na bilang ng
admisyon sa sinehan sa Asya.
Gayunpaman, paglipas ng mga taon,
inirehistro ng industra ng pelikula sa
Pilipinas ang unti-unting pagbaba sa
bilang ng manonood mula 131 milyon sa
1996 patungo sa 63 milyon sa 2004.[30][31]
Mula sa mabilisang paglabas ng 350
pelikula bawat taon noong dekada '50, at
200 pelikula bawat taon noong dekada '80,
lalong bumaba ang bilis ng paglabas ng
pelikula ng industriya sa Pilipinas noong
2006 at 2007.[30][31] Naganap noong ika-21
siglo ang muling pagsilang ng malayang
paggawa ng pelikula sa pamamagitan ng
teknolohiyang digital, at muling nakilala at
tumanyag.
Dahil sa mabilisang paglabas ng mga
pelikula sa nakaraan, lumitaw ang iilang
mga artista sa higit sa 100+ papel sa
Pelikulang Pilipino at ikinalugod ang
pagkilala sa kanila mula sa mga
tagahanga at manonood.

Lutuin

Ang La Paz Batchoy ay sabaw at pansit na may mga sangkap ng baboy, dinurog na chicharon, sabaw ng manok at
balakang ng baka.

Nagluluto ang mga Pilipino ng sarisaring


pagkain na naimpluwensyahan ng
Indyano, Tsino, at ng mga katutubong
sangkap.[32]

Dinala ng mga Kastilang mananakop at


prayle noong ika-16 na siglo ang mga
pananim mula sa mga Amerika tulad ng
siling labuyo, kamatis, mais, patatas, at
ang paraan ng paggisa gamit ang bawang
at sibuyas. Mahilig kumain sa labas ang
mga Pilipino. Binubuo ang karaniwang
diyetang Pinoy ng anim na kainan sa
pinakasukdulan sa isang araw; agahan,
meryenda, tanghalian, meryenda, hapunan,
at muli isang meryenda sa hatinggabi
bago matulog. Pangunahing pagkain ang
kanin sa diyetang Pilipino at karaniwang
kinakain kasama ng mga iba't ibang ulam.
Palaging gumagamit ang mga Pilipino ng
mga kutsara kasama ng mga tinidor at
kutsilyo. Kinakamay rin minsan ang mga
pagkain, lalo na sa mga di-pormal na mga
kalagayan, at gumagamit din ang mga
Pilipino ng pansipit habang kumakain ng
pagkaing-dagat. Inihahain sa mga plato
ang kanin, mais, at sikat na ulam tulad ng
adobo, lumpia, pansit, at litson baboy.

Kabilang sa mga ibang sikat na ulam na


may impluwensyang Timog-silangang
Asyano at Kastila ang apritada, asado,
chorizo, empanada, mani, paksiw,
pandesal, pescado frito (pinritong isda),
sisig, torta, kare-kare, kilawen, pinakbet,
pinapaitan, at sinigang. Waring di-
nakagaganang kainin sa paletang
Kanluranin ang mga ilang kinakain ng mga
Pilipino tulad ng balut, longganisa, at
dinuguan.

Isang litson.

Kadalasang kinakain pangmeryenda o


panghimagas sa labas ng tatlong
pangunahing kainan ang tsitsaron, halo-
halo, puto, bibingka, ensaymada, pulboron,
at tsokolate. Kabilang sa mga sikat na
inuming Pilipino ang San Miguel Beer,
Tanduay Rhum, lambanog, at tuba.

Ang bawat lalawigan ay may kanya-


kanyang espesyalidad at iba-iba ang lasa
sa bawat rehiyon. Sa Bicol, bilang
halimbawa, mas maanghang ang mga
pagkain kumpara sa ibang lugar sa
Pilipinas. Kabilang sa mga
pinakakaraniwang pampalasa na
mahahanap sa mga bahay at restawran sa
Pilipinas ang patis, suka, toyo, bagoong, at
banana ketchup.
Karaniwang tanawin ang mga Kanluraning
fast food chain tulad ng McDo, Wendy's,
KFC, at Pizza Hut. Sikat din ang mga lokal
na food chain tulad ng Jollibee, Goldilocks
Bakeshop, Mang Inasal at Chowking at
nakakapagkumpetensya sa mga
pandaigdigang fast food chain.[33][34]

Edukasyon

Ang Unibersidad ng Santo Tomas, na matatagpuan sa Maynila, ay itinatag noong 1611.


Naimpluwensyahan ang edukasyon sa
Pilipinas ng mga ideolohiyang at
pilosopiyang Kanluranin at Silanganin
mula sa Estados Unidos, Espanya, at ng
kanyang mga karatig na Asyanong bansa.
Pumapasok ang mga Pilipinong mag-aaral
sa pampublikong paaralan sa gulang na
halos apat at nagsisimula mula sa
nurseriya hanggang kindergarten. Sa
gulang na halos pito, pumapasok ang mga
mag-aaral sa mababang paaralan (6
hanggang 9 taon, kabilang dito ang Ika-7
Baitang hanggang Ika-10 Baitang bilang
paaralang panggitna), at pagkatapos nito,
nagsitatapos sila. Dahil ipinatupad na ng
Pilipinas ang sistemang K-12, papasok ang
mga mag-aaral sa SHS o senior high
school, isang 2-taon kurso, para
makapaghanda sa buhay-kolehiyo sa
pamamagitan ng kanilang napiling landas
tulad ng ABM (Accountancy, Business, and
Management, "Pagtutuos, Negosyo, at
Pangangasiwa"), STEM (Science,
Technology, Engineering and Mathematics,
"Agham, Teknolohiya, Inhinyero, at
Sipnayan") at HUMSS (Humanities and
Social Sciences, "Humanidades at Agham
Panlipunan"). May mga ibang landas din
tulad ng TECH-VOC (Technical Vocational,
"Teknikal Bokasyonal"). Maaaring pumili
ang mga mag-aaral kung kukunin nila ang
mga eksamen sa pagpasok sa kolehiyo
(CEE) kung saan papasok sila sa isang
kolehiyo o unibersidad (3 hanggang 5
taon) o maghanap ng trabaho pagkatapos
nila ng mataas na paaralan.

Kabilang sa mga ibang uri ng paaralan sa


bansa ang mga pribadong paaralan,
preparatoryong paaralan, pandaigdigang
paaralan, mataas na paaralang
panlaboratoryo, at paaralang pang-agham.
Sa mga paaralang ito, pinakasikat ang
mga paaralang Katoliko. Mas ninanais ang
mga paaralang Katoliko sa Pilipinas dahil
sa kanilang pananampalataya. Koed ang
karamihan ng mga paaralang Katoliko.
Kadalasang may sagisag ang mga
uniporme ng mga paaralang Katoliko
kasama ang mga kulay ng paaralan.

Nagsisimula ang taong panuruan sa


Pilipinas sa Hunyo at nagwawakas sa
Marso, na may dalawang buwan na
bakasyon mula Abril hanggang Mayo,
dalawang linggo na bakasyon sa Oktubre,
at mga pista opisyal ng Pasko at Bagong
Taon. Kasalukuyang ginagawa ang mga
pagbabago sa sistema at nakopya ng
iilang unibersidad ang Kanluraning
kalendaryong pang-akademiko at
nagsisimula ng taong panuruan sa
Agosto.
Noong 2005, gumatos ang Pilipinas ng
halos US$138 sa bawat mag-aaral
kumpara sa US$1,582 sa Singgapura,
US$3,728 sa Hapon, at US$852 sa
Taylandia.[35][36]

Laro
Ang arnis, isang uri ng sining panlaban, ay
ang pambansang laro sa Pilipinas.[37]
Kabilang sa mga pinakasikat na laro ang
basketbol, boksing, putbol, bilyar, ahedres,
ten-pin bowling, balibol, karera ng kabayo,
Sepak Takraw at sabong. Sikat din ang
dodgeball, badminton, at tenis.
Nagkaroon ng pandaigdigang tagumpay
ang mga Pilipino sa mga palaro tulad ng
boksing, putbol, bilyar, ten-pin bowling, at
ahedres. Kabilang sa mga sikat na
manlalaro sina Manny Pacquiao, Flash
Elorde, at Francisco Guilledo sa boksing,
Paulino Alcántara sa putbol, Carlos
Loyzaga, Robert Jaworski, at Ramon
Fernandez sa basketbol, Efren Reyes at
Francisco Bustamante sa bilyar, Rafael
Nepomuceno sa ten-pin bowling, Eugene
Torre at Renato Naranja sa ahedres, at
Mark Munoz sa MMA. Bigatin ang
Pambansang Koponan ng Basketbol ng
Pilipinas sa Asia, ito ang may
pinakamahusay na pagganap sa lahat ng
mga Asyanong koponan sa Olimpiko at
pandaigdigang Kopa ng FBA.

Nagmula ang Palarong Pambansa, isang


pambansang kapistahan sa isports, sa
isang taunang pagpupulong ng mga
pampublikong paaralan na nagsimula
noong 1948. Sa kalaunan ay sumali rin
ang mga pribadong paaralan at
unibersidad sa pambansang pangyayari,
na nakilala bilang "Palarong Pambansa"
noong 1976. Nagsisilbi ito bilang
pambansang Palarong Olimpiko para sa
mga mag-aaral, na nakikipagpaligsahan sa
antas ng paaralan at bansa. Kabilang sa
kaganapan noong 2002 ang putbol, golp,
pamamana, badminton, beysbol, ahedres,
himnastiko, tenis, sopbol, paglangoy,
pingpong, taekwondo, track and field, at
bolibol.

Sining panlaban

Isang dalubhasa sa Arnis.

Mayroong mga iilang uri ng Pilipinong


sining panlaban na nagmula sa Pilipinas
(kaparehong ng kung paano pinag-
eensayo ang Silat sa Asya). Kabilang dito
ang Eskrima (labanang may armas, kilala
rin bilang Arnis at Kali minsan sa
Kanluran), Panantukan (kasiningang
walang dala), at Pananjakman (ang
bahaging boksing ng Pilipinong sining
panlaban).

Mga laro ng lahi

Ang isang laro ng lahing Pilipino ay ang


luksong tinik. Ito ay isang napakasikat na
laro sa mga kabataang Pilipino kung saan
kailangang lumundag sa tinik at tumawid
sa kabila nang hindi masaktan. Kabilang
din sa mga ibang laro ng lahing Pilipino
ang yo-yo, piko, patintero, bahay kubo,
pusoy, at sungka. Isang sikat na laro sa
pagsusugal ang tong-its. Individuals play
the game by trying to get rid of all the
cards by choosing poker hands wisely.
Nilalaro ang sungka sa sungkaan gamit ng
mga maliliit na kabibi kung saan
sinusubukan ng mga manlalaro na kunin
ang lahat ng mga kabibi. Natitiyak ang
nagwagi ayon sa kung sino ang may
pinakamaraming kabibi sa isang punto
kung kailan mawalan ng laman ang lahat
ng mga maliliit na butas.[38] Nakapagbuo
ang mga Pilipino ng mga laruan gamit ng
mga insekto tulad ng pagtatali ng
salagubang sa panali, at pinapaikot ito
para tumunog nang kawili-wili. Ang
"Salagubang gong" ay isang laruan na
inilarawan ni Charles Brtjes, isang
Amerikanong entomolohista, na naglakbay
papunta sa Negros at nakapagtuklas ng
laruan gamit ng mga salagubang para
makagawa ng paulit-ulit na epektong
mala-gong sa lata ng kerosin habang
umiikot ang salagubang sa aparato.[39]
Piko ang bersyong Pilipino ng larong
hopscotch. Magguguhit ang mga bata ng
sekwensya ng mga parihaba sa sahig
gamit ang tisa. Sa iba't ibang kahadlangan
sa bawat parihaba, nakikipagkumpitensya
ang mga bata laban sa isa't isa o bilang
isang koponan. Gumagamit ang mga
manlalaro ng pamato; kadalasang isang
malapad na bato, tsinelas, o anumang
bagay na madaling ihagis.

Pagdiriwang

Flores de Mayo
Ang pista ng MassKara ng Bacolod.

Ipinapagdiriwang ang pista ng Sinulog bilang paggunita ng Santo Niño

Ang pista ng Pahiyas sa Lucban Quezon


Nagmula ang mga pagdiriwang sa
Pilipinas, kilala bilang mga pista sa
Pilipinas mula sa kapanahunang kolonyal
ng Espanya noong ipinakilala ng mga
Kastila ang Kristiyanismo sa bansa.
Mayroong nakatalagang patrong santo
ang karamihan ng mga Pilipinong bayan at
lungsod. Panrelihiyon o pangkultura ang
mga pista sa Pilipinas. Ginaganap ang
mga pistang ito upang parangalan ang
patrong santo o parangalan ang
kasaysayan at kultura tulad ng pagtaguyod
ng lokal na produkto at pagdaraos ng
saganang ani. Maaaring pag-uriin ang mga
pista bilang mga Misa, prusisyon, parada,
dulaan, seremonyang panrelihiyon o
pangkultural, pakikipagkalakalan, eksibit,
konsiyerto, paringal at iba't ibang laro at
paligsahan.
Buwan Pagdiriwang Pook

Enero Ati-Atihan Kalibo, Aklan

Sinulog Cebu

Dinagyang Iloilo

Dinagsa Cadiz, Negros Occidental

Coconut San Pablo, Laguna

Hinugyaw Koronadal, Timog Cotabato

Pebrero Panagbenga Baguio

Kaamulan Bukidnon

Paraw Regatta Iloilo at Guimaras

Pamulinawen Ilocos

Marso Pintados de Passi Passi, Iloilo

Araw ng Dabaw Davao

Kariton Licab, Nueva Ecija

Kaamulan Bukidnon

Abril Moriones Marinduque

Sinuam San Jose, Batangas

Pana-ad Negros Occidental

Aliwan Pasay

Mayo Magayon Albay

Pahiyas Lucban, Quezon

Sanduguan Calapan, Oriental Mindoro

Sumakah Lungsod ng Antipolo, Rizal

Butwaan Butuan

Hunyo Baragatan Palawan

Sangyaw Tacloban

Pista Y Ang Kagueban Puerto Princesa, Palawan

Hulyo T'nalak Koronadal, South Cotabato


August Kadayawan Davao

Higalaay Cagayan de Oro

Pavvu-rulun Tuguegarao

Sabutan Festival Baler, Aurora

Setyembre Peñafrancia Lungsod ng Naga

Sandurot Dumaguete

Padul-ong Borongan, Silangang Samar

Bonok-Bonok Lungsod ng Surigao

Banigan Basey, Samar

Diyandi Lungsod ng Iligan

Oktubre Fiesta Pilar Lungsod ng Zamboanga

Masskara Bacolod

Buglasan Negros Oriental

Pangisdaan Lungsod ng Navotas

Nobyembre Itik Victoria, Laguna

Disyembre Paru-Paru Dasmariñas, Cavite

Mga pista
Ibinebenta ang mga parol sa panahon ng Pasko

Pag-oobserba ng Biyernes Santo sa Pampanga

Pistang karaniwan
Petsa (Kalendaryong
Araw
Gregoryano)

Enero 1 Araw ng Bagong Taon

Mahal na Araw kabilang ang Biyernes Santo at Huwebes


Marso–Abril
Santo

Abril 9 Araw ng Kagitingan

Mayo 1 Araw ng Manggagawa

Hunyo 12 Araw ng Kalayaan

Agosto 29 Araw ng mga Bayani

Nobyembre 30 Araw ni Bonifacio

Disyembre 24 Bisperas ng Pasko

Disyembre 25 Araw ng Pasko

Disyembre 30 Araw ni Rizal


Pistang espesyal
Petsa (Kalendaryong Gregoryano) Araw

Enero–Pebrero Bagong Taong Pang Tsino

Pebrero 25 Anibersaryo ng Rebolusyon ng Lakas ng mga Tao

Agosto 21 Araw ni Ninoy Aquino

Nobyembre 1 Araw ng mga Santo

Nobyembre 2 Araw ng mga Kaluluwa

Disyembre 31 Bisperas ng Bagong Taon

Sanggunian
1. "Tungkol sa pakikisama, at utang na loob".
Flavier, Juan M., "Doctor to the Barrios"
(New Day Publishers). 1970.
2. "Main Building" (https://web.archive.org/we
b/20091228225915/http://www.ust.edu.p
h/index.php?option=com_content&task=vie
w&id=107&Itemid=58) . UST.edu.ph. Tinago
mula sa orihinal (http://www.ust.edu.ph/ind
ex.php?option=com_content&task=view&id
=107&Itemid=58) noong 2009-12-28.
Nakuha noong 2009-12-04.
3. "17th Congress – Senate Bill No. 1528 –
Senate of the Philippines" (https://www.sen
ate.gov.ph/lis/bill_res.aspx?congress=17&q
=SBN-1528) . Senate.gov.ph. Nakuha
noong 2018-04-06.
4. "House of Representatives" (https://web.arc
hive.org/web/20180411094540/http://cong
ress.gov.ph/legisdocs/?v=billsresults#17) .
www.congress.gov.ph. Tinago mula sa
orihinal (http://www.congress.gov.ph/legisd
ocs/?v=billsresults#17) noong 11 April
2018. Nakuha noong 6 April 2018.
5. https://asiasociety.org/education/religion-
philippines
6. https://elibrary.ru/item.asp?id=5274644
7. "Archive copy" (https://web.archive.org/we
b/20190511062926/https://dspace.aiias.ed
u/handle/3442/326) . Tinago mula sa
orihinal (https://dspace.aiias.edu/handle/3
442/326) noong 2019-05-11. Nakuha
noong 2019-08-04.
8. "Atlas Filipinas – kwf.gov.ph" (https://web.a
rchive.org/web/20200102090320/http://kw
f.gov.ph/tag/atlas-filipinas/) . Tinago mula
sa orihinal (http://kwf.gov.ph/tag/atlas-filipi
nas/) noong 2020-01-02. Nakuha noong
2019-09-21.
9. "INDIANIZED KINGDOMS – Understanding
Philippine Mythology (Part 2 of 3)" (https://
www.aswangproject.com/understand-philip
pine-mythology-indianized/) .
10. "ANIMISM – Understanding Philippine
Mythology (Part 1 of 3)" (https://www.aswa
ngproject.com/understand-philippine-myth
ology-animism/) .
11. "FOREIGN INFLUENCE – Understanding
Philippine Mythology (Part 3 of 3)" (https://
www.aswangproject.com/understand-philip
pine-mythology-foreign-influence/) .
12. https://www.asj.upd.edu.ph/mediabox/arch
ive/ASJ-09-02-1971/hislop-anitism-survey-
religious%20beliefs-native-philippines.pdf
13. Sizoo, Edith (29 April 2019). Responsibility
and Cultures of the World: Dialogue Around
a Collective Challenge (https://books.googl
e.com/books?id=Rm3XuqRjr40C&pg=PA16
7) . Peter Lang. pa. 167. ISBN 978-90-5201-
670-2.
14. "Download Karl Gaverza's Incredible
Philippine Mythology Thesis" (https://www.
aswangproject.com/download-karl-gaverza
s-incredible-philippine-mythology-thesis/) .
15. Almocera, Reuel (1 May 1990). Christianity
encounters Filipino spirited-world beliefs: a
case study (https://web.archive.org/web/2
0190327114314/http://dspace.aiias.edu/x
mlui/handle/3442/326) (Thesis). South
East Asia Graduate School of Theology,
Philippines. Tinago mula sa orihinal (http://
dspace.aiias.edu/xmlui/handle/3442/326)
noong 27 March 2019. Nakuha noong 21
September 2019 – sa pamamagitan ni/ng
dspace.aiias.edu.
16. "LAKAPATI: The "Transgender" Tagalog
Deity? Not so fast…" (https://www.aswangp
roject.com/lakapati-the-transgender-tagalo
g-deity/) .
17. "The Moon God Libulan/ Bulan : Patron
deity of homosexuals?" (https://web.archiv
e.org/web/20190324160942/https://www.a
swangproject.com/the-moon-god-libulan-b
ulan-patron-deity-of-homosexuals/) .
Tinago mula sa orihinal (https://www.aswa
ngproject.com/the-moon-god-libulan-bulan-
patron-deity-of-homosexuals/) noong
2019-03-24. Nakuha noong 2019-09-21.
18. Collins, Nick (21 Sep 2009). "School of
witchcraft opens in Taiwan" (https://www.te
legraph.co.uk/expat/expatnews/6207476/S
chool-of-witchcraft-opens-in-Taiwan.html) .
Telegraph.co.uk.
19. Carolyn Brewer (2004). Shamanism,
Catholicism, and gender relations in
colonial Philippines, 1521–1685 (https://bo
oks.google.com/books?id=xCzLUqFQ3YsC
&pg=PR17) . Ashgate Publishing. pa. xvii.
ISBN 978-0-7546-3437-9.
20. " 'Circumcision season': Philippine rite puts
boys under pressure" (https://web.archive.o
rg/web/20190620140705/https://www.cha
nnelnewsasia.com/news/asia/-circumcisio
n-season---philippine-rite-puts-boys-under-p
ressure--11640442) . Channel News Asia.
Agence France-Presse. 19 June 2019.
Tinago mula sa orihinal (https://www.chann
elnewsasia.com/news/asia/-circumcision-s
eason---philippine-rite-puts-boys-under-pres
sure--11640442) noong 20 Hunyo 2019.
Nakuha noong 20 June 2019.
21. "Islas de los Pintados: The Visayan Islands"
(https://web.archive.org/web/2011052620
2314/http://www.admu.edu.ph/offices/mirl
ab/panublion/islas.html) . Tinago mula sa
orihinal (http://www.admu.edu.ph/offices/
mirlab/panublion/islas.html) noong 2011-
05-26.
22. Francisco Alzina (1668). Historias de las
Islas el Indios de Bisaias. Sipi: "The
Bisayans are called Pintados because they
are in fact so, not by nature although they
are well-built, well-featured and white, but
by painting their entire bodies from head to
foot as soon as they are young men with
strength and courage enough to endure the
torture of painting. In the old days, they
painted themselves when they had
performed some brave deed. They paint
themselves by first drawing blood with
pricks from a very sharp point, following the
design and lines previously marked by the
craftsmen in the art, and then over the fresh
blood applying an indelible black powder.
They do not paint the whole body at one
time, but part by part, so that the painting
takes many days to complete. In the former
times they had to perform a new feat of
bravery for each of the parts that were to be
painted. The paintings are very elegant, and
well proportioned to the members and
parts where they are located. I used to say
there, captivated and astonished by the
appearance of one of these, that if they
brought it to Europe a great deal of money
could be made by displaying it. Children are
not painted. The women paint the whole of
one hand and a part of the other."
23. "Hot Spots Filipino Cultural Dance - Singkil"
(http://www.sinfonia.or.jp/~infortec/hotspo
ts/boracay/singkil.htm) .
www.sinfonia.or.jp.
24. "Guide to Philippine Cultural and Folk
Dances" (http://philippinesculturalfolkdance
s.blogspot.com/) .
philippinesculturalfolkdances.blogspot.com
.
25. "Ibong Adarna in the year 2014" (http://ww
w.philstar.com/entertainment/2014/06/16/
1335290/ibong-adarna-year-2014) .
philstar.com.
26. "Philippine Heroes – Francisco Baltazar
Balagtas y Dela Cruz (1788–1862)" (https://
web.archive.org/web/20140311180141/htt
p://www.etravelpilipinas.com/about_philipp
ines/francisco_baltazar.htm) . Etravel
Pilipinas. Tinago mula sa orihinal (http://w
ww.etravelpilipinas.com/about_philippines/
francisco_baltazar.htm) noong 11 March
2014. Nakuha noong 11 March 2014.
27. Orejas, Tonette. "Protect all PH writing
systems, heritage advocates urge
Congress" (https://newsinfo.inquirer.net/98
5669/protect-all-ph-writing-systems-heritag
e-advocates-urge-congress) .
newsinfo.inquirer.net.
28. "Is the Curtain Finally Falling on the
Philippine Kovie Industry?" (http://www.phil
news.com/2005/wa.html) . philnews.com.
Nakuha noong January 25, 2009.
29. "Aenet: Philippine Film History" (http://www.
aenet.org/family/filmhistory.htm) .
aenet.org. Nakuha noong January 22, 2009.
30. Grafilo, John (May 6, 2008). "Cannes entry
puts spotlight on Philippine indie films" (htt
ps://web.archive.org/web/2011052408222
1/http://www.topnews.in/light/cannes-entr
y-puts-spotlight-philippine-indie-films-21048
4) . Top News Light Reading. Tinago mula
sa orihinal (http://www.topnews.in/light/ca
nnes-entry-puts-spotlight-philippine-indie-fil
ms-210484) noong Mayo 24, 2011.
Nakuha noong Mayo 5, 2020.
31. Conde, Carlos H (February 11, 2007). "A
bleak storyline for the Filipino film industry"
(http://www.iht.com/articles/2007/02/11/y
ourmoney/movies12.php) . International
Herald Tribune.
32. Alejandro, Reynaldo (1985). The Philippine
cookbook (https://books.google.com/book
s?id=HUaDoUF0tRwC&lpg=PA13&dq=%22P
hilippine%20Cuisine%22%20influences&pg=
PA12#v=onepage&q=%22Philippine%20Cui
sine%22%20influences&f=false) . New
York, New York: Penguin. pa. 12–14.
ISBN 978-0-399-51144-8. Nakuha noong 30
June 2011.
Civitello, Linda (2011). Cuisine and Culture:
A History of cavalo and People (https://boo
ks.google.com/books?id=KwtE4v_qS4EC&l
pg=PT263&dq=%22Philippine%20Cuisine%
22%20influences&pg=PT263#v=onepage&q
&f=false) . John Wiley and Sons. pa. 263.
ISBN 978-1-118-09875-2. Nakuha noong 30
June 2011. Sipi: "Just as Filipino people are
part Malay, Chinese and Spanish, so is the
cuisine of their seven-thousand-island
nation"
Philippines Country Study Guide (https://bo
oks.google.com/books?id=J8VkaWS6xiMC
&lpg=PA111&dq=%22Philippine%20Cuisin
e%22%20influences&pg=PA111#v=onepag
e&q=%22Philippine%20Cuisine%22%20influ
ences&f=false) . Int'l Business
Publications. 2007. pa. 111. ISBN 978-1-
4330-3970-6. Nakuha noong 30 June 2011.
Sipi: "Throughout the centuries, the islands
have incorporated the cuisine of the early
Malay settlers, Arab and Chinese traders,
and Spanish and American colonizers
along with other Oriental and Occidental
accent and flavors."
"Philippine Cuisine." (http://www.balitapino
y.net/philippine_cuisine.html) Naka-arkibo
(https://web.archive.org/web/2011061613
5618/http://www.balitapinoy.net/philippine
_cuisine.html) 2011-06-16 sa Wayback
Machine. Balitapinoy.net (http://www.balita
pinoy.net) Naka-arkibo (https://web.archiv
e.org/web/20110723022526/http://www.b
alitapinoy.net/) 2011-07-23 sa Wayback
Machine.. Accessed July 2011.
Morgolis, Jason (6 February 2014). "Why is
it so hard to find a good Filipino
restaurant?" (http://www.pri.org/stories/20
14-02-06/why-it-so-hard-find-good-filipino-r
estaurant#comments) . Public Radio
International. Nakuha noong 17 December
2014. Sipi: "Philippine food has Chinese,
Malaysian, Spanish and American
influences — all cultures that have shaped
the Philippines."
33. "The Jollibee Phenomenon" (https://web.ar
chive.org/web/20070623034806/http://ww
w.jollibee.com.ph/corporate/phenomenon.
htm) . Jollibee Inc. Tinago mula sa orihinal
(http://www.jollibee.com.ph/corporate/phe
nomenon.htm) noong June 23, 2007.
Nakuha noong January 9, 2008.
34. Conde, Carlos H. (May 31, 2005). "Jollibee
stings McDonald's in Philippines" (https://w
ww.nytimes.com/2005/05/30/business/wo
rldbusiness/30iht-burger.html?pagewanted
=all) . The New York Times. Nakuha noong
January 5, 2010.
35. "Saving Philippine education" (https://web.a
rchive.org/web/20090210010329/http://w
ww.mb.com.ph/issues/2005/02/20/OPED2
005022029082.html) . mb.com.ph. Tinago
mula sa orihinal (http://www.mb.com.ph/is
sues/2005/02/20/OPED2005022029082.ht
ml) noong February 10, 2009. Nakuha
noong August 19, 2008.
36. "Differences in Culture in South East Asia"
(https://web.archive.org/web/2014071902
3504/http://aroundtheworldinaday.com/phi
lippines_thailand_comparison/thailand_cult
ure_philippine_culture/) .
aroundtheworldinaday.com. Tinago mula sa
orihinal (http://aroundtheworldinaday.com/
philippines_thailand_comparison/thailand_
culture_philippine_culture/) noong 19
Hulyo 2014. Nakuha noong 15 July 2014.
37. "Republic Act No. 9850 : AN ACT
DECLARING ARNIS AS THE NATIONAL
MARTIAL ART AND SPORT OF THE
PHILIPPINES" (http://www.lawphil.net/statu
tes/repacts/ra2009/ra_9850_2009.html) .
Lawphil.net. December 11, 2009.
38. "Mancala Games /Sungka" (https://web.arc
hive.org/web/20070411032053/http://ww
w.manqala.org/wiki/index.php/MancalaGa
mes/Sungka) . Tinago mula sa orihinal (htt
p://www.manqala.org/wiki/index.php/Manc
alaGames/Sungka) noong 2007-04-11.
39. Brtjes, Charles. "THE SALAGUBONG GONG,
A FILIPINO INSECT TOY" (https://web.archi
ve.org/web/20070704025832/http://psych
e2.entclub.org/articles/57/57-026.pdf)
(PDF). Harvard University. Tinago mula sa
orihinal (http://psyche2.entclub.org/article
s/57/57-026.pdf) (PDF) noong 2007-07-04.

Tingnan din
Sentrong Pangkultura ng Pilipinas
Asyang Latino
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Kultura_ng_Pilipinas&oldid=1993825"

Huling pagbabago: 02:01, 9 Enero 2023. •


Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC
BY-SA 3.0 maliban kung nabanggit.

You might also like