ni Antonio, Emilio Martinez (Kuwentong Pampaaralan)
Mahahalagang Detalye:
Simula: Ang bayang Marikina ay isang pook na masukal, sagana sa iba’t-ibang
punong-kahoy, madamong kapatagan at kaayaayang batis Tauhan: Kabilang sa mga naninirahan sa pook na ito ay ang mag-asawang Marta at Kanor, na may isang anak na dalagang ang pangalan ay Marina.
Nagtataglay ng pambihirang kagandahan si Marina
a. maganda ang pagkabilog ng kanyang mukha b. makinis at maputing mamula-mula ang kulay ng pisngi c. may mapupungay na mata d. pantay-sakong ang kanyang maitim at alun-along buhok. e. sa tuwina’y nakatuun ang kaniyang isip sa pagtawag sa Diyos..
Pagkawala ni Marina: Isang hapon ay naisipan ni Marina na manaog at
magtungo sa batis. Naganyak si Marina na maligo sa batis sa pag-aakalang siya ay nag-iisa nang mga sandaling yaon. Biglang nakarinig siya ng isang tinig na anya:-Marikit ka, Marina!...Napakarikit mo,Marina!...Pinakamamahal kita! Napagulat si Marina, kaya’t siya ay lumuhod at taimtim na nagdasal: - Panginoon, kung ako po ay madadaig ng tuksong iyon... ay mabuti pang kunin Mo na po ako!...Bigla namang nagdilim at gumuhit ang matatalim na kidlat. At walang abug-abog ay bumuhos ang malakas na ulan.Nang tumila ang ulan, sa kung anong hiwaga, ay nawala na si Marina, nguni’t sa buong paligid ng pook na iyon ay dinig na dinig ng mga tao ang mahabang alingawngaw na: Marikit ka, Marina!...
Wakas: Nang magkasalin-salin ang alingawngaw na yaon sa labi ng mga tao,
pagkaraan ng maraming taon ay naging “MARIKINA,” na siya nang naging pangalan ng bayang Marikina na noon ay nasasakop ng lalawigang Rizal.