You are on page 1of 46

PANIMULA

Lungsod ng Tawi- tawi

Sa Timog na bahagi ng kapuluan ng Pilipinas na may 107 na mga

mumunting isla na kalat-kalat. Bagkus, di ito katulad ng mga isla sa Pilipinas na

dinarayo ng bultu- bultong dayuhan, wari’y bang pinangingilagan dahil sa

negatibo nitong imahe na ito raw ay pugad ng mga barbarong terorista ng

Mindanao. Ito ay ang Tawi- tawi.

Ang Tawi-Tawi ay isang lalawigan sa rehiyon ng Nagsasariling Rehiyon

ng Muslim na Mindanao sa Pilipinas na may tatlong pangkat ng mga pulo na

binubuo ng 307 na malalaki at maliliit na pulo. Ang mga kabisera nito ay

ang Bongao at ang Panglima Sugala. Pinakatimog na lalawigan ang Tawi-Tawi sa

Pilipinas. Matatagpuan sa hilagang silangan ng lalawigan ang Sulu at sa kanluran

ang Sabah sa Malaysia. Tinatayang 90% ng mga naninirahan dito ay Muslim.

Apat na pamayanang kultural ang naninirahan dito: Samal, Badjao, Joma-Mapun,

at Tausug. (Francisco, 1967)

Ito ay isang lungsod na nasa katimugang bahagi ng Pilipinas, kabahagi

nito ang mga babaying dagat ng Sabah na punong lungsod ng bansang Malaysia,

hilagang bahagi ng bansang Indonesia sa Kalimantan, at dalawang isla ng Borneo.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 1


Ang lungos ng Tawi- tawi ay sumasaklaw sa ilang isla sa hilagang- kanluran ng

probinsya ng Sulu. (Francisco, 1967)

Unang nilikha ang lungsod noong ika- 4 ng Abril 1979 sa bisa ng Batas

Republika Blg. 24, na kilala din bilang Batas Organiko. Opisyal na itinalaga ang

itong kabahagi ng ARMM. (Francisco, 1967)

Isang probinsiya na kung saan ang nakararami ay mga Tausug. Ang Tawi-

tawi ay dating kinikilala bilang bahagi ng Sulu hanggang sa taong 1973

pinaghiwalay ito at nagging awtonomong lungsod na may 11 na siyudad. Hindi

lingid sa karamihan, ang Tawi- tawi ay isang masaganang lungsod na may

preskong telon at mga pamanang lugar na mayaman sa kasaysayan. Ito ay

binubuo ng mga mayuyuming isla na mgandang paglanguyan, mga nagtataasang

bundok at iba pang magagandang pasyalan. (Francisco, 1967)

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 2


Mapa ng Tawi- tawi

Ang Tawi- tawi ay nasa Timog na bahagi ng kapuluan ng Pilipinas na may

107 na mga mumunting isla na kalat-kalat na nasa pagitan ng Sulu Sea sa

hilaga at Celebes Sea sa Timog. Ito ay bagi ng kapuluan ng Sulu na may

pinagsamang lawak na 1,087.4 square kilometres (419.8 square miles) at ang

Taw- tawi mismo ay may kabuuang lawak na 580.5 square kilometres (224.1

square miles).

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 3


Kasaysayan

Ang Mindanao ay binubuo ng mga maliliit na barangay at

pinamumunuan ng mgadatu. Nagkaroon na malaking pagbabago sa sosyo-

politikal na antas ng pamumuno nangdumating si Shariff Kabunsuan

noong ika-15 siglo. Isa siyang misyoneryong Arabo na kalunan ay

nagsimula ng Islam sa

Pilipinas. Nagbunga ito sa pagkakabuo ng mga iba’tibang Islam na k

omunidad at di nagtagal, sa pagkakaroon ngSultanatong Islam, sa ilalim

ng pinakamataas na konseho na naging dahilan sa pagkaka-

buklod ng Mindanao Mainland sa iba pang islang kalapit nito. Nang

masakop ng mga Espanyol ang Pilipinas, nanatiling Malaya ang mga

sultanato sa Mindanao sa loob ng

mahabang panahon sa kadahilanang matagumpay nilang naipagtatanggol a

ng kanilangnasasakupan. Noon na lamang katapusan ng ika-

19 siglo kinilala ng Mindanao angsoberanya ng Espanya. Di rin nagtagal

ang kapangyarihan ng mga Espanyol sa Mindanaodahil napilitan silang

umalis dahil sa pagkatalo sa mga Amerikano.

Noong 1942, sa unang yugto ng digmaang Pasipiko, may mga

langkay ng Japanese Imperial Forces ang nanakop sa Mindanao, partikular sa

parte ng ARMM ngayon. Tatlongtaon ang nakalipas, noong 1945, tumulong

ang Estados Unidos at mga Pilipino na malipolang mga mananakop na Hapon

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 4


Sa araw ng Agosto 1, 1989, ang Republic Act No. 6734 na kilala rin sa

Organic Act of the Autonomous Region in Muslim Mindanao ay nalagdaan

bilang batas ni PangulongAquino. Noon namang ika-17 ng Nobyembre,

1989, isang plebisito ang pinangasiwaan samga namungkahing lugar ng na

maisama sa ARMM, ang apat na probinsiyang kasama ayang Maguindanao,

Lanao del Sur, Tawi-Tawi at Sulu.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 5


Wika sa Tawi- tawi

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong

daigdig. Maliban sa pambansang wika na Filipino kasama nang mahigit sa isang-

daang (100) katutubong wika.

Ang mga katutubong wika sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga

wika na kung tawagin ay mga wikang Austronesyo (Austronesian Languages). Ang

mga ito ay ang pangkat ng mga wika na ginagamit ng mga tao mula sa Tangway ng

Malayo (Malayan Peninsula) hanggang sa mga watak watak na pulo ng

teritoryong Polynesia sa karagatang pasipiko.

Sa lungsod ng Tawi- Tawi ay may wika silang sinasalita upang malinaw

na magkaintindihan at magkaunawwan. Buhat din nito ang pagkakaroon nila ng

produktibong komunikasyon sa pang araw- araw na buhay. Ito ang mga wikang

kadalasang ginagamit sa lungsod ng Tawi- tawi.

Wikang Maranao

Ang Maranao ay kadalasang iniuugnay sa mga taong pangunahing tumira

malapit sa Lake Lanao/Ranao kung saan ang itinuturing na sentro ay ang Marawi City

sa isla ng Mindanao.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 6


Ang “Maranao” na mayroong literal na pagpapakahulugang “People of the

Lake” sa Ingles (ma- “to be” + ranao “lake”) ay tanyag sa kanilang natatanging

sining, paghahabi, mga likhang kahoy at bakal, at ang ang kanilang epiko bilang

ambag sa oral na panitikan ng Pilipinas.Ang Wikang Maranao ay isang wikang

Awstronesyo na ginagamit ng mga Maranao sa mga lalawigan ng Lanao del

Norte, Lanao del Sur, Sulu at maging sa Tawi- tawi sa Pilipinas.

Wikang Maguindanao

Ang Maguindanaon ay isang wikang Awstronesyo na sinasasalita ng

karamihan ng populasyon ng Lalawigan ng Maguindanao sa Pilipinas. Ito ay

sinasalita din ng ilang minorya sa iba't ibang bahagi ng Mindanao tulad sa Lungsod

ng Zamboanga, Lungsod ng Davao at sa Lungsod ng Heneral Santos at sa mga

lalawigan ng Hilagang Cotabato, Saranggani, Tawi- tawi ,Zamboanga del

Sur, Zamboanga Sibugay, pati na rin sa Kalakhang Maynila. Ito ang halimbawa ng

mga salitang Maguindanao.

Isa naman ang wikang Maguindanao sa mga kahawig at kapamilya ng wikang

Maranao. Malayo man ito sa wikang Maranao (na malapit sa wikang Iranun kung

tutuusin), sa pagiging magkakalapit ng mga lugar na pinaggagamitan ng dalawang

wika’y hindi malayong madali namang halos magkakaunawaan ang dalawang

magkaibang katutubo, at hindi magkakaroon ng ganoong kabigat na problema sa

usaping ng paggamit ng lingua franca.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 7


Ang wikang Maguindanao ay ginagamit ng mga halos kalakhang populasyon

ng lalawigan ng Maguindaano sa Pilipinas. Ilan pang inabutan ng wika ay ang mga

lalawigan ng Zamboanga, Davao at General Santos, at ilang mga lugar sa Hilagang

Cotabato, Sultan Kudarat, Timog Cotabato, Sarangani, Zamboanga del Sur, at

Zamboanga Sibugay. Ito ang halimbawa ng mga salitang Maguindanao.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 8


Wikang Tausug

Ang Wikang Tausug ([taʔu'sug]; Tausug: Bahasa Sūg; Kastila: idioma

joloano/suluano)ay isang wikang bisaya na sinasalita

sa lalawigan ng Sulu sa Pilipinas. Sinasalita rin ito sa Malaysia at Indonesia.

Malawak Ito ay ginagamit sa mga Sulu Archipelago (Basilan, Sulu at Tawi-Tawi),

Zamboanga Peninsula (Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Zamboanga

del Sur, at Zamboanga City), Southern Palawan, Malaysia (Sabah) at Indonesia

(North Kalimantan) . Ito ay napaka malapit na nauugnay sa mga Surigaonon wika

ng lalawigan Surigao del Norte, Surigao del Sur at Agusan del Sur at ang Butuanon

wika mula sa hilagang-silangan ng Mindanao lalo na sa root Tausug salita nang

walang impluwensiya ng Arabic wika.

Ang pangalan ng wika sa Tausūg ay Bahasa Sūg na nangangahulugang

'wika ng Sūg' Sūg kung saan ay dadalhin sa ibig sabihin ang lugar kung saan ito

ginagamit (ie Sulu). Ang salitang Tausūg ay nagmula sa dalawang salita "Tau"

na nangangahulugang "tao", at "sūg" na nangangahulugang "kasalukuyang". Ito

ay maaaring dahil sa ang katunayan na ang mga tao ng Sulu Sea na si

pinamamahalaang upang mabuhay sa kanilang mga uri ng pang-ekonomiyang

kabuhayan sa kabila ng malakas na kasalukuyang nasa Sulu Sea kung saan sila

ginamit upang trans-navigate bilang mangingisda, perlas iba't iba at

negosyante.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 9


Ang Sulu Sea ay naging paggamit bilang ang strategic ruta ng kalakalan sa

katimugang Pilipinas at iba pang mga kalapit na ASEAN bansa, kahit na

hanggang sa kasalukuyan. Bilang maaga bilang ang ika-10 siglo ito ay

naniniwala na nagkaroon na yumayabong daan ng pangangalakal sa pagitan ng

Sulu sa Tsina at Hilagang Borneo. Talaga ang mga tao sa lugar na ito ay kilala

bilang "mga tao ng kasalukuyang", kung saan ay ang literal na pagsasalin ng

"Tausūg".

Wikang Yakan

Ang Yakan ay isang wikang Sama–Bajaw sa kapuluan ng Basilan sa Pilipinas.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 10


Mga awitin

AYAW KAW MAGTANGIS

Ayaw kaw magtangis


Kaugun in luha mo
Pahiri sin panyu'
Supaya makawa
Misan kaw mangasubu
Bukun da dusa ko
Dusa sin baran mo
Binin mo ako.

Timpu nakauna
Pialangga' mo ako
Buling ha bayhu' ko
Taptap piahiran mo
Misan ako natug
Yahabulan mo ako
Mabuga' kaw dalling
Matay ako.

ZUBIR LENA TAUSUG LIRIK

tagna dum yadtu takaw ki'ita alwm sin atay ini kai'mu miyaya ancur in laum atay
sin lingkat iban sin katawa mu..mahunit kalupahan in suara mu yari pa ha atay
pag kadungugan ku tanda sin lasa ku lena pa baran mu mag tumtum sadja aku kaymu
in kasilasa ku kai'mu lena dum adlaw mag tumtum kai'mu sadja misan in sah inangun ku.
ikaw sadja in..haraig ku ha ngan mu sadja lena in pag sabbutun yari pa ha atay ku
pag pasandungun pa tuhan ku na sadja pangayu'un suratan ta pa batukun...

in kasilasa ku kai'mu lena dum adlaw mag tumtum kai'mu sadja misan in sa inangun ku
ikaw sadja in..haraig ku ohh ohh... ha ngan mu sadja lena in pag sabbutun yari pa ha atay
ku
pag pasandungun pa tuhan ku na sadja pangayu'un suratan ta pa batukun
pa tuhan ku na sadja pangayu'un suratan ta pa batukun x2

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 11


TIYUBUAN SIN LASA TAUSUG LIRIK

ikaw sa dayang in kiyabayaan misan kiya'ingatan in ikaw awnna tunang


bukun karna ha harta hangkan aku miyayah addat marayaw miyagad ha lingkat
mu indah...piyatumtum ku kaymu in lasaku kasilasa piyag matapuk sin baran ku
kiyakitaan yan kaymu in katan liyalawag ku hangkan aku indah miyaya kaymu
yari kita kiyalang sampai nakaw baytaan sin way dugaing daing kaimu kalasahan
yari in kalangan ku kaymu hi pasampay ku kalura isab ikaw in suratan ku......

agad dih kataanan bang di kakitaan hi dayang ku manisan dih kalambungan


misan in pagkaun indah kasandalan bang kaw sumandung lumambung ha pangatayan
yari kita kiyalang sampai nakaw baytaan sin way dugaing daing kaimu kalasahan
yari in kalangan ku kaymu hi pasampay ku kalura isab ikaw in suratan ku X2

SAHAYA SIN JANTUNG KU TAUSUG LIRIK


Bang mu sadja kiyaingatan in parasahan
in Baran ku Sin kakita' kaymu
manis sin mata mu nabihag in atay ku
iban sin uyum pag lawag-lawagun ku..
sukud di tana palayu'un.sukud ta duwa makapag unung
ikaw dayang in iya'angut sin ginhawa ikaw in miamaksud
bang kaw malawa di' ku matayma ikaw in sahaya sin jantungku

mag sarang sukul sin tiayma in baran


misan kiya'ingatan awnna tagsuku'an
hatiku amuna in sukud ta...janji ta ayari ibut aimu luppasa
sukud di tana palayu'un.sukud ta duwa makapag unung
ikaw dayang in iya'angut sin ginhawa ikaw in miamaksud
bang kaw malawa di' ku matayma ikaw in sahaya sin jantungku x3

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 12


Katutubong Sayaw

Bukod sa mga makukulay na kontribusyon ng ibat-ibang rehiyon nito, ang

Mindanao ay tahanan ng mga pinakamalaking pang-kultural na minorya sa

Pilipinas, ang mga Muslim. Dala ito ng mga Javanese at mga negosyante ng

Gitnang Silangang Asya, ang Islam ay ang rehiyon na may tinatayang 20

porsyento ng populasyon ng Pilipinas. Sila ay kilala dahil sa kanilang mistisismo,

pang hari o reyna, at ganda na nakikita sa kanilang mga musika at mga sayaw.

Sinamahan ng agong at kulintang, ang mga sayaw ng Muslim sa Pilipinas ay

minarkahan sa pamamagitan ng buhol-buhol na mga kamay at paggalaw ng mga

braso na may mga kumikunang na mga kasuotan.

Pangalay

Ang Pangalay, isang tradisyonal na Tausug kasal sayaw at sikat na

kilala bilang ang sayaw ng kuko ay isa sa mga pinaka-kilalang dances,

sinamahan ng isang grupo kulintang. Sayaw na ito ay kapansin-pansing dahil

ang mga mananayaw gamitin metal o golden kuko extenders o janggay, na ang

mga daliri matigas at itakda ang mga ito bukod sa ang mga thumbs. Ang

Pangalay imitates ang gawa-gawa ibon ng Sarimanok, muling pagkakatawang-

tao ng isang diyosa mahal sa isang mortal na tao, pagkatapos ng sayaw, siya

inaalis ang kanyang mga kuko at patak para sa mga ito sa lupa, umaasa na ang

isang tao ay mangalap ng mga ito at na-claim sa kanya para sa kanyang bride.

Isang Tausug kasal ay karaniwang isagawa ng mga magulang, na may

pagbubukod ng mga anak ng mga kapatid na lalaki, una at ikalawang mga

pinsan ay napaboran asawa.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 13


Makapag-aasawa na babae ay manatili sa kamag-anak na pag-iisa upang

maprotektahan ang kanilang mga halaga sa kanilang pamilya.

Asik

Ang Asik ay pang-isahang aliping sayaw na ginaganap sa pamamagitan ng

isang aliping may dalang payong na kinukuha ang loob ng kanyang among sultan.

Ang babae ay may suot na mahabang kuko at sumasayaw at pumuwesto na

parang manika ang galaw. Karaniwang sinasayaw ito bago sumayaw ng Singkil

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 14


Singkil

Ang sayaw na Singkil ay kinuha ang pangalan mula sa mga kampanilya na

sinusuot sa mga bukong-bukong ng muslim na prinsisa. Marahil isa sa

pinakamatagal sa mga totoong pilipinong sayaw, ang Singkil ay isinalaysay ang

mahabang tulang “Darangan” ng mga taong Maranao ng Mindanao. Ang

mahabang tulang ito ay sinulat noong ika-14 siglo na nagsasabi tugkol sa tadhana

ni Prinsesa Gandingan. Siya ay nawala sa gitna ng kagubatan sa panahon ng isang

malakas na lidol na sanhi ng mga diwata ng gubat. Ang magkasabay na palakpak

ng magka-ekis na kawayan ay kumakatawan sa mga punong bumabagsak, na

kanyang matikas na iniiwasan. Sa katapusan, siya ay iniligtas ng isang prinsepe.

Ang mga mananayaw ay nakasuot ng taimtim na mukha at dakilaing paggalaw at

sumasayaw ng mabagal sa simula at dahan-dahang bumibilis na may mga apir na

sumisimbolo sa mga hangin na nagpapatunay na mapalad. Kapag ginaganap na ito

ng mga mayayamang prinsesa ng Lanao, sila ay karaniwang sinasamahan ng

isang naghihintay na babae, na siyang may hawak sa magandang pinalamutiang

payong na nakapayong sa ulo ng prinsesa saan man siya magpunta. Ngayon, ang

mga prinsesa ng kapuluan ng Sulu ay kinakailangan upang magturo ng

pinakamahirap at marangal na sayaw na ito

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 15


Kwentong Bayan

SI BAKONAWA
Si Bakonawa, ang katunggaliang Diyos ni Bathala ay nasa anyong

higanteng sawa na naninirahan sa ilalim karagatan. Naniniwala ang mga

sinaunang Tagalog na si Bakonawa ang dahilan ng pagkawala ng buwan o ng

araw tuwing sasapit ang Eclipse.

Sa tuwing lalamunin ni Bakonawa ang buwan o ang araw ay lumalabas

ang mga ninunong Tagalog dala dala ang kanilang mga palayok, sandok o ano

mang bagay na maaaring lumikha ng ingay para iluwa ni Bakonawa ang buwan at

tuluyan syang maitaboy palayo ng karagatan.

Ayon sa alamat, si Bakonawa ay may kapatid na babaeng nasa anyo ng

isang higanteng Pawikan. Madalas bumisita ang Pawikan sa isang isla kung saan

ito’y magsisilang ng mga itlog. Napansin ng mga naninirahan sa nasabing isla na

sa tuwing mangingitlog ang Pawikan ay sinusundan ito ng tubig ng dagat. Sa

takot ng mga tao na tuluyang malubog ang isla sa tubig-dagat ay kanilang pinatay

ang Pawikan.

Huli na ng malaman ni Bakonawa na pinaslang ng mga naninirahan sa isla

ang kanyang nag-iisang kapatid kaya’t para paghigantihan ang mga taong

naninirahan sa isla’y umahon si Bakonawa sa karagatan at kanyang nilamon ang

buwan. Dahil sa takot na tuluyang maglaho ng buwan ay nanalangin ang mga tao

kay Bathala para parusahan nito si Bakonawa. Tinanggihan ni Bathala ang

panalangin ng mga tao (ang parusahan si Bakonawa), subalit sinabi rin nito na ang

makapagpipigil lamang kay Bakonawa ay ang ingay ng mga tao.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 16


Gamit ang kanilang mga palayok, sandok at kawali’y lumikha ng malakas

na ingay ang mga tao sa isla. Iniluwa ni Bakonawa ang buwan at naglaho ito sa

karagatan, at hindi na kailanman nakita ng mga taga-isla.

Pininiwalaang ang isla ng alamat ay ang tinatawag na Turtle

Islands ngayon.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 17


NAKALBO ANG DATU

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May

katutubong kultura ang mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa

kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa nang dalawa o higit

pa kung makakaya nilang masustentuhan ang pakakasalang babae at ang

magiging pamilya nila.

May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang

mga nasasakupan. Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook. Nalimutan

ng datu ang mag-asawa. Siya ay pinayuhan ng matatandang tagapayo na

kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon siya ng anak na magiging

tagapagmana niya.

Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay. Naging

pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang

pamayanan. Sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng

konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili

ng datu kundi dalawang dalagang maganda na ay mababait pa. Dahil sa wala

siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal kaya

pinakasalan niya ang dalawang dalaga.

Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batang-

bata at napakalambing.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 18


Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa. Mahal na

mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob sa kanya ang bawat hilingin niya. Dahil

sa pagmamahal sa matandang datu, umisip si Hasmin ng paraan upang

magmukhang bata ang asawa.

Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganito,

magmumukhang kasinggulang ko lamang siya.

Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang datu,

binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling

nakakatulog ang datu at napakahimbing pa.

Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda, mabait si

Farida ngunit kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga

puting buhok ng datu. Kahit maganda siya, ayaw niyang magmukhang matanda.

Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na ang

datu, palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa.

Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu.

Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 19


NAGING SULTAN SI PILANDOK

Ang kinagigiliwang Juan ng katagalugan ay may katumbas sa mga

Maranaw - si Pilandok.

Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa

dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa.

Pagkalipas ng ilang araw, ang sultan ay nanggilalas nang makita si

Pilandok sa kanyang harap na nakasuot ng magarang kasuotan ng sultan.

Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap na ginituang tabak.

"Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong ng sultan kay

Pilandok. "Siya pong tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni

Pilandok. "Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang

magara? Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng sultan.

"Hindi po ako namatay, mahal na sultan sapgkat nakita ko po ang aking

mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa

akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang

masagana sa lahat ng bagay?" ang paliwanag ni Pilandok. "Marahil ay nasisiraan

ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang sultan. "Nalalaman ng lahat na walang

kaharian sa ilalim ng dagat."

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 20


"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na

ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay

naririto ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po sa

ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa

hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na

ako ng aking mga kamag-anak." Umakmang aalis na si Pilandok.

"Hintay," sansala ng sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong

makita ang aking mga ninuno, ang sultan ng mga sultan at ang iba ko pang

kamag-anak." Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni

Pilandok at pinagsabihangwalang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw

ay mag-isang pupunta roon ang Sultan sa loob ng isang hawla.

"Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna

ng dagat," ang sabi ng sultan. "Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong

pag-alis?" ang tanong ni Pilandok. "Kapag nalaman po ng iba ang tingkol sa

sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang magtungo rin

doon."

Sandaling nag-isip ang sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang

pansamantalang sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang

ikaw ang pansamantalang hahalili sa akin." "Hintay, mahal na Sultan," ang pigil

ni Pilandok. "Hindi po ito dapat malaman ng inyong mga ministro."

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 21


"Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng sultan. "Ililihim po natin

ang bagay na ito. Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at

espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila ako," ang tugon

ni Pilandok.

Pumayag naman ang sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi

at isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang

kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang sultan. Mula

noon si Pilandok na ang naging sultan.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 22


MGA PUTAHENG ULAM SA TAWI- TAWI

Pagkain sa Tawi- tawi

Ang pagkakaroon ng kanya- kanyang tradisyunal na pagkain ng bawat

lungsod ng ating bansa na siyang kumakatawan sa kani- kanilang kaugalian at

kasaysayan ay likas na sa kanila. Ito ang mga listahan ng pagkain sa lungsod ng

Tawi- tawi.

Tiyula Itum o black soup

Tinawag itong black soup dahil sa kulay ng sabaw. Maihahalintulad ito sa

karaniwang nilagang baka ngunit nagiging espesyal ito dahil sa pulbos na

hinahalo rito mula sa sinunog na niyog.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 23


Beef Kulma

Ito ay isang ulam ng mga taga-Tausug na hinahaluan ng curry.

Maihahalintulad ito sa popular na chicken curry.

Chicken Pianggang

Ang Pianggang ay nahahawig sa chicken adobo ng mga Tagalog. Tulad ng

Tiyula Itum, hinahalo rin sa manok ang pinulbos na sinunog na niyog.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 24


PANGHIMAHAGAS SA TAWI- TAWI

Pitis

Ang pitis ay gawa sa malagkit na bigas at nahahawig sa suman. Isa ito sa

mga paboritong desserts ng mga Muslim.

Putli Mandi

Ang Putli Mandi ay isa ring kakanin na kalimitang pinalalamanan naman

ng bukayo at nababalot sa niyog. Maihahalintulad ito sa pichi-pichi.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 25


Mga Prutas sa Tawi- tawi

Ang mga tropikal na prutas dito sa Pilipinas ay hinahanap-hanap ng mga

taga-ibang bansa dahil sa napakatamis nitong lasa. Ang mga ito ay pwedeng

pitasin halos sa buong taon.

Mangga

Ang mangga ay tinuturingn na pambansang prutas ng Pilipinas at

tinatawag rin itong "apple of the tropics". Ito ay kilala sa buong mundo at ito ang

madalas inaangkat ng ibang bansa sa mga bansang tropikal. Malalaman mo kung

ang mangga ay hinog na kung ito ay may dilaw na balat at malalasahan ang

pinakamatamis nitong lasa. Merong dalawang klase ng mangga ang matamis na

manggang piko at ang malaman na manggang kalabaw. Ang Zambales, Davao, At

Cebu ang mga nangunguna sa pinagkukunan ng mga mangga na inaangkat sa

ibang bansa. Ang Isla ng Guimaras ang sinasabing may pinakamatamis na

mangga sa buong bansa.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 26


Rambutan

Ang rambutan ay karaniwan na sa timog-silangang Asya at sa Arkipelago

ng Malay. Ito ay pinapatubo sa Laguna, ibang parte ng Mindanao, Isla ng Panay,

Mindoro at sa Batangas. Ang salitang "rambut" na isang Malay na salita ay

nangangahulugang buhok. Ang korteng itlog na prutas na ito ay merong

mamulamulang balat na may malambot na mga patusok na kulay pula na may

halong berde.

Avocado

Ang abocado ay korteng peras na may matingkad na berdeng balat. Ang

malambot na laman nito ay binabalutan ang isang korteng bilog na buto. Ang

parang leche-plan nitong laman ay ginagamit sa pagluluto, sa mga salad, sa ice

cream, at sa iba pang panghimagas at sinasabi ring nagpapababa ng lebel ng

kolesterol.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 27


Lanzones

Ang lansones ay nagbubunga ng maramihan at maputlang kulay

tsokolateng ubas na may mapapait na mga buto. Ito ay madalas matatagpuan sa

Kanlurang Malay. Ang maasim-asim na prutas na ito ay mayroong limang parte

binalutan ng maputing balat na may puting dagta. Ang sinasabing may

pinakamatamis na lansones ay ang Camiguin sa Mindanao. Ito ay tumutubo rin sa

Laguna, ibang parte ng Quezon, Batangas, Cagayan de Oro at Butuan.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 28


Durian

Ang Durian ay tinaguriang "king of all tropical fruits" at tumutubo sa

Brunei, Indonesia, Malay at sa iba pang parte ng Mindanao. Ito ay may kulay kaki

at berdeng na may maiiksing matulis na patusok sa balat. Ito at naging kakaiba

dahil sa di kaayaayang amoy. Ginagawa din itong kendi, ice cream at mga keyk.

Tinatanggal nila ang kakaiba nitong lasa sa pamamagitan ng paglalagay ng tubig

sa talop nito at tsaka iinumin.

Langka

Ang langka o jackfruit ay nagmumula sa timog-kanlurang India, Sri

Lanka, Bangladesh, Pilipinas, at sa Australia. Ito ang pinakamalaking punong

namumunga sa buong mundo, lumalaki ng 20 pulgada palapad at may bigat ng 40

kilos. Pwede na itong kainin ng hindi luto at pwede ring ihalo sa turon, ginataan,

at pwede ring gawing palaman at ilagay sa halo-halo.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 29


Atis

Ipinakilala ng mga Español ang atis o sugar apple o tinatawag ring custard

apple noong 1590. Ang atis ay may matamis at makremang laman na may di

mabilang na itim na buto sa loob. Mabilis itong mabulok kaya kailangang kainin

kaagad kapag nahinog.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 30


Chico

Ang chico ay talagang nagmula sa Mehiko. Ang maliit na kulay

tsokolateng prutas na ito ay mayroong manipis at maitim na buto. Ang kauri nito

ngunit walang buto ay tinatawag na pineras na mas malaki at mas matigas kaysa

sa karaniwang chico.

Pakwan

Ang pakwan ay malinamnam at matamis, mayroong rin itong

napakaraming buto. Ito ay tumutubo sa mga halamang baging, pwedeng bilog o

oblong ang bunga nito, pwede rin itong may matingkad na berdeng stripe. Pwede

mo itong makain ng sariwa pa o pwede ring iskoop ng pabilog at ihalo sa iba't

ibang prutas.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 31


Santol

Ang santol ay isa sa mga pinakasikat na prutas kapag taginit sa Pilipinas


pero nagmula ito sa Malaysia. Ang madilaw na bilog na prutas na ito ay
mayroong mga sapal na binabalutan ang mga malalaking mga buto. Pwedeng
kainin ito ng hindi luto o minatamis.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 32


Populasyon sa Tawi- tawi

Sa taong 2010 ang kabuuang populasyon ng Tawi- tawi ay umaabot

ng 322,317 na nagdadagan ng humigit- kumulang na 71,599 noong nakalipas na

15 na taon. Nagpapahiwatig lamang ito nasa bawat taon ay mahigit na 5.39 na

bahagdan ang nadaragdagan sa taong 1995-2010 na kung titingnan ay mataas sa

1.78 na bahagdan ng taong 1990-1995.

Sa apat na lalawigan na nakapaloob sa ARMM, ang Tawi- tawi

ang nakapagtala ng pinakamaliit na bilang ng tao na may 13.36 na bahagdan sa

2.4 milyong katao sa ARMM. Sa aspeto naman ng Pambansang lebel, ang tawi-

tawi naman ay may 0.42 na bahagdan sa 100 milyong katao sa bansa. Sa kabila

nito, ang Tawi- tawi pa rin ang may pinakamataas na bahagdan ng paglaki ng

populasyon. Sa pamamagitan ng ng isang data chart mamalaman natin ang

populasyon ng Tawi- tawi sa taong 2010 at 2015.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 33


Kung ating pagbabasehan sa bawat siyudad na nakapaloob sa

Tawi- tawi, narito ang data chart.

Kung pagbabatayan natin ang data chart na nasa itaas

makikita nan g siyudad ng Bongao ang nakapagtala ng pinakamataas na

bahagdan at maging populasyon ng mga tao rito. Dahil ito sa kadahilanan

na ang Bongao ay ang punong siyudad ng Tawi- tawi. Nakasentro rito ang

pakikipagpalitan ng mga produkto o tinatawag nating barter at sentro ito

ng komersyo kung saan maraming mga negosyante ang namumuhunan

dito.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 34


Mga Sikat na Produkto sa Tawi- tawi
Sa bawat lungsod na ating pinupuntahan lagi’t- laging may mga

produkto silang ipinagmamalaki na kung minsan ay nagging tatak na nila.

Ang mga sumusunod ay ang mga produkto na matatagpuan sa Tawi- tawi:

Malong

Ito ay mga tradisyunal na kasuotan ng mga taga Tawi- tawi na

mahabang damit na may pangmaharlikang kulay. May disenyong batik o

bulaklakin karaniwang gawa sa bulak o seda. Dati ay sinusuot ng mga

Maranaw na lalaki at babae na may maharlikang estado ngunit sa

kasalukuyan ito na ay pangkaraniwang ginagamit n gating mga kapatid na

Muslim.

Kombong

Isang g telang may isang metro ang Habana nakasalubsob sa ulo

ng mga kababaihang Tawinena na hindi naiimplwensyahan ng mga

kanluraning bansa.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 35


Gunong

Ito ay uri ng isang patalim na ginagamit sa pang araw- araw na

buhay o maaaring gawing sandata. Ito ay kadalasang ginagamit ng mga

mandirigmang Muslim noong pananakop ng mga Espanyol.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 36


Relihiyon sa Tawi- tawi

Kristiyanismo

Ang Kristiyanismo ay isang relihiyong monoteista (naniniwala sa iisang

diyos lámang) na nakabatay sa búhay at pinaniniwalaang mga katuruan

niHesus na pinaniwalaan ng mga Kristiyano na

isang tagapagligtas at mesiyas ng Hudaismo. Ito ay ang

pinakamalaking relihiyon sa kasalukuyan sa buong daidig na may higit kumulang

sa 2.1 bilyong táong kasapi nito.

Ang Kristiyanismo sa simulang kasaysayan nito noong mga maagang

siglo nito ay hindi isang nagkakaisang kilusan ngunit binubuo ng mga pangkat na

may mga magkakatunggaling pananaw na gumagamit ng mga iba't ibang

kasulatan. Ang kanon ng Bagong Tipan (na tinatanggap ng marami ngunit hindi

lahat ng Kristiyano sa ngayon) na nabuo lamang noong ika-4 siglo CE ang kanon

na pinagpasyahan ng isang pangkat ng Kristiyano.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 37


Islam

Islam (Arabiko: ‫ ;اإلسالم‬al-islām), "pagsuko (sa kalooban

ng Diyos)" ay isang pananampalatayang monoteismo at ang ikalawang

pinakamalaking relihiyon sa mundo. Ito ay isang Abrahamikong

relihiyon kasama ng Kristiyanismo at Hudaismo kaya't malapit na kamag-

anak ng mga pananampalatayang ito. Naniniwala ang mga tagasunod ng

Islam na kilala bilang mga Muslim na ipinahayag ng Diyos (Allah sa

Arabo) ang kanyang banal na salita sa sangkatauhan sa pamamagitan ng

maraming mga naunang mga propeta, at ni Muhammad na siyang

huling propeta ng Islam.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 38


Pasyalan na dapat puntahan sa Tawi- tawi

Ang pangalan ng Tawi- Tawi ay hinango sa salitang Malay na

“jauh” na nangangahulugan na “malayo. Tara na’t pumunta sa Tawi- tawi

kung saan makakawala ka mula sa ingay ng siyudad at magpahinga.

Maraming mga masasarap na pagkain, mababait na mga mamamayan at

iba pa. Kaya na’t tuklasin natin ang natatago nitong ganda.

Bud Bongao

Maraming mga tao ang nagiisip na ang bundok ay mga

sagradong lugar, mayroong pinagmamalaki rin ang Taw- tawi na ganitong

bundok, ang Bud Bongao. Maganda itong hiking areas para sa mga

mahihilig sa adventures. Maraming mga sari- saring lahi ng hayop ang

makikita rito at maging mga barayti ng mga prutas sa mga kakahuyan.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 39


Mosque

Halos karamihan sa mga naninirahan sa Tawi- tawi ay mga

Muslim, kung kaya’t marami kang makikitang mga mosque na

pagkaganda- ganda. Isa sa pinakamagandang Mosque sa lungsod ang

Sheikh Makdum na nasa Isla ng Simunul. Kung nasa Bongao ka, mahigit

na 30 minuto lang ng pagbiyabiyahe ay makakarating ka nasa sa lugar na

ito. Ito ay itinayo ng misyonaryong Muslim na si Sheikh Makdum kung

saan nanggaling ang mismong pangalan ng Mosque.

Chinese Pier

Ito ang lugar kung saan nagtatagpo ang mga mangagalakal na

Tsino noon. Ito ay nasa pagitan ng babaying Sibutu at Sitangkai.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 40


Sitangkai Town

Ito ay kilala sa bansag na”Venice of the East”. Dito kadalasan

nagtatagpo ang mga mangangalakal na Muslim. Bangka ang kanilang

gamit sa transportasyon upang maihatid ang binebenta nilang mga

produkto.

Bongao Beach

Sa mahigit kumulang na pitong libong islang ginawa ng

Maykapal, ang Tawi- tawi ay isa sa pinakamagandang tambayan upang

magpahinga at magliwaliw. Tulad ng isla ng Boracay na may puti at

pinong mga buhangin, ang Tawi- tawi ay may pinagmamalaki ring

Bongao Beach. Sa pagdaan ng panahon unti- unti nang nakikilala ang

angkin nitong ganda.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 41


Turtle Islands

Ang Bayan ng Turtle Islands ay isang ika-5

klaseng bayan sa lalawigan ng Tawi-Tawi, Pilipinas. Ayon sa senso

noong 2000, ito ay may populasyon na 3,600 na tao sa 646 na kabahayan.

Ito ay dating pinamamahalaan ng Britanya bilang bahagi ng British North

Borneo na ngayo'y tinatawag na Sabah sa bahagi ng Malaysia. Binigay ito

bilang bahagi ng Treaty ng Estados Unidos at Gran Britanya noong 1948.

Ang ibang isla ng Turtle Islands ay bahagi na ng Malaysia. Pormal na

isinailalim sa Pilipinas ang Turtle Islands noong Oktubre 13,

1947.[1][2] Kasunod nito, inorganisa ito bilang isang distrito munisipal ng

lalawigan ng Sulu. Ang Turtle Islands ay isang protektadong lugar sa

Pilipinas dahil sa dami ng pawikan. Ang kapuluang ito ay nagsisilbing

paitlugan ng mga pawikan.

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 42


MGA POLITIKO SA TAWI- TAWI

MICHAIL KONG AHAJA


RASHIDIN H. MATBA VICE GOVERNOR
GOVERNOR

RUBY SAHALI
ABDULWAHAB ABDUL CONGRESSWOMAN
CONGRESSMAN

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 43


MGA SANGGUNIAN

Internet

WikiFilipino para sa Filipino, Vibe Bookstore, Salakot


(http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Salakot)

Translate.com, Pangalay (https://www.translate.com/english/ang-


pangalay-isang-tradisyonal-na-tausug-kasal-sayaw-at-sikat-na-kilala-bilang-ang-
sayaw-ng-kuko-ay/7971983)

Muslim Mindanao, Cultural Dances


(http://www.seasite.niu.edu/tagalog/cynthia/dances/muslim_mindanao_dances.ht
m)

Tausog song lyrics (http://sannytausug.blogspot.com/)

Tawi-tawi depinisyon (https://tl.wikipedia.org/wiki/Tawi-Tawi)

Tawi-tawi Kasaysayan
(http://www.zamboanga.com/z/index.php?title=Tawi-
Tawi_Province,_Philippines)

Kwentong Bayan, Tawi-tawi


(https://oboids.wordpress.com/2007/04/14/mitolohiyang-pinoy-si-bakonawa/)

Kwentong Bayan, Alamat


(http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/mga-halimbawa-ng-kwentong-
bayan.html)

Tawi-tawi Province, Philippines


(http://www.zamboanga.com/z/index.php?title=Tawi-
Tawi_Province,_Philippines)

Kasaysayan ng Islam sa Pilipinas


(http://www.seasite.niu.edu/trans/tagalog/modules_in_tagalog/kasaysayan_ng_isl
am.htm)

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 44


Larawan

https://www.google.com.ph/search?q=tawi+tawi+map&biw=1517&bih=7
48&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwj7qPKfsrPAhUIupQKHYSs
AcIQ_AUIBigB&dpr=0.9#tbm=isch&q=salakot&imgrc=7nX97FZfuv3-OM%3A

https://www.google.com.ph/search?q=pangalay+dance+tagalog&biw=151
7&bih=748&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiywd68_crPAhWG
q5QKHQpKDB4Q_AUIBygC&dpr=0.9#imgrc=HvD-ii66tXt6uM%3A

https://www.google.com.ph/search?q=pangalay+dance+tagalog&biw=151
7&bih=748&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiywd68_crPAhWG
q5QKHQpKDB4Q_AUIBygC&dpr=0.9#imgrc=ocPgGHC9wmryDM%3A

https://www.google.com.ph/search?q=asik+dance+tagalog+description&b
iw=1517&bih=748&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjqwpSE_srP
AhXGG5QKHXK5A1EQ_AUIBygC#imgrc=LgQNRbNbk4sCkM%3A
https://www.google.com.ph/search?q=asik+dance+tagalog+description&b
iw=1517&bih=748&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjqwpSE_srP
AhXGG5QKHXK5A1EQ_AUIBygC#imgrc=ZV8UY2w_B2AbYM%3A

https://www.google.com.ph/search?q=singkil&biw=1517&bih=748&sour
ce=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwimjIXZ_srPAhXGUZQKHdedC5kQ
_AUIBigB&dpr=0.9#imgrc=HFv3xgL0jVplMM%3A
https://www.google.com.ph/search?q=singkil&biw=1517&bih=748&sour
ce=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwimjIXZ_srPAhXGUZQKHdedC5kQ
_AUIBigB&dpr=0.9#imgrc=IGdchG5L_1ns8M%3A

https://www.google.com.ph/search?q=tawitawi+in+the+past&biw=1366&
bih=662&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjNjpPY2MzPAhXRNp
QKHfqSAlMQ_AUIBigB#tbm=isch&q=pagtuklas+sa+tawi+tawi+ng+mga+mala
y&imgrc=oyOGx_TngOxQ7M%3A
https://www.google.com.ph/search?q=turtle+island&biw=1366&bih=662
&source=lnms&tbm=isch&sa=X&sqi=2&ved=0ahUKEwjjjdHU2czPAhWSQpQ
KHdBQBHAQ_AUIBigB#tbm=isch&q=turtle+island+tawi-
tawi&imgrc=5KkfTLMiDq9HaM%3A

https://www.google.com.ph/search?q=turtle+island&biw=1366&bih=662
&source=lnms&tbm=isch&sa=X&sqi=2&ved=0ahUKEwjjjdHU2czPAhWSQpQ
KHdBQBHAQ_AUIBigB#tbm=isch&q=turtle+island+tawi-
tawi&imgrc=BI5w1ANqzmK4UM%3A

https://www.google.com.ph/search?q=officials+in+tawitawi&biw=1366&
bih=662&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjJu9773szPAhUEVZQ

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 45


KHVIWC_cQ_AUIBigB#tbm=isch&q=Tawitawi+municipality+Provincial+Capi
tol%2C+7500+Bongao%2C+Tawi-Tawi&imgrc=tNSj-BS4IY0jGM%3A

https://www.google.com.ph/search?q=kwentong+bayan+sa+tawitawi&bi
w=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjOuND92sz
PAhWBSpQKHfBdBAQQ_AUIBigB#tbm=isch&q=naging+sultan+si+pilandok
&imgrc=icYjOz_Kdcnh_M%3A

OPISYALES NG TAWI-TAWI

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10154082103335406&set=p.1
0154082103335406&type=3&theater

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=636633603026488&set=a.148
803711809482.20831.100000395619120&type=3&theater

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1565394170371009&set=pcb.
1565394277037665&type=3&theater

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=301579206575080&set=a.106
100149456321.10436.100001690102919&type=3&theater

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1799731313595197&set=pcb.
1799731383595190&type=3&theater

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1005333099499283&set=a.15
5845397781395.28849.100000678079894&type=3&theater

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1688994121382187&set=a.13
74760986138837.1073741825.100008148451145&type=3&theater

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1130739216996933&set=a.10
4712322932966.7542.100001825969886&type=3&theater

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=839213099510605&set=a.231
978110234110.48604.100002657680824&type=3&theater

Tawi- tawi: Natatagong Isla, Pugad ng Umaapaw na Ganda! 46

You might also like