You are on page 1of 2

MABUTI KA PA

ni Ligaya Tiamson-Rubin

Mabuti ka pa't bulag


Marami kasing dapat makita
Na maski hindi mo makita okay lang
Kasi bulag ka nga
Kaysa isang hindi bulag
Na hindi makita ang mga dapat makita.

Mabuti ka pa't pipi


Marami kasing dapat sabihin
Na maski hindi mo sabihin okay lang
Kasi pipi ka nga
Kaysa isang hindi pipi
Ngunit hindi masabi ang mga dapat sabihin.

Mabuti ka pa't bingi


Marami kasing dapat marinig
Na maski hindi mo marinig okay lang
Kasi bingi ka nga
Kaysa isang hindi bingi
Na hindi marinig ang mga dapat marinig.

Mabuti ka pa't lumpo


Marami kasing dapat lakarin
Na maski hindi mo lakarin, okay lang
Kasi lumpo ka nga
Kaysa isang hindi lumpo
Na hindi malakad ang mga dapat lakarin.

Mabuti ka pa't tanga


Marami kasing dapat malaman
Na maski hindi mo malaman okay lang
Kasi tanga ka nga
Kaysa isang hindi tanga
Na hindi inaalam ang mga dapat malaman.

Mabuti ka pa't tanga


Marami kasing dapat malaman
Na maski hindi mo malaman okay lang
Kasi tanga ka nga
Kaysa isang hindi tanga
Na hindi inaalam ang mga dapat malaman.
16-21-13-1-9-20-1-1-19

14-1-7-4-1-13-16-9

14-1-7-14-7-1-14-7-1-12-9-20

14-1-7-12-1-11-1-19-12-15-15-2

13-1-12-1-13-2-9-14-7

16-21-13-1-9-20-1-1-19

14-1-7-4-1-13-16-9

14-1-7-14-7-1-14-7-1-12-9-20

14-1-7-12-1-11-1-19-12-15-15-2

13-1-12-1-13-2-9-14-7

16-21-13-1-9-20-1-1-19

14-1-7-4-1-13-16-9

14-1-7-14-7-1-14-7-1-12-9-20

14-1-7-12-1-11-1-19-12-15-15-2

13-1-12-1-13-2-9-14-7

You might also like