You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Partido State University


Camarines Sur

Mody LITERATURA NG REHIYON VII


13
ul AT REHIYON IX
Kolehiyo ng Edukasyon

Pangalan ng Mag-aaral: _________________________ Linggo Blg.: 13


Koda ng Kurso: FILI20 Pangalan ng Guro: Liezel Ann Aguilar-Agor
Pamagat ng kurso: PANITIKAN NG REHIYON
Semestre/Taong Panuruan: Ikalawang Semestre / AY 2021-2022

PANIMULA
Sa pag-aaral ng iba’t ibang panitikan ng rehiyon, mahalagang malaman ang iba’t ibang
panitikan na kinapapalooban ng iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas. Ang panitkan ay ang
salamiin ng kultura. Kaugnay nito, alam naman natin na bawat rehiyon ay may kanya-
kanyang pinagmamalaki at kinikilalang mga literature o panitikan, pasalita o pasulat man.
Kinikilala rin ang manunulat sa bawat rehiyon na nagwagayway ng kanilang rehiyon gamit
ang kanilang mga obra.
Ang mga akdang ito ay naging kilala sa buong Pilipinas maging sa ibang rehiyon.
Nagawaran ng parangal dahil sa mensaheng nais ipahatid sa bawat tao na talaga naming
nakaantig sa iilan. Katulad na lamang ng mga awitin na nakilala ng buong mundo at mga
kuwentong nabigyan pagkilala ng mga kilalang parangal.
Kaya naman hali na’t alamin, suriin at basahin ang mga tampok sa REHIYON VIII at
IX ng Pilipinas. Tuklasin din natin ang kakaibang kasaysayan ng mga lugar na ito at ang
ambag ng panitikan sa lugar.

LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

a. Nasusuri ang isang tula.


b. Naibibigay ang pagkakakilanlan ng bawat rehiyon,
c. Nakasasaliksik ng isang awitin.

NILALAMAN/ TALAKAY

Modyul 13 LITERATURA NG REHIYON VII AT REHIYON IX

1 of 10
Republika ng Pilipinas
Partido State University
Camarines Sur

Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng tuluyan o prosa at ang
kahulugan nito.

LITERATURA NG REHIYON VIII AT


REHIYON IX
REHIYON VIII (SILANGANG BISAYAS)

Modyul 13 LITERATURA NG REHIYON VII AT REHIYON IX

2 of 10
Republika ng Pilipinas
Partido State University
Camarines Sur

Ang Rehiyon ay tinaguriang LUKLUKAN NG KASAYSAYAN


Sa Rehiyon makikita ang isa sa makasaysayang lugar, ang Isla ng Limasawa sa
Timog Leyte at ang bayan ng Palo, Leyte.
Ang wikang ginagamit dito ay ang Waray at Cebuano.
Malimit daanan ng bagyo ang Rehiyon dahil ito'y nasa Typhoon Belt.
Pintados- Kasadyaan Festival isang pista sa Rehiyon (Tacloban City) na base sa
mga tatoo sa katawan bilang alay sa mga naunang mangtatatoo o "Pintados" na
mandirigma noong 1986 isinabay ito sa Kasadyaan festival na ginaganap tuwing
ika 29 ng Hunyo.
Kinilala ang Samar bilang pangatlo sa pinakamalaking pulo sa buong Pilipinas.
Kinilala rin ang Tacloban City bilang Prinsesa ng Silangang Bisaya dahil ito ang
sentro ng komersyo at edukasyon.
Sa Rehiyon din makikita ang pinakamahabang sa bansa na may habang 2.200
metro at nagkokonekta sa lalawigan ng Leyte papuntang Samar, ang San Juanico
Bridge.
An Kaadlawon ay ang unang pahayagan na nagtataglay ng sanaysay at tulang
waray Kadalasang naaalala bilang katawa-tawa
Ang Irignom ay isang bahagi ng pagtitipon na nagbibigay ng pagkakataon upang
awitino makalikha ng bagong awit

ILAN SA MGA KILALANG MANUNULAT

1. MERIE N. ALUNAN
Isa sa mga manunulat na babae sa Silangang Bisaya na nakilala bilang makata sa
Ingles. Marami sa mga tula niya ay napaloob sa antolohiya ng mga tulang
Pilipino. Isa sa kanyang tulang nagwagi ng gantimpala ay "Heartsone of Sacred
Tree". Marami sa mga tula niya ay napaloob sa antolohiya ng mga tulang
Pilipino.
2. ONOFRE BALDEMOR Isa sa mahuhusay na makata na nagmula sa
Unibersidad ng Santo Tomas. Nagpalipat-lipat bilang
manunulat sa dyaryo, editor at public relations consultant ng iba't ibang
publikasyon
3. JAIME C. DE VEYRA
Isa siyang manunulat, iskolar at pulitiko. Siya ang kauna-unahang
nanungkulan bilang patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa simula 1937-
1941. Nagsulat siya sa El Renacimiento at naglingkod bilang director ng
Pambansang Aklatan noong 1925.

4. ILUMINADO LUCENTE
Ay kinilalang mandudula sa literaturang Waray. May pagkasarkastiko ang
himig ng mga sinulat niyang saynete at sarswela at pumupuna sa moral at
mga kahinaan o kabiguan ng mga Waray. Ilang sa kanyang mga akda ay ang:
Up Limit An Gugma (Love is Off Limit Too), Abugho (Jealousy). Diri
Daraga, Diri Bulo, Diri Imasaw-an (Not a Maiden, Not a Widow, Not a
Married Woman).

5. LEON OGARO TY
Nagsulat tungkol sa Panginoon at ang magandang buhay na kanyang
dinanas. Karamihan sa kanyang mga sanaysay ay nailathala sa Free Press.
Ilan sa mga hindi malilimutang akda niya ay ang The Little Girl in Bacolod at
The Magsaysay Story.

Modyul 13 LITERATURA NG REHIYON VII AT REHIYON IX

3 of 10
Republika ng Pilipinas
Partido State University
Camarines Sur

MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG REHIYON VIII

Titigohon (Huhulaan)

• Maiksing tula at uri ng bugtong na may dalawang linya at naglalarawan sa isang bagay sa
pamamagitan ng paghahambing o metapora.

Tigotigo
• Larong bugtong na nilalaro sa tuwing naglalamay sa patay upang hindi antukin.

Balac/Amoral/Ismayling
• Tula ng pag-ibig sa pagitan ng isang babae at isang lalaki.
• Tumatalakay sa mga bagay na ukol sa puso na kadalasan ay pakanta.

Kwento (Susumaton)

• Tumutukoy ang kanilang mga kwento sa paggunita ng mga karanasan at pangyayaring ginagamit
upang turuan ang mga bata ng mabubuting asal.

Awiting Bayan
Ang awiting bayan ng rehiyon ay tumutukoy sa maraming karanasan, sa kalikasan, hangin, lupa at dagat,
damdamin, estado sa buhay, komunidad at lupang sinilangan. Ilan sa mga awiting bayan ng rehiyon na
naging tanyag rin sa ibang bayan ay ang: Lawiswis ng Kawayan, Ang Alibangbang,
Dandansoy, 0 Bulan, An Iroy Nga Tuna ay An Abaniko.

Balad
. Ito ay isang tulang metaporiko. Tumatalakay ito sa mga bagay na may kaugnayan sa pag-ibig.

Ambahan

• Ito ay ang pinakakilalang katutubong tula sa Leyte.


Ang ambahan ay binubuo ang dalawang taludtod na binubuo naman ng pitong pantig bawat taludtod. •
Ito ay madalas awitin sa mga pagdiriwang.

Siday
• tawag sa tula na nagging tradisyon na rin sa Samaranon.

Modyul 13 LITERATURA NG REHIYON VII AT REHIYON IX

4 of 10
Republika ng Pilipinas
Partido State University
Camarines Sur

Awiting-Bayan

Awit ng Magtutuba
Pumupukpok ako sa mga kahuyan
Rat-a-tat-tat-tat
Rat-atat-tat.

Pinakikintab ko'y takil ng kawayan

Ang pinupukpok ko'y tuktok ng niyugan


Rat-atat-tat.

Tula

Ang Aking Dampa (1941)


Iluminado Lucente

Ako'y nagmula sa malayong Mahagnaw


Dampa'y nasa bukid, liblib-kagubatan

Ngunit abot-tanaw, umaalong karagatan

Mula kutang-kahoy ng aking kabukiran

.
Minamasdang lagi ang tubig ng dagitan

Mga talabon doon ay nagpapaliguan

Agos ng marabong, akin ding aliwan

Sa gitna ng hapdi nitong kalungkutan


Daigdig ko ito: dilim-kagubatan
Dito nililirip buhay at kamatayan

Alibangbang at ibon ang mga kaibigan

Bulaklak at dahon may dulot na kasiyahan

Ay, malasap n'yo sana itong katamisan


Ang huni ng kalaw na nagsasagutan

Alon sa dagat, ibo'y dahoon sa kagubatan


Mga awit nila ay aking natutuhan.

Modyul 13 LITERATURA NG REHIYON VII AT REHIYON IX

5 of 10
Republika ng Pilipinas
Partido State University
Camarines Sur

Kapayapaang ito'y walang kapantay

Pang-aliw, pampasigla sa aking isipan


Agos ng batis, mga ibong nagliparan

Himig ng pag-ibig, ang awit na kapantay.

Alamat
Ang Alamat ng Catbalogan

Bago naging bayan ang Catbalogan. Ang Zumarraga ay bayan na. Ang mga tao ng Zumarraga ay
mga mangingisda na gumagamit ng sapiao sa kanilang pangingisda. Ito'y ginagamitan ng mga lambat na
yari sa abaka. Kung sila'y nangingisda, sila ay gumagamit din sulo na tinatawag na docalwongna na siya
namang yari sa nuyo ng niyog. Ngunit napalitan din ito ng kawayan na puno ng langis at may mitsang
tela. Wala naming naging masyadong suliranin ang mga mangingisda liban lang sa kung saan sila
magbabanlaw ng kanilang lambat pagkatapos nilang mangisda dahil na rin sa kadahilanang walang
maraming tubig sa pook. Minsan nang sila'y mangisda, nakarating sila sa Antiao, labasan ng isang ilog
papuntang dagat. Ang suliranin ng pagbabanlaw ng kanilang lambat ay nalutas na .

REHIYON IX (ZAMBOANGA PENINSULA)

Ang Zamboanga na tinaguriang “Zambangan" kilala sa tawag na Lupain ng mga


Bulaklak.
Noong ika-6 ng Hulyo 1952 hinati ang Zamboanga sa dalawang probinsya, ang
Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur.
Ang Zamboanga del Sur ay galing sa salitang Malay na ang ibig sabihin ay paso o
lalagyan ng bulaklak .
Ito ay mabundok na rehiyon kaya dito matatagpuan ang pinakamataas na
bundok Dabiah.
Marami sa mga naninirahan dito ay mga Muslim,Pagano at mga Kristiyano.
Mayroong ibat ibang pangkat ng Muslim na mauuri rito, gaya ng Tausog,
Subanon, Yakan at Samal na naninirahan sa Basilan.
Maraming mga Sebuano ang naninirahan dito kaya't ang wikang Cebuano ay isa
sa mga diyalektong sinasalita

Modyul 13 LITERATURA NG REHIYON VII AT REHIYON IX

6 of 10
Republika ng Pilipinas
Partido State University
Camarines Sur

May iba pang wikain ang mapapansin sa rehiyong ito tulad ng: Bagjao, Cebuano,
Kalibugan, Tausog, Subanum,Sanduka,Sibuku Sama at Chabakano.
Ang mga Muslim ay may tradisyong tinatawag na Ramadan o Pausa. Ito ay ang
hindi pagkain ng mahabang panahon bilang sakripisyo at alay kay Allah,ang
Diyos ng mga Muslim.
Matapos ang mahabang panahon ng hindi pagkain o sakripisyo ay nagdiriwang
naman sila ng kapistahan na kung tawagin ay Hariraya Hadji.
May tinatawag din silang Tulak Bala, isang tradisyon na ginaganap isang buwan
sa isang taon at apat na beses sa isang buwan tuwing Huwebes. Ang mag-anak
ay sabay-sabay na maliligo sa dagat.
Dito rin matatagpuan ang mga Samals na magagaling sa paggawa ng Bangka na
ang tawag ay Vintas.
SUA-SUA ang tawag sa kanilang isang sayaw sa pag-iisang dibdib.
SINGKIL ay ang sayaw ng isang prinsesa na pinapayungan habang madamdaming
humahakbang sa apat na kawayan. Ito ay halos katulad ng Tinikling # Ang
KOPARANGKAMANIS ay isang sayaw panghukuman.

ILAN SA MGA KILALANG MANUNULAT


1. Antonio Descallar
Isinilang sa Sindangan Zamboanga noong Hunyo 15, 1952.Nagwagi siya ng
unang gantimpala sa timpalak ng pagsulat ng tula na ginanap noong 1949.
Kauna-unaha niyang tula na napalimbag ay ang "Now Before the
Conqueror"
2. Antonio Enrique
Siya ay sumulat ng mga maikling kwento tungkol sa mga kristiyano at mga
Muslim sa Timog na nakatagpo at nakasalamuha niya sa buhay.tungkol sa
probinsya,bayan at mga baryong kanyang tinitirhan at binibisita at tungkol
sa mga obserbasyon at mga karanasan. Tumanggap siya ng dalawang
gantimpala sa Palanca sa kanyang maikling kwento sa Ingles. Pinalimbag ng
Writers Association of Dumaguete City ang kanyang unang aklat ang "Spot
On Their Wings".
3. Ibrahim A. Jubair
Siya ang kauna-unahang fictionist ng Zamboanga na ginantimpalaan ng
Presidential Certificate of Merit in Literature for Teaching the Filipino-
Muslim sa kanyang panahon.Bukod sa pagiging manunulat ng tula at
mamamahayag, isa rin siyang kolumnista sa isang pahayagan ng Zamboanga
City at editor ng Cresent Review.Ang aklat / Jubaira ay ipinalimbag hindi lang
ng Free Press Pacific Quarterly South Korea) at ng The Times of Ceylon.
4. Gonzalo Villa
Isang manunulat ng maikling kwento at mananalaysay at ipinanganak sa
Zamboanga City ng isang maykayang pamilya.Una niyang kwento ang
"When Death Struck" Nagwagi siya sa Pambansang Paligsahan sa pagsulat
ng sanaysay noong 1946, na pinamagatang "The Role of America in the
Rehabilitation of the Philippines". Kabilang sa mga sinulat niyang nagwagi ng
gantimpala ay ang Footnote of America at pinalitan niya ng "Death of
Illusion", "Barrio Miracle", "A Voice of Rama.

MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG REHIYON IX

Modyul 13 LITERATURA NG REHIYON VII AT REHIYON IX

7 of 10
Republika ng Pilipinas
Partido State University
Camarines Sur

Ang panitikan ng katutubo ay di nasusulat kaya wala tayong mambabasa. Lahat ng ito ay pasalita at
inaawit.

Tigumtigum o Tukodtukod

• Ang tawag ng mga Tausug sa kanilang bugtong.

Epikong Ulahingan

• Isa sa epiko ng manobo na tumatalakay sa kababalaghan

Darangan

• Pinakatanyag na epiko ng Mindanao.

• Tinatawag rin na "Ang Kwento ni Bantugan" .

Ito ay binubuo ng 26 na aklat na may 8 tono at inilimbag ng Mindanao State University.

Tudbulbul

• Epiko ng mga T'bolis.

• Ito ay inaawit sa mo'nimum (wedding feast) o pagdiriwang ng isang masaganang ani.

O Papanok at Bangasamoro

• Dalawa sa pinakatanyag na awiting rebolusyonaryo ng Cotobato.

• Naglalahad ng adhikain ng Mindanao at pananaw ng mga katutubo laban sa mga nandayuhan dito.

• Ito ay may kaugnayan sa pagbukas ng Mindanao sa unag pagkakataon sa mga dayuhan at tinawag
itong lupang pangako.

Guman

• Tawag sa tula ng Rehiyon.

Iringa

• Kilalang katawagan para sa kanilang Kwentong Bayan

Kabaraperanga

• Mga tulang papuri sa bayani ng digmaan.

Modyul 13 LITERATURA NG REHIYON VII AT REHIYON IX

8 of 10
Republika ng Pilipinas
Partido State University
Camarines Sur

Panaroon

• Katumbas ng salawikain.

Dedao so wata

• Awit sa pagpapatulog ng bata.

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO

Panuto: Ibigay at itala ang sagot sa sumusunod na katanungan.

1. Ano ang mensahe ng TULANG, Ang Aking Dampa (1941) ni Iluminado Lucente?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Bakit sinabing Ang Rehiyon ay tinaguriang LUKLUKAN NG KASAYSAYAN?

_________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Tungkol saan ang epikong Darangan?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

4. Tungkol saan ang epikong Tudbulbul?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

5. Paghambingin ang dalawang rehiyon.

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

PAGSUBOK SA NATUTUHAN

1. Saliksikin ang Papanok at Bangasamoro .

MGA SANGGUNIAN

Modyul 13 LITERATURA NG REHIYON VII AT REHIYON IX

9 of 10
Republika ng Pilipinas
Partido State University
Camarines Sur

 Liwanag, L. (2002) Ang Papel ng Wikang Filipino sa gitna ng Pagkakaiba-iba ng mga


Wika sa Bansa, Philippine Normal University.
 Espina , et.al. (20160 Literatura ng iba’t Ibang Rehiyon ng Pilipinas, Ikalawang Edisyon
 Peregrino, J. et al. (2002) Minanga: Mga babasahin sa varayti at varasyon ng wikang
filipino. Quezon City: Unibersidad ng Pilipinas-Surian ng Wikang Pilipino.

Inihanda ni: Pinagtuunang pansin ni: Pinagtuunang-pansin at


pinagtibay ni:

JOAN A. MONFORTE, Ph.D MARITA S. MAGAT, PhD


Guro Program Director Dekana ng Kolehiyo

Modyul 13 LITERATURA NG REHIYON VII AT REHIYON IX

10 of 10

You might also like