You are on page 1of 14

Pagsusuri ng Maikling Kuwento

I. Pamagat ng Katha

“SANDAANG DAMIT”- ito ay isang maikling kuwentong isinulat ni Fanny A. Garcia at nagkamit ng
Ikatlong Puwesto sa Gawad Palanca taong 1972.

II. Buod ng Kuwento

SANDAANG DAMIT
Fanny A. Garcia
Buod:
May isang batang
babaeng mahirap. Nag-aaral siya at
kapansin-pansin ang
kanyang pagiging walang imik sa klase
at madalas na nakaupo lamang siya sa
isang
sulok. Siya ay madalas na
tinutukso ng kanyang mga kaklase
sapagkat pabalik-balik
lamang ang kanyang damit at kung oras
na ng kainan ay nakikita nila ang
kanyang baon
ay kapiraso lamang ng tinapay na
madalas pang walang palaman. Sa
tuwing siya ay
umuuwi sa kanilang bahay ay
sinasabi niya sa kanyang ina ang
kanyang dinaranas.
Totoong naawa ang kanyang ina
sa kanyang kalagayan. Sinasabi na
lamang nito sa
batang babae na ibibili na lamang
siya ng bagong damit at masarap
na baon kung
makakakuha na ng trabaho ang kanyang
ama. Dumating ang araw na
naintindihan na
niya ang kalagayan ng kanilang
pamilya. Hindi na niya sinasabi sa
kanyang ina ang
kanyang nararanasang panunukso mula
sa kanyang mga kaklase at natuto na
siyang
sarilinin ang kanyang
nararamdaman. Isang araw ay hindi
na nagtiis ng bata ang
panunukso ng kanyang mga kaklase at
natuto na siyang lumaban. Sinabi niya sa
kanila
na siya ay may sandaang damit sa
kanilang bahay. Hindi naniwala ang
kanyang mga
kaklase. Upang mapaniwala sila, inisa-
isa niya ang mga disenyo ng bawat
damit niya at
dahil dito ay naniwala na sila sa kanya.
Dulot nito, natanggap na siya ng
kanyang mga
kaklase. Naging kaibigan na siya ng
mga ito. Naging palasalita na siya at
hindi na siya
mahiyain. Minsan nga ay binabahagian
pa siya ng mga ito ng kanilang masarap
na baon.
Subalit, isang araw ay hindi nagawang
pumasok sa klase ng batang babae.
Nang lumipas
ang isang lingo ng kanyang pagliban ay
nagpasiya ang kanyang mga kaklase na
dalawin
siya sa kanilang bahay. Nang nakarating
sila ay nadatnan nila ang isang payat na
babae
at nakita nila ang isang bahay na
tagpi-tagpi lamang, luma at salat
sa marangyang
kagamitan. Sa isang sulok ay natagpuan
nila ang batang babae na nakahiga at
may sakit
pala. Sa tabi ng papag ay nakita nila ang
napakaraming papel na nakapaskil sa
dingding.
Nakita nila ang mga larawang tulad ng
binanggit ng batang babae. Totoong
naroroon ang
sandaang damit na ni minsan ay hindi
pa nila nasilayan. Sandaang damit na
pawang
drawing lamang
May isang batang babaeng mahirap. Nag-aaral siya at kapansin-pansin ang kanyang pagiging
walang imik sa klase at madalas na nakaupo lamang siya sa isang sulok. Siya ay madalas na
tinutukso ng kanyang mga kaklase sapagkat pabalik-balik lamang ang kanyang damit at kung
oras na ng kainan ay nakikita nila ang kanyang baon ay kapiraso lamang ng tinapay na madalas
pang walang palaman. Sa tuwing siya ayumuuwi sa kanilang bahay ay sinasabi niya sa
kanyang ina ang kanyang dinaranas. Totoong naawa ang kanyang ina sa kanyang
kalagayan. Sinasabi na lamang nito sa batang babae na ibibili na lamang siya ng
bagong damit at masarap na baon kungmakakakuha na ng trabaho ang kanyang ama.
Dumating ang araw na naintindihan na niya ang kalagayan ng kanilang pamilya. Hindi na
niya sinasabi sa kanyang ina ang kanyang nararanasang panunukso mula sa kanyang mga
kaklase at natuto na siyang sarilinin ang kanyang nararamdaman. Isang araw ay hindi na
nagtiis ng bata ang panunukso ng kanyang mga kaklase at natuto na siyang lumaban. Sinabi niya
sa kanila na siya ay may sandaang damit sa kanilang bahay. Hindi naniwala ang kanyang mga
kaklase. Upang mapaniwala sila, inisa-isa niya ang mga disenyo ng bawat damit niya at dahil dito ay
naniwala na sila sa kanya. Dulot nito, natanggap na siya ng kanyang mga kaklase. Naging kaibigan
na siya ng mga ito. Naging palasalita na siya at hindi na siya mahiyain. Minsan nga ay binabahagian
pa siya ng mga ito ng kanilang masarap na baon. Subalit, isang araw ay hindi nagawang pumasok sa
klase ng batang babae. Nang lumipas ang isang lingo ng kanyang pagliban ay nagpasiya ang
kanyang mga kaklase na dalawin siya sa kanilang bahay. Nang nakarating sila ay nadatnan nila ang
isang payat na babae at nakita nila ang isang bahay na tagpi-tagpi lamang, luma at
salat sa marangyang kagamitan. Sa isang sulok ay natagpuan nila ang batang babae na nakahiga
at may sakit pala. Sa tabi ng papag ay nakita nila ang napakaraming papel na nakapaskil sa
dingding. Nakita nila ang mga larawang tulad ng binanggit ng batang babae. Totoong naroroon ang
sandaang damit na ni minsan ay hindi pa nila nasilayan. Sandaang damit na pawang drawing
lamang.

III. Pagsusuri
A. Uri ng Panitikan
Ito ay isang maikling kuwento dahil ang kuwento ay umiikot sa isang particular na pangyayari
sa buhay ng isang tao lamang. Meron lamang itong isang impresyon at kakintalan.
B. Sangkap ng Maikling Kuwento 
a.Mga Tauhan:
Batang Babae- ang pangunahing tauhan sa kwento-nakakaranas ng
panunukso( round o bilugan)
Mga Kaklase- nanunukso sa batang babae (round o bilugan)
Ina- flat o lapad
 
b.Tagpuan- sa paaralan
-sa bahay ng batang babae
 
c. Banghay
Panimula-Nagsimula ang kwento sa paglalarawan ng may akda sa batang babae.
Inilarawan niya ito bilang isang batang walang imik, madalas na nag-iisa at
mahiyain. Ipinahayag din ang panunuksong nararansan nito.
d. Saglit na Kasiglahan-Nang unti-unti nang nakakaunawa ang bata sa kalagayan ng
kanilang pamilya. Pinili niyang sarilinin ang kanyang pagdaramdam at hindi
na siya nagsusumbong sa kanyang ina.
e. Kasukdulan-Nang natuto ng lumaban ang batang babae. Sinabi niyang mayroon
siyang sandaang damit sa kanilang bahay at nang hindi siya
pinaniwalaanay inisa-isa niyang ilarawan ang kanyang mga damit na ito.
f. Kakalasan-Ang kakalasan ng kwento ay nang maging kaibigan niya na ang kanyang
mga kaklase dahil sa paniniwala nilang siya'y may sandaang damit. Dito
ay binibigyan na siya ng kanilang baon at nawala na ang kanyang
pagiging mahiyain.
g. Wakas-Nagwakas ang kwento nang isang lingo ng lumiliban ang batang babae.
Nag-alala ang kanyang guro at mga kaklase kaya dinalaw nila ito sa kan yang
bahay. Nakita nila ang bata na may sakit at ang mga papel na nakadikit sa
pader, natagpuan nila ang sandaang damit ng bata na pawing mga drowing
lamang.

C. Uri ng Paglalahad
Ang uri ng paglalahad na ginamit sa maikling kuwentong ito ay pasalaysay at paglalarawan..
Isinalaysay ng may akda ang mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at gumamit ng
paglalarawan sa pamamagitang ng pagbuo ng mga pahayag na nakikita, nadarama at naririnig sa
pamamagitan ng imahinasyon.

D. Pagsusuring Pangnilalaman
Pagdulog Sosyolohikal
 1.Ang deskriminisasyon na nararanasan ng isang tao sa lipunan
Patunay:
"Ang panunukso ng kanyang mga kaklase ay hindi natatapos sa kanyang mga damit. Tatangkain
nilang silipin kung ano ang kan yang pagkain at sila'y magtatawanan kapag nakita nila na ang
kan yang baon ay isa lamang pirasong tinapay na karaniwa'y walang p alaman."
Patunay:
"Sa kanyang pagiging tahimik ay ipinalagay ng kanyang mg a kaklase na siya ay kanilang talu-
talunan kaya lalong sumidhi an g kanilang pang-aasar. Lumang damit. Di-masarap na pagkain.
Mahirap. Pilit na ipinasok nila sa kanyang isip."
Paliwanag:
Ipinapakita sa kwento na nangyayari ang deskriminisasyon sa lipunan maging sa mga paaralan. Sa
kwentong ito, palaging tinutukso ang batang babae dahil siya ay mahirap kaya nagdulot ito ng
pagbabago sa kany ang ugali.

Pagdulog Romantismo
 1. Ang pagmamahal ng ina sa kanyang anak.
 Patunay:
"Ang nangyayaring ito ay batid ng kanyang ina. Pag-uwi sa bahay, madas siyang umiiyak dahil sa
panunukso ng mga kaklase at siya'y nagsusumbong sa ina. Mapapakagat-labi ang kanyang ina ,
matagal itong hindi makakibo, at sabay haplos nito sa kanyang buhok at may pagmamahal na
sasabihin sa kanya, "Bayaan mo sila anak, kapag nagkaroon na ng trabaho ang iyong ama ,
makapagba baonka na rin ng masarap na pagkain. Mabibili rin kita ng maraming damit." 
Pagpapaliwanag:
 Ang kwento ay nagpapahayag ng masidhing pagmamahal ng ina sa kanyang anak. Makikita sa
kwentong ito ang nararamdaman ng isang ina sa tuwing nasasaktan o may masamang nangyari sa
kanilang anak. Ipinapahayag rin dito ang paghahangad ng mga ina ng nakabubuti para sa kanilang
anak.

Pagdulog Realismo
1. Kahirapan
Patunay:
Lumabas ang isang babaing payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Sila ay pinatuloy at nakita
nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat na salat sa marangyang kasangkapan 
Pagpapaliwanag:
Ang kwentong ito ay kakikitaan ng pangyayaring totoong nagaganap sa lipunan. Ang kahirapan ay
totoong nangyayari sa buhay ng tao.Sa kwentong ito, ang batang babae ay mahirap lamang kaya
salat siy a sa mga kagamitan tulad ng damit.2.
 2.Pagsisinungaling
Patunay:
“Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto ninyo ay sasabihin ko na lang
kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kung may ribbon o may bulaklak.” 
Pagpapaliwanag:
Sa kwentong ito, natutong magsinungaling ang bata dahil hindi naniya matiis ang ginagawang
panunukso ng kanyang mga kaklase. Sa realidad, totoong may mga taong nagsisinungaling dahil sa
ayaw nilang nalalamangan at gusto makasunod lagi sa uso.

E. Reaksiyon
Kakaiba ang maikling kwentong ito dahil bata ang nagsinungaling. Di tulad sa ibang kwento na
karaniwan ay matatanda ang palaging naghihiganti at gumagawa ng mga bagay na masama. Simple
lamang ang kwento pero naisalaysay naman ito ng maayos at mahusay, madali itong makakuha ng
pansin ng mga mambabasa.

SANDAANG DAMIT
Fanny A. Garcia
Buod:
May isang batang
babaeng mahirap. Nag-aaral siya at
kapansin-pansin ang
kanyang pagiging walang imik sa klase
at madalas na nakaupo lamang siya sa
isang
sulok. Siya ay madalas na
tinutukso ng kanyang mga kaklase
sapagkat pabalik-balik
lamang ang kanyang damit at kung oras
na ng kainan ay nakikita nila ang
kanyang baon
ay kapiraso lamang ng tinapay na
madalas pang walang palaman. Sa
tuwing siya ay
umuuwi sa kanilang bahay ay
sinasabi niya sa kanyang ina ang
kanyang dinaranas.
Totoong naawa ang kanyang ina
sa kanyang kalagayan. Sinasabi na
lamang nito sa
batang babae na ibibili na lamang
siya ng bagong damit at masarap
na baon kung
makakakuha na ng trabaho ang kanyang
ama. Dumating ang araw na
naintindihan na
niya ang kalagayan ng kanilang
pamilya. Hindi na niya sinasabi sa
kanyang ina ang
kanyang nararanasang panunukso mula
sa kanyang mga kaklase at natuto na
siyang
sarilinin ang kanyang
nararamdaman. Isang araw ay hindi
na nagtiis ng bata ang
panunukso ng kanyang mga kaklase at
natuto na siyang lumaban. Sinabi niya sa
kanila
na siya ay may sandaang damit sa
kanilang bahay. Hindi naniwala ang
kanyang mga
kaklase. Upang mapaniwala sila, inisa-
isa niya ang mga disenyo ng bawat
damit niya at
dahil dito ay naniwala na sila sa kanya.
Dulot nito, natanggap na siya ng
kanyang mga
kaklase. Naging kaibigan na siya ng
mga ito. Naging palasalita na siya at
hindi na siya
mahiyain. Minsan nga ay binabahagian
pa siya ng mga ito ng kanilang masarap
na baon.
Subalit, isang araw ay hindi nagawang
pumasok sa klase ng batang babae.
Nang lumipas
ang isang lingo ng kanyang pagliban ay
nagpasiya ang kanyang mga kaklase na
dalawin
siya sa kanilang bahay. Nang nakarating
sila ay nadatnan nila ang isang payat na
babae
at nakita nila ang isang bahay na
tagpi-tagpi lamang, luma at salat
sa marangyang
kagamitan. Sa isang sulok ay natagpuan
nila ang batang babae na nakahiga at
may sakit
pala. Sa tabi ng papag ay nakita nila ang
napakaraming papel na nakapaskil sa
dingding.
Nakita nila ang mga larawang tulad ng
binanggit ng batang babae. Totoong
naroroon ang
sandaang damit na ni minsan ay hindi
pa nila nasilayan. Sandaang damit na
pawang
drawing lamang

You might also like